06: New Arrivals

Meet Me in San Juan
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

CHAPTER SIX 

New Arrivals


 

[ Minjeong's. ]

 

papa (dni): Mamayang hapon yung dating ng bagong titira diyan sa farm, instead of Sunday. I just thought you wanted to know that.

 

Hindi pa ako nakakapaghilamos pero napasigaw na ako sa gulat dahil sa text na natanggap ko mula kay Papa. Pumasok pa si Chaewon sa kwarto ko na nag-aalala, pero nagulat din siya nang ipabasa ko sa kanya yung message.

 

"Wait lang, hindi pa nga natin nachecheck yung wooden house kung pwede tirhan! Tsaka kakarecruit pa lang natin ng bagong kasapi, si Lia tsaka si Ningning, bakit mamaya na agad?!"

 

Nagpapanic na ako ng slight, kaya hindi na ako nakasagot kay Chaewon at instead ay chinecheck yung oras at nagsend ng message kela Jaemin, Ryujin, Lia, Ningning at pati na rin si Chaewon na tumunog agad yung phone pagkatapos.

 

"Seryoso ka ba? Kakausapin mo si Mang Tomas tungkol dun sa tools, eh halata namang sumisipsip iyon sa tatay mo?" inis na sabi ni Chaewon na naghanda na rin para sa gyera na sasabakin nila ngayong araw. 

 

Naghilamos na lang ako at nagpalit ng damit, tapos kinuha ko na yung mga necessities na dadalhin ko for a day na pagtatrabaho para malinis yung farm.

 

Nakasleeveless na lang ako na shirt tapos denim na jumper, at hinukay ko rin yung dalawang boots na hiniram ko pansamantala mula dun sa wooden house para suotin namin ni Chaewon.

 

"Wala tayong ibang choice, Chae. Tsaka kung papauwiin ako ni Papa, e 'di lalayas nalang ako ulit." natatawa kong sabi habang kinuha ko na yung bike ko at nilagyan ng kahoy yung likuran tsaka tinalian ng tali, para makaupo si Chaewon sa likod.

 

"Sus, kita ko naman na takot ka. What if ako nalang kaya kumausap?"

 

Umiling ako. "Papayag iyon, malakas ang kutob ko. Tsaka kung 'di siya papayag, e 'di ibablackmail ko siya tungkol dun sa kinuha niyang tools mula sa wooden house nung nakaraan."

 

"Kaya favorite na pinsan kita eh."

 

Mabilis na akong nagpedal papunta sa hilera ng mga shop nila Mang Tomas, at kita ko naman na naghahanda na si Lia sa labas nila Aling Pacing para sa maliit na mission namin.

 

"Lia, diretso ka na dun ah!"

 

"Okay!"

 

Muntik pa kami sumemplang kasi may tumawid na tuta. Mukhang walang nanay kaya dinampot na ni Chaewon at kinandong pa, so triple ingat na tuloy ako papunta kela Mang Tomas.

 

"Gags, allergic yun sa aso kaya diyan ka nalang." natatawang sabi ko habang inilabas ko na mula sa bag ko yung pang suhol na chocolate na kinuha ko mula sa ref nila (sorry, Ate Seulgi).

 

"Hoy, hindi ko alam! Sorry, dito nalang kami ni Whitey!"

 

"Black yung aso tapos Whitey?! Ah, ewan ko sa'yo!"

 

Pumasok na ako sa loob na kabado. Nakita ko agad si Jaemin na parang aso ang ngiti nung nakita ako, pero nawala yung ngiti na iyon nang makita namin si Mang Tomas na pumasok.

 

"Hindi pwedeng lumabas si Jaemin, iha—"

 

"Nagbabaka sakali lang po ako kung pwede mahiram yung mga tools niyo? Aayusin po kasi namin yung farm."

 

Kita ko na agad sumama ang mukha ni Mang Tomas.

 

"Iha, dapat hindi na kayo pumapasok dun sa loob ng farm na iyon. Baka masugatan pa kayo—”

 

“Gusto lang naman po namin na ihanda yung farm para dun sa bagong dadating mamaya. Para naman po hindi tayo mapahiya, kasi katabi lang natin yung farm pero hindi natin naaalagaan—”

 

“At sino ang may kasalanan noon?” matigas na sabi niya na matalim nanaman ang titig sa akin. “Sino ba nagsara nung gate tapos nilagyan pa ng lock? Kailangan pa tuloy bumili ni Kanor ng mga gulay mula sa ibang lugar—”

 

“Sino po ba yung nagnakaw ng tools galing doon sa wooden house? Ayun po oh, yung palakol na iyon tsaka yung pangbungkal. Tsaka mayroon pong naglagay ng graffiti dun sa gilid ng bahay, nahirapan din po kami linisin kasi ang taas nung pinaglagyan—”

 

“Oh, hiramin mo na. Jaemin, huwag ka nang magpapagabi, kung hindi malilintikan ka nanaman sa Mama mo.” 

 

“Opo, salamat po.” 

 

Ngiting ngiti pa ang gago sa akin habang palabas na kami ng shop. Napalitan naman ng tawa iyon nang makita namin na umiiyak si Chaewon habang hawak niya yung aso—si Whitey.

 

"Bakit ka umiiyak? Kinalmot ka ba?"

 

"Ang cute niya kasi, ngumiti kanina! What if Jaemin nalang ipangalan ko dito?" 

 

"Bastos!"

 

“Guys, focus na nga! Jae, ikaw na magbike kasama si Chaewon pabalik ng farm. Pupunta ako kela Ryujin tsaka kay Ningning, tignan ko kung gising na sila.” 

 

Nagsalute si Jaemin bago niya tignan uli yung aso at hinimas yung ulo nito, pero iniwas ni Chaewon yung aso at muntik pa siya masubsob nang magpedal bigla si Jaemin papunta dun sa farm. 

 

“JAEMIN NATATAKOT SI WHITEY BAGALAN MO LANG!” 

 

“MABAGAL NGA LANG OH?!” 

 

Napailing nalang ako sa inisan nilang dalawa. Bago ko pa man sila makitang magsakitan at sumemplang pa gamit yung bike ko, nagpasya na akong maglakad papunta kela Ningning tsaka Ryujin habang pinagdadasal ko na hindi ko makasalubong si Papa o kahit yung pari sa malapit na church dito—

 

“Hanggang kelan mo itatago sa buong San Juan ang tungkol sa anak mo?” 

 

“Father, wala akong tinatago.” 

 

Speaking of the devil, yung dalawang iyon ang nag-uusap sa ruta na dadaanan ko sana papunta kela Ningning. Mukhang nagkakainitan na sila, at kahit ayaw kong makinig sa pinag-uusapan nila… Napakalakas ng boses nila, parang gusto iparinig sa buong madlang pipol. 

 

“Winter deserves a better life than this, Kihoon. Pinigil mo na nga siyang sumama sa Ate niya noon, tapos ngayon ikinukulong mo siya dito? Hindi mo ba naisip na baka hindi dito ang gusto ng Diyos para sa kanya—”

 

“Ano bang ginawa ng Diyos nung nasa panganib si Winter, Father? Tsaka Minjeong na ang pangalan niya, hindi iyon. Matagal nang wala si Winter, naiintindihan mo ba?” 

 

Medyo sumasakit na ang ulo ko habang pinakikinggan ko ang pangalang iyon. Matagal na rin nung iniba yung pangalan ko, at alam ko ang reason pero masyadong masakit iyon para alalahanin ko ngayon.

 

Then why are they mentioning that name in conversation? 

 

Umalis na silang dalawa, kaya nagsimula na ako maglakad papunta sa dapat kong puntahan. All I knew is that nasundo ko na sila Ningning tsaka Ryujin, at tatlo kaming naglalakad na pabalik sa farm. Naglalakad lang ako na maraming iniisip, especially since napakadaming questions na nasa isip ko kahapon pa. 

 

Marami akong hindi maintindihan, pero gusto kong ifocus muna yung sarili ko sa paglilinis nung farm para sa special guest namin. 

 

“Minjeong, naaya ko na din sila Jeno tsaka Yeonjun para may katulong tayo dito!” masiglang sabi ni Jaemin nang nakarating na ako sa farm. Tumango na lang ako at pumasok dun sa wooden house para kunin yung isang box ng gardening gloves pati yung isang box ng safety gloves since may need din na irepair sa wooden house. 

 

“Boys, kayo na mag-inspect ng wooden house. Girls, ayusin nalang natin itong plot para mataniman natin ng seeds galing dun sa storage room; sa susunod na lang natin puntahan yung lake.”

 

“There’s a lake?” maarteng sabi ni Lia na nakasandal kay Ryujin na mukhang kinikilig na ewan; nakalimutan kong medyo bago nga pala siya dito sa lugar na ito, since she’s from San Lorenzo at apo ata siya ni Aling Pacing na nagbabakasyon dito. 

 

“Oo, may lake dito. Naliligo pa kami dun dati, kaso masyadong mataas yung mga damo kaya hindi na namin napuntahan.” sagot ko, at inabutan siya nung maliit na pambungkal para matanggal yung mga damo dun sa plot. 

 

Nagpatulong ako sandali kay Yeonjun na buhatin yung mga bags ng seeds na nakaistock doon. Bumili na rin ako ng fresh na seeds kay Mang Kanor kahapon, since dapat this week namin itatanim pero ngayon na lang din. 

 

Itinali ko yung buhok ko na medyo humahaba na din lampas ng leeg ko. We immediately started to work at already nine am, at pinagpepray ko na sana late na dumating yung bagong titira dito para may time pa kami ayusin ito—

 

“Wow, looks like a lot of people love your farm, Ji.” 

 

All of us looked up from what we were doing when we heard that voice. Pagtingin ko dun sa labas ng nakalock na gate, kita ko na may dalawang babae na naghihintay sa labas ng parang pickup truck, habang yung isang lalakeng nagdadrive naman ay naghihintay na buksan yung pintuan ng gate. 

 

Without a word, kinuha ko yung bolt cutter na kasama dun sa tools na hiniram ko kay Mang Tomas at inalis yung chain na nasa labas. We did not exchange any words as the three of them entered the premises, at nag-aalangan ako kung dapat paalisin ko na sila mula dun sa property or magstay pa kami dito. 

 

Laki naman ang gulat ko nang magsalita yung babae na nakilala ko mula dun sa picture sa loob ng wooden house, at halatang gulat din pati yung kaibigan niyang babae na parang maarte tignan. 

 

“Can you teach me what you’re doing?” 

 

Kinuha nang sign nila Ryujin iyon para ipagpatuloy yung paglinis nung earth plot habang kumukuha na sila Lia tsaka Ningning ng containers para d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
franzii
#1
Chapter 47: this is teleserye levels. abs/gma should take notes. thanks for writing this! it was an interesting and an entertaining read :] i usually dislike cliches, but this one made me like it a bit
wintongie
#2
Chapter 47: 🥺🥺🥺
ryujinie__
703 streak #3
Chapter 47: 🥹💙💙
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 46: update yaaaaayyyy 🥳
winter6arden
#5
Chapter 1: OKAY this is exciting omg
buddy_gfriend
#6
Chapter 45: whaaatt
Ardem_Joseph23
18 streak #7
Chapter 45: Isa lang yan.. Wag kana magbakasyon Rina. Daming ganap 😅😅
wintongie
#8
Chapter 45: 🥺🥺🥺🥺
Kelllorente
#9
Chapter 45: Grabeng revelation naman yan. So ang fav talaga ni kihoon eh yung real Minjeong.
wintongie
#10
Chapter 44: ENDGAAAAMEEEEE