Ikalimang Haka
Lagom.“Engineer, bakit parang lagi ka excited umuwi?”
Lumingon ako sa isa sa mga construction worker na nagtanong sa’kin. Oras ng lunch break at pare-pareho kaming nakatigil dito sa may tent sa malapit. Tirik na tirik ang araw, pakiramdam ko matutunaw ako kapag umalis ako sa pwesto ko.
“May naghihintay kasi sa’kin umuwi.” Napuno sila ng asaran at sigawan sa isinagot ko.
“Sino po ‘yun Engineer, boyfriend mo?” Isa sya sa mga bagong construction worker at agad din syang binigyan ng sapak nung isa sa mga kasama namin. Naawa ako bigla sa bata… hindi naman na sya ganun ka-bata pero ang alam ko kaka-18 nya lang last month.
“Bobo, asawa niya… si Ma’am Alice.” Napangiti agad ako sa pagkakabanggit ng pangalan ng asawa ko.
“Ito sya oh.” Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at ipinakita sa kanila ang wallpaper ko. Picture naming dalawa sa harapan ng Oblation statue.
“Nagtatrabaho po asawa nyo, Engineer?”
“Attorney sya.” Tumango-tango pa siya sa isinagot ko.
Sabay-sabay pa kaming napalingon nung may dumating na sasakyan. Wala naman sinabi si client na bibisita siya ngayong tanghali.
“Engineer, si Ma’am Alice yata ‘yan.” Saktong-sakto ang paglabas nya sa sasakyan, nakasuot pa ng sunglasses at may dalang bag.
Nilapitan ko agad at ipinatong sa ulo niya ang suot kong cap.
“Naligaw ka yata dito Miss?”
“Miss daw, I’m Mrs. Alvaro for your information.” Natawa ako sa sinabi niya.
“I brought you your lunch, you forgot sa table kanina. And I brought mine na rin, so we can eat lunch together.” Tinanggal ko ang suot kong company jacket sa ibabaw ng shirt ko at ipinatong ‘yun sa uupuan niya.
Puro alikabok at lupa dito dahil sa project.
“Bakit ‘di mo na lang ako tinawagan po?”
“You don’t want me here?” Dinig ko ang mahinang tawanan nung ibang workers sa biglang pagpapanic ko sa tanong ni Allison.
“Hindi po sa ganun, I mean, maalikabok dito baka mamaya magka-allergy ka.” Feeling ko sa’kin niya bigla itutusok ‘yung hawak nyang tinidor.
“Okay then… kasi I want to eat lunch with you here. I don’t regularly visit you at work naman, I just want to do it today. Besides, I've been reading my case files since kaninang morning.” Tumango-tango ako at binuksan ang dala nyang bottled juice, saktong-sakto naman na biglang natapon sa damit ko.
“So clumsy.” Tumayo siya at humugot ng tissue sa bag.
“Buti pala I brought an extra shirt for you huh…”
“Hindi naman na ‘ko bata, Lagi ko… bakit ka may dalang extra shirt?” Orange na orange ‘yung naiwang bakas nung juice.
“I told you before ‘di ba? I wanna baby you.” Natawa ako sa narinig ko. Oo nga naman, sinabi niya nung college kami… gusto nya daw ako i-baby. Napakainosente ko raw kasi madalas.
“Alam ko namang crush na crush mo ako.” Tinawanan nya lang ako at ibinato sa mukha ko ‘yung tissue.
Hindi ko alam kung anon
Comments