19: A Proper Label, Final

Meet Me in San Juan
Please Subscribe to read the full chapter

 

CHAPTER NINETEEN

A Proper Label, Final


 

[ Minjeong’s. ]

 

[ 4 Months, 2 Weeks, 6 Days. ]

 

Nawala na ng tuluyan yung bagyo na rumaragasa sa loob ng isip ko the moment that I saw Jimin fighting with my father outside the house. The moment she sat behind me inside the room we shared, alam kong nawala na lahat ng doubts ko because she’s here. 

 

The love of my life is here, my Jimin is here. 

 

Pero alam kong kailangan kong sabihin lahat ng nasa isip ko—hindi mawawala ng tuluyan yung mga doubts na nasa isip ko kapag hindi ko narinig mula kay Jimin mismo na ako lang. 

 

Kahit hindi ako ang simula, sa akin ang tapos. 

 

Ako lang. 

 

Ikaw lang, Jimin.

 

Since nagising kaming dalawa ng maaga dahil sa biglaang pagdating ni Ate Joohyun, sinabihan ako ni Jimin na bumalik muna sa kwarto namin since she’s going to plan out the spontaneous dinner where she’s going to pop the big and totally unexpected surprise question. 

 

Natawa naman ako sa kanya. Bothered pala siya since kanina or baka kagabi pa to ask that question, and ako lang pala hinihintay niya. 

 

Well… Technically I forced that label last week, so parang kami na din na hindi? 

 

Ewan, ang gulo. Basta, happy ako sa status namin ni Jimin ngayon, and I know na bonus na lang yung label. 

 

Joke. Siyempre ‘di naman ako ganun ka-flagpole para tanggapin na lang yung ganun. 

 

Excited na din ako sa kung ano mang pakulo ni Jimin for the event leading into the big question mamaya. Narinig ko ata siyang nakikipag-usap kay Ate Seulgi sa labas tungkol sa kung ano man, at hindi na ako makapaghintay. 

 

But first things first, ang sakit na ng legs ko. 

 

Lumabas muna ako ng kwarto to get some ice for the bruises on my legs, at kita ko na nag-uusap ng seryoso si Minju tsaka si Chaewon sa may sofa. Kahit ayaw kong mag-eavesdrop dun sa usapan nila, kusa nang gumalaw yung paa ko at itinago yung sarili ko sa may pintuan ng kwarto namin. 

 

“...hindi ba pwedeng kalimutan nalang natin yung nangyari?” 

 

“Chaewon, hinalikan mo ako nung nasa San Lorenzo tayo. Tapos ngayon natulog tayo na magkatabi, tapos kumain tayo ng sabay kanina. Sa tingin mo ba madali lang kalimutan lahat ng iyon?” 

 

Ay. Akala ko ba si Kazuha ang gusto nito, bakit may halikan? 

 

“Minju, you know who I like—”

 

“Alam ko, but that doesn’t mean na pwede mo akong halikan and then get away with it without any consequences. Wala ka bang naramdaman kagabi, kahit katiting man lang para sa akin?” 

 

Seryoso na yung usapan nila kaya naglakad na ako pabalik sa kwarto, pero siyempre narinig ko pa rin yung sagot ni Chaewon bago ko sinara yung pinto.

 

“...it shouldn't. Si Kazuha ang gusto ko—" 

 

Yeesh. Alam kong magulo na yung love story nila since nafigure out ni Jimin yung parang complicated na love square nila, pero mas gumulo ata since mukhang hindi na alam ng pinsan ko kung sino ba talaga gusto niya. 

 

Hinubad ko muna yung overalls na suot ko at nagpalit into shorts para mas comfortable, tapos binalot ko ng towel yung yelo na nahanap ko sa ref. Medyo masakit ng onti nung pinatong ko na yung cold compress sa bruised na part, tapos binuksan ko yung parang portable na tv sa loob, hoping na gumana iyon—

 

[“...and the first time that the young CEO had appeared in public with her lover, she had disappeared again. Her siblings cannot give a straight answer with what’s happening to the youngest inheritor of the biggest company in San Lazaro—”]

 

Nilipat ko na yung channel, at yung isa namang news segment ako naman ata yung pinag-uusapan. 

 

[“Now, let’s talk about your sister, Miss Taeyeon.”]

 

Nanlaki yung mata ko nang biglang lumabas si Ate Taeyeon dun sa segment. Kita ko ang pagod sa mga mata niya, at nang tumingin siya sa camera parang nakatitig na rin siya sa akin. 

 

[“Well, what do you want to know?”]

 

Parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isipin with what she’s doing right now, at hindi ko alam kung ano ang ieexpect kong sasabihin niya sa interview na ito. 

 

[“Bakit tinago mo for a long time na may kapatid ka pala sa San Juan?”]

 

[“Winter wasn’t exactly hidden,”] pagsisimula niya, at hindi ko maiwasan na kabahan dahil tinawag niya ako gamit ang pangalan na iyon. [“As much as possible, I did not want the kidnapping incident that she suffered when she was a child be exposed because of her being tied to me, so I figured out that the best way to hide it is to not expose her to the public at all.”]

 

Bull, I thought. Mas gusto niyo naman kasi talaga na si Summer ang nandito ngayon, hindi ako. 

 

[“Then why is she exposed to the public now? Is that your plan as well?”]

 

Somehow alam ko na kung ano sasagutin niya, pero ang sakit pa rin sa puso since Ate ko siya—hindi dapat siya magsabi ng ganun, especially to the girl I love the most. 

 

[“The exposure she gained now was due to her being linked negatively to the CEO of Jang Corporation, Miss Katarina Yoo. I don’t really know what their relationship is, but I’m sure it’s just a phase.”] 

 

Natawa pa si Ate habang sinasabi iyon, and I can’t help but sigh as I shift the ice to another leg, at mukhang naibsan ng konti yung medyo nagviolent na skin surface dahil dun sa pagsipa ko ng pinto kahapon. Ano bang gusto niyang gawin with this? Sirain ako ng tuluyan sa mata ng tao? Hindi ko magets—

 

[“That’s why I’m trying to reach out to Mr. Terence Na, the father of her childhood bestfriend. Since I knew that they had mutually liked each other before, I am going to arrange everything about their relationship until it leads to marriage—”]

 

Pinatay ko na yung TV at hindi ko maiwasan na maibato yung remote sa pader, dahilan para masira ito at mahulog dun sa likod ng drawer na pinaglalagyan nung TV set. 

 

What the ? 

 

Seryoso ba siya? 

 

Ipapakasal ako kay Jaemin just because she doesn’t like Jimin? 

 

As far as I know, at ngayon ko lang to narealize, magpinsan din ata si Jimin tsaka si Jaemin, since magkapatid yung tatay ni Jimin pati yung nanay ni Jaemin—si Mang Tobias lang ata ang walang anak. 

 

Anong gagawin ko? 

 

Should I go back to San Lazaro para kausapin si Ate? 

 

Pero hindi na rin naman ako bata—kaya ko na magdecide sa sarili ko, and hindi ko rin naman hinahabol yung posisyon niya sa kumpanya so there’s no reason para ipush through yung kasal na sinusuggest niya other than her being hard-headed at gusto lang masunod ang will niya. 

 

Siguro kailangan kong pumunta ng San Lazaro. Para matapos na ‘to, since alam kong hindi titigil si Ate hangga’t di nasusunod ang gusto niya. 

 

Kinaya niya nga na iwan ako sa San Juan na kasama ang demonyong iyon. 

 

Ang ipakasal pa kaya ako sa hindi ko gusto?

 

“Baby?” 

 

Nabasag ang pag-iisip ko nang marinig ko yung boses ni Jimin, at hindi ko na napigilan na pumasok siya sa loob just to see me like this. 

 

Namumugto na ata yung mata ko since malapit na akong maiyak because of what I heard, at nagpanic naman ako ng konti nung lumihis yung tingin niya sa legs ko, with the ice already dripping on the floor. 

 

Tumayo ako at tinry na kunin yung towel sa closet ko, pero inunahan na niya ako at pinaupo nalang dun sa kinauupuan ko. Nanahimik nalang ako habang pinupunasan niya yung legs ko na nabasa pati yung sahig, tapos lumuhod siya sa harap ko as she placed a hand on my knee. 

 

“Ate Irene just texted me about it,” panimula niya, taking the ice from my hands and putting it above the other bruised areas left unattended. “Are you alright? We can just postpone the dinner for tomorrow—”

 

“Paano kung ipilit ni Ate iyon?” 

 

She tilts her head as I wait for her to answer. 

 

“I’m going to do everything to stop that,” sagot niya, at hinawakan niya yung pisngi ko. “I want you to have freedom to do what you want, to do anything and go anywhere you want.” 

 

“Matatalo mo ba si Ate—”

 

“I have Bae Industries and Jeong United on my side, three of the four big companies in San Lazaro,” nakangiting sabi ni Jimin habang nakaluhod pa rin siya sa harapan ko. “We’re going to do everything we can to make sure that you’re safe. You’re family now, baby.” 

 

Ngumiti ako sa kanya. As much as I want na hindi magdepend sa kanya masyado, napakalaki ng kalaban ko ngayon, at alam kong kapag mag-isa ko lang siyang nilabanan hindi ako mananalo. 

 

I’m not Summer—I will never be her. 

 

“Should we postpone? I can wait another day—”

 

“Ako hindi na,” I said with a laugh. “Though I don’t think I can wear a dress tonight because of… this.” I said, pointing at my legs. 

 

Ngumiti si Jimin sa akin. “You can wear anything you want, cutie.”

 

Natawa ako sa sinabi niya. “Kahit t-shirt lang tsaka shorts?” 

 

“Baby, you have to wear a jacket, it’s cold—”

 

“Joke lang, Jimin.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
Chapter 47: this is teleserye levels. abs/gma should take notes. thanks for writing this! it was an interesting and an entertaining read :] i usually dislike cliches, but this one made me like it a bit
wintongie
#2
Chapter 47: 🥺🥺🥺
ryujinie__
703 streak #3
Chapter 47: 🥹💙💙
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 46: update yaaaaayyyy 🥳
winter6arden
#5
Chapter 1: OKAY this is exciting omg
buddy_gfriend
#6
Chapter 45: whaaatt
Ardem_Joseph23
18 streak #7
Chapter 45: Isa lang yan.. Wag kana magbakasyon Rina. Daming ganap 😅😅
wintongie
#8
Chapter 45: 🥺🥺🥺🥺
Kelllorente
#9
Chapter 45: Grabeng revelation naman yan. So ang fav talaga ni kihoon eh yung real Minjeong.
wintongie
#10
Chapter 44: ENDGAAAAMEEEEE