Tayo Na Lang?

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Mamaya pa ang uwian nila Mama – while si Chaewon naman ay may meeting pa raw sa Student Council, kaya heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng– chos. 

 

Sa ngayon ay mag-isa akong nakaupo sa waiting shed sa labas ng school. Actually, sinamahan naman ako nila Ryu, Yeji, at Lia kanina, pero kailangan din naman nilang umuwi dahil marami pa silang gagawin sa kanya kanyang bahay at buhay. Si Ningning naman ay nagmamadali nang umuwi dahil may dala pa siyang dalawang puno at tatlong damo na gawa sa cardboard. Para daw 'to sa roleplay nila kanina. 

 

Kaya siguro may dala na white polo shirt at pencil skirt si Karina kanina nung nagkita kami sa may gate ng school. Ayaw niya nga lang sabihin kung ano ang role niya.

 

Bale halos fifteen minutes na rin akong nandito mag-isa. Wala kasi ako sa mood na maglakad pauwi kaya maghihintay na lang talaga ako kila Mama at Chae.

 

Inaaliw ko na lang talaga ang sarili ko sa bago kong hobby ngayon, which is ang maglaro ng Dumb Ways to Die.

 

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng mabilis na pagpindot para makatakbo yung bean mula sa crocodile nang bigla na lang may kumalabit sa balikat ko.

 

Ang first instinct ko dapat ay simangutan kung sino man yung kumalabit sa'kin, pero nung tinaas ko ang tingin ko para makita kung sino 'to, parang mas pinili ko na lang na ngumiti.

 

Sino ba naman ang hindi, 'di ba?

 

Si Karina na 'yan eh.

 

“Kumusta, Winter. Hindi ka pa uuwi?” tanong niya. She's fiddling with the straps nung bag niya. 

 

Pansin ko lang, may nagbago talaga sa paraan ng pagsasalita niya lately. Parang mas madalas na siya gumamit ng Tagalog words and phrases ngayon, though hindi ko sure kung ako lang ba ang nakakapansin nito.

 

Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at lalong ngumiti, “Hindi pa. Hinihintay ko pa sila Ms. Taeyeon, eh. Ikaw?” 

 

Sanay na talaga ako na Ms. Taeyeon ang tawag kay Mama tuwing nasa school grounds pa rin ako. Ewan ko rin kung bakit.

 

She looked around the area, then umiling at umupo sa tabi ko – at syempre, dahil sa lapit niya sa akin, sadyang naamoy ko rin yung buhok niya by accident. Wala, sherkolang. Ang bango lang kasi. Ano kayang shampoo niya? Palmolive? 'yung tig lilimang piso ba na tinda nila Aling Sunny? Or yung mga mamahalin na nabibili sa– nevermind. Ba't ko ba iniisip kung anong gamit niyang shampoo? Naliligo rin naman ako, at may sarili akong gamit na shampoo.

 

“Wala pa si Ninang naman sa bahay, so maybe I'll just…” she tucked her hair behind her ear at ngumiti sa akin, “is it okay if I wait here with you?”

 

“Okay lang naman, pero bakit?” I asked curiously.

 

Nagkibit-balikat lang si Karina, “I don't know… maybe to keep you company? If that's okay?”

 

Okay na okay! Muntik ko nang isigaw. Don't ask me why, wala rin akong clue. 

 

Gutom na siguro ako.

 

“Ayos lang,” I nodded. 

 

And just like that, nag-catch up na kaming dalawa about sa mga kaganapan sa buhay namin for the last… six hours? 

 

Ewan ko rin dito kay Karina. Nagkita naman na kami kaninang umaga bago pumasok sa school, but nag insist siya na gusto niya lang daw malaman how my day went, and for some reason, gusto ko rin malaman yung kanya. 

 

Dahil it's only been six hours nga nung nag hiwalay kami, wala naman siyang masyadong nakwento and vice versa. 

 

Other than the fact na nagsumbong lang siya about dun sa isang kablockmate niya na lagi siyang inaasar kesyo bakit hindi daw siya marunong magsalita ng straight na Tagalog. Di man niya ito ipakita, pero conscious at naiinis na daw talaga siya. She's trying her best naman daw, and she even started watching those Telenovelas sa GMA at ABS-CBN sa YouTube para makakuha ng mga phrase and words na hindi niya pa masyadong alam. 

 

Nung sinabi niya yung pangalan nung kaklase na 'yun, I made a mental note na sabihin 'to kay Mama mamaya.

 

In my opinion naman kasi, parang wala naman siyang problema pagdating sa Filipino. Nakakaintindi naman siya, at parang tulad lang naman siya ni Yeji magsalita. Karina uses Tagalog words from time to time tuwing kinakausap niya ako at sila Ningning, at maliban sa obvious na accent niya, hindi naman halatang halata na hindi siya ganun ka fluent dito.

 

Except na lang siguro kung kailangan niyang magsalita ng straight Tagalog. 

 

Pero kahit ako naman, hindi ko rin kaya yun no!

 

“Do you want to– I mean–” napaubo pa si Karina habang inaayos ang bag. “Gusto mo ba na… na samahan ako kay Parlor ni Seulgi ngayon na?” tuloy tuloy niyang sabi bago yumuko at isipin kung ano ba ang lumabas mula sa bibig niya, “wow, that was a mouthful.”

 

Napatawa ako ng bahagya. Pwede naman kasi siyang magsalita in straight English kung nahihirapan siya, but I also know na gusto niya ring matuto na makipag communicate in Tagalog. It must be one of her many ways to feel like she's finally catching up sa mga bagay na na-miss niya nung umalis siya sa Pilipinas, kaya hinayaan ko na lang siya. Besides, ang cute niya rin naman mag-Tagalog.

 

“Sige ba,” I told her bago tumayo mula sa upuan, “medyo mainit rin naman kasi ngayon.”

 

She stood up excitedly, at parang bata na hindi makapaghintay na mabilhan ng cotton candy or ice cream sa park. 

 

Nung nagsimula na kaming maglakad papunta sa ice cream parlor, mabilis akong nag-text kay Mama na hindi na ako sasabay sa kanila ni Chaewon pauwi.

 

 

 

“You wanna taste it?” 

 

Napansin siguro ni Karina ang mapanuri kong tingin sa Mint Chocolate Chip niya.

 

“Ayaw.” mabilis kong pag-tanggi. “Ano bang lasa niyan? Toothpaste?”

 

Tumawa lang naman si Karina at marahan na tinulak yung cup niya papunta sa akin.

 

“Nope– tikman mo kasi,” 

 

“No, thanks.” sabi ko, sabay scoop sa aking Cookies & Cream ice cream na obvious naman na mas better sa Colgate ni Karina. 

 

Umiling si Karina at natatawang yumuko, and when she finally looked up again, may bigla akong naalala.

 

“Nga pala!” I blurted out of nowhere na ikinagulat naman ni Karina – pati na rin siguro ng babae na busy kumuha ng Ice Cream sa may counter. “I have something for you,”

 

“Really?” Karina smiled, “Why? What is it? What's the occasion?” sunod sunod niyang tanong.

 

Wow, excited yarne?

 

“Wala namang occasion. Trip ko lang talaga,” saad ko. 

 

I gave her a smile and then nilagay yung bag ko sa lap ko para kunin yung maliit na plastic bag dito. 

 

Karina looked at me with anticipation.

 

“Wag ka masyadong mag expect, ha.” biro ko, at sa wakas, nakuha ko na yung plastic at agad na pinatong sa table in between me and Karina.

 

“Ohmygod, Minjeong…” she trailed off slowly na parang inaaral yung plastic sa harapan niya. “is that… Mik-Mik? You got me a whole package of Mik-Mik?”

 

Proud akong tumango at sobrang luwang ng ngiti. 

 

“Sabi mo kasi nung nakaraan, miss mo na ang Mik-Mik, kaya ayun… napadaan lang naman kami ni Chae sa may grocery tapos nahagip lang ng mata ko 'yan, kaya napabili na rin ako.”

 

Translation: Pinilit ko si Chaewon na samahan ako sa grocery store at suyudin ang bawat aisle nito para lang mahanap yung Mik-Mik na 'yan dahil sabi mo;

 

‘Gosh, I miss Mik-Mik so much (◕︿⁠◕)’

“This is so…” Karina looked at the small package in awe, tapos bumaling sa akin ang tingin niya. “Thank you, Winter. You're the sweetest.”

 

Uy, matamis daw ako.

 

Chos. Gagi, ano 'yun.

 

Kung ano ano na lang pumapasok sa utak ko. Epekto lang 'to ng Cookies & Cream na parang wala namang cookies. Puro cream lang. 

 

“Can I try it now?” excited niyang tanong.

 

I just gave her a nod at sinandal ang mga braso sa mesa para panuorin siya sa gagawin niyang pagsinghot–

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2147 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO