Balik tanaw

Lagom.
Please Subscribe to read the full chapter

Alam kong mangyayari ‘to… pero siguro nga umasa pa rin ako na baka nagkakamali lang ako, na baka hindi naman matutuloy.

 

Gusto ko man itanggi pero alam kong darating talaga sa gantong punto, na talagang dito ang destinasyon namin… hindi naman masama na naniwala ako ‘di ba? Hindi naman ipinagbabawal na hayaan ko ‘yung sarili kong mahulog ‘di ba?

 

Pero iba pa rin pala talaga kapag nandyan na ‘no?

 

Iba pa rin kapag nasa harapan mo na ‘yung senaryong dati iniisip mo lang at hindi mo binibigyan masyado ng pansin.

 

Ibang-iba kapag naririnig at nakikita mo na.

 

“I don’t deserve you. Just go. Please.”

 

Hindi ko alam kung saan ba ‘ko mas magagalit?

 

O dapat ba talaga akong magalit? 

 

Kasi ano bang mali? Nagmamahal lang naman ako.

 

“Ayoko, ayokong umalis. Dito lang ako.” Nakatitig lang ako sa kanya, at pinanood ang sunod-sunod na pagkurap niya para pigilan ang pag-iyak sa harapan ko.

 

Bakit ba kasi ang tigas-tigas mo Allison?

 

Nandito naman ako.

 

Gustong-gusto kitang saluhin, gustong-gusto kitang samahan, at damayan… bakit ba pinipigilan mo pa rin ang sarili mo?

 

“Nung unang beses kang nawala, nandito lang ako… hindi ako umalis. Kahit nung pangalawa pa… hindi ako umalis kung saan mo ‘ko iniwan, Allison at hinding-hindi ako aalis.”

 

Hindi ko na rin alam kung tama bang nandito kami ng alas diyes ng gabi, sa likuran ng Oblation statue.

 

“‘Wag mo ‘kong itulak palayo… just because you’re breaking inside, Allison. Kahit bigyan mo ‘ko ng libu-libong rason kung bakit kita dapat iwanan, hindi ako aalis. Hinding-hindi…” Hindi siya nagsasalita, hindi ko alam kung dapat bang sinasabi ko ‘to pero… ito na eh, ito ‘yung mga gusto kong malaman at madinig niya.

 

“Wala akong pakielam kahit ilang beses kang malugmok, hayaan mo lang ako dito… hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo.”

 

Bakit ba napakadaya mo, Allison?

 

Gusto ko dito, gusto ko sa tabi mo… gusto kong nandito ako para maging takbuhan mo. Gusto kong hayaan mo akong saluhin ka sa tuwing pakiramdam mo hindi mo na kayang magpatuloy.

 

“Tigilan mo naman na ang pagtutulak sa’kin palayo oh… hayaan mo naman akong mahalin ka.” Nakailang lunok ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko dahil hindi ito ang tamang oras para dito… hindi pa.

 

Hindi ko na nga inasahan ‘yung pagdating mo, pati ba naman pag-alis mo, bigla din?

 

Dapat ba talagang matapos ‘to?

 

“Let’s stop here na…”

 

Parang gumuho agad ang mundo ko nung marinig ko ‘yun sa kanya. Pwede namang mawala na lang siya muna ulit at bumalik kapag okay na ‘di ba?

 

Pwede namang ‘wag na lang tapusin at ‘wag na rin magpaalam… bakit dapat pang mangyari ‘to?

 

“Bakit?”

 

“We’ll end up losing each other anyway…” 

 

Hindi ba pwedeng ‘wag muna?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for staying with Allison and Alistaire, til next time! - @yeojaszero on twt
https://twitter.com/yeojaszero/status/1522927092161073152?s=20&;;t=D7qEfWY6Dq7ddrJNaXPGwQ - ALISTAIRE'S NOTE
playlist - https://open.spotify.com/playlist/6TOEzXzVZIULvOKXAuzuAl?si=afccd61d79ac4eda

Comments

You must be logged in to comment
kaiclip #1
Chapter 10: 🥹
IceWolf23 #2
Chapter 1: 💗
karinasaurus11
47 streak #3
Chapter 20: ♥️♥️♥️
karinasaurus11
47 streak #4
Chapter 13: Lagot nagselos si Allison 🤣
karinasaurus11
47 streak #5
Chapter 2: Ang cute nila 🥹
theia-quinn
#6
Chapter 19: Oh to be loved so purely like this 🥹🥹
justsomeanimelover
#7
Chapter 21: Kung pwede ko lang to i upvote ng marmaing maraming beses eh 😭🤧 this is the kind of story i needed right now haayyyy grabe ang ganda ng story nila Allison and Alistaire 🤧 and opkors with Baby Luna
justsomeanimelover
#8
Chapter 20: tanginaa nakakaiyak 😭 GRABE ANG ANO ANO NILA HUHU NAIIYAK AKO
justsomeanimelover
#9
Chapter 19: put—- * umiyak* GRABE KA ALLISTAIRE 😭😭 NAIIYAK AKO SHETT FEELING KO IIYAK AKO SA PREQUEL NITO HUHU GRABE ANG SAKIT HA
justsomeanimelover
#10
Chapter 18: Pwede ba mag ma ampon na lang din