Oh baby, baby, baby, my baby, baby
Minsan, ayos lang magpaalamIf you ask Seulgi when was the particular moment where she knew she fell in love with Jennie, she will not be able to answer you - it's because she fell in love with her not because of one grand gesture or one spectacular memory, but because of little things.
Little, simple things like yung pagtatanong sa kanya ni Jennie ng kumusta, paghatid sa kanya sa kung saan para hindi siya mawala, yung pakikinig sa kanya.
And, really just for being there.
Pero hindi kaya tumaya ni Seulgi. Ang nakagisnan lang niyang pagmamahal ay yung pagmamahal na kailangan niyang itago.
Tama si Joy - isang mukha pa lang ng pag-ibig nakita niya, kaya hindi niya alam kung paano sumugal dahil ang alam lang niya ay ang pag-ibig na hindi naibalik sa kanya.
Pero sa pagmamahal, ang hindi mo kaya gawin ay kayang gawin ng iba.
Lalo na kung mahal ka rin nila.
Sunday - it's but only 7 in the morning when Seulgi heard someone ring her doorbell.
"Saglit, saglit," sabi niya habang pumupungas-pungas pa ang mga mata at naka-bear-print pajama.
Pagkabukas niya ng pinto, nandun si Jennie, may hawak na gitara.
"Ano 'yan?" takang tanong niya.
"Manghaharana lang po sa umaga," sagot ni Jennie.
"Siyempre national anthem na natin nung mga bata tayo yung oh baby, baby o 'Can't Lose You' ng F4, pero narinig mo na ba English version nito?"
Napailing si Seulgi.
Jennie strummed her guitar and began to sing
Comments