Happy Birthday

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Masyado nang maingay sa labas. Nagsimula na kasing mag inuman yung mga matatanda – including sila ate, while si Ningning naman ay sinolo na talaga yung videoke. Kanina pa siya kumakanta ng mga songs ni Carol Banawa.

 

Alas nuwebe na rin ng gabi ngayon kaya medyo wala na rin akong energy na makipaghalubilo pa kila Karina sa labas na sige lang naman sa pag cheer kay Ningning. Ginawa niya pang lightstick yung purple na minifan ng ninang niya, at aliw na aliw naman si Ningning dito.

 

Pagod na ako.

 

Lowbatt na rin ang social battery ko.

 

Nagpaalam naman na ako kay mama na iidlip muna ako sa cottage, kaya eto ako ngayon, lutang na nakatayo sa loob kung nasaan si Chaewon. 

 

Pansin ko lang na kanina pa talaga siyang wala sa mood at halos dalawang beses ko lang ata siya nakita na lumabas para mag swimming.

 

When she finally detached her gaze away from her phone para lumingon sa akin, agad ko siyang nginitian. She automatically smiled back, pero kilala ko ang pinsan ko. 

 

Alam ko na may mali.

 

I wordlessly walked kung nasaan siya nakaupo at tinabihan siya.

 

“Kumain ka na? Labas ka dun oh, nandun sila Ningning.” sabi ko.

 

Nilapag niya lang ang phone niya sa lap niya at umiling sa akin. “Busog pa naman ako,”

 

Katahimikan. 

 

Wala na akong masabi after that, so nag decide ako na sabihin na lang kung ano ang iniisip ko. “Ayos ka lang ba?”

 

“Huh?” confused niyang tanong.

 

“Pansin ko lang kasi na wala ka sa mood kanina pa. Is everything okay?” I looked at her.

 

She just shrugged before giving me a defeated smile. May problema nga.

 

“Pwede ka naman magsabi sa 'kin,” I nudged her lightly, then I smiled para naman gumaan ang atmosphere namin.

 

“Wala naman – it's… it's stupid.”

 

Bakit ganito ang mga tao ngayon?

 

Ano namang stupid sa nararamdaman niya? I suddenly remembered Karina nung nakaraan.

 

Sabi niya pa na ‘it's silly’ tapos sobrang bothered na pala siya sa kaganapan sa buhay niya. Anong silly dun?

 

Ngayon, yung pinsan ko naman ang trip mag underestimate ng feelings.

 

“Ano ba yun?”

 

Nag buntong hininga siya tapos she laughed humorlessly. “Si… si Ate kasi…”

 

Ayan na. 

 

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya na magkwento.

 

“Girlfriend niya na si Ate Sana.”

 

Mygod, tama nga ang hinala namin ni Ningtot! Parang biglang nawala ang pagod ko at gusto ko nalang na tumakbo papunta sa kanya at magkwento na–

 

“And I feel betrayed.”

 

Ay, wait.

 

Hanudaw.

 

Bahagyang natawa si Chaewon sa litong itsura ko. 

 

“Hindi ko alam kung tama ba yung word na ginamit ko, but that's the closest to what I'm feeling right now.” she continued.

 

Confused pa rin si ako.

 

“I guess I feel betrayed lang kasi hindi niya sinabi sa akin. Kanina ko lang nalaman nung sinabi ni Tita. Three months na daw sila.” nilalaro niya na ang mga daliri niya. “We used to tell each other everything dati, tapos ngayon… parang wala na akong alam sa buhay ng ate ko.”

 

Oh.

 

So ayun pala.

 

“I told you, it's stupid.” she chuckled, and nung akala ko na tapos na siya magkwento, nagsalita ulit siya. “Ayun, namiss ko lang yung dati. Yung pwede kaming pumasok sa kanya kanyang kwarto para mag kwento about sa kung ano lang – and kung kumusta ba yung araw namin – anything.”

 

Looking back sa first week nung tumira sila Chaewon at Ate Dahyun sa amin dati, naalala ko kung gaano sila kaclose noon to the point na halos araw araw magmukmok sa akin si Ate Jisoo – kesyo kung bakit hindi daw kami gumaya sa magkapatid. 

 

Kung nasaan si Ate Dahyun, nandun din si Chaewon. 

 

Tuwing maglalaba siya, 'matic na si Chaewon ang taga-sampay niya. Pag mag huhugas siya ng pinggan, laging si Chaewon ang nagbabanlaw ng mga sinabunan niya. 

 

Hindi pa kami ganun kaclose ni Chaewon, and given na sobrang mahiyain ako noon, bihira talaga kaming mag-usap, so wala siyang choice kung hindi bumuntot lang sa ate niya.

 

They used to do everything together because back then, they only had each other. 

 

Isa na doon yung fact na they used to tell each other everything too, kahit ano pa man yan.

 

So I get where Chaewon is coming from.

 

Feeling niya, nagiging distant na sila ng ate niya, and of course, she didn't want that.

 

“Alam ko rin naman na I'm at fault too. Masyado akong busy sa school, tapos kayo nila Ryujin na rin ang madalas kong kasama, tas tuwing nasa bahay naman ako, mas pinipili ko na mag stay sa room ko at mag-aral lang.”

 

“Bakit…” I trailed off carefully, “bakit hindi mo siya kausapin about diyan? Sabihin mo kung anong nararamdaman mo,”

 

“Believe me, gusto ko. Matagal na, pero tuwing sinusubukan ko man lang kumatok sa kwarto niya, madalas akong napapaisip kung okay lang ba yung gagawin ko. If… if we're still allowed to do that. Ang weird lang ng feeling na nahihiya ako sa ate ko.”

 

Tumawa ulit siya sa sarili niyang sitwasyon.

 

“Chae, kailangan niyo pa rin na mag-usap tungkol diyan.” sabi ko. “Kasi kung hahayaan niyo lang na ganyan kayo sa isa't isa, walang mangyayari. Or worse, baka lalo kayong mag drift apart.”

 

“Alam ko… pero ewan.” Nagkibit balikat na lang siya na para bang wala na siyang pake. Aba. “Bahala na,”

 

“Chae…” I gave her a pointed look.

 

Tinapik tapik niya ang balikat ko at tumawa na naman, “Oo na. Basta– basta hindi muna ngayon.”

 

Tinaasan ko siya ng kilay, dahilan para tumawa ulit siya. Pag eto talaga kinabag.

 

“And thank you for listening.” dagdag niyang sabi, ngayon ay may maluwang na ngiti na sa labi niya. “'Wag mong sabihin 'to kay Ate Jisoo, but you're my favorite cousin.”

 

Inirapan ko na lang siya at nag-paalam na ako para matulog muna saglit. Pinabayaan niya lang naman ako sa trip ko na mahiga sa wooden seat, 'di man lang ako binalaan na baka sumakit ang likod ko bukas.

 

Favorite cousin daw.

 

 

 

Dapat talaga illegal ang pagkakaroon ng birthday tuwing umaga eh. At 7:23 PM, to be exact.

 

Bakit siya allowed? Hindi ba pwede na mamaya na lang gabi mag birthday? Bakit ngayon pa?

 

“...happy birthday day, Jasonnnn!”

 

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Jason na birthday boy. 

 

Kalagitnaan ng klase, nagbibirthday. 

 

“Jason, asan si Jollibee?!” sigaw ng isa kong kaklase. 

 

“Jason, ang tanda mo na!”

 

“Jason, major era!”

 

“Jason–”

 

“Jason–”

 

Jason. Jason. Jaso– Puro na lang Jason!

 

Wala akong pake kung birthday ni Jason! Gusto kong malaman kung paano nakuha ni Ma'am yung sagot sa equation, eh ang layo layo ng solution na ginawa niya sa board!

 

“Jason, ano raw gusto mong gift, sabi ni Ma'am!” tawa ni Ryujin. Syempre, nakikisali rin siya. 

 

Ingay.

 

Lumingin ako sa pwesto ni Beomgyu, and he's wearing the same expression I have. 

 

Wala rin siyang pake kung birthday ni Jason. 

 

Napangisi ako.

 

“Ma'am, yung gusto niyan yung tiga-ABM!” kantyaw ni Joseph, yung isa sa mga tropa ni Birthday Boy Jason.

 

Sabay sabay na naghiyawayan yung mga kaklase ko. 

 

Makahulugang ngumiti si Ma'am Sooyoung, “Ay ganun ba? Sige, anong section? Ipatawag natin,”

 

“Yooowwnnn!” tuloy lang sa pang-aasar nila kay Birthday Boy Jason or BBJ na lang for short.

 

“Yieee, yan na rin gift ko sa'yo Jason!”

 

“Sa ABM-Executive daw, Ma'am

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO