Sixteen: Perfect

Walang Title

Magandang balita mga parekoy! Gumagalaw na ako! Nanliligaw na boss minjeong nyo!

 

Palakpakan!

 

Bahala na kung ano man isipin ng mga nakakasalubong ko today. Para kasi akong tangang naglalakad tas may pa bounce bounce pang nalalaman.

 

Nung isang gabi pa nga hindi ko tinantanan si yuji tinatanong ko kasi yung mga favorites niya. Ang sabi ba naman hulaan ko daw! Ginawa pa akong manghuhula!

 

Hindi ko na masyadong nakikita na umaaligid si Jeno. Si Jaemin naman paminsan minsan nagbibigay ng kung ano anong mga pagkain or gamit na useful para kay yuji.

 

Syempre hindi naman ako magpapatalo!

Pinalaki akong competitive ng mga magulang ko e! Hatid sundo ko kaya si yuji!

 

"May boyfriend ka na ba, Minmin?" napahawak ako sa dibdib sa gulat ko nang sumulpot ang tatay ko sa likuran.

 

Ito naman si papa hindi ako ready e!

 

Umiiling iling pa ako na akala mo matatanggal na yung leeg ko, "Wala no!" may matching pag no no pa ako ng mga daliri ko.

 

Grabe I sound so defensive po! 

Bakit naman kasi boyfriend pa? Pwede namang may girlfriend ka na ba, Minmin?

 

Syempre ang sagot diyan, 'Wala pa nanliligaw pa lang ako e!'

 

"Lagi ko kayo nakikita ni Beomgyu e. Akala ko tuloy boyfriend mo na siya." 

 

Papa Ew! Bestfriend ko yun.

 

"Akala ko nga din nanliligaw sayo si Yeonjun. Matagal ko na din kayong napapansin." nakatingin siya ng makahulugan sa akin na tila parang hinuhuli ako at inaalam niya if nagsisinungaling ako or hindi.

 

Papa ko napakaissue!

 

Papa, paghinalaan mo na lahat ng babaeng kasama ko wag lang lalaki! Baklang bakla ako oh!

 

"Papa, mga kaibigan ko po sila. Nothing more, nothing less." 

 

"Ang sa akin lang naman kung gusto mo magkajowa next time na lang, wag muna ngayon syempre. Focus ka muna sa studies mo, Minmin. Makakapagantay naman ang pagpasok sa isang relasyon e. Hindi ko pinaniniwalaan ang mga rumors around you kasi malaki ang tiwala ko sayo." 

 

Nakakaguilty naman pag si Papa ang nagsasalita ng ganito. Parang gusto ko biglang umatras at magtago. Mas masunurin talaga ako sa kanya pag sa gantong bagay.

 

Hindi ko na masagot si Papa. Hindi ko na kasi alam ano pa bang dapat kong sabihin. Nanliligaw na nga ako sa babae para magkajowa e. Yung mga rumors na binanggit niya ayun yung mga past rumors ko na may girlfriend ako which is true naman.

 

-

 

"Minjeong, ano anong subject yung due this week?" 

 

Napapakamot sa ulo si Ryujin. Hindi niya na kasi alam kung ano uunahin niya. Same vibes naman!

 

Hinalughog ko muna yung bag ko para hanapin yung notes ko. Mahilig kasi ako magtake notes dahil medyo makakalimutin akong tao.

 

"Mathematics and English. Ayun nakalagay sa notes ko." 

 

Tumatango tango naman si Ryujin.

 

"Natry mo na ba mangharana, Min?" 

 

Ang out of the blue naman nito ni Yuna. Akala ko pa naman seryoso siyang gumagawa ng activities tapos tatanungin lang pala ako if may experience akong mangharana.

 

"Bakit may haharanahin ka na?" May pawiggle wiggle pa ako ng eyebrows.

 

"Tanga ka! Ikaw kasi manghaharana! Isasuggest ko sana sayo tutal boring ka naman manligaw. Halatang walang experience, hatid sundo lang talaga teh? Wala na iba? Keep up naman tayo dyan!" 

 

Ano bang masama sa hatid sundo? Akala ko ganun lang yon e. 

 

"Have you tried giving her chocolates, Win?" Wow interesado na din si Aeri. 

 

Napaisip pa tuloy ako. Inaalala ko kung may binigay ba ako. 

 

"Meron akong binigay ang kaso…"

 

Flashback

 

Three days ago after magoffer ni yuji sa akin na sabay na kami every pasukan and uwian ay nakaisip ako ng napakabright na idea!

 

Naisipan kong dumaan sa 7/11 na malapit sa subdivision namin para bumili sana ng isang siopao at slurpee pero nagbago yung isip ko imbes na gastusin ko yung pinagipunan ko para sa sarili ko why not bumili ako ng chocolates para kay yuji?

 

Friendly gift kumbaga.

 

Bumili ako ng dalawa cadbury maliban kasi sa favorite ko yun malakas feeling ko na magugustuhan din yun ni yuji! Psychic ako e! Psaykik ba yon?

 

Pagdating ko sa bahay ay agad kong nilagay sa ref ang mga pinamili kong chocolates. 

 

Nakarinig ako ng mga yabag na pababa ng hagdanan.

 

"Minjeong." Pagtawag ni Papa sa akin.

 

"Po?" Lumapit siya sa akin at may inabot na box.

 

"Ayaw ng mama mo ng cellphone kaya bumili na lang ako niyan." binuksan ko ang box na inabot niya sa akin at laking gulat ko ng makita ko ang laman nito. 

 

"Hindi siya kasing handy ng mga cellphone pero magagamit mo yang tablet. Magaral ka ng mabuti para sa susunod cellphone naman ang ibibigay ko sayo." 

 

"Salamat, Pa! The best ka talaga!" 

 

Natatawang tumango tango lamang siya at tuluyan ng bumalik sa second floor. Excited naman akong binuksan yung tablet para idownload yung mga apps.

 

Sa sobrang tuwa ko pa ay di ko na napansin na naaliw ako sa pags-scroll sa facebook. 

 

Agaw pansin naman yung post ng isa kong kakilala. Sino nga ulit to? Ah! Pinsan ni Somi! Nagbebenta kasi siya ng crinkles. Natikman ko na yun dati kasi niregaluhan ako ni Somi non.

 

Umorder ako ng isang box ng crinkles balak ko sana ibigay yun kasabay ng chocolates.

 

-

 

Kinabukasan, pinagmayabang ko sa mga tropa ko yung bagong bili ni Papa na tablet.

 

"Bakit hindi na lang cellphone?" Paguungot pa ni Ryujin.

 

"Ayos na yan atleast meron ng gadget si Minjeong no! Makakapagreply na siya sa gc! End na ng ghosting era ni Minjeong!" Nagtawanan naman yung tatlong punggok habang ako dire diretso sa canteen.

 

"Ate Karla! Good morning!" Binati ko yung paboritonh tindera ko sa canteen namin. Nanay kasi ito ng isang kaklase namin kaya close kami sa kanya.

 

"Good morning din sayo, Winter! May bibilhin ka ba?" 

 

"Ay Ate Karla may papatago sana ako hehe. Papalagay po ako sa ref nyo. Dala dala ko po kasi yung chocolates ko pero mamaya ko pa po balak kainin. Pwede po ba magpalagay? Kahit bayaran ko nalang po kayo." Pagmamakaawa ko ayaw ko naman kasi ibigay kay yuji ng tunaw yung chocolates.

 

Mamaya pa kasing hapon idedeliver ni Ate Mina yung order kong crinkles. Bibigay ko nalang kay yuji pag uwian na. Tinanggal ko muna yung letter na nasa itaas ng chocolates ko at tsaka binulsa.

 

Gumawa kasi ako ng maikling letter kagabi. 

 

"Pwedeng pwede basta ikaw syempre suki kita e!"

 

"Salamat, Ate Karla! Pareserve na din po ako ng monggo for lunch. Lablots!" 

 

-

 

Hawak ko ng mahigpit yung box ng crinkles at chocolates. Tinalian ko pa ito ng ribbon at idinikit ko na yung letter sa taas.

 

Nandito ako sa tapat ng room namin para antayin na matapos yung klase ni yuji.

 

Music class pala ang last class nila. May nakikita kasi akong nagkakantahan. Naglilikot na yung mga kaklase niya sa loob kaya bumukas yung pinto. Nagsisigawan at nagtitilian ang lahat sa hindi malamang dahilan.

 

Hindi naman nila sinara yung pinto kaya sumilip ako. Chismosa ako e!

 

Maya maya pa ay tinawag si yuji.

 

"Yu Jimin, you're up next." Sabi ng guro nila na nakaupo sa unahan.

 

Napansin ko na halos lahat pala sila ay may kanya kanyang dalang instrumento. May gitara, flute, lyre, at may masipag pa nga na nagdala ng keyboard. May isa pang nakamicrophone!

 

Nahihiyang pumunta sa harapan ng classroom si yuji may bitbit siyang gitara.

 

"I will perform one of my favorite songs." Inayos niya ang pagkakaupo at huminga siya ng malalim.

 

"Say you won't let go by James Arthur."

 

Nagsimula siyang tumipa sa gitara niya at tinugtog ang intro nito. She looks so peaceful and beautiful. 

 

I met you in the dark, you lit me up

You made me feel as though I was enough

 

 

Ngayon ko lang siya narinig kumanta. 

Ang ganda ng boses.

 

We danced the night away, we drank too much

I held your hair back when

You were throwing up

 

She was smiling habang nakanta. Kaya lalo siyang gumanda. Feeling ko tuloy kinakantahan ako ng isang anghel. Aakyat na po ba ako, Papa G?

 

Then you smiled over your shoulder

For a minute, I was stone-cold sober

I pulled you closer to my chest

And you asked me to stay over

I said, I already told ya

I think that you should get some rest

 

Sinasabayan ko na yung kinakanta niya. Hindi naman rinig yung boses ko sa loob kahit bukas yung pinto nila. Saglit siyang napatingin sa gawi ko kaya napatahimik ako. 

 

I knew I loved you then

But you'd never know

'Cause I played it cool when I was scared of letting go

I know I needed you

But I never showed

But I wanna stay with you until we're grey and old

 

Hindi ko na namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan yung paghinga ko. Hindi ko na kinakaya kanina pa kasi siya nakatingin sa akin. Buong chorus nakatingin lang siya sa akin.

 

Just say you won't let go

Just say you won't let go

 

Saying that line while looking straight in my eyes sent shivers into my spine. Para bang nagpaparating siya ng mensahe.

 

Pasensya ka na, yuji. Hindi ko pa masabi e. Next time na lang.

 

-

 

"So nagenjoy ka ba?" Binigyan niya ako ng napakapilyong ngiti. 

 

"Saan?" Kunwari pa akong hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

 

"You were watching me sing kanina. I saw you. You were blushing pa nga e." 

 

Anong blushing? Hindi kaya!

 

"Mainit kasi sa hallway kanina. At tsaka ang tagal niyo maguwian kaya nakinood na lang ako" 

 

Tigil tigilan mo ako, yuji. Hindi mo ako mahuhuli dahil hindi ako magpapahuli! Nye nye!

 

Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi ko pa nabibigay yung kanina ko pa dapat nabigay. Nahihiya kasi ako! Susmaryosep talaga!

 

"Is that for me?" She was eyeing my left hand. Hawak hawak ko pa kasi yung chocolates at crinkles.

 

"Oo, may nagpapabigay kaklase ko." Inabot ko sa kanya yung chocolates at crinkles.

 

"Akala ko pa naman galing sayo, Winter." Nakita ko namang disappointed siya pero parang fake disappointed face ganon lam nyo yun?

 

"Bakit naman kita bibigyan ng ganiyan? Duh!" 

 

End of flashback

 

"So nagbigay ka na pero hindi mo naman sinabi na galing sayo at nung time na yun hindi ka pa formally nanliligaw?" 

 

Oo, Aeri. Kanina pa tayo paulit ulit dito iuuntog ko na kayo.

 

"Oo nga!" 

 

"Edi wala ka pa palang ginagawang move bukod sa hatid sundo mo na ginagawa niyo na dati pa.", napabuntonghininga na lang sa inis si Ryujin, "tapos ikekwento mo pa sa amin na kumanta at tumugtog siya ng gitara sa music class nila habang nakatingin sayo?"

 

Oo nga paulit-ulit, Ryujin!

 

"So hinarana kana ni Karina tapos ikaw wala pang ginagawang sweet! Yuck Minjeong! Hindi ka na namin tropa." Uma-acting pa na parang nasusuka si Yuna.

 

"Kami na nga gagalaw para sayo. Nakakaiyak ka e!" 

 

-

 

"Bilisan niyo naman maglakad! Padilim na oh! Ang kukupad niyo e!" Sigaw ni Ryujin sa di kalayuan. Aba Putangina! Pagod na pagod na kami maglakad e.

 

Inaya niya kasi kami sa birthday party ng inaanak niya. Hindi naman namin alam na napakalayo pala nitong pupuntahan namin. Akala ko kasi malapit lang yung nilipatang bahay nung inaanak ni RJ. Eepal lang naman kami dun. 

 

Nascam na naman ako! More like nascam kami! Kasama namin ang buong tropa. Binitbit ni Yuna si Lia kasi by partner daw ang pagattend ng party. Si Giselle naman ininvite si Ningning at ipinaalam pa sa mama niya. Ako syempre kasama ko si Yuji. Buti nga pumayag siya e!

 

"I should have brought my service na lang sana kung sinabi mong napakafar ng bahay na nilipatan ng inaanak mo, Shin!" Pawis na pawis na si Aeri. Nakakunot na din noo nito nagoffer din kasi siya na buhatin bag ni Ningning kahit tumanggi naman si Ning kanina. 

 

Nagbabardagulan lang naman si Yuna at Lia sa unahan namin. Naghahabulan pa sila kasi nilagyan ni Yuna ng bato yung bag ni Lia. 

 

"Putangina ka, Yuna! Maabutan lang kita ipapakain ko tong bato sayo!" Nanggagalaiting sigaw ni Lia.

 

"Edi sisigaw ako ng darnaaaaaa!" 

 

"Ding, akin na ang bato! Darna!" 

 

Chineck ko yung katabi kong kanina pa tahimik nakatingin lang siya sa mga kaibigan ko. Paminsan minsan siyang tumatawa or napapangiti dahil sa kalokohan nila.

 

"Yuji, kailan birthday mo?" Tutal papunta na naman kaming birthday party bakit hindi ko pa alamin kung kailan birthday niya hindi ba. Make it make sense mga mare!

 

"April 11. April 11,2000" 

 

Edi mas matanda siya sa akin ng one year!

 

"Dapat pala ate Yuji tawag ko sayo. Bakit pala hindi ka namin kabatch kung ganon?" 

 

"Trip ko magstop e." Nagkibit balikat siya at tumahimik na lang. 

 

Again, baka sensitive thing ulit nasabi ko.

 

"Malapit na tayo! Baka gusto niyo naman bilis bilisan ng onti ano!" Pagmamaktol ni Ryujin.

 

Ang panget ng ugali nito kasi siya lang walang partner sa amin. Hindi niya kasi kaya yayain si Yeji. Ang lakas ng loob mangasar sa akin na duwag ako at hindi marunong magmake move siya din naman ganon. Hipokrito ka, Shin!

 

Nakarating na kami sa bahay nung inaanak ni RJ. Sobrang daming bata!

 

"Hi po mga ate! Ang gaganda nyo po!" 

Ito yung bungad sa amin ng mga bulilit.

 

"Hi po! Crush po kayo ng kaibigan ko!"

Sabi nung lumapit na batang lalaki kay Yuji. Napangiti lamang si Yuji dito at pinapat sa head yung bata.

 

Bakit ang hilig nito magpat ng head? Ginagawa mo ba kaming mga aso mo?

 

Akala ko ba ako lang aso mo???

Teka, bat pati bata pinagseselosan ko?

 

"Ninang RJ!!!!" Ayan na yung inaanak ni RJ na si Haewon.

 

5th birthday ni Haewon ngayon. Anak kasi siya nung favorite instructor namin sa Science na si Ma'am Lee. Si RJ lang yung ginawang ninang dahil nagtago kaming tatlo pero kilala pa din naman kami nung bata.

 

"Ninang Aeri!!!" Lumapit siya kay Aeri at tsaka ito yumakap ng mahigpit.

 

"I have a gift for you, Haewonnie. Open it later." May inabot na box si Aeri kay Haewon.

 

When pa siya bumili niyan? E wala naman sa usapan namin magdala ng regalo? Grabe kana, Uchinaga. Hindi namin mareach ang richness mo!

 

"Thank you, Ninang Aeri!" Kumiss pa sa cheeks ni Aeri yung bata.

 

"Haewon my baby na super cute! Andito na si Ninang Yunaaaa." Inapproach ni Yuna yung bata pero tumakbo ito papunta sa akin.

 

"Ninang MJ, bullying po oh" natawa naman ako sa sinabi ni Haewon.

 

Inaaway kasi ni Yuna to dati. Si Yuna kasi sobrang competitive para sa baby title ng tropahan namin. Simula nung naging ninang si RJ lagi niya na pino-proclaim na si Haewon na ang baby ng tropa kaya nagmamaktol si Yuna at laging pinapaiyak si Haewon. 

 

"Lumayo ka nga sa bata, Yuna! Mukha ka daw monster! Rawr!" 

 

"E kung lagyan ko ulit ng bato yung bag mo, Lia panget?" 

 

Nagsimula na ulit silang maghabulan kaya natatawa na lang kaming lahat.

 

"Ninang MJ, wala ka gift for me?" Nagpapuppy eyes pa siya for me. Pasensya ka na, Haewon. Inuna kasi ni Ninang yung paghaharot kaya wala akong regalo para sayo. Hindi ako richness katulad ni Ninang Aeri mo.

 

"Wala po?" Nagpout na siya. Harujusko! Baka magtampo to sa akin!

 

"I'll sing a song na lang for you! Anong song gusto mo, baby?" 

 

She smiled widely. Ayan bumalik na yung saya niya hindi ko talaga kakayanin tantrums ng batang to. One time na nagbantay ako dito gusto ko na lang sumabay sa pagngawa niya e.

 

"Perfect! I like Perfect by Ed Sheeran" 

Excited niya pang sinisigaw yon tas nahuli kong nagkikindatan sila ni Ryujin.

 

Ano yang binabalak niyo ha?

 

Tumakbo na si Haewon papunta sa videoke at hinablot yung songbook sa batang lalaki na bumati kanina kay Yuji.

 

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bata. Hindi mo kasi nakekwento sa akin si Haewon." 

 

"Hindi ko din naman alam kung gusto mong magkwento ako about sa mga bata at journey ko in babysitting e." Natawa na lang si Karina uma-attitude kasi ako. Syempre malay ko bang nakikinig siya sa mga kwento ko duh.

 

"Ninang, song mo naaaaaa!" Inabot sa akin ni Haewon yung microphone.

 

Nagfist bump pa si RJ at Haewon. Natatawa na si Aeri at Yuna na tila akala mo ay may alam sa mga pangyayari. Nakangiti lang si Lia habang si Ningning parang kiti-kiti na kinikilig.

 

I found a love for me

Oh, darling, just dive right in and follow my lead

 

I looked at her while singing and she was smiling at me. Kinikilig ako super kaya minabuti kong ibalik  ang attention ko sa paligid at nakita ko na naghahanapan ng partner ang mga bata. Nagsimula na din magslowdance ang mga tropa ko. Sinasayaw naman ni RJ si Haewon.

 

 

Well, I found a girl, beautiful and sweet

Oh, I never knew you were the someone waiting for me

 

I offered my hand and bowed my head slightly. Just like what a gentleman should do when asking a lady to be his dancing partner.

 

'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

 

She nods her head as if she was saying yes to my silent request. We dance slowly as I sing the song. 

 

But darling, just kiss me slow

Your heart is all I own

And in your eyes, you're holding mine

 

Medyo nakakatawa tong pwesto namin yung left hand ko kasi nakahawak sa microphone kaya yung right hand ko nasa waist niya. Nakapatong yung mga kamay niya sa shoulders ko. Ang problema lang ay mas matangkad siya sa akin kaya medyo awkward tingnan. Okay lang maging awkward ang mahalaga we are smiling at each other as if we are just the only people in this world.

 

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favourite song

 

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

 

Nang matapos na ang kanta ay hinila ko siya papalapit sa akin.

 

"You look perfect tonight, yuji." I whispered right through her ears. Gusto ko siya lang makarinig non.

 

She was blushing na HAHAHAHA Ang cute sarap ibulsa talaga kainis!

 

"Hoy children's party to! Maghunos dili ka, Kim Minjeong!" Tinatakpan niya yung mata ni Haewon habang nakangiti sa akin. 

 

"Ayos plano ko diba" nagthumbs up pa si tanga.

 

Oo ayos na ayos. Salamat, RJ Sunbaenim.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
dakterchiyong
Hi xenxia na kau now lang nagupdate hell week namin e🤸 tapos prelims pa btw read well bawi ako next time (ende to bluff) lob u ol

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
536 streak #1
Chapter 31: Hii
BamBamOnce #2
Chapter 31: IIYAK AKO TANGINA IIYAK AKO, KASIII NAMAN EH
yukimin
#3
Chapter 31: sakit mo jimin hayst kulang na kulang pa sila sa communication tsaka limited pa rin alam nila sa isat isa kaya ganyan sana matutong mag open up si jimin green flag naman jowa mo beh kayang kaya ka intindihin niyan tamo si minju nakikisali naneto ni ante akala ko pa naman may character development na
howdoyouknowmee
536 streak #4
Hayy
TakuyaKen
#5
Chapter 31: Anu b tlga si Minju dto hanep bafterp n tropa eh
Maatt_booii #6
Chapter 31: Naku jimin ayusin mo yan ha!!
At ekaw naman minju napaka sus mo jusko, aminin mo na lang kasi na gusto mo si minjeong! Ekaw nga isa sa rason bakit naghiwalay din si jimin at yujin 🙄
iamriou_
1157 streak #7
Chapter 31: Luuuuh. pighati :(
osumnevercease
#8
Chapter 31: ayun lang awts
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 31: 💔💔💔😩
ryujinie__
690 streak #10
Chapter 31: Hoooy 😩😩 Hays, sakit naman. Tysm sa UD author 💛