Pandesal

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi’s POV

 

“Umusog ka naman ng konti p’re, sikip dito sa amin oh, lawak pa dyan sa inyo” sabay tulak sa akin ni  Byul…

Nagpapasalamat na rin ako at dumating na sila.

Yung hitsura ni Solar nagsusumigaw ng “katatapos lang naming mag-araruhan sa kagubatan” look.  Alam ko na agad kung saan sila galing.

Sumunod na pumanhik na rin si Wendy na nagmamaktol kasi wala siyang mahanap na signal kahit tawirin pa nya ang kabilang talampas.

 

Ilang pulgada lang ang layo naten sa isa’t isa, bale hindi nakakatulong tong sleeping arrangement na to, bukod sa matigas ang sahig na kawayan, katabi pa talaga kita.

Sa kanan ko naman si Byul at Solar na anytime ay gagawa ng kababalaghan.  Ang takot ko lang, baka kaladkarin ni Wendy itong sina Byul palabas once na makarinig sya ng ungol mula sa kanila, yaman na sya ang pinakamalapit din sa pinto.

 

“Byul, please, kahit ngayon lang,  behave yourself utang na loob. Don’t do anything that will cost your life. I watch ‘CSI’ and ‘How To Get Away with Murder’, I can make it look like an accident.” pagbabanta  ko sa kanya

 

“Huwag kang mag-alala parekoy, tuyot na ako, wala na rin ako energy, pinagod ako ni Solar hihihi”

 

“SSssssshhhhhhh, matulog na tayo, maaga pa tayo bukas.” saway ni mother superior Wendy

 

 

--

Nagising ako sa tilaok ng manok ni San Pedro. Wala ka na sa tabi ko, si Byul na lang ang naabutan kong tulog pa. Balak ko pa sana magmuni muni for 5 minutes pero si Wendy sumisigaw at kinakalampag na ang kawali para gisingin ang lahat.

“Huy Byul gising na” habang   kinukurot ko ang tagiliran nya kasi kahit anong yugyog ko sa kanya, di ko sya magising.

“Byul, gising naaaa!! Si Solar, nakahubad oh.”

Bigla syang napabangon sa narinig nya, mukhang effective.

“Asan???

Saan? saan? Walangya ka, huwag kang titingin!”

“Hahaha, halika na, kain na daw. Alas sais na.”

 

 

“Pagpasensyahan nyo na, yan lang ang naihanda naming agahan nyo, hayaan nyo at sa susunod mas marami kaming ihahanda ng asawa ko.” Wika ng asawa ni Kapitan na mejo may edad na rin kagaya ni kapitan.

“Huwag na po kayo mag-abala Aling Mameng, sapat na po ito sa amin, pasensya na at gumising pa po kayo ng maaga, maihanda lamang ang pagkain namin.” Magalang mong tugon

 

Maaga ka siguro nagising, kasi, nakaligo ka na, halata sa basang buhok mo.

Itong si Mino naman kaaga aga eh dumadamoves na sayo. Yung laman ng pinggan mo galing siguro lahat sa kanya, para namang wala kang mga kamay para kumuha ng pagkain.

Subuan ka na rin kaya nya...

 

Sige, sya na lang din ngumuya at lumunok for you.

Kairita eh.

 

“You should taste this Dra. Irene, pandesal with sunny side up egg and liver spread. I made especially just for you.” Offer nya sayo

 

Teka, may liver spread bakit di ko natikman?

 

“Wendy, asan liver spread? Bakit puro itlog lang yung andito? Penge din ako ah.”

“Walang liver spread Seul, baon yun ni Dr. Mino. Magbaon ka din kasi ng liver spread mo.” Pagliliwanag ni Wendy

 

 

 

--

 

Wala pa mang alas otso dagsa ang mga tao sa site. Bale magkasama kami ni Byul sa isang section ng tolda with Wendy, nahiwalay si Solar kasi sa Surgical Department naman talaga sya.

 

“ ‘To Seulgi, enjoy!’ anak ka ng kamatis Seulgi, kahit dito may admirer ka?”

 

“Ano yan?” tanong ko kay Byul habang pilit ko yung binabawi sa kanya yung nakabalot ng aluminium foil.

Para kaming mga batang  nagrarambulan sa pag aagawan. Ang kulit kasi.

“Kayong dalawa, tigil tigilian nyo yan! Nakakahiya kayo! Isumbong ko kayo kay Dra. Taeyeon pag uwe.” Pang aawat ni Wendy

 

Halos mamula ako na parang tender juicy hotdog sa kilig noong nakita ko ang 3 pandesal with egg and liver spread na laman ng aluminium foil.

May ideya na ako kung sino nagbigay nun.

Wendy? Pwede, kasi siya hiningan ko kanina eh.

Mino? Parang hindi, bakit naman nya ako bibigyan?

 Irene? Eey, di ka naman ganun kaattentive sa mga small details, di ka mag aaksaya ng oras mo na ipagbalot ako nun.

 

Bakit pa ba ang magpapakapagod isipin kung kanino galing yun?

 

Anyway, sinubo ko agad yung isa tsaka ko tinago yung dalawang natira. Kakainin ko mamayang meryenda.

 

--

Irene’s POV

Gusto ko matawa noong nakita kitang parang batang dali daling sinusubo yung pandesal. Para kang preschooler na tinatago ang pagkain dahil hindi pa recess.

 

Maaga pa lang dinumog na ang lugar kung saan kami nagmemedical mission. Wala pala talagang health care delivery system ang lugar na to, they need to walk by foot  for more than 1 hour  to reach the nearest infirmary. That primary clinic can’t do anything also sa mga kumplikadong disease processes.

I even met someone na first time magpakonsulta sa doctor.

Now, I am thinking of doing this more often, we need more doctors to the barrios.

 

Kanina ko pa sinusubukan magfocus sa ginagawa ko, pero lagi kang sumasagi sa isip ko. Did I make you uncomfortable by kissing you last night? Did you freak out? It was just a kiss sa pisngi lang naman.

 

I tried suppressing my feelings towards you from the day of our encounter sa ER.

I liked you already from the start, hindi ko maamin sa sarili ko noong una pero I know subsconsciously kitang nagugustuhan na eversince.

 

 I felt really sad noong nawala ka for 1 month sa hospital, and to get you out from my head, I tried going out with other men. None of them worked out for me, pinagsisihan ko nga eh, ayan si Mino, akala yata nya gusto ko sya porket pumayag na ako sumabay sa kanya magdinner.  I really need to reject him right into his face kapag nakatiyempo ako.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.