My First and Last

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

"Someone you wanted to be your first and last?"

"Lee Sian?, sorry hindi ako sigurado hahahahahaha."

"Kwon Eunbi?, sana hahahahahaha"

 

-----------------------------------------------

"Anong pangalan niya?" tinuro nito yung isa sa dalawang babae na nagtuturo ng sayaw.

"Saan diyan, yung maliit o yung matangkad?" tugon ng kaibigan niya.

"Yung maliit."

"Kwon Eunbi."

"15 minutes break!" sigaw ni Eunbi.

"Lapitan mo na, para naman hindi masayang yung pagtambay natin dito sa gym."

"Hindi sa interesado ako sa kaniya, gusto ko lang malaman yung pangalan niya." tumayo na ito at naglakad palayo sa kaibigan niya.

"Yah!! Lee Sian, Kwon Eunbi nga yung pangalan niya!!" naagaw nito ang atensyon ng lahat nang nasa gym.

"Tss." bulong ni Sian bago tuluyang lumabas ng gym. "Sh!t." nagmamadali siyang tumakbo palayo sa gym dahil sa kahihiyan.

"Anong meron?" tanong ni Chaeyeon kay Eunbi.

"Hindi ko rin alam, basta narinig ko na lang yung pangalan ko." nagkibit balikat pa si Eunbi bago uminom ng tubig.

Nang bumalik na sila Eunbi sa pagpa-practice ng sayaw, naka-pokus pa rin si Eunbi sa pagtuturo, habang yung mga estudyanteng nasa loob ng gym pinag-uusapan pa rin yung nangyari kanina.

"Lee Sian." bulong ni Eunbi.

"Hanggang doon na lang muna tayo, Yena at Yujin, pwede bang itigil niyo yung paghaharutan kapag nagpa-practice tayo." inis na saad ni Chaeyeon. "Unnie pupunta na ako sa shower room, kita na lang tayo bukas."

"Chaeyeon, sandali." hinintay ni Chaeyeon yung sasabihin ni Eunbi. "Ingat kayo sa pag-uwi." natawa si Chaeyeon.

"Syempre naman unnie, kayo rin."

Inayos na ni Eunbi yung mga gamit niya bago lapitan si Chaewon na kanina pa nabuburyo sa kinauupuan niya.

"Tara na?" tumango lang si Chaewon at tumayo na. "Bakit ayaw mong sumali sa dance troupe." natawa si Chaewon.

"Pangalan pa lang nakakawalang gana nang sumali, tsaka pagkanta naman yung gusto ko."

"Bakit hindi mo subukan na mag-audition sa music club?" umiling si Chaewon. "You should try to sing in front of the people again, what happened years ago will never affe-"

"What happened that day, will hunt me until I die." nilagay ni Chaewon yung mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng suit niya. "Kung kaya mong mapahiya nang ilang ulit sa harap ng maraming tao, pwes ako hindi."

"Sino namang nagsabi sayong napahiya na ako sa harap ng maraming tao?"

"Yung nangyari kanina, nakakahiya na yun." natatawang sambit ni Chaewon.

"Anu namang nakakahiya dun, hindi naman ako yung sumigaw."

"Pero pinag-bubulunga ka ng mga estudyante kanina." tumango si Eunbi.

"Bakit sa ating dalawa ikaw ata yung nahihiya sa nangyari kanina." napalunok si Chaewon.

"Yuko!" agad na yumuko si Chaewon kaya kay Eunbi tumama yung bola ng soccer.

"Hahahahahaha, yah Eunbi-unnie." napahawak na si Chaewon sa tsyan niya dahil sa kakatawa.

"Sabi nang yuko, ayos ka lang?" inis na tinignan ni Eunbi yung nagsalita.

"Ikaw kaya tamaan ko ng bola sa mukha, magiging maayos ka? Tsaka parang galit ka pa, ikaw na nga yung nakatama."

"Una sa lahat, hindi ako yung sumipa sa bolang tumama sayo. At pangalawa, naglalakad kayo sa soccer field." napatingin si Eunbi sa paligid nila bago tignan nang masama si Chaewon.

"Huwag kang tumigil sa pag-tawa."

"Sorry kung natamaan ka, pero may practice pa kasi kami kaya mauuna na ako." tumakbo na yung babae palayo sa magkapatid.

'Lee Sian'

Yun yung nakasulat sa likod ng jersey nung babae.

"Lee Sian?"

"Eunbi, Chaewon." napatingin silang dalawa doon sa tumawag sa kanila.

"Ano na namang ginagawa niya dito?"

"Chaewon-ah, that's our mom." hinila ni Eunbi ang kapatid niya palapit sa ina nila.

"Get in." sumunod lang silang magkapatid.

"Not again." tumingin si Eunbi sa kapatid niya nang bumulong ito.

"Anong sabi mo?"

"That girl, might get suspended or dropped out." inayos ni Chaewon yung necktie niya.

"Bakit naman?" hindi makapaniwalang napatingin si Chaewon kay Eunbi.

"Pagkatapos kang matamaan ng bola, tingin mo hahayaan lang ni mom yung nangyari?" pinag-krus ni Chaewon yung mga braso niya. "Bakit kasi hindi ka yumuko." nagsuot ng earphones si Chaewon at itinodo yung volume ng kantang pinapakinggan niya.

Hanggang makarating silang mag-iina sa bahay nila hindi pa rin maalis sa isip ni Eunbi yung sinabi ng kapatid niya.

"Don't try to ask her not to do it." saad ni Chaewon bago pumasok sa kwarto niya.

"Yow noona, kasama niyo si mom?" tumango lang si Eunbi. "Dapat pala kanina pa ako umalis." naglakad na si Felix palayo kay Eunbi.

"Felix?" tinignan ni Felix yung kapatid niya. "Saan ka pupunta?"

"Mag-iikot ikot lang ako kasama yung mga kaibigan ko, don't worry noona I'll be home safe and sound." pumasok na si Felix sa kwarto niya.

*Anong gagawin ko, paano kung ma-suspend nga talaga yung babae.* bumuntong hininga si Eunbi bago pumasok sa kwarto niya.

Humiga si Eunbi sa kama niya.

"Kung ano man maging desisyon sa kaniya, wala na akong magagawa dun. Ang kailangan ko makapag-pokus sa pag-aaral at sa dance troupe." pumikit si Eunbi. "Lee Sian." bumangon siya at binuksan yung drawer ng study table niya.

Kinuha niya yung yearbook niya nung nasa primary school pa siya.

"Lee Sian." tinignan niya isa isa lahat ng estudyante kada page ng yearbook. "She's not here." binalik ni Eunbi sa drawer yung yearbook niya. "Pero bakit pamilyar siya sa'kin."

Nagpalit na muna si Eunbi ng damit bago muling bumalik sa kama niya.

"Unnie, kakain na daw tayo."

"Sabihin mo na lang nakatulog na ako." nagtaklob ng kumot si Eunbi.

"Himala may pakialam ka pala sa ibang tao, akala ko inadap mo na talaga yung ugali ni mom." natatawang saad ni Chaewon bago isarado yung pintuan ng kwarto ni Eunbi.

"Sino ba kasi yung Lee Sian na yun, ngayon lang ba nag-exist sa mundo yung babaeng yun?" inis na bumangon si Eunbi at kinuha yung laptop niya.

'Lee Sian'

"Tao ba talaga siya, kahit isang social media account wala siya?" sinubukan ni Eunbi na itype lang yung Sian. "Bakit ko ba siya pinag-aaksayahan ng oras, wala naman akong mapapala sa kaniya." sumandal si Eunbi sa headboard ng kama niya.

Ilang minuto pang nag-isip si Eunbi kung paano siya makakakuha ng impormasyon tungkol kay Sian, bago humiga at tuluyang nakatulog.

---------

"May panibagong kaso ka na naman?!" napayuko na lang si Sian nang sigawan siya ng ama niya. "Gusto mo ba talagang mapalayas dito?!"

"Hindi ko naman po sinasadya." bulong ni Sian.

"Sumasagot ka pa?!" pinilit ni Sian na manatiling nakaluhod pagkatapos siyang sampalin ng ama niya. "Buti nga tinatanggap ka pa rin namin sa bahay na 'to, pero ano?, puro kahihiyan lang yung ibinibigay mo sa amin!!"

"Hindi ko naman hinihiling na tanggapin niyo ako, diba?" napapikit na lang si Sian nang muli siyang makatanggap ng sampal.

"Pang-ilang eskwelahan na ba 'yang pinapasukan mo?! Hindi ka ba napapagod na sa tuwing papasok ka sa isang eskwelahan ilang linggo lang ang lilipas, kailangan mo na ulit lumipat dahil diyan sa mga kalokohan mo!!" sinubukan ni Sian na tumayo, pero sinampal siya ulit ng ama niya. "Pumasok ka bukas, hindi ka na lilipat ng eskwelahan!!" maawtoridad na saad ng ama ni Sian bago mag-lakad palayo.

"Sian? Ayos ka lang ba?" natatawang tinignan ni Sian ang ina niya, bago sapilitang tanggalin yung kamay nito sa balikat niya.

"Ayos lang? Mom kailan? Kailan mo ako makakayanang tulungan, ayos lang ako." buong lakas na tumayo si Sian bago pagpagin yung tuhod niya.

*Bakit pa kasi nila ako binuhay, kung hindi naman pala pwede yung babae sa pamilyang 'to?!*

Inis na humiga sa kama si Sian.

"Grabe naman kasi yung mom nung babaeng yun, hindi naman ako yung nakatama ng bola sa mukha ng anak niya. Tsaka anu ba yung anak niya, gold? Tss, ako ngang nabubugbog pa hinahayaan lang ni mom, tapos siya na natamaan lang ng bola sa mukha papaalisin na ako sa school." kinuha ni Sian yung cellphone niya.

*Kung hindi lang ako pinalayo sayo, edi sana magkasama pa rin tayo.*

Idinikit ni Sian yung daliri niya sa screen ng cellphone niya kung saan may picture doon ng unang taong minahal niya.

"2nd grade was amazing, because I met you." pumikit na si Sian at nagpatangay sa antok.


-------------------------

[KINABUKASAN]

Pumasok si Sian kahit pa pinagbawalan siyang pumasok na sa eskwelahang yun, dumiretsyo siya sa Principal's Office para kausapin yung principal nila na hindi siya pinayagan ng ama niya na lumipat ng paaralan.

"Here she is." napatingin si Sian sa babaeng nakatayo kaharap ng principal nila. "Why are you still here Lee Sian-ssi?"

"Hindi po ako pinayagan ni dad na lumipat ng school, kaya nagmamakaawa po ako sa inyo na huwag akong paalisin sa school na 'to, hindi ko naman po talaga sinasadya na matamaan siya sa mukha ng bola."

"But that wasn't yo-" tinitigan nang masama ni Sian si Eunbi.

"Well, here's Kwon Eunbi-ssi asking me to dismiss your record." natawa si Sian.

"Record? Anong record naman po yung mabibigay sa'kin?"

"Violence." natatawang napatingala si Sian.

"Violence?" tinignan niya si Eunbi. "Grabe naman yung mom mo." pumikit si Sian bago muling tignan yung principal nila. "Whatever your decision is Principal Han, I'm going to attend my class in this school." nag-bow na si Sian bago lumabas nang Principal's Office.

"Hey wait?" pumikit lang si Sian at hindi pinansin yung pagtawag sa kaniya ni Eunbi.

"Sh!t?!" napadilat si Sian at tinignan yung uniform niya, napangiti na lang siya sa mantsang nakita niya. "Kim Sihyeon?" basa ni Sian sa name tag nung babaeng nabangga niya.

"Sorry, hindi kita napansin." bakas sa mukha ni Sihyeon ang pagkagulat at takot. "I'm really sorry."

"Sihyeon, ayos ka lang?" nilapitan ni Eunbi si Sihyeon. "Napaso ka ba?"

"Unnie, ayos lang ako."

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." inis na sambit ni Sian, nag-bow si Sihyeon at muling humingi ng tawad.

"Hindi naman niya sinadya." tinignan ni Sian si Eunbi.

"Hindi ikaw yung kausap ko." maglalakad na sana si Sian nang may maalala siya. "Hindi ko rin naman sinasadya yung nangyari kahapon." sinagi ni Sian sa balikat si Eunbi nang maglakad siya paalis.

"Sigurado kang hindi ka napaso?" muling tanong ni Eunbi kay Sihyeon.

"Ayos lang ako unnie, hindi rin naman ganun kainit yung kape na dala ko." tumango si Eunbi at muling tinignan si Sian hanggang sa lumiko na ang huli.

"Pumunta ka na sa klase mo, magkita na lang tayo mamaya sa practice."

"Thank you unnie." nag-bow na si Sihyeon bago maglakad papunta sa klase niya.

*I really need to know some information about her!*

Nagmamadaling pumunta si Eunbi sa student council office.

"Chaeyeon, I really need your help." napakagat si Chaeyeon sa pang-ibabang labi niya.

"Tungkol ba saan, unnie?"

"Kilala mo ba yung Lee Sian? May impormasyon ka ba tungkol sa kaniya?" napatakip na lang si Chaeyeon sa bibig niya at marahang ipinaikot yung upuan niya patalikod kay Eunbi. "Chaeyeon anu ba?"

"What do you need from me?" amoy ni Eunbi yung kape na natapon sa damit ni Sian kanina. "Kung may kailangan ka, pwede ka naman dumiretsyo sa'kin." hindi magawang lumingon ni Eunbi, dahil alam niya at ramdam niya na sobrang lapit lang ni Sian sa kaniya.

"Unnie, mauuna na ako sa klase ko." pilit na ngumiti si Chaeyeon bago nagmadaling lumabas ng student council office.

"So, may kailangan ka ba sa'kin?" umiling lang si Eunbi. "Okay, basta kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako dito."

"Yow Sian, baka naman may balak ka pang pumasok."

"Paalis na rin ako, may naghahanap kasi sa'kin." kinuha ni Sian yung bag niya bago naunang maglakad paalis ng kwartong 'yon.

"Eunbi?" nilingon ni Eunbi yung babaeng tumawag sa kaniya.

*Siya yung sumigaw kahapon.*

"Gyuri!!! Tara na!!" nag-bow lang si Gyuri kay Eunbi bago tumakbo paalis.

"Gyuri? Bago rin ba siya sa school na 'to?" napahilmos si Eunbi sa mukha niya. "Bakit ko ba namana kay mom yung pagiging wala niyang pakialam sa paligid."

*Bakit ko ba gustong makilala yung Sian na yun?!!!!*

Inis na naglakad si Eunbi palabas sa kwartong yun.

"Pff, is she in love?"

"Yah, parang ikaw hindi."

"Hoy Yena, kanino naman ako mai-in love?" natawa si Yena.

"Kay Wonyoung, pagkatapos kang ma-busted ni Eunbi-unnie kay Wony ka na na-in love." tumayo na si Yena. "Sabi ko sayo, tambay tayo lagi dito para makahagilap tayo ng chismis."

"Pagkain yung pinunta ko dito, wala akong pake sa chismis." sumunod na si Hyewon kay Yena habang kumakain ng hotdog sandwich na binigay sa kaniya ni Chaeyeon.

"Computer bang tayo?" binatukan ni Hyewon si Yena.

"Dalawang buwan pa lang lumilipas mula nang magsimula yung klase, computer bang na kagad nasa isip mo."

"Bakit ikaw? Mas matindi ka nga, entrance ceremony nasa computer bang ka." susuntukin na sana ni Hyewon si Yena nang may humila sa tenga nilang dalawa.

"Kinse minuto na ang lumilipas mula nang magsimula ang klase, anong ginagawa niyo dito sa labas?" sambit ng principal nila.

Napahawak na lang si Sakura sa bibig niya kakatawa nang ihatid ni Principal Han si Yena sa classroom nila, wala namang pakialam si Chaewon nang nakahawak sa tenga si Hyewon nang ihatid ito ni Principal Han sa classroom nila.

"How's your sister?" tinignan ni Chaewon si Hyewon.

"What do you mean how is she?"

"In love ba siya?" nagkibit balikat si Chaewon.

"Who would fall in love to someone with in a day?" tumango tango si Hyewon.

"Kilala mo yung tinutukoy ko?" tumango lang si Chaewon.

"Kang Hyewon-ssi, pay attention to the board." napalunok si Hyewon.

"Yes Teacher Son." nilabas na ni Hyewon yung notebook niya.

*Eunbi is in love, hahahahaha. Buti naman, dahil kung hindi, ipipilit ko pa rin yung sarili ko sa kaniya.*


-----------

"Jang Gyuri?!"

"Sh!t, anu bang kailangan niya sa'kin." binilisan ni Gyuri yung paglalakad niya hanggang sa tumakbo na siya.

"Kanina mo pa ako tinatakasan." hinawakan ni Eunbi sa kwelyo si Gyuri.

"Ano ba kasing kailangan mo?" napakamot si Gyuri sa ulo niya.

"May itatanong lang naman ako, tungkol dun sa kaibigan mo."

"Sinong kaibigan?" napabuntong hininga si Eunbi.

"Para namang ang dami mong kaibigan." nagulat si Gyuri sa narinig niya.

"Grabe ka naman sa'kin, alam mo akala ko nagbago ka na. Tss, hindi pa rin pala." hinawakan ni Gyuri yung kamay ni Eunbi na nakahawak sa kwelyo niya at inulak yun palayo sa kaniya. "Kung may gusto kang malaman tungkol kay Sian, sa kaniya ka magtanong." inis na naglakad palayo si Gyuri.

"Ano bang nangyayari sayo?" napasabunot na lang si Eunbi sa sarili niya dahil sa inis bago magtungo sa gym.


"Eunbi-unnie, kailangan mo bang magpahinga?" tumingin si Eunbi kay Chaeyeon.

"Ayos lang ako, naguguluhan lang ako sa steps natin." napakamot si Chaeyeon sa ulo niya.

*Ikaw nga nagturo sa'kin ng steps, bakit ka naman maguguluhan.* sa isip isip ni Chaeyeon.

"15 minutes break!" sigaw ni Chaeyeon.

"Pero ayos lang ako." saad ni Eunbi.

"Pero yung iba unnie pagod na, kanina pa tayo paulit-ulit sa umpisa." napabuntong hininga si Chaeyeon bago tapikin si Eunbi sa balikat. "Unnie, ikaw yung leader namin pero kung hindi ka makakapag-pukos, mahihirapan kaming sundan ka." pilit na ngumiti si Chaeyeon bago lumapit sa mga gamit niya.

"This is all her fault." nilibot ni Eunbi yung paningin niya pero hindi niya nakita si Sian.

Lalapitan na sana ni Eunbi si Chaewon nang makita niyang kausap nito si Wonyoung.

"She should learn to socialise." lumapit si Eunbi sa mga gamit niya para uminom ng tubig.


Pagkatapos ng kinse minuto na pagpapahinga, tinawag na ulit ni Chaeyeon yung mga kagrupo nila.

"From the top!!" sigaw ni Chaeyeon bago patugtugin yung sasayawin nila.

"AH!!" napatingin na lang ang lahat kay Eunbi nang matumba siya.

"Eunbi?" nag-aalalang hinawakan ni Hyewon sa braso si Eunbi, pero si Eunbi mismo ang nagtanggal nang pagkakahawak ni Hyewon sa kaniya.

"Yujin." bulong ni Eunbi bago kumapit kay Yujin.

"Yujin, dalhin mo na si Eunbi-unnie sa infirmary." saad ni Chaeyeon, agad namang tumango si Yujin at binuhat si Eunbi. "Everyone, hanggang dun na lang muna tayo pwede na kayong umuwi." lumapit si Chaeyeon kay Sakura.

"What happened?"

"Hindi ko rin alam, kung anu man yung gumugulo sa isip ni Eunbi-unnie, paniguradong naapektuhan siya nang sobra nun." hinalikan ni Chaeyeon sa pisngi si Sakura. "Magpapalit lang ako ng damit."

"Hintayin lang kita dito." nakangiting saad ni Sakura.

Nanatili si Hyewon sa kinaroroonan niya, tulala pa rin dahil sa ginawa ni Eunbi.


Pagkarating naman nina Eunbi at Yujin sa infirmary, agad na tinignan ng nurse yung lagay ng paa ni Eunbi.

"Mukhang sobrang pamamaga yung mangyayari dito, ano bang nangyari?"

"Natapilok lang po ako." saad ni Eunbi na halos balian na ng daliri si Yujin sa kamay dahil sa higpit nang pagkakahawak niya dun.

"Unnie masakit." hirap na bulong ni Yujin.

Pumikit lang si Eunbi at hindi pinansin si Yujin.

"A-aray."

"Unnie, wala pang ginagawa yung nurse." natatawang bulong ni Yujin.

"Tumahimik ka, masakit talaga."

"Huwag mo na munang ilalakad 'to, para hindi lalong lumala. Yujin, hawakan mo 'to." hinawakan ni Yujin yung ice pack na nilagay ng nurse sa bukung-bukong ni Eunbi. "15 to 20 minutes, kukuha lang ako ng bandage."

"Yujin, magbihis ka na, papuntahin mo na lang si Chaewon dito."

"Sigurado ka unnie?" tumango lang si Eunbi bago hawakan yung ice pack.

Nang makalabas na si Yujin, doon na hinayaan ni Eunbi na tumulo yung mga luha niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Uhm." napayuko na lang si Gyuri nang makita si Eunbi na umiiyak bago tumuloy sa pagpasok ng infirmary.

"Bakit ba? Natutulog pa ako diba?"

"Walang kang balak mag-practice, tara na hinahanap ka na ni coach."

"Anong oras na ba? Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan!" napahinto sa paglalakad si Sian nang makita niya si Eunbi. "Susunod na lang ako sayo." saad ni Sian bago itulak paalis si Gyuri.

"Tss, bahala ka na nga diyan." tumango lang si Sian.

Matagal na tinitigan ni Sian si Eunbi bago lumapit sa huli at kuhain yung ice pack kay Eunbi.

"Hindi mo naman kailangan diinan." bulong ni Sian. "Alalay lang sa ice pack para manatili sa mismong parte na may fracture." lumingon sa pintuan si Sian bago ilapit yung braso niya kay Eunbi. "Wala akong tissue o panyo, kaya ayan na lang yung gamitin mo." pagtutukoy ni Sian sa manggas ng suit niya.

"Balutan na natin ng bandage." napatingin yung nurse kay Sian. "Gising ka na pala, sa susunod hindi ka na basta bastang makakapasok dito sa infirmary nang walang sulat galing sa teacher mo, sinusulit mo yung pagpayag ko pero natutulog ka lang naman." tumango lang si Sian bago tanggalin yung ice pack sa bukung-bukong ni Eunbi.

Pinapanuod lang ni Sian yung ginawang pagbalot ng nurse sa paa ni Eunbi ng bandage, habang si Eunbi pinapanuod si Sian.

"Pagkatapos ng dalawang oras, 15 to 20 minutes ulit ng ice pack. Pero kung matutulog ka na, leg elevation kahit unan lang basta dapat mas mataas sa level ng puso mo. Yung bandage, ganiyan lang lagi kahigpit hanggang sa mawala yung pamamaga. Paulit-ulit lang yung proseso hanggang sa tuluyan nang gumaling, pero kung magkaroon man ng pagkakataon na lumala at kailangan nang dalhin sa hospital, pumunta ka na."

"Thank you."

"Susunduin ka ba dito ng kapatid mo?" nagkibit balikat lang si Eunbi.

"Kanina ko pa po sinabihan si Yujin na papuntahin si Chae dito, pero hanggang ngayon wala pa rin siya."

"5 minutes lang tayo maghihintay, hindi ko kayo pwedeng iwanan dito." tumango lang si Eunbi, habang si Sian naka titig pa rin sa paa ni Eunbi.

"Natandaan mo naman lahat ng sinabi nung nurse diba?" wala sa sariling tumango si Eunbi. "Limang minuto, kapag wala pa rin yung kapatid mo ako na magdadala sayo palabas ng school." hindi na nakatugon pa si Eunbi dahil agad na lumabas ng infirmary si Sian.

Lumipas ang limang minuto pero hindi dumating si Chaewon sa infirmary.

"Tara na." inayos ni Sian yung pagkakasukbit ng shoulder bag niya. "Ipapasan na lang kita." tumango lang si Eunbi at hinintay na tumalikod si Sian sa kaniya.

"Ma-masakit." sambit ni Eunbi habang nakahawak sa balikat ni Sian.

"Bubuhatin na lang kita." nakayukong sambit ni Sian bago buhatin si Eunbi. "Ayos lang ba 'to sayo?"

"Hmm."

"Kumapit ka na lang kahit saan mo gustong kumapit." kumapit si Eunbi sa balikat at batok ni Sian.

"Sorry." bulong ni Eunbi nang tumama sa baba ni Sian yung noo niya.

"Ayos lang, pwedeng pabukas na lang ng pintuan." tumango lang si Eunbi at sinunod si Sian.

Wala nang estudyante sa hallway nang dumaan sila, kaya hindi na nila kinailangan pang magmadali para maka-iwas sa bulong-bulungan.

"Lee Sian, nag-transfer ako last month. Vice President ng student council, hindi ko alam kung bakit ako yung napili nilang pumalit dun sa dating vice president." tahimik lang si Eunbi na nakikinig kay Sian. "May idea ka ba kung bakit umalis yung dating vice president? Hindi kasi nila naikukwento sa'kin." bumuntong hininga muna si Eunbi bago tumugon.

"I have to, I need to reach my mom's standard..." pagsisinungaling ni Eunbi. "...so she could let me take my pre-med and study medicine." napangiti si Sian sa narinig niya.

"Sana magkita tayo sa klase kung ganun, pero kung ayaw mo ayos lang."

"Bakit ka nga pala lumipat dito?" tinignan ni Sian si Eunbi bago muling ibalik sa nilalakaran yung atensyon niya.

"Dahil sa kalokohan ko, yun yung sabi ni dad. Hindi ko rin alam kung anu bang tawag dun sa mga pinaggagagawa ko, basta napapalis ako sa eskwelahan nang basta basta."

"Bakit nandito ka pa?" natawa si Sian.

"Gaya ng sinabi ko sa principal's office kanina, ayaw ngang pumayag ni dad, naubos ko na ata yung mga pagpipilian niya na pwede kong malipatan."

"Thank you."

"Wala yun, kahit naman gaano kasama yung ugali mo, nasasaktan ka pa rin. Kailangan mo ng tulong, kaya tutulungan kita." umiling si Eunbi.

"Thank you, kasi hindi ka umalis."

"Ahh, wala yun kasalanan mo rin naman, hindi ka yumuko kahapon kaya natamaan ka ng bola." napa-irap na lang si Eunbi sa kawalan. "Mukhang galit na naman yung mom mo, paano kita mahahatid hanggang sa sasakyan niyo."

"Ayos na ako dito, makakayanan ko namang maglakad." natawa si Sian.

"Baka hindi ka na makalakad kapag hinayaan kitang maglakad mag-isa." bumuntong hininga si Sian. "Kapag ako sinampal ulit ng mom mo, huwag mo na lang pansinin, ayos lang ako."

"Sinampal ka niya kahapon?"

"Hindi niya kinuwento sayo?, akala ko pa naman ganun siya ka-confident na sampalin ako to the point naikukwento niya sayo." nakangiting huminto si Sian sa paglalakad kaharap yung ina ni Eunbi.

"What are you doing with my daughter?"

"Pwede ko po ba siyang ipasok muna sa sasakyan?" agad na napayuko si Sian nang sampalin siya ng ina ni Eunbi.

"Mom?!"

"Isasakay ko na lang po siya." nakangiting saad ni Sian bago lumapit sa pintuan ng backseat ng sasakyan nila Eunbi.

"Ayos ka lang?" natatawang tumango si Sian.

"I'm always fine." bulong ni Sian bago iupo si Eunbi. "Yung pinaalala sayo ng nurse, huwag mong kakalimutan." saad ni Sian bago isarado yung pintuan ng sasakyan.

Naglakad na si Sian nang makasalubong niya si Chaewon.

"No way." bulong ni Sian bago bumalik para sundan si Chaewon. "Sabi ko na." napahawak si Sian sa pisngi niya bago tumingin kay Chaewon. "Sumakay ka na." maluha luhang tumango si Chaewon at agad na sumakay sa sasakyan nila.

"What are you doing?"

"Uhm, don't slap your child in front of anyone else." nag-bow na si Sian. "That might cause a trauma." agad na tumakbo palayo si Sian at dumiretsyo sa locker room ng team nila.

"Lee Sian, ten laps!" napabuntong hininga na lang si Sian bago tumakbo pa-ikot sa kabuoan ng soccer field.


"Hindi man lang ako nagkapag-practice, punishment lang talaga pinagawa sa'kin." inis na bulong ni Siyan bago kuhain yung mga gamit niya sa locker.

"Sabay na ako sayo." tinignan lang ni Sian si Gyuri.

Habang naglalakad pauwi walang nagsasalita sa kanilang dalawa, bukod sa pagod silang pareho wala rin silang mapag-usapan.

Pagkarating naman ni Sian sa bahay nila, hindi pa siya nakakaakyat sa kwarto niya nakatanggap na siya ng sampal mula sa ama niya.

"Bakit sinabi mong ayaw kitang payagan na lumipat ng eskwelahan?! Pinapahiya mo ba talaga ako?!"

"Sinabi mo naman talaga yun diba?" muling nakatanggap ng sampal si Sian at sa pagkakataong yun, nalasahan na niya yung sarili niyang dugo.

"Edi sana gumawa ka ng sarili mong dahilan." tumingin si Sian sa ama niya.

"Tapos na kayo? Bukas niyo na lang ako saktan, pagkagising ko." walang kagana ganang naglakad si Sian paakyat sa kwarto niya.

Matagal siyang umupo sa kama niya, tinitigan yung sarili niya sa salamin at pilit na ngumingiti.

"I'm done, I'm done." kinuha niya yung sleeping pills niya bago pumasok sa banyo at umupo sa bathtub. "I hate everything." bulong niya bago uminom ng napakaraming sleeping pills at laslasin yung kaliwang palapulsuhan niya.


----------

"Felix!!" inis na bumaba sa sala si Felix.

"What now?"

"Tulungan mo yung kapatid mo." agad namang lumabas ng bahay si Felix dahil sa pag-aalala.

"Anong nangyari?" tanong ni Felix kay Chaewon na nakatulala.

"Tulungan mo na muna si Chaewon, kanina pa siya tulala."

"Chaewon?" inalalayan ni Felix si Chaewon, pero ayaw lumabas ng huli sa sasakyan.

"I can't sing, I don't want to go out, I want my dad, I want my dad." wala nang nagawa si Felix kundi buhatin si Chaewon hanggang sa kwarto niya.

"Babalikan kita, sandali lang." tumakbo pabalik si Felix sa sasakyan nila. "Noona." inalalayan niya si Eunbi hanggang sa makarating sila sa kwarto nito.

"Balikan mo na si Chaewon, mas kailangan ka niya." tumango lang si Felix bago tumakbo papunta sa kwarto ni Chaewon.

"Shh, it's alright." napapikit na si Felix dahil sa pagod. "Shh." marahan niyang tinapik si Chaewon sa likod. "Everything will be alright."

"Bakit hindi pumunta si dad, sabi niya pupunta siya para panuorin yung performance ko." tumingala si Felix para pigilan yung mga luha niya. "Kung dumating siya edi sana hindi ako napahiya, diba?"

"Eve-everything will be alright." hinalikan ni Felix sa ulo si Chaewon. "Don't worry, everything will be alright." huminga nang malim si Felix. "Magpahinga ka na lang muna, dito lang ako sasamahan kita."

Nanatili lang na naka-upo si Felix sa tabi ni Chaewon hanggang sa makatulog na ang huli at bumalik siya sa kwarto ni Eunbi para siya naman ang tulungan.

"Sandali lang noona, kukuhain ko yung saklay sa kwarto ko." saad ni Felix dahil hindi niya masasamahan sa kwarto yung kapatid niya sa lahat nang gagawin nito.

Nang matapos na ni Felix na tulungan si Eunbi sa mga kailangan niya, bumaba na siya sa sala para tignan yung ina nila.

"What did I do with my past life to experienced this." pinulot niya yung mga bote ng alak at tinapon yun sa basurahan tsaka niya binuhat ang ina nila paakyat sa kwarto nito.

Habang kumakain mag-isa sa hapagkainan, hindi na napigilan ni Felix na umiyak.

"This will be enough." tumayo na siya at kinuha yung skateboard niya.

Tanging skateboard lang niya yung dala niya papunta sa bahay na nahanap niya kamakailan lang.

"Open this door!!" sigaw ni Felix habang paulit-ulit na kinakalampag yung pintuan na kaharap niya. "Lumabas ka diyan!!" inis na naglakad paalis si Felix, tsaka naman bumukas yung pintuan na kinakalampag niya.

"Alas dose na ng gabi, anu bang prob-" natawa si Felix sa reaksyon na nakita niya.

"Nagulat ba kita?"

"Felix?" tumango si Felix.

"Ako nga, yung isa sa mga anak na iniwan mo."

"Felix sandali, makinig ka muna sa'kin." inilalayo ni Felix yung kamay niya nang subukan siyang hawakan nito.

"Bakit?!! Bakit hindi ka makabalik?!!" bahagyang tinulak ni Felix yung ama niya nang lumapit ito sa kaniya. "Bakit hindi mo magawang balikan kami?!! Alam mo ba kung gaano nahihirapan si Chaewon?!! Kasi hanggang ngayon hinihintay ka pa rin niyang bumalik!!"

"Makinig ka muna, hayaan mong magpaliwanag ako sayo."

"Dad, what's happening?" napatingin si Felix sa nagsalita.

*Halos kaedad lna siya ni noona.*

"Pumasok na kayo sa lo-"

"Mabuti pa nga na huwag ka nang bumalik!! Pangalawa lang kami diba?!! Pangalawa lang kami ni Chaewon!!" Saad ni Felix.

"Felix? Huwag mo nang sabihin kay Chaewon."

"Para anu?!! Para umasa pa siya na babalik ka?!! Tandaan mo 'to!! Kahit kailan huwag ka nang magpapakita samin!!! Lalong lalo na kay Chaewon!!! Ako nang bahala sakanila!! Kay mom, kay noona at kay Chaewon!! Mula ngayon buburahin ka na namin sa buhay namin, tutal pangalawa lang naman kami diba?!" tumalikod na si Felix sa ama niya.

"Felix sandali!!" umiling lang si Felix bago sakyan yung skateboard niya.


Nang makarating siya sa bahay nila, nanatili lang siya sa tapat ng pintuan nila at hinintay magliwanag hanggang sa magising yung ina at mga kapatid niya.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ng ina ni Felix sa kaniya nang makita niyang hindi pa ito naka-uniform.

"May balak ka ba talagang sabihin sa'min?"

"Felix?" saway ni Eunbi sa kapatid niya.

"Mom, may balak ka bang sabihin sa'min?!!" hirap man, pinilit ni Eunbi na tumayo.

"Felix anu ba?"

"Pwede ba noona, hindi ikaw yung kinakausap ko." tumingin si Felix sa ina niya. "Astronaut?!! Mom pwede mo naman sabihin sa'min na hindi na babalik si dad kasi may sarili siyang pamilya!!"

"Felix tama na!!" sigaw ni Eunbi.

"Bakit ba noona?!! Palibhasa yung tatay mo nakakasama mo kahit kailan mo gusto!! Puntahan mo lang siya sa hospital kung saan siya nagtatrabaho, ayos lang!!! Paano naman kami ni Chaewon?!!" pinunasan ni Felix yung mga luha niya. "Hindi mo maiintindihan yung sakit na nararamdaman ko ngayon noona!! Kasi kahit iniwan ka niya, pwede mo pa rin siyang makasama!! Alam mo yung dahilan kung bakit umalis siya!!"

"He ask me to tell you why he had to leave, but I can't, I can't hurt both of you that way." marahang napaupo si Felix. "Iniisip ko kasi kung hindi niyo malalaman yung totoong dahilan, hindi kayo masasaktan."

"That's bullsh!t." napatingala si Felix bago padabog na umakyat sa kwarto niya.

"He's not really coming back?" bulong ni Chaewon. "Mauuna na ako sa sasakyan."

"Sorry mom, I shouldn't let him out last night." nakayukong sambit ni Eunbi bago muling umupo.

"Tama lang siguro na nakita niya mismo kung bakit hindi na babalik yung ama nila. Si Chaewon lang naman yung pinaka-problema ko, hindi katulad ni Felix mahina siya."

"Ako na lang pong bahalang magpaliwanag kay Chaewon, minsan talaga mahirap siyang maka-usap." hindi na nagawa pang makakain ni Eunbi dahil sa nangyari, kaya sinamahan na lang niya si Chaewon sa sasakyan habang nag-hihintay sa ina nila.

"Don't talk to me."

"Pero Chae, kailangan ko rin magpaliwanag sayo." nilagay na ni Chaewon yung earphone niya sa tenga.

"Just don't talk to me." napabuntong hininga na lang si Eunbi bago tumingin sa kawalan.


Pagkarating nila sa eskwelahan, may mga pulis na nakikipag-usap sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Naunang bumaba ng sasakyan si Chaewon at dirediretsyo lang na pumasok sa loob ng eskwelahan nila. Agad namang inalalayan ni Yujin si Eunbi sa pagbaba ng sasakyan.

"Unnie, narinig mo na ba yung balita?" kunot noong tumingin si Eunbi kay Yujin bago umiling. "Mas mabuti na huwag mo munang malaman, ihahatid na muna kita sa classroom niyo."

"Salamat."

Nang makarating na sila Eunbi sa classroom niya, hindi niya muna pinaalis si Yujin.

"Pwede mo ba akong bilhan ng pagkain mamaya?, baka kasi hindi ako daanan ni Chaewon." tumango si Yujin.

"May nangyari ba kanina unnie?"

"Meron, pero hindi ko rin makukwento sayo, wala naman kasi akong karapatan." napabuntong hininga si Yujin.

"Sige unnie, puntahan na lang kita mamaya." nag-bow na si Yujin kay Eunbi bago tuluyang umalis.

Habang naghihintay na dumating yung Teacher nila, napatingin si Eunbi sa saklay na bakal na ipinahiram ni Feliz sa kaniya.

'Get well soon - Eunbi'

Yun yung sinulat ni Eunbi nung maaksidente si Felix sa skateboard, inikot niya yun.

'You too noona - Felix'

Napangiti na lang si Eunbi.

"You're wrong mom, Felix is the one who needs your care the most." tiniklop na ni Eunbi yung saklay at nilagay yun sa ilalim ng lamesa niya.

"Good morning class, I'm sorry for being late I have something to discuss with the police officers earlier." kinuha na ng Teacher nila Eunbi yung chalk at nagsimulang magsulat sa blackboard.

Napahinto na lang ang lahat nang ibato ng Teacher nila yung chalk at humarap sa klase niya.

"Meron ba sa inyo ang kasama ni Lee Sian-ssi kahapon?" nilibot ni Eunbi yung paningin niya. "Anyone?" dahan dahang itinaas ni Eunbi yung kamay niya. "Can we talk outside?" tumango lang si Eunbi at agad na kinuha yung saklay niya tsaka sumunod sa Teacher nila.

"Anu po bang problema?"

"May naikwento ba siya sayo kahapon?" napakamot si Eunbi sa ulo niya.

"Pagkatapos niya po akong tulungan na makasakay sa sasakyan namin, bumalik po siya para sa practice nila."

"Wala ba siyang nasabi sayo na problema niya?" umiling lang si Eunbi. "Anu kayang problema ng batang yun, sige maraming salamat."

"Anu po bang nangyari sa kaniya?"

"Mas mabuti nang hindi mo muna malaman, lalo na sa kalagayan mo." napatango na lang si Eunbi.

"So totoo nga, they're dating?"
"Siguro, pero parang ang bilis naman."
"Kaya nga, ang balita lang nung nakaraan may gusto si Sian kay Eunbi tapos ngayon nagde-date na sila."

"Okay class, focus to our lesson now."

*Are we dating? Since when?!!* napakamot na lang sa ulo si Eunbi.


---------

Buong klase ni Eunbi sa umaga, wala siyang naintindihan kaya nang mag-lunch break pumunta na lang siya sa infirmary para makapag-pahinga.

"Hindi na lang siguro muna ako papasok hanggang sa gumaling na yung paa ko." inayos na ni Eunbi yung gamit niya at naghanda sa pag-alis. "Nurse Min, lalabas na po ako."

"Gusto mo bang ihatid na kita?" agad namang umiling si Eunbi.

"Ayos lang po ako, salamat po ulit." saktong pagkalabas ni Eunbi ng infirmary, naglalabasan na yung mga estudyante sa classroom nila. "Huwag lang sana akong mabangga." bulong niya.

Nang makarating si Eunbi sa gate, nandun na si Chaewon, pero tinignan lang siya nito bago ilagay sa tenga yung earphones niya.

"Kanina pa kayo?" sabay na umiling sina Eunbi at Chaewon sa tanong ng ina nila.

"Mauna ka na." saad ni Eunbi.

"Okay." simpleng tugon ni Chaewon bago pumasok sa sasakyan nila.


"Did you know what happened?" tanong ng ina nila Eunbi habang nagmamaneho.

"What happened?"

"She doesn't know or need to know." sambit ni Chaewon habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Teka anu bang meron?"

"Nothing." sabay na tugon ni Chaewon at ng ina nila.

*Sumasakit lang yung ulo ko sa inyo!!*

Kinuha ni Eunbi yung cellphone niya, may nakita siyang text mula kay Chaeyeon.

From: suspenderz chae
got a news about Sian
: she's still at the hospital
: unconscious

To: suspenderz chae
what?
: anong ginagawa niya dun?
: unconscious??

From: suspenderz chae
hindi mo pa ba alam?
: akala ko nagde-date kayong dalawa??

To: suspenderz chae
kanino ba galing yung balitang nagde-date kami?
: wala akong alam sa sinasabi mo o sa nangyari kay Sian
: at hindi kami nagde-date

From: suspenderz chae
okay, hindi na kayo nagde-date
: but the news about her, committing suicide?
: you didn't know about that?
: that's the hot topic all over the campus

To: suspenderz chae
committing suicide?
: how? can you elaborate the story you wanted to tell me?

From: suspenders chae
okay
: so last night her mom enter her room to ask her something
: but when she opened Sian's door, the latter was not there
: she tried to look for her inside the bathroom but the door was locked
: i don't know how did she opened the door, but when she entered the bathroom
: Sian's inside the bathtub, unconscious and her wrist was cut

To: suspenderz chae
is there a reason why she try to kill herself?

From: suspenderz chae
nothing
: some students thinks you broke up with her, that's why she wants to end everything

"What an headache." napatingin si Eunbi sa labas ng sasakyan. "What the heck?"

"Bakit may mga pulis?" tumingin si Chaewon kay Eunbi. "They might be looking for you." bumaba na ng sasakyan si Chaewon.

"Stay here."

"No mom, I'm going to clarify something." binuksan na ni Eunbi yung pintuan at buong lakas na bumaba ng sasakyan.

"Siya ba?" tanong ng isang pulis kay Felix habang nakaturo kay Eunbi.

"Yes, but before you talk to her, may I know what do you need from my sister?"

"This is an exclusive case, excuse me." lumapit na yung pulis kay Eunbi.

"I don't know anything." agad na sambit ni Eunbi. "I'm not dating her, now you may leave officer."

"But you were seen with her yesterday, is there anything she told you about her that might help us?" umiling si Eunbi.

"Tinulungan niya lang ako kahapon dahil sa sprained ankle ko, and we barely talk to each other." napabuntong hininga yung pulis bago tumango.

"Sorry for interruption, thank you for your cooperation." isa isa nang naglakad yung tatlong pulis na tumutulong sa kaso ni Sian at lumapit sa ina nila Eunbi.

"Mukha ka atang suspek." natatawang saad ni Felix bago bumalik sa loob ng bahay nila.

Pagpasok ni Eunbi sa bahay nila, umakyat na siya sa kwarto niya.

"Anu kayang nangyari sa babaeng yun, bakit naman siya magpapakamatay?" humiga na si Eunbi sa kama niya. "Bakit ba hanggang ngayon naaamoy ko pa rin yung pabango niya?" pumikit si Eunbi. "I'm not in love right? I shouldn't fall in love with her or with anyone else."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[Two Weeks Later]

Isang linggo na ang lumipas mula nang tuluyan nang gumaling yung paa ni Eunbi, hindi na rin niya pinansin yung mga kumakalat na balitang dahil sa hiwalayan nila ni Sian kaya nagtangkang magpakamatay ang huli dahil wala namn talagang hiwalayan na naganap.

"Isang buwan na lang, spring break na, may balak na ba kayong tatlo?"

"Nothing." tugon ni Eunbi.

"Hang out with my friends." tugon ni Chaewon.

"You have friends?" natatawang tanong ni Felix.

"Felix?"

"Sorry noona, nagulat lang ako."

"Sila Yena, they keep on pestering me, that's why I decided to come with them." dagdag ni Chaewon.

"How about you?" tumingin si Felix sa ina nila bago tumugon.

"Anything, madali lang naman para sa'kin na humanap nang mapagkakaabalahan." uminom na ng tubig si Felix. "Mauuna na ako." nagmamadali siyang tumayo tsaka hinalikan sa ulo sina Eunbi at Chaewon at lumabas ng bahay nila.

"Baka nga pala hindi ko kayo masundo mamaya."

"You're dating someone again?" bumuntong hininga si Chaewon.

"He's different from the other guys I've dated before." natatawang tumango si Chaewon.

"For the nth time, you said that again." uminom na si Chaewon ng tubig bago tumayo. "Mauuna na ako sa sasakyan."

"Just make sure, he's really different mom." tumayo na rin si Eunbi at sumunod sa loob ng sasakyan nila.

"She's back." bulong ni Chaewon.

"Ikaw siguro yung nagpakalat na nagdedate kami." natawa si Chaewon.

"Kung hindi totoo yun, bakit apektado ka?"

"Paanong apektado? Wala nga akong pakialam sa kaniya." tumango si Chaewon.

"Dear diary, a week already passed, but I can still smell her perfume. The smells of her neck when she carries me." napapikit si Eunbi bago suntukin sa braso si Chaewon.

"Bakit mo binasa?!" kinurot ni Eunbi sa braso si Chaewon. "You invaded my privacy!!"

"Ikaw may kasalanan nun, iniwan mong nakabukas yung diary mo sa ibabaw ng study table mo." nakangiting saad ni Chaewon.

"Argh! Don't talk to me!" tumango lang si Chaewon na may ngiti pa rin sa mga labi.

"Want to have her number?" inis na hinampas ng bag ni Eunbi sa balikat si Chaewon. "Ahh, I'm just helping you to have a love life."

"I don't need your help nor a love life, now shut up."

"What's happening?" tumingin si Eunbi sa ina nila.

"Nothing, she's making fun of me." inis na tinignan ni Eunbi si Chaewon. "Shut up." bulong nito bago ayusin yung laman ng bag niya.

Tahimik lang si Chaewon habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya sa chatroom nila, habang si Eunbi nagdadalawang isip kung ite-text ba si Chaeyeon.

To: suspenderz chae
pwedeng magtanong?

From: suspenderz chae
anu yun unnie?

To: suspenderz chae
nagtanong ba si chaewon sayo tungkol sa number ni sian?

From: suspenderz chae
ahh
: kung ako ba nagbigay kay chae ng number ni sian?😁
: nope
: remember nung araw na pumunta ka sa student council office?
: bago pumasok sa office si sian nun
: nakita kong magka-usap sila ni chae sa labas
: tapos inabot ni chae yung cellphone niya kay sian

Tinitigan nang masama ni Eunbi si Chaewon.

"What?" sinuot na ni Chaewon yung bag niya at naunang bumaba ng sasakyan.

"Subukan mong gumawa ng kalokohan, isusumpa talaga kita." bulong ni Eunbi habang nakatingin sa likod ni Chaewon na nauunang maglakad.

"Sorry." napatingin si Eunbi sa bumangga sa kaniya. "I didn't see you there." nilagpasan na siya nito.

"Wow, sana unconscious ka na lang hanggang ngayon." pinulot ni Eunbi yung bag niya bago inis na naglakad papunta sa klase niya.


"Class, since we're a bit a head to the other classes, I decided to recall our topics in the past two weeks." may sinenyasan yung teacher nila sa labas. "Come in." sambit nito bago ibalik sa mga estudyante yung atensyon niya. "Lee Sian-ssi will be joining our class for three days, since she need to catch up with my lessons." nag-bow naman si Sian bago magpakilala.

"Lee Sian class 4."

"You may now take your seat." tumango lang si Sian bago umupo sa bakanteng upuan, malayo kay Eunbi. "Ayos lang kung hindi kayo interesado sa ituturo ko dahil naituro ko na sa inyo yung magiging lesson na'tin, pero panatilihin natin ang katahimikan." nagsimula nang yumuko ang ilan sa mga kaklase ni Eunbi para matulog, ang iba naman naghanap nang mapagkakaabalahan nila nang hindi gumagawa ng ingay.

Tahimik lang na nakikinig si Eunbi sa klase ng Teacher nila, inisip na lang niya na pagkakataon na niya 'to para mas maintindihan yung itinuro ng Teacher nila dahil isang linggo rin siyang hindi nakapasok.

"Lee Sian-ssi, alam kong hindi sapat yung tatlong araw para sa lesson natin nang buong dalawang linggo, kaya kinausap ko na si Cho Hayoung-ssi para tulungan ka sa iba pang lesson." napatingin si Eunbi sa kaklase niya na binanggit ng Teacher nila. "That's all for today, thank you class."

"Omo, Hayoung did you volunteer?"

"Of course not, why would I?" bahagyang tinignan ni Hayoung si Eunbi. "Hindi naman ako katulad ng iba diyan."

"What if Sian requested it, I told you Hayoung she likes you too."

Napangiti na lang si Eunbi bago ayusin yung mga ginamit niya at ilabas yung notebook para sa susunod na klase.

"Oh, Lee Sian-ssi kanina pa kita hinahanap, buti nandito ka." nagsimula nang magsulat sa blackboard yung Teacher nila. "Alam kong boring yung klase ko, pero sana kung gaano kayo katahimik kanina sa klase ni Teacher Lim ganun din kayo sa klase ko, since I'm giving Kwon Eunbi-ssi and Lee Sian-ssi a chance to catch up with my lessons." napatingin si Sian kay Eunbi.

Nagsusulat lang si Eunbi sa notebook niya nang may nagbato ng papel sa kaniya.

""Tss." inis niyang binuklat yung papel.

'Hayoung-1
Eunbi-0'

Hinanap ni Eunbi yung nagbato sa kaniya ng papel pero lahat ng estudyante nakayuko maliban kay Hayoung.

"Teacher Choi?" nagtaas pa ng kamay si Eunbi. "I didn't know there's a competition between me and Hayoung, is there a prize for this game?" nagtatakang naglakad yung Teacher nila Eunbi palapit sa kaniya.

"Whoever wrote this, meet me at the faculty later. And whatever the game you were playing, let me know." napabuntong hininga na lang si Eunbi.

*Whatever they're playing, I'm not interested.*

Nang matapos na yung klase lumabas na muna si Eunbi ng classroom nila.

"Sumasakit na naman yung paa ko." nag-inat inat si Eunbi. "Pupunta na nga lang ako sa infirmary, puro lesson sa nakaraan lang ata yung ituturo sa'min ngayon." naglakad na si Eunbi papunta sa infirmary.

"Napadalaw ka, wala ka bang klase?" tanong ng nurse kay Eunbi.

"Nurse Min, bakit sumasakit pa rin yung paa ko." nakangusong saad ni Eunbi.

"Nagpa-practice ka na ba ulit? Diba sabi ko next week na?"

"Paano ako makakapag-practice Nurse Min, eh magpapalit palang ako ng damit binabatukan na ako ni Chaeyeon." natawa yung nurse sa sinabi ni Eunbi.

"You're older than her, right?" tumango si Eunbi.

"Pero siya yung president ng student council, kaya ginagamit niya yun para limitahan ako."

"Pero kailangan mo naman kasing malimitahan, sa ngayon." napabuntong hininga na lang si Eunbi habang pinapanuod na pahidan ng nurse yung paa niya ng maiinit na ointment. "Tatlong minuto, pwede ka nang bumalik sa klase mo."

"Pwede po ba akong mag-stay dito?"

"Nope, balita ko kailangan mong humabol sa lessons niyo." napanguso na lang si Eunbi bago suotin yung medyas at sapatos niya.

Nang matapos na ang ilang minuto na binigay ng nurse kay Eunbi para magpahinga, lumabas na siya ng infirmary at bumalik sa klase niya.

"Good morning Kwon Eunbi-ssi, saan ka nanggaling?" nag-bow muna si Eunbi bago tumugon.

"Pinapabalik po kasi ako ni Nurse Min sa infirmary."

"Take your seat." muling nag-bow si Eunbi bago magpasalamat at maglakad papunta sa upuan niya.

Nakangiti lang si Eunbi sa lahat nang galaw niya nanatili lang siyang nakangiti, pero nang matapos na yung klase nila napa-irap na lang siya sa kawalan.

"Thank you for the recognation earlier, even though I didn't do anything to receive it." nakangiting sambit ni Eunbi habang nakatingin sa isang babae.

"How did she knows?"
"Akala ko ba yumuko ka kaagad?"
"Panibagong gulo na naman 'to panigurado."
"Dapat kasi hindi mo na lang ginawa."

Kinuha na ni Eunbi yung wallet niya sa bag at naglakad palabas ng classroom nila.

"Wait, where are you going?" tumingin si Eunbi sa babaeng sumabay sa kaniya sa paglalakad.

"Sa cafeteria, lunch break na diba?" walang ganang saad ni Eunbi.

"Natanong ko lang naman, by the way about what happened earl-"

"Pwes kapag magtatanong ka sana matinong tanong yung itatanong mo, yung nangyari naman kanina wala akong pakialam dun, sabihan mo na lang yung mga kaibigan mo na kung gusto nila akong kalaro sabihin nila mismo sa'kin." napahinto na lang sa paglalakad si Hayoung nang pumasok sa restroom si Eunbi.

"Balita ko nasa class 2 daw si Sian, paniguradong nagkakagulo sila ngayon."

Lumapit sa sink si Eunbi.

"Anu bang meron kay Sian at baliw na baliw sa kaniya yung mga babae dun sa class 2, eh mga gwapo naman yung kaklase nilang lalaki."

Inayos ni Eunbi yung pagkakatali ng buhok niya habang tuloy pa rin siya sa pakikinig sa kwento nung dalawang tao na nasa magkahiwalay na cubicle.

"Hindi ko rin alam, siguro pagkatapos kumalat nung balita na nagde-date sila ni Eunbi, natakot sila na pagkatapos ni Hyewon may bago na namang nagkagusto kay Eunbi na hinding hindi nila makukuha. To be honest, isa ako dun sa mga nainggit nung kumalat yung balita na may gusto si Hyewon kay Eunbi, pero hindi naman ako umabot sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol kay Eunbi."

"Oww, ayan lang yung issue na hindi ako updated. So, totoo nga na may naninira kay Eunbi kaya siya naalis sa pagiging vice president, interesting."

"As far as I know, isa yun sa mga student council officers."

Napatango si Eunbi.

"Thank you for the information." sambit ni Eunbi bago lumabas ng restroom.

Pagpasok ni Eunbi sa cafeteria dumiretsyo na siya sa pagbili ng pagkain niya.

"Bakit ang bilis namang mapuno ng cafeteria ngayon." napabuntong hininga na lang si Eunbi.

"To see your girl, tara sa pwesto ka na lang namin." ngumiti si Chaewon. "Wala namang masama kung kasama ka ng mga 9th grade diba?" umirap lang si Eunbi bago tumango.

"Naks, namiss mo na kami?" pang-aasar ni Sakura kay Eunbi.

"Hoy Sakura, wala akong pakialam sayo kaya manahimik ka diyan." nakaismid na saad ni Eunbi bago umupo sa tabi ni Chaeyeon. "May kwento nga pala ako."

"Kasali kami?" tanong ni Yena.

"Sorry, no pets allowed." pilit ang ngiting sambit ni Eunbi.

"Quack quack." pang-aasar ni Yujin kay Yena.

"Ito na nga, may nabalitaan ako na kaya pala napaalis ako sa pagiging vice president, dahil may naninira sa'kin." kumunot yung noo ni Chaeyeon.

"Hindi ko pa naririnig yung balita na yan, anu daw dahilan?"

"Hindi ko na sasabihin kung dahil kanino, pero dahil daw sa selos." tumango si Chaeyeon. "At nasa student council officers pa ata siya. As far as I know, estudyante ng journalism club lang naman ang naglalabas ng school's news paper."

"Hmm, delikado yan." natatawang saad ni Yena.

"Kung sino man siya, sana masaya na siya ngayon, bukod sa nasiraan niya ako natanggal pa ako sa posisyon ko."

"Excuse me." napatingin silang lahat kay Wonyoung nang tumayo ito. "May nakalimutan pala ako." sambit nito bago maglakad paalis.

"I haven't drop a name."

"Eunbi, it wasn't Wony." inis na sambit ni Hyewon.

"So you know?" ngumiti si Eunbi. "Wala naman akong sinasabi kung sino." tumayo na si Eunbi at dinala yung tray niya. "I'm not even hungry." itatapon na sana ni Eunbi yung mga pagkain na binili niya nang may pumigil sa kaniya.

"Hindi mo pa nagagalaw yan, itatapon mo na lang?"

"Kailangan ko bang galawin muna, bago ko itapon?" tumango tango si Eunbi bago bahagyang alugin yung tray na hawak niya. "Ayan nagalaw ko na, pwede ko na bang itapon?"

"Just give it to me if you're not going to eat it."

"Okay." inabot na ni Eunbi kay Sian yung tray na hawak niya. "Eat well." lumabas na nang cafeteria si Eunbi at bumalik sa classroom nila.

*Tinatamad na talaga akong pumasok, bakit ba kasi ayaw akong patambayin ni Nurse Min sa infirmary.*

"Hey?" tinignan ni Eunbi yung inumin na nilapag ni Sian sa lamesa niya. "Ayos ka lang?"

"Mukha bang hindi?" napakamot si Sian sa ulo niya.

"May nangyari ba? Badtrip ka ata."

"Araw-araw naman akong badtrip, hindi na kailangan pang may mangyari para mabadtrip ako." ngumiti si Sian.

"Kumusta na nga pala yung paa mo?"

"Nakakalakad pa naman." tumango si Sian.

"Wala ka siguro sa mood, mamaya na lang siguro kita kakausapin." nakangusong umiling si Eunbi.

"Kahit huwag mo na akong kausapin, mamaya, bukas o kahit kailan mo pa ako balak kausapin, huwag mo nang ituloy." napabuntong hininga si Sian.

"I love you, okay?" marahang tinapik ni Sian sa ulo si Eunbi. "See you later." naglakad na si Sian papunta sa upuan niya.

*I-I love you?!!!!* *The heck is she saying!!*

"Lee Sian!!" kinuha ni Eunbi yung inumin na binigay ni Sian sa kaniya. "Don't mess with me!" binato niya sa mukha ni Sian yung box ng inumin na hawak niya, sa lakas ng pagkakabato niya sa inumin kusang nabuksan yun at natapon sa mga gamit ni Sian na nasa lamesa niya.

"Nakatingin na silang lahat sa'ting dalawa." natatawang pinunasan ni Sian yung pisngi niya.

"Wala akong pakialam, ang mahalaga masabi ko yung gusto kong masabi sayo." tumayo si Sian at marahang lumapit kay Eunbi.

"I'm sorry, pero huwag ka namang umiyak." pinunasan ni Sian yung luha ni Eunbi gamit yung manggas ng suit niya. "Maupo ka na, ako nang bahala sa natapon." ngumiti si Sian. "Papalitan ko na lang yun mamaya."

"I said don't mess wi-"

"Maupo ka na." sambit ni Sian nang maghiwalay na yung mga labi nila ni Eunbi. "Eunbi?" napalunok na lang si Sian nang bumagsak si Eunbi. "Sh!t." kabadong binuhat ni Sian si Eunbi at mabilis na naglakad papuntang infirmary.

"Sian, bumalik ka na sa klase mo, ako nang bahala kay Eunbi."

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, bigla na lang siyang hinimatay." tumango yung nurse.

"Titignan ko kung anu bang dahilan, basta ngayon bumalik ka na sa klase mo."

"I kissed her, then she sudden-"

"Bumalik ka na sa klase mo, ako nang bahala sa kaniya." natatawang saad ng nurse, napatango na lang si Sian bago lumabas ng infirmary.

Pagpasok ni Sian sa classroom nila Eunbi, nakatingin sa kaniya lahat ng estudyante. Wala pa yung teacher nila kaya dumiretsyo na siya sa pwesto niya para linisin yung inumin na binato ni Eunbi sa mukha niya kanina.

"Did she fainted because I kissed her?" natawa na lang si Sian. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako kay Chaewon na may gusto sa'kin si Eunbi, nakakapagod magtimpi sa ugali niya ah." pag-upo ni Sian sa upuan na nilinis niya, nagulat na lang siya nang biglang lumitaw sa harap niya si Hayoung.

"Baka kailangan mo ng wet tissue?" ngumiti si Sian.

"Thank you." kinuha ni Sian yung lalagyanan ng wet tissue at nilapag yun sa lamesa ni Eunbi. "May extra kang pen?"

"Ahh, sandali." tumango lang si Sian at naghintay kay Hayoung.

"Thank you." sambit ni Sian bago kuhain yung pen kay Hayoung at ipalit yun sa pen ni Eunbi na nakapatong sa lamesa ng huli. "Nabasa kasi yung pen ko, siguradong hindi na susulat yun, thank you." bumalik na si Sian sa upuan niya.

Napangiti na lang si Sian nang makita yung maliit na papel na naka-scotch tape sa pen ni Eunbi.

'Kwon Eunbi!'

"Mananakaw ba 'to, eh hindi naman maganda." tumingin na si Sian sa harapan nang pumasok na yung teacher na magtuturo sa klase nila Eunbi.


Hanggang sa tumunog na yung bell para sa pagtatapos ng huling klase, hindi pa rin bumabalik si Eunbi.

"Sian, saan ba kita tuturuan?" napakamot si Sian sa ulo niya nang sumulpot na naman si Hayoung sa harapan niya.

"Sa office na lang siguro." tumango si Hayoung.

"Sabay na ba tayo?" ngumiti si Sian bago ituloy yung pag-aayos sa mga gamit ni Eunbi.

"Pupuntahan na lang kita dun, dadaanan ko pa kasi si Eunbi." isinukbit na ni Sian sa balikat niya yung bag ni Eunbi. "See you later." pinigilan ni Hayoung si Sian.

"Akala ko ba hiwalay na kayo?"

"Huh? Wala namang hiwalayang nagyari." binitawan ni Hayoung yung manggas ni Sian.

"Eh anu yung kanina?"

"Nag-away lang kami kanina." ngumiti si Sian. "Tsaka wala namang hiwalayan na nangyari, kasi hindi naman kami." naglakad na si Sian palabas ng classroom nila Hayoung.

Habang naglalakad si Sian papunta sa infirmary, natanaw na niya si Eunbi sa 'di kalayuan, kaya huminto na siya sa paglalakad at hinintay na lang si Eunbi na makalapit sa kaniya.

"Gusto mo talagang masaktan!" napaatras na lang si Sian nang sampalin siya ni Eunbi. "Bakit mo ginawa yun!! Bastos ka!!" kinuha ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.