Adobo
TadhanaSeulgi’s POV
Pagdating ko sa harap ng entrance, andun na ang mangilan ngilan na makakasama namin sa Medical Mission. Natanaw ko na rin si Byul at Solar na sweet na sweet na nagsusubuan ng pandesal sa may tabi.
“Kaaga aga, ginawa nyong parke ang entrance!”
“Good morning din Dra. Kang. Why so grumpy in the morning. Inggit much?” Pang aasar ni Byul
“Eto kasing si labs eh, sabi gutom daw sya, ayan kinakain na naming ang baon namin. Kain tayo Dra. Seulgi.” Offer ni Solar ng pandesal
Gutom lang din naman ako kaya sinunggaban ko din ang pandesal.
“Good morning. First of all, thank you for coming on time. Hindi natin magagamit ang coaster ng hospital dahil di daw nito kaya yung daan papunta sa Santol. Kaya sasakay tayo sa jeep. We’ll be divided into 2 groups. So, be guided accordingly. ” Instruction mo sa team.
Bakit ganun? Kaaga aga eh ang ganda mo pa din, kahit nakalongsleeves ang maong pants ka lang. Are you even wearing a make up? Ang clear ng skin mo, at mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang namumula mong pisngi at mapupungay mong mata.
This attraction is getting out of control as time passes by. Hinawakan ko ng mahigpit ang upper left region ng sternum ko kung saan nakapwesto ang aking puso, kasi bumibilis na naman ang tibok nito.
“Grabe sya oh, tumutulo laway nya” sabay animatedly na pinahid ni Byul ang laway ko
“Shatap Byul, nagpi-pay attention lang ako. Makinig ka sa instruction.”
“Pero, parekoy, matagal ko ng gustong itanong to sayo.. .. Type mo noh? Tsk, alam ko talaga mga tipo mo.” Bulong nya pa sa akin
Di pa nagsisimula to, pero si Byul nagsimula ng gawing miserable ang buhay ko. Oh jusko, please pakibilisan ang araw.
--
So bale 2 jeep lang ang gagamitin. Hayyy cost-cutting ang peg ng Medical Mission na toh. Makakaakyat ba tong jeep sa bulubundukin ng Alps? Hindi naman siguro kami bababa para magtulak?
Sa unang jeep ako sumakay kasama sina Byul. Halos puno na ito dahil na rin sa mga gamit, gamot at mga pagkain, feeling ko sa kabilang jeep ka sasakay. Pwede bang lumipat doon? Ayoko din katabi itong si Byul at Solar beh, magkikilitian lang sila buong byahe.
“Ready na ba? Puno na ba tong jeep? Kumpleto na ba?” pagchecheck mo
“Dra. Bae may space pa dito sa harap. Tabi na tayo.” Offer ni Dr. Mino na nasa tabi ng driver
“Hooooooooohhhhhh!!” Kantiyaw ng ibang doctors
“Mino 1 point, Seulgi 0 point” nang aasar na bulong ni Byul
Sino na nga ba tong Mino na to? Madalas ko Makita ang unggoy na to sa mga ads ng hospital eh, palibhasa may hitsura.
Tsk. Mas macho pa ako jan eh.
Nililigawan ba nya si Irene?
Why am I even asking? That does not concern me.
“Okay na ba ang lahat doktora?” tanong ng driver
“Okay na ho.”
At lumarga na nga ang jeep.
Itutulog ko muna kasi mejo malayo din naman yung lugar. Tsaka konti lang din tulog ko, kagabi lang kasi ako nag empake.
Pero paano ako makakatulog kung ang diwa ko ay gising, nakikinig sa tourist guide na si Mino. Bawat malagpasan namin na lugar ay dinidescribe nya sayo. Para naming di mo alam ang La Union.
“This is the best surfing spot here in San Juan, we should hang out here once blah blah blah.” He is obviously flirting.
“ You know how to surf Dr. Mino?” tanong ni Byul
“Yeah, but not a pro, but yeah I am a decent surfer naman.” Sagot naman ni Mino
“You should learn from the pro then, you know Dra. Kang here is surfing champion. Si Jericho Rosales ang surfing buddy nito. Kadaupang palad nya ang mga magagaling na surfers sa bansa. ”
Ay pucha ka talaga Byul
“Is that true Dra. Kang?” curious na tanong mo
“No, I mean, that was a long time ago. Di na ako nagsusurf ngayon. And OA lang tong si Byul, I joined some competitions before pero di naman champion.” Paliwanag ko
“But that still counts as professional competition.”
“Yeah, you can say that.” Nahihiya kong pag-amin.
Seulgi 1 point, Mino 1 point.
May isang hour na rin nakakalipas.
I wasn’t supposed to steal glances from you pero part ng subconscious self ko ang laging nagdidikta na sulyapan ka mula sa rear view mirror. Ang cute mo habang concentrated ka sa pagbabasa sa dala mong libro.
Tumingin ka bigla sa salamin at nahuli mo akong nakamasid sa’yo, I was totally embarrassed, pero sinulyapan mo lang ako tsaka nginitian. Tachycardic na naman ang aking pusong pagal, biglang nag speed up ang pulso ko, 144 beats per minute and counting.
And finally nasa lokasyon na kami. Hopefully dito na yun….
“Magandang umaga po kapitan. Pasensya na po at medyo na-late kami ng dating. Nahirapan po kasi umakyat yung jeep.”
“Wala pong problema Dra. Irene, kami po ang dapat humingi ng dispensa at naabala pa po kayo, lugod akong nagpapasalamat at napili nyo ang lugar naming para sa pagbibigay nyo ng serbisyo medical.”
Meeting place palang pala ito. Hindi naman siguro kami tatawid sa bundok at mga ilog bago makarating sa kaharian ng Berbanya noh?
Sabi ni kapitan, di pa kami nakakalahati, pero labas na lahat ang mga dila namin sa pagod. And we haven’t even started yet sa medical mission proper
Sa wakas after Jurassic years nakarating din kami. Gubat kung gubat talaga ang dinaanan namin. Natakot ako bigla sa possibility na m
Comments