If This Is A Bad Horror Movie (let me love you)
Winter, Spring, Summer, Pa-fallSummary: Napilitan si Karina sumama sa trip ni Winter mag-ghost hunting isang gabi.
“Wag ka maingay.” Saway ni Winter kay Karina, tinaas niya pa ang isang daliri at tinapat sa kanyang bibig nung nilingon niya si Karina na nakakapit ng mahigpit sa likod ng jacket niya.
“Hindi naman ako nagsasalita.” Gigil na pag-nudge ni Karina sa likod ni Winter.
“Naririnig ko yung paghinga mo.” Kunot noong sagot ni Winter.
“Ano gusto mo? Hindi ako huminga?” Taas kilay at masungit sa sagot ni Karina.
Nandito sila ngayon sa labas ng gate ng mataas na abandoned house.
Kilala ito sa lugar nila na haunted kaya walang may lakas ng loob pumunta dito.. except kay Winter at Karina.
“I mean, i-chill mo lang… saka wag ka masyado madikit sa akin.” Pagtaas pa ng palad ni Winter.
Patulak naman na binitawan ni Karina ang jacket ni Winter na kanina ay mahigpit niyang hawak. “Then just do this on your own.”
Mag-wwalk out na sana si Karina pero mabilis na nahawakan ni Winter yung wrist nito at pinigilan. “Hep… gagawin natin ‘to together diba? Walang aalis.”
Pilit naman binabawi ni Karina ang pagkahawak sa kanya ni Winter pero madiin ang pagkakapit nun. “Eh, ba’t ang dami mo kasing arte? Sana si Giselle na lang sinama mo.”
Seryosong nilingon ni Winter si Karina. Lumapit pa siya ng konti dito at mahinang sinabi, “Ikaw ang gusto ko kasama.”
Inayos ni Winter ang pagkahawak sa wrist ni Karina at pinagsalikop ang kanilang mga daliri.
She was now holding Karina’s hand, fingers intertwined.
Tumingin saglit si Karina sa maghawak nilang kamay.
Hindi nagpapatinag si Winter, deretso lang siyang nakatingin kay Karina.
Napa-scoff si Karina. Hinigit niya yung kamay niya sa pagkakahawak ni Winter pero hindi niya matanggal iyon. “Yan ang hirap sa’yo, Winter. Masyado kang mapilit sa mga trip mo. Dinadamay mo pa ko. You always make me do things… silly things.”
Napangisi si Winter. “Ginagawa mo naman.”
“Napipilitan lang ako!” Reklamo ni Karina, masama na ang tingin niya kay Winter.
Lumapit ulit si Winter kay Karina kaya napa-atras ng hakbang si Karina at napasandal siya sa may wall.
Ang lapit na ng mukha nila sa isa’t isa ni Winter.
“I doubt na napipilitan ka lang. If I know… you secretly enjoy me. I mean, being with me.” Napatingin si Winter sa labi ni Karina.
“Ang yabang mo...” Sabi ni Karina on Winter’s face.
“Cute naman.” Mahinang pagtawa ni Winter. Tapos sumeryeso na ulit siya ng itsura. Nilapit niya ulit ang mukha niya kay Karina. “Now.. itutuloy na ba natin ‘to o mag-aaway lang tayo dito?”
Nakawala si Karina sa pagkawak ni Winter at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa dibdib nito para maitulak palayo. “Fine. Pero wag ka ng lalapit ulit sa mukha ko.”
Napangisi ulit si Winter pero sinu-survey na niya ang paligid. Tahimik at walang katao tao except sa kanila ni Karina. Medyo madilim at ang tanging liwanag lang ay yung isang posteng basag sa may di kalayuan. “Ano bang klaseng paglapit yung gusto mo? Yung ganto...” Nginuso ni Winter ang labi niya.
“You wish.” Flat na sagot ni Karina.
Winter chuckled again at nilabas na niya ang cellphone niya.
Nag-start na siya i-video ang labas ng abandoned na bahay.
Yun ang purpose ng pagpunta nila dito, they will gather video clips and review them later for any sign of paranormal activity.
Winter is very interested in these kind of things and if ever man na may makuha sila, she will pursue this research.
Perfect dahil gabi pa sila pumunta.
Perfect dahil si Karina ang sinama niya.
It’s like a date… sort of.
She admits, she really likes teasing Karina pero… crush na crush niya din naman talaga ito.
Sinimulan na ni Winter buksan ang gate pero hinawakan siya bigla ni Karina sa braso.
Nilingon niya ito at nagtatanong ang mga matang tiningnan.
“I don’t think this is a good idea, Winter… this is trespassing.” Sabi ni Karina na may halong panic ang boses.
“Matagal ng walang nakatira dito, Rina.” Sagot ni Winter. Nilahad niya ang palad niya kay Karina, “Hold my hand?”
Napatingin si Karina sa kamay ni Winter pero kinuha din nito iyon.
Magkaholding-hands na ulit silang dalawa habang pinipihit naman ni Winter ang handle ng kinakalawang na gate, malakas at nakakangilo ang tunog nun.
Nung nabuksan na nila ang gate, tumambad sa kanila ang porch na sobrang kalat ng mga kung ano anong sirang appliances at mga punit punit na libro.
The place was really abandoned, yung parang iniwan na lang ng may-ari dahil wala ng pag-asa ang bahay na maisalba pa.
No one also even dared to live on it again.
Naramdaman ni Winter ang panginginig ng kamay ni Karina, ang lapit at ang dikit na rin nito sa kanyang likod.
“Winter…” Bulong ni Karin
Comments