Ika-siyam na Haka

Lagom.
Please Subscribe to read the full chapter

Tinalo ko pa yata ang batang excited na bumili ng laruan after ng hearing ni Allison. Nagpunta kami sa hospital kung nasa’n si Baby Luna. She’s a two-month old na baby girl. 

 

Ingat na ingat pa ‘ko nung pinayagan ako nung nurse na buhatin siya for a moment. Nakatitig lang siya kay Allison the whole time, parang tinatanong kung okay lang ba na ako ‘yung may hawak sa kanya or dapat na ba siyang umiyak.

 

“It’s okay, baby… she won’t bite..” Napatingin naman agad ako kay Allison na halata mong natutuwa pa sa fact na sinabihan nya ‘yung sanggol na ‘di ako nangangagat. Mukha ba ‘kong asong ulol na mangangagat!?

 

Hindi rin naman kami nagtagal sa hospital, naka-schedule na pala ang pagkuha namin sa kanya next week at niyaya ko agad si Allison na bumili ng gamit ni Luna.

 

Actually, taga-tulak lang talaga ako ng cart habang siya ‘yung nagtitingin ng gamit.

 

“Her room’s gonna be filled with white ‘no?” Nilingon ko si Allison. Abala siya sa pagtitingin ng crib.

 

“Oo para malinis tingnan.” May spare room kami sa bahay… pero buti na lang pala may nai-prepare na rin ako for the future.

 

“It’ll be malinis too if it’s another color.”

 

“May naiisip ka bang kulay Lagi ko?” Tanong ko agad. Palagi kong kino-consider ang mga gusto niya pagdating sa mga gantong bagay, malaki man o maliit. Hindi naman porket ako madalas ang gumagastos sa bahay, hindi ko na iisipin kung aagree ba siya sa changes.

 

“Nothing naman… I guess white is good naman na.” ‘Yung basic things lang muna binili namin para ma-set up sa spare room, lilinisin pa rin naman namin ‘yun. May mga imo-move kaming gamit at tatanggalin para sa gamit ni Luna.

 

Habang nagbabayad kami naisipan ko lang itanong ‘yung name ni Luna.

 

“Luna Elea? Tumingin lang sa’kin si Allison at ngumiti.

 

“Yes po, remember when I said I like the name ‘Luna’?” Napag-usapan namin ‘yun nung nasa college pa lang kami.

 

Kung anong natipuhan niyang pangalan… we had a lot of plans, and thankful ako na siya pa rin ‘yung kasama ko ngayong tinutupad ko ‘yun.

 

Kasi kung hindi man siya, ‘wag na lang.

 

“Elea means brightest one, so I want her to be the brightest moon.” Sagot niya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Sinigurado kong magkakasya lahat sa backseat at sa spare compartment sa likod.

 

“And she’s using your surname, just like I do.” Awtomatiko ang pagngiti ko sa sinabi niya. Mababaw na kung mababaw para sa iba pero pake ko sa kanila.

 

“Naisip ko lang pala… e’di tapos na ‘yung time na masosolo kita.” Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko. Kailangan ko rin naman ng atensyon ng isang Atty. Alice Alvaro… soon-to-be Mommy Alice.

 

“You’re still my main priority.” Joke lang. Gets ko naman na mas kailangan ni Luna ‘yung time naming dalawa.

 

“We’ll still have time for each other naman, love…” Napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang pag-ngiti.

 

Matagal na kaming magkasama, pero iba pa rin ang epekto ‘pag naririnig ko ‘yung word na ‘love’ as an endearment basta galing sa kanya. Parang binabalik lang ako sa college days namin, ‘yung epekto ng mga biglang pagsasabi niya sa’kin ng ‘I love yous’.

 

“I love you.” Nilingon ko siya nung sumaktong red ang traffic light.

 

Ngumiti siya at binigyan ako ng halik sa labi.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for staying with Allison and Alistaire, til next time! - @yeojaszero on twt
https://twitter.com/yeojaszero/status/1522927092161073152?s=20&;;t=D7qEfWY6Dq7ddrJNaXPGwQ - ALISTAIRE'S NOTE
playlist - https://open.spotify.com/playlist/6TOEzXzVZIULvOKXAuzuAl?si=afccd61d79ac4eda

Comments

You must be logged in to comment
kaiclip #1
Chapter 10: 🥹
IceWolf23 #2
Chapter 1: 💗
karinasaurus11
47 streak #3
Chapter 20: ♥️♥️♥️
karinasaurus11
47 streak #4
Chapter 13: Lagot nagselos si Allison 🤣
karinasaurus11
47 streak #5
Chapter 2: Ang cute nila 🥹
theia-quinn
#6
Chapter 19: Oh to be loved so purely like this 🥹🥹
justsomeanimelover
#7
Chapter 21: Kung pwede ko lang to i upvote ng marmaing maraming beses eh 😭🤧 this is the kind of story i needed right now haayyyy grabe ang ganda ng story nila Allison and Alistaire 🤧 and opkors with Baby Luna
justsomeanimelover
#8
Chapter 20: tanginaa nakakaiyak 😭 GRABE ANG ANO ANO NILA HUHU NAIIYAK AKO
justsomeanimelover
#9
Chapter 19: put—- * umiyak* GRABE KA ALLISTAIRE 😭😭 NAIIYAK AKO SHETT FEELING KO IIYAK AKO SA PREQUEL NITO HUHU GRABE ANG SAKIT HA
justsomeanimelover
#10
Chapter 18: Pwede ba mag ma ampon na lang din