08: Foreign Feelings

Meet Me in San Juan
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

CHAPTER EIGHT

Foreign Feelings


 

[ Minjeong’s. ]

 

 

[ 5 Months, 3 Weeks, 5 Days. ]

 

Sinabi na sa akin ni Karina yung nag-iisang clue na binigay sa kanya ng lolo niya dun sa letter na iniwan sa kanya. Siyempre, hindi ko na binasa yung letter—pinakita na lang sa akin ni Karina yung nakasulat sa likod. 

 

P.S. Your father is in San Juan, and his name is Thomas Isaiah Yoo. 

 

Sa unang tingin parang madali lang hanapin yung taong may pangalan noon, pero hindi ko naman hawak ang full name ng bawat taong nakatira dito sa San Juan. Inabot ng isang linggo pa lang sa pag-aayos ng farm (nirequire pa ni Jaemin na isupervise ko yung pag-aayos nila nung wooden house, as if naman may alam ako doon?!) tapos hindi ko rin masyado nakausap si Karina since kasama niya lagi yung Aeri at yung isang lalakeng kapatid niya pala. 

 

Jaehyun ata ang name? Ewan, narinig ko lang yung pangalan niya nung narinig kong nag-uusap sila after bumalik siya tsaka yung Aeri sa San Lazaro to pick up something tapos bumalik uli dito. 

 

Taray. Kulang nalang, mag-uwian sila from here to San Lazaro, kaso minimum five hours ata ang byahe papunta palang. Hindi ko rin alam, hindi naman ako nakakalabas ng lugar na ito. 

 

Thomas Isaiah Yoo, huh.

 

Teka lang—

 

“Jaemin,” inabandona ko muna yung pagmonitor ng mga crops na itinanim namin a week ago at yung pagdidilig nung ilan, since ginawa ko nang responsibility yung pagtatanim for now. “Ano nga uli full name ni Mang Tomas?” 

 

“Ha?” confused na tanong ni Jaemin na binitawan muna yung martilyo at hinayaan sila Yeonjun na ayusin yung foundations nung house. “Anong trip mo?” 

 

“Sagutin mo nalang!” inis na sagot ko at babatukan ko pa dapat siya pero umiwas na siya sa akin.

 

"Ang alam ko, Tobias Isaac Yoo ang pangalan nun eh. Bakit mo natanong?"

 

Mas naconfuse naman ako lalo. 

 

"Eh bakit Mang Tomas ang palayaw niya kung Tobias first name niya?" 

 

Napakamot siya sa ulo niya. 

 

"Gags, hindi ko rin alam. Gusto mo, tanungin ko mamaya?"

 

Umiling nalang ako—kung siya nga yung hinahanap namin ni Karina, baka bigla siyang magtago since nameet na din niya si Karina nung nakaraan, tinawag pa siyang sauce. Baka makahalata, so susurpresahin ko nalang next time.

 

Kukuhanin ko na uli yung timba na ginagamit namin pandilig nang makita ko si Karina na tinatry diligan yung mga crops. 

 

Maghehello na sana ako sa kanya since hindi kami nagkita magdamag pati kahapon, kaso biglang binuhat ni Jeno yung medyo mabigat na timba at kita ko na nag-uusap na sila.

 

"Ay," pagcomment ni Ningning na nasa tabi ko na pala. "Sister, inuunahan ka na ni Jeno, payag ka doon?" 

 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Baliw ka ba? Wala naman masama na tulungan ni Jeno si Karina ah."

 

Tinawanan niya muna ako bago siya magsalita uli.

 

"Wala nga masama, pero bakit namumula tenga mo? Galit ka ba?"

 

Tinakpan ko tuloy yung tenga ko gamit yung kamay ko. Tawang tawa lang sa akin si Ningning habang pinopoint out niya yung observations niya kay Ryujin, kaya nilapitan ko na sila.

 

"…my name is Jeno nga pala."

 

"Ah… thanks, Jeno."

 

I cleared my throat muna, at ngumiti pabalik kay Karina na agad namang nakangiti sa akin nung palapit na ako.

 

"Jeno, 'di ba kukuha kayo ni Yeonjun ng pako galing kay Mang Tomas?" nakangiti kong sabi, pero halata naman na medyo irita na ako di ko lang alam kung bakit.

 

Naghahagikgikan na sila Ningning tsaka Ryujin, habang si Lia naman nanonood lang na nakangiti. Anong trip ng mga 'to?

 

"Yes… pero I was thinking about getting lunch with Karina first?" naguguluhan niyang tanong, at imbis na si Karina pa sumagot ng misplaced invitation niya ako nalang sumagot.

 

"Inimbita ko na si Karina kanina, pumayag na siya. Isama mo nalang sila Jaemin, tutal baka gutom na din sila."

 

"Minjeong—"

 

"Thanks!" all smiles pa ako nung sinabi ko iyon. Nakasunod lang sa akin si Karina kahit hindi naman totoo na inimbita ko siya—ang alam ko lang, wala pa kaming ulam for lunch kaya mukhang dadaan muna ako kela Mang Kanor.

 

Karina's smiling wide beside me. Dahil ba sa pagstep-in ko sa conversation nilang dalawa ni Jeno?

 

"Uy, hindi naman required na sumama ka," biglang sabi ko sa kanya since naconscious din ako sa inasal ko. "Kita ko lang kasi na medyo awkward ka nung kinakausap ka ni Jeno, so binigyan lang kita ng way out."

 

"Since you're my way out, why don't you cook lunch for me, then?" 

 

Medyo nastock-up lang ako dun ng slight. Feeling ko minsan, guni-guni ko lang si Karina or iniimagine ko lang siya, since hindi siya mukhang totoo???

 

Pero anyways, isa lang naman isasagot ko sa kanya eh.

 

"Samahan mo muna ako kumuha ng ingredients kay Mang Kanor?" 

 

She grins, and offers her hand for me to take. Sino ba naman ako para humindi?

 

"Let's go!"

 

Sa isang linggo na nakasama ko si Karina, may tatlong bagay na natutunan ko about her.

 

Una, passionate siya tungkol sa mga bagay na pinagtutuunan niya ng pansin, tapos madali rin siya matuto. Isang araw lang inabot nung pagtuturo ko sa kanya ng lahat na alam ko sa pagtatanim at proper plant care, tapos kaya na niya mag-isa. 

 

Nakakaproud lang, hehe.

 

Pangalawa, madali siya makaclose. Akala ko, intimidating din siya kasi super intimidating nung si Aeri na hindi ko pa rin maestima kapag nakakausap ko, pati na rin si Jaehyun ng onti. Ang bait niya tapos ang sarap din niya kasama, tapos tinuruan niya din ako gamitin yung camera niya na lagi niya dala pag di siya nag-aayos sa farm.

 

Third and lastly, she’s pretty. 

 

Sinabi ko na nakakaintimidate siya at first, and parte nun yung parang otherworldly beauty niya na dahilan din kung bakit masyadong distracted yung guys kapag bumibisita siya sa farm at chinecheck yung progress ng renovation nung wooden house. There’s a vibe with her na popular with guys and girls, at minsan nag-aalala ako na ang puchu-puchu ko tignan kapag katabi ko siya. 

 

“Minjeong, you’re staring.” Karina says with a small laugh, at narealize ko nalang na nandito na kami sa harapan ni Mang Kanor at naghihintay lang siya sa akin na bumili nung ingredients na lulutuin ko. 

 

“Ay, sorry. Marunong ka ba maghiwa ng sibuyas tsaka bawang?” tanong ko, at tumango naman siya doon habang namimili na ako ng kung ano-anong ingredients para sa simpleng tinola na lulutuin ko para sa aming tatlo ni Chaewon. 

 

Ilang beses na din napuyat si Chaewon kakaantabay na bumalik si Ate Seulgi tsaka dahil dun sa farm, kaya hinayaan ko nalang din muna siya matulog ng late. 

 

Natapos na akong mamili ng manok at magbabayad na dapat ako pero nagulat nalang ako nang makita ko si Karina na kinakausap si Mang Kanor, at may hawak pa siyang 1000 peso bill para bayaran yung mga nabili namin. 

 

“Karina, ako na—”

 

“No, don’t worry about it. Thank you po, Mr. Kanor!” 

 

Todo naman ang ngiti ni Mang Kanor habang naglakad na kami papunta kela Chaewon. Bakit ang sosyalin pakinggan ng name ni Mang Kanor ‘pag galing sa kanya???

 

Mr. Kanor pa ang tawag. Ayaw mo ng Mang Kanor, Karina? 

 

Anyways, naglalakad na kami pabalik sa bahay ni Chaewon nang mapansin ko na palinga-linga siya at mukhang hindi mapakali. Mahigpit din ang hawak niya sa braso ko habang buhat niya yung isang plastik na puno ng gulay. 

 

“Karina, kung makakapit ka sa akin… Hindi naman ako liliparin.” natatawa kong sabi, and she hums in reply at that pero hindi pa rin niya binitawan yung braso ko? 

 

“Are you bothered? Do you want me to let go?” 

 

Umiling nalang ako. “Ano bang meron?” 

 

She grins, at naramdaman ko na hinihimas niya yung braso ko ng slight. 

 

“I just don’t want you to experience that again.” 

 

That? 

 

Ah. 

 

Kaya pala lingon siya nang lingon kanina pa. 

 

“Bodyguard yarn? Hindi naman ako aanuhin nun, Karina.” natatawa kong sabi, at nag pout pa siya na parang unconvinced pa rin siya sa sinabi ko. 

 

“Kahit na,” she says, clutching me even tighter. “I don’t want you to get hurt, you know.” 

 

Ay? “Bakit naman?” I ask, playfully gasping as I put my hand above my heart dramatically. “Friends na tayo?” 

 

“Aren’t we friends already since the first day?” she says, and the next thing that comes out of her lips kind of surprises me a little bit. “Pwede naman na something more, if you want.” 

 

Ganyanan pala, ha… Hindi ako papatalo, of course. <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
Chapter 47: this is teleserye levels. abs/gma should take notes. thanks for writing this! it was an interesting and an entertaining read :] i usually dislike cliches, but this one made me like it a bit
wintongie
#2
Chapter 47: 🥺🥺🥺
ryujinie__
703 streak #3
Chapter 47: 🥹💙💙
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 46: update yaaaaayyyy 🥳
winter6arden
#5
Chapter 1: OKAY this is exciting omg
buddy_gfriend
#6
Chapter 45: whaaatt
Ardem_Joseph23
18 streak #7
Chapter 45: Isa lang yan.. Wag kana magbakasyon Rina. Daming ganap 😅😅
wintongie
#8
Chapter 45: 🥺🥺🥺🥺
Kelllorente
#9
Chapter 45: Grabeng revelation naman yan. So ang fav talaga ni kihoon eh yung real Minjeong.
wintongie
#10
Chapter 44: ENDGAAAAMEEEEE