Ika-labintatlong Haka

Lagom.
Please Subscribe to read the full chapter

Halos mataob ko na ang buong office ko sa pag-papanic. May mga e-mail ako na kailangan basahin at reply-an, at may urgent call na kanina pa nagri-ring ang work phone ko. Pero biglang umiyak si Luna at ayaw tumahan.

 

Ako ang nagsama muna sa kanya dito sa office, since may importanteng trial si Allison na need puntahan. Kaninang umaga pa siya wala, and okay naman si Luna kanina. Hindi siya nagtatantrums, akala ko nga okay na… 

 

Kaso after lunch, pagtapos namin parehong mag-lunch, syempre gatas lang muna kanya, nagsimula na siyang umiyak.

 

Sure naman akong napa-burp ko siya bago ko ibinalik sa crib niya na dinala ko muna dito. Binuhat ko siya agad para patahanin pero tuloy lang siya sa pag-iyak. Wala pa si Allison, jusko.

 

Nakailang silip na ‘yung ibang engineers, at architects dito sa office ko para itanong kung may gusto ba ‘ko ipabili para kay Luna. Para saan naman?

 

Kanina ko pa sinusubukan patigilin ang pag-iyak ni Luna, hindi naman issue ang diaper since kakapalit ko lang, sure din naman ako na busog sya, at ayaw naman mag-sleep sa balikat ko. Ano pa bang dapat kong gawin!?

 

“Luna, ano bang problema natin po?” Feeling ko naririndi na ang buong floor sa lakas ng iyak ng batang ‘to. Pero puro lalaki naman nandito, at mukhang sanay na sila sa mga iyak ng bata dahil prenteng-prente lang ang paggawa nila ng plates at pag-rereview ng files.

 

Inilabas ko si Luna sa office, natigil saglit ang iyak niya… at akala ko tapos na dun.

 

Nag-prepare lang pala siya sa mas malakas na iyak.

 

Napalingon sa’kin lahat ng mga kasama namin. Kitang-kita ko pa ang pang-aasar nung ibang batchmate ko dito sa floor.

 

“Astig mo lalo, Alice…” Itinaas ko ang kamao ko at tinawanan lang ako ng iba naming kasama sa floor.

 

“Luna, tahan ka na oh… look oh, daming cars sa labas.” Tumayo ako malapit sa glass wall. Akala mo naman talaga tinitingnan ni Luna ‘yung mga sasakyan sa labas… nakatitig lang siya sa’kin at umiiyak.

 

May nakakaiyak ba sa pagmumukha ko? Hindi naman ako mukhang aswang ‘di ba?

 

Takot ba sa’kin ang anak ko?

 

“Aww, come here… akin na Alistaire.” Napalingon ako sa dumating na babae.

 

Bakit ang tagal ni Allison? Hindi pa ba sila tapos?

 

Ipinabuhat ko sa kanya si Luna at bigla namang tumahan ang batang ‘to… may galit ba siya sa’kin?! Bakit hindi siya tumahan kanina?!

 

Nakatitig lang siya sa’kin at parang magsisimula na naman yata siyang humikbi kaya wala sa oras na napa-make face ako.

 

Hindi ko alam kung astig  pa ba ‘kong tingnan pero bahala na, ‘wag lang umiyak ang anak ko!

 

“Luna, gusto mo ginagawang clown si Mommy ‘no?” Tanong ko pa habang sinusubukan siyang patawanin.

 

Pagkatapos ng ilang subok, nakita ko na ulit ang gums niya at pumikit-pikit pa siya.

 

Sa wakas!

 

Nakangiti lang ako sa kaniya habang pinapatawa siya.

 

“Anak mo siya? Cute…” Tumango lang ako sa tanong nung may hawak sa kanya, si Nica. Batchmate ko siya… actually, kaklase ko before sa ilang subjects nung freshmen year, same department and course kami but nag-shift sya.

 

“Yes…” Nakangiti lang akong nakatitig kay Luna.

 

Pero mas mabilis pa yata sa alas-kwatro nung biglang may kumuha kay Luna.

 

“Allison… nandyan ka na pala…” Umirap lang siya sa’kin at umalis kasama si Luna.

 

Parang alam ko na agad kung bakit naging ganun ang reaksyon niya. Tiningnan ko na lang si Nica na hindi naman na nagulat at napatawa na lang.

 

Hindi ako agad nakasagot sa itinanong niya sa’kin. Pa’no ko ba ‘to sasabihin?

 

“So you did have in-between girls…” Natahimik siya at nakatitig lang sa’kin. 

 

“I… Meron, isa… pero hindi ko na siya kinakausap.” Hindi siya nagsalita.

 

Damang-dama ko ang kabog sa dibdib ko.

 

Walanghiya, makikipaghiwalay ba siya sa’kin?

 

“Tell me about her…” Jusko.

 

“Hindi ko intensyon, Allison… hindi kita sisisihin. I know that what I did was wrong and you, disappea

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for staying with Allison and Alistaire, til next time! - @yeojaszero on twt
https://twitter.com/yeojaszero/status/1522927092161073152?s=20&;;t=D7qEfWY6Dq7ddrJNaXPGwQ - ALISTAIRE'S NOTE
playlist - https://open.spotify.com/playlist/6TOEzXzVZIULvOKXAuzuAl?si=afccd61d79ac4eda

Comments

You must be logged in to comment
kaiclip #1
Chapter 10: 🥹
IceWolf23 #2
Chapter 1: 💗
karinasaurus11
47 streak #3
Chapter 20: ♥️♥️♥️
karinasaurus11
47 streak #4
Chapter 13: Lagot nagselos si Allison 🤣
karinasaurus11
47 streak #5
Chapter 2: Ang cute nila 🥹
theia-quinn
#6
Chapter 19: Oh to be loved so purely like this 🥹🥹
justsomeanimelover
#7
Chapter 21: Kung pwede ko lang to i upvote ng marmaing maraming beses eh 😭🤧 this is the kind of story i needed right now haayyyy grabe ang ganda ng story nila Allison and Alistaire 🤧 and opkors with Baby Luna
justsomeanimelover
#8
Chapter 20: tanginaa nakakaiyak 😭 GRABE ANG ANO ANO NILA HUHU NAIIYAK AKO
justsomeanimelover
#9
Chapter 19: put—- * umiyak* GRABE KA ALLISTAIRE 😭😭 NAIIYAK AKO SHETT FEELING KO IIYAK AKO SA PREQUEL NITO HUHU GRABE ANG SAKIT HA
justsomeanimelover
#10
Chapter 18: Pwede ba mag ma ampon na lang din