Ice Cream

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Ang init na nga ng panahon, ang init pa ng hotdog na nasa harap ko.

 

Kakauwi ko lang ngayon from school, and since umalis si Papa para mag grocery kasama si Chaewon, at pumasok naman sila Ate Jisoo at Ate Dahyun, ako muna ang nag babantay sa hotdog stand nila. Hindi rin naman kasi 'to magawa ni Mama dahil busy siya tapusin ang lesson plan niya sa loob ng bahay.

 

Buti nalang, nandito si Aling Yuri to keep me company. Sabi niya kasi, hinihintay niya lang lumabas si Mama para sabay na silang pumunta sa mall para mag Bingo. 

 

Pinapasok ko siya sa loob kanina, pero ang sabi niya ay mas gusto niya samahan muna ako. 

 

“Asan nga po pala si Ningning?” tanong ko. 

 

Kahapon pa kasi walang paramdam yun. Nakasabay naman namin siya mag lunch sa canteen, pero after nun, hindi na siya nakisali sa daldalan nila Lia sa GC namin. Ang tahimik niya buong gabi.

 

“Ewan ko ba sa batang 'yon, Winter!” suminghap pa siya. “Hindi makausap nang maayos, tapos sobra na mag puyat!”

 

Nag worry naman ako. “Bakit naman po?” 

 

Kakausapin ko nga si Ningning mamaya.

 

“Comeback daw nung kepap kepap niya. Paulit ulit nalang na kanta ang pinapatugtog, tapos hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi!” Stressed na sabi ni Aling Yuri. “Hindi ko na nga mahawakan ang selpon ko dahil ginagamit niya pang Youtube!”

 

Sinasabi ko na nga ba eh. Ganito lagi ang ganap kay Ningning tuwing nag co-comeback yung mga paboritong niyang K-POP idols. Laging MIA dahil busy daw siya mag stream at mag vote sa mga music shows. One time nga, pinasayaw niya pa ako sa ‘Love Shot’ dahil na cute-an daw sa akin yung friend niya at gusto akong makitang sumayaw para bigyan siya ng 5000 Hearts sa Choeaedol. Malay ko ba kung ano 'yun? Binenta pa talaga ako.

 

“Ganun po ba?” I said. Yes, aware ako na napaka-lame ng reply ko, pero wala talaga akong maisip na sabihin sa mga ganitong sitwasyon.

 

“Oo. Halos hindi na nga kumakain yung batang yun! Winter, kung maaari, pwede bang kausapin mo si Ningning? Pagsabihan mo. Mas nakikinig pa ata sayo yun kesa sa akin eh.”

 

“Sige po,” May plano naman talaga akong gawin yan.

 

Tumango si Aling Yuri bago bumalik sa upuan niya. Nakaupo kasi siya kanina sa monoblock na nasa gilid ng stall namin.

 

At dahil wala na nga akong maisip na topic, bumalot na naman ang katahimikan sa'min ni Aling Yuri. Mas nakafocus na kasi siya sa pangangalikot niya sa bag niya na puno ng Bingo cards.

 

Tatanungin ko pa lang sana siya kung magagamit niya ba lahat ng cards niya nang biglang may ibang kumuha sa atensyon ko.

 

 

“Hello, Winter!”

 

“Uy, Karina!” si Aling Yuri ang unang nagsalita.

 

Ngumiti si Karina kay Aling Yuri. “Hi po, Aling Yuri– oh, you're going to play Bingo? I think Ninang is thinking of playing too,”

 

“Ay, oo. Inaya ko nga siya kanina, pero busy daw eh. Si Taeyeon nalang ang sinama ko.”

 

Karina turned to me, tapos makahulugang ngumiti. “You should try asking her again po, and tell her that Ms. Taeyeon is coming. She won't even think twice.”

 

Ha? Anong ibig sabihin niya diyan? 

 

“Nga 'no? Sandali, kakausapin ko si Taeyeon.” Sabi ni Aling Yuri bago mag paalam para pumasok sa bahay namin, leaving me and Karina alone sa labas.

 

Okay, ano nang gagawin ko? 

 

“Hi again,” bati ni Karina. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. 

 

“Hi, Karina.”

 

She laughed quietly. Anong nakakatawa?

 

“So… how much for a cheesedog? Jumbo,” She asked, tapos tinuro yung tray gamit ang nguso. 

 

Napangiti tuloy ako. Para siyang bibe.

 

Gusto ko sana sabihin na nakasulat naman sa taas ng stall yung prizes, pero baka mag mukha akong suplada. Pati rin naman sila Yeji, hindi agad napapansin yun, kaya okay lang. 

 

“27, 31 with buns. Bibili ka?” 

 

She nodded. Tumingin pa rin siya sa mga tray as if namimili pa. “Uh huh, one please,” then nagbayad na siya agad.

 

“Coming right up!” sabi ko bago ayusin ang cap sa ulo ko. May naka print pa ditong logo ng pangalan ng business nila Ate. 

 

Kim KeyBun Express. Or KimEx (para daw ala FedEx)

 

Word play sa pangalan ni Papa at apilyedo namin. Si Ate Dahyun ang nakaisip niyan dahil si Papa ang unang namuhunan sa business niya.

 

Tumawa ulit si Karina, but this time, she didn't bother hiding it. 

 

Pati yung sound ng tawa niya, ang expensive. Parang kailangan ko mag bayad just by hearing her laugh.

 

Habang inaayos ko ang order ni Karina, nagsalita ulit siya.

 

“Wow, it's pretty hot today,”

 

“Ah, oo,” Sobrang focused ako sa pagpili ng cheesedog at bun. 

 

Delikado na. Baka ang chararat ng mabigay ko kay Karina tapos hindi na siya bumalik.

 

“Have you heard about the ice cream parlor nearby? I heard it's new. What's it called again?”

 

“Parlor ni Seulgi?” sabi ko habang hawak ang tong. Kakabukas lang ng ice cream parlor na yan three weeks ago.

 

Natatawa pa rin ako sa pangalan ng shop na yan dahil madalas siyang mapagkamalan as a hair salon. Sa dinami rami kasing pwedeng ipangalan sa business mo, bakit ganyan pa? Well, bawal rin naman akong magsalita, judging by our business's name.

 

Karina's face lights up. “Yes, that! I've been there once, with Giselle and Yeji, and it was so good. Have you tried it?”

 

“Hindi pa,” sagot ko, then binigay ko na sa kanya ang order niya. 

 

“You should,” she said. Napatingin ako sa kanya. “Masarap yung ice cream nila. Perfect for this kind of day.”

 

“Sige, ayain ko sila Ningning next week.” I smiled at her. 

 

She was just about to open to say something nang biglang lumabas sila Aling Yuri at Mama mula sa bahay namin. Nakaayos na silang dalawa at parang prepared na prepared sa Bingo nila.

 

“Bunso! Isara mo muna 'yan, pahinga ka na!” sigaw ni Mama while closing the gate. “Una na– ay, hello, Karina!”

 

Nag bow si Karina kay Mama. Grabe naman, sobrang pormal! 

 

“Good afternoon po, Ms. Taeyeon!”

 

Ngumiti si Mama sa ginawa ni Karina at lumingon na sa akin. “O, sya. Una na kami ni Yuri! Winter, magsara na!”

 

I nodded at nag simulang kumilos para isara ang stall. Masyado akong nag focus sa ginagawa ko kaya nakalimutan ko ata na nandito pa si Karina.

 

“Hey, you know,” nag simula siyang magsalita. “if you're not that tired yet, gusto mo ba… um, do you maybe wanna come with me? To get some ice cream?”

 

Napahinto ako. “Ngayon na?”

 

“Yeah, if you want…” She bit her lower lip. 

 

Tumingin ako sa sa bahay, then sa stall namin, then back to Karina. Hawak niya pa rin ang inorder niyang cheesedog. 

Cheesedog with ice cream?

 

Well, wala naman ako masyadong gagawin for today, at hindi pa naman ako ganun kapagod. Besides, part ito ng plan ko this year! 

 

Hanging out with people outside my circle. 

 

“Okay, sige. Sure.” Yaas, affirmation! “Ano, wait, close ko lang muna yung stall.”

 

Her eyes widened na parang hindi niya ako inexpect na pumayag. She stood up straight at biglang parang nagmamadali. 

 

“Great! Just let me–” parang hindi niya alam ang gagawin sa hawak niyang cheesedog. “Wil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato 27 streak #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato 27 streak #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2134 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO