Karina Cutie

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

“Eh yung nakapink na bag, try niyo!”

 

“'Gaga, may jowa 'yan!”

 

“Yun nalang oh! Yung maikli 'yung buhok, dali! Ayan, papunta dito–”

 

“Hindi naman ganyan ang mga type ni Wintot eh!”

 

“Ay, oo nga. Ano bang type niya?” tanong ni Ryujin as if hindi ko sila naririnig.

 

Lunch break namin ngayon, at dahil tinatamad na kami maglakad para kumain sa labas, dito nalang kami kumain sa may fountain sa loob ng school. May mga stall rin kasi dito na nagtitinda ng mga tusok tusok.

 

“Ewan ko rin dyan,” sagot ni Lia kay Ryujin bago lumingon sa akin. “Wintot, ano bang type mo?”

 

Hindi ko siya sinagot. Nakaupo lang kasi ako sa parang upuan ng fountain at tahimik na kumakain ng kwek kwek, habang sila Ryujin, Ningning, at Lia naman ay nakatayo lang mismo sa harap namin nila Chaewon at Yeji na nakaupo rin sa tabi ko. 

 

Pinagtitripan lang naman ako ng mga 'to kaya hinahayaan ko nalang sila sa pinaggagawa nila. 

 

“Puro babae naman yung mga tinuturo niyo. Is Winter even into girls?” pag point out ni Yeji.

 

Napaisip ako bigla. Am I into girls?

 

Basta wala naman akong pake sa mga ganyan, and basta lang ako nagkakacrush sa kung sino man ang sa tingin ko ay trip ko nung nasa junior high pa ako.

 

Gawa na rin siguro 'to ng pagpapalaki sa'kin nila Mama at Papa. They never labeled my uality kahit noon pa, so I didn't think of it as something important na kailangan ko talagang pag-isipan. Hindi sila nag assume na straight ako, at hindi rin sila nag assume na queer ako. 

 

I just like what I like.

 

Besides, even if I turn out to be in a relationship with a girl, sigurado naman na hindi ako ijujudge ng mga magulang ko. Mas bakla pa kaya sila kesa sa'kin.

 

Pag tingin nila na may crush ako sa lalaki, aasarin nila ako. Pag tingin rin nila na may crush ako sa babae, aasarin pa rin nila ako. It didn't matter to them.

 

“Malay ko! Basta, mag hanap nalang kayo ng cute, yung tingin niyong bagay sa kanya,” sabi ni Ningning.

 

“Feel ko mas bagay kay Winter yung mga babae,” nagsalita si Chaewon.

 

Bahala sila mag-isip diyan. Kumakain ako.

 

“Ate, crush ka daw nitong friend namin!”

 

Tinaasan ko ng kilay sila Ryujin at Ningning habang ngumunguya ng kwek kwek. 

 

Nagtatawag sila ng kung sino man ang dumadaan sa direksyon namin at biglang sisigaw ng ‘ate, crush ka daw nito!’ sabay turo sa akin.

 

Wala na naman silang magawa kaya ako na naman ang nakita ng mga mapang-asar nilang mata. Although nahihiya na ako sa trip nila, wala na ako sa mood para makipag-bangayan pa at ipagtanggol ang sarili ko. At tsaka kumakain pa ako, 'no. Hindi ako nagsasalita pag busy ako kumain.

 

Mamaya ko nalang gagantihan 'tong mga 'to.

 

“Para kayong tanga,” tumawa si Chaewon, pero isa rin 'tong konsintidor eh. 

 

“Tinutulungan lang namin 'yang pinsan mo, Chae!” sagot ni Lia. “Ayaw namin siyang mamatay nang walang asawa!”

 

Shemay, bakit ba ang lalakas ng boses ng mga kaibigan ko!

 

Namula ako nung nakuha ng boses ni Lia ang atensyon ng ilan pa sa mga estudyante na naglalakad lakad lang dito sa may fountain para kumain. 

 

“You can do that without embarrassing her naman eh.” salamat nalang talaga dahil nag eexist si Yeji– “At least try to be subtle about it,” nevermind.

 

Sinamaan ko ng tingin si Yeji at nag pout sa kanya. Akala ko naman kakampi ko siya!

 

She gave me a peace sign bago bumalik sa kinakain niyang fishball.

 

Hindi ko alam kung magiging thankful ba ako sa suggestion ni Yeji kila Ningning, Ryujin, at Lia or what. After niya kasi sabihin 'yung word na ‘subtle’ agad naman itong sinunod ng mga kaibigan ko, pero mahihiya nalang talaga ako sa bagong ganap nila ngayon.

 

Tuwing may dumadaan na babae, mag wiwiggle sila ng kilay nila at may matching kindat pa tapos sabay turo ulit sa akin. 

 

Swerte nila at walang nagfile ng harassment dahil sa katangahan nila sa buhay.

 

Just when I was starting to believe na tatahimik na talaga yung mga ungas, biglang sumigaw na naman si Ryujin.

 

“Ate! Crush ka nitong tropa namin–”

 

“Hoy, si Minju 'yan! Ryujin!” finally, sinaway na sila ni VP Chaewon.

 

“Ay, omg–”

 

Napahinto si Minju girl sa paglalakad at litong tumingin sa amin, silently asking us kung anong nangyayari.

 

Leche. Hiyang hiya na ako!

 

“S–sorry, first time lang po kasi makalabas ng mga alaga ko–”

 

Agad namang sumingit si Ningning, “Hoy, Wintot! Anong alaga? Sa ganda kong to–”

 

“Oh…” takang sabi ni Minju. For sure, na wiweirdohan na siya sa mga kasama ko.

 

Napatawa ulit si Chaewon sabay umakbay sa akin. “Wala yan, Minju. Wag mo na lang pansinin.”

 

“Yeah,” pag-sang ayon ni Yeji. Napakabalimbing talaga. “They're just messing around,”

 

“Anong derjasmesinarawnd! Nakikisali ka kaya!” parang ready nang umatake si Lia at any moment, grabe.

 

“Ah,” nagsalita si Minju at nakita kong hinigpitan niya ang pagkahawak sa librong dala niya. “Ganun ba? Akala ko naman kung ano,” then tumawa siya kaya gumaan naman ang paghinga ko. 

 

Nakakahiya na talaga. “Sige, una na 'ko. Chae, Winter, and I'll see you sa class, Ning.” ngumiti siya sa aming mag pinsan at pati na rin sa mga ungas. 

 

When she's finally out of our earshot, nagtawanan agad yung mga tropa ko including our very responsible Vice President Chaewon. 

 

“Ayan, masaya na kayo?” nag pout pa 'ko para makita nila ang inis ko.

 

Tsaka na rin yung ka cute-an ko hehe.

 

“Tigilan na nga natin si Wintot,” sabi ni Lia na natatawa pa rin. “Baka mapikon sa 'tin yan tapos pagbawalan na tayo pumunta sa bahay nila!”

 

“Kaya ka lang naman pumupunta sa kanila kasi crush mo si Kuya Key!” biro ni Ningning.

 

“Che! Ang pogi kaya ng papa ni Winter,”

 

And ayun. Nagsimula na silang mag chikahan about sa ‘gwapo’ kong tatay. Pati nga si Yeji ay nakisali na rin. Si Ryujin naman ay panggulo lang sa kanila, while si Chaewon naman ay halos mandiri na sa kinauupuan niya. Duh, tito niya yun eh.

 

 

“Ryu, pakibantayan,” bulong ko kay Ryujin sabay turo sa bag ko, then sa cup ng kwek kwek na kinain ko. “tapon ko lang to.”

 

She gave me a nod, tapos naglakad na ako papunta sa basurahan. 

 

 

 

Pagtapon ko sa cup, agad akong tumalikod para bumalik na sana sa fountain, pero napahinto ako nung nakita ko si Karina na naglalakad papalapit sa 'kin kasama si Giselle.

 

“Winter!” sigaw ni Karina then she gestured for me to come closer.

 

Mabilis akong lumayo mula sa basurahan at nag decide na lang rin na lapitan silang dalawa.

 

“Hey, Winter,” bati sa 'kin ni Giselle, smiling as she did so. “Have you seen Yeji around?”

 

“Hi,” ngumiti rin ako, then I pointed towards the fountain kung nasaan yung mga kaibigan ko. “Andun si Yeji,”

 

“Thanks!” Giselle said bago tapikin si Karina na nasa tabi niya lang, tahimik at nakangiti. “Rina, punta lang ako kay Yeji, so I guess I'll leave you two alone muna. Wait for me.”

 

Nung wala na si Giselle, Karina turned to face me again. 

 

'Di tulad nung mga nakaraang araw, hindi na ako masyadong nag papanic tuwing kaming dalawa na lang ni Karina. Narealize ko lang kasi na bakit naman ako mag papanic around her? Hindi niya naman ako binigyan ng rason para pasabugin ang mga natitirang neurons sa utak ko since she really made me feel comfortable and even assured me na okay lang kahit tahimik lang ako whenever we're alone.

 

Feel ko rin na medyo naging close na kami after nung pag open up niya sa akin nung isang gabi.

 

After kasi naming kausapin ni Beomgyu si Kuya Minho kahapon, pumunta kami ni Ate Jisoo sa bahay nila Aling Tiffany para ayusin yung ref niya at yung aircon sa room ni Karina. Si Karina mismo yung nag aasikaso sa'min ni Ate Jisoo, and pag occupied si Ate sa ginagawa niya, tatayo si Karina sa tabi ko para makipagchikahan din. I guess we took that as an opportunity to talk and get to know each other more.

 

May dulot rin naman pala ang pagpilit ni Ate Jisoo sa'kin na sumama sa kanya tuwing mag-aayos siya ng appliances nila Aling Tiffany.

 

“Kumain ka na?” I asked her. Alam kong break na rin niya since blockmate niya nga si Ningning.

 

“Gi and I were actually planning on going out kasama si Yeji,” sagot ni Karina, ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO