Wala

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina ko pa napansin na hindi talaga mapaghiwalay sila Ate Dahyun at Ate Sana. 

 

Sila yung magkatabi kanina sa sasakyan ni Tito Key hanggang sa umabot na kami sa resort. Kung nasaan si Ate Sana, nandun din si Ate Dahyun.

 

Pansin ko rin ang pagiging attentive nila sa isa't-isa maging sa maliliit na bagay. 

 

Nung una, akala ko ay normal lang naman 'to. Mag best friends sila eh. At tsaka kung may something nga sa kanila, alam ko naman na ako ang unang sasabihan ni Ate Dahyun. I'm her sister, and we tell each other everything.

 

But I was wrong.

 

When I asked Tita Taeyeon kung may alam ba siya tungkol dun sa dalawa, nasabi niya na they have been dating for three months.

 

‘Hindi mo alam?’ litong tinanong ni Tita Taeyeon.

 

Pati nga raw sila Tito Key at Ate Jisoo, alam ito. Nagkwento na daw kasi si Ate Dahyun sa kanila, at akala naman ni Tita ay alam ko na rin ang tungkol dito.

 

Nawala na ako sa mood that entire day. I stayed inside the cottage at halos dalawang beses lang ata akong lumabas para makipag ‘halubilo’ sa mga tao dito.

 

Was I being immature? Irrational? 

 

Hindi ko alam.

 

I guess nasanay lang kasi siguro ako na sa akin unang nagkukwento si Ate Dahyun pagdating sa mga ganyang bagay kahit na siya ang mas nakatatanda sa aming dalawa.

 

Doon ko lang din narealize na ang daming nagbago sa bond namin ni ate.

 

Ano bang nangyari?

 

 

 

Sinunod ko ang sinabi sa akin ni Winter kagabi. She said na it'll be much better kung kakausapin ko si ate tungkol sa nararamdaman ko, kaya heto ako ngayon.

 

Sa harap ng pinto ng kwarto ni ate, nag dadalawang isip kung okay lang ba kung kumatok ako.

 

“Ate?” I knocked on the door hesitantly.

 

Bakit ba kasi nakakaramdam ako ng ganito? Bakit feeling ko hindi na kami close sa isa't isa ng sarili kong kapatid?

 

“Chae?” 

 

Naka-pantulog na si ate nung buksan niya ang pinto. Sumilip ako sa kwarto niya, at nakita na nakapatay na rin ang ilaw dito.

 

“P–pwede ba akong pumasok?”

 

Parang nagulat pa si Ate Dahyun dahil sa sinabi ko. Halata na hindi niya inexpect yun sa'kin, and I didn't know kung malulungkot ba ako because of that.

 

“Oo naman,” she moved aside para makapasok ako. When I did, umupo ako sa may gilid ng kama niya, then pinatay niya muna ang ilaw bago tumabi sa akin, “Anong meron?”

 

Here goes nothing. 

 

Or everything.

 

Bumuntong hininga ako, “Ate… gusto lang sana kitang kausapin,”

 

Binaling ni ate ang tingin sa akin at ngumiti ng maluwag, urging me na sabihin ang gusto kong sabihin. “Tungkol saan?”

 

“Um… sa– sa kahit ano lang.”

 

“Talaga?” mas lumawak ang ngiti niya at hinarap na ako. “Sige, ano gusto mong pag-usapan?”

 

“Gaano katagal na kayo ni Ate Sana?” I just blurted out.

 

Pansin ko na hindi rin inakala ni ate kung ano ang lalabas sa bibig ko. Well, ako rin naman.

 

“Three months…” sagot niya.

 

With the way she slumped her shoulders, alam ko na she was feeling guilty. 

 

“Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo,” nilaro niya ang mga daliri niya habang nakayuko, “Akala ko kasi na… it didn't matter to you kung sino man ang maging girlfriend ko.”

 

“It does,” mabilis kong puna. “It matters sa akin, ate.” I said honestly. 

 

Ganun na ba ako ka-out of touch sa buhay ng ate ko? To the point na iisipin niya na wala akong pake sa mga ganyang bagay about her?

 

When she remained quiet, tinuloy ko ang pagsasalita. “Alam ko na hindi na tayo ganun kadalas mag-usap nang ganito, pero hindi ibig sabihin nun ay wala na po akong pake sa kung anong nangyayari sa'yo, ate.”

 

“I know naman. It's just… simula kasi nung mga nakaraang buwan, parang mas feel ko na… na hindi na tayo tulad ng dati. Malaki ka na, you have your own people, and I have mine. May sarili ka nang mundo, at mas gusto mong kasama yung mga kasing edad mo kesa sa 'kin, and napaisip ako.”

 

Nakita ko ang pumumuo ng luha sa mga mata niya, and I didn't know kung anong dapat kong gawin, but I know I wanted to give her a hug.

 

“Alam mo ba nung bata ka pa? Yung sobrang close at clingy mo pa talaga sa'kin?” she turned to me, a bittersweet smile on her lips. “I always used to wonder kung kailan mawawala yun. Kung kailan ka mahihiya sa mga friends mo na binebaby ka pa rin ng ate mo– kung kailan na hindi na ako yung magiging best friend mo.”

 

She was full-on tearing up now, and my heart ached at the sight. Umusog ako papalapit sa kanya at marahang pinalibot ang braso ko sa balikat niya, then I caressed her back gently.

 

Ayaw na ayaw kong umiiyak si ate. Feeling ko kasi, naiiyak din ako kapag ganun.

 

“And recently, akala ko na… na siguro eto na 'yun. This is it. You're finally a teenager, and wala nang mas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO