Cheesedog

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

“Asan na si Ningning?” 

 

“Nasa pwet ko.”

 

“Hindi ako nakikipagbiruan.” Irap ni Yeji kay Ryujin. 

 

Ang bilis talaga ng oras. Monday na ngayon at nandito kami sa may corridor ng building kung nasaan ang room namin. Napagdesisyunan kasi ni Yeji na dito na lang daw mag antayan para sabay sabay na kaming makalabas ng school. 

 

Grabe, parang kumurap lang ako, tapos na agad ang first day of school. 

 

Siguro kasi parang nothing out of the ordinary lang ang ganap kanina. Kilala naman na kasi naming lahat ang isa't isa kaya hindi na kami pinag introduce yourself sa harap, at yung mga bagong teachers nalang daw ang bahala na kumilala sa amin – tapos, wala pang masyadong lectures. Bale nakatunganga lang kami the entire time. Kung wala si Lia sa tabi ko, baka tuluyan na talaga akong nakatulog.

 

“Sunduin niyo na kaya sa room nila.” Suggest ni Lia. “Uwing uwi na talaga ako,” ngumuso pa siya.

 

“Akala ko ba didiretso pa tayo kila Win para mag meryenda?” tanong ni Ryujin.

 

“Sus, gusto niyo lang makalibre ng hotdog eh.” Ngumisi ako sa kanila, then Lia wiggled her eyebrows. 

 

Naramdaman ko ang pagkalabit sa 'kin ni Yeji, “Alis na kaya tayo. Kay Chaewon nalang sumabay si Ningning.”

 

“Matatagalan pa si Chae,” sabi ni Ryujin. 

 

Oo nga pala. May inaayos siya about dun sa pagtakbo niya sa Student Council.

 

“Sunduin ko nalang si Ning,” nag volunteer na ako. Gusto ko na rin kasi makauwi.

 

“Ano ba yan, tinatamad na ako maglakad,” Lia whined, akala mo naman isasama ko.

 

“Kaya nga ako lang ang magsusundo.”

 

Tumayo ako nang maayos at binuhat ang bag ko mula sa sahig.

 

“Alright, sige.” tumango si Yeji at hinawi ang buhok. “Don't take too long.”

 

I gave a quick pat sa balikat ni Ryujin bago ako tumakbo papunta sa building nila Ningning. Hindi naman 'to kasi ganun kalayo from ours, kaya hindi na rin ako natagalan.

 

 

 

Nang makarating ako sa room nila, napansin ko na wala na masyadong estudyante sa loob. Mga nasa sampu na lang ata silang nando'n. Asan na si Ningning?

 

Ayun! 

 

Nakaharap ang likod niya kung saan ako nakatayo, at may pinapalibutan silang armchair ng mga nasa tabi niya. Nag me-meeting pa ata 'tong mga 'to. 

 

Hinigpitan ko ang hawak ko sa straps ng bag ko. Parang gusto ko na biglang sumigaw para tawagin siya. 

 

Gawin ko ba? Isa ba 'to sa list ng Getting Out Of My Shell agenda ko? Hindi naman ata. 'Wag na. Nakakahiya kaya!

 

Bigla akong kinabahan nang makita kong kinalabit si Ningning ng isa sa mga kaklase niya at tinuro ako. Hala. Masyado ba akong agaw pansin?

 

Pero napalitan ng gulat (?) ang kaba ko as soon as Ningning moved aside para ibaling ang tingin sa akin.

 

Nakatayo siya sa harap ni Ningning, her arms crossed at masinsin na tinititigan ang papel na nakapatong sa armchair na pinapalibutan nila. Ngayon ko lang nakita si Karina nang medyo mas malapit. 

 

Magkaklase sila?

 

Hindi ko maintindihan kung bakit parang na e-electrocute ata bigla ang utak ko–

 

“Ay, andyan na pala sundo ko! Una na 'ko,guys, bye!” rinig kong sabi ni Ningning, bago siya sumigaw, “Wintoooooot!”

 

Ang lakas ng boses!

 

Napangiwi ako at yumuko sa hiya. Ano ba 'yan! Grabe naman kasi 'to kumuha ng atensyon si Ningning! 

 

“Ang ingay mo!” bulong ko nang makarating siya sa harap ko. 

 

Mabilis kong nilingon yung mga classmates niya sa loob ng room, at agad naman akong napaubo at tumingin papalayo nang magtama ang mga mata namin ni Karina.

 

Hindi ko naman kasi alam na nakatitig na pala siya kanina nung sumigaw 'tong si Ningning–

 

Okay, but I had to admit – tama si Mama. 

 

Maganda nga si Karina. 

 

 

 

 

“Huy, alam mo ba, dito pala nag enroll si Karina! Kanina lang siya sa 'min inintroduce ni Ms. Taeyeon!” Walang paligoy ligoy na chika ni Ningning nang magsimula na kaming maglakad.

 

Bakit parang kinakabahan ako? Ang lakas ng tibok ng puso ko eh. 

 

Dala siguro 'to ng mga iniisip ko kagabi – 'yung tungkol sa balak kong pagsali sa mga extracurricular activities. Grade 2 pa ata ako nung huling sali ko sa mga ganyan, at Spelling Bee pa ata ang sinalihan ko. I can't help but smile nang maalala ko ang reactions nila Mama at Papa nung nag 1st place ako.

 

‘Gorgeous’ pa nga ang winning word ko.

 

Suddenly, pumasok nanaman ang itsura ni Karina sa utak ko.

Umiling ako.

 

“...and alam mo ba, 'di ka maniniwala dito. Kilala niya pa tayo! As in, alam niya yung pangalan natin!”

 

“Hindi naman kasi siya nagka-amnesia, Ning. Nangibang-bansa lang,”

 

“Pero ang galing parin kaya! Isang dekada rin siyang nawala, tapos wala pa tayong contact.”

 

Mukhang hindi pa siya titigil dumaldal any time soon. Nakinig nalang ako sa kanya habang naglalakad kami palabas ng building at medyo interesado rin naman ako malaman ang mga kwento niya tungkol sa old childhood ‘friend’ namin.

 

“Tapos beh, English spokening dollars! Alam mo ba kung anong unang sinabi niya sa 'kin nung naassign kami sa groupings?”

“O, ano?”

 

“‘Hey, I know you! You're Ningning, right?’” Sobrang sopistikada pa ng mukha ni Ningning kaya muntik na ako matawa.

 

“Sa States tumira tapos ang accent, British?” maloko kong sabi. Aliw na aliw kasi talaga ako t'wing nag e-English si Ningning. Lagi siyang may British accent na minsan nagiging Aussie na rin.

 

Pinalo ni Ningning ang braso ko. “Ano ka ba, understood na yun.”

 

No, hindi ko understood, Ningning.

 

“Anyway, so ayun na nga. Sabi niya, natatandaan niya pa raw ako! Syempre, tuwang tuwa naman ako.”

 

“O,” yan lang talaga ang ambag ko sa mga chismisan namin.

 

“Tapos sabi ba naman ‘Minjeong goes here too, right?’ beh! Minjeong daw!” Inalog ni Ningning ang balikat ko kaya muntik pa tuloy kaming madapa habang naglalakad.

 

Kahit gusto kong matawa sa accent ni Ningning, hindi ko magawa kasi napaisip rin ako. 

 

Bakit Minjeong? Ganun ba talaga kami kaclose dati?

 

“Ang unfair lang! Sa 'kin Ningning, tapos yung sayo real name? Ang dali dali lang kaya ipronounce ng name ko! Yizhuo! Yizhuo!” Reklamo ni Ningning. Sinigaw niya pa talaga ang pangalan niya.

 

I just chuckled. Ang palengkera talaga ng ugali nitong si Ningning. 

 

“Yichuwoh.” ulit ko, purposely mispronouncing it para mapikon siya.

 

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ako ng masama. I stopped too at tumalikod para harapin siya.

 

“Yizhuo kasi! Ulitin mo!”

 

“Yichuwoh.”

 

Ayun, napikon na talaga siya.

 

Hinagis niya ang bag niya sa 'kin.

 

 

 

Genuine question, bakit kaya hindi pa na babankrupt itong business nila Ate Jisoo at Ate Dahyun? Eh sa mga kaibigan ko pa nga lang – lalo na kay Ryujin, halos ubos na agad ang isang tray ng hotdog. 

 

Lahat kami, except kay Yeji at Lia, ay parang gusgusing mga bata ang itsura habang nakatayo sa harap ng stall ni Ate Dahyun. Gaya ng plano namin kanina, dumiretso na talaga kami dito kasi gutom na gutom na daw talaga si Lia, tapos naubusan pa siya ng pera kaninang lunch time namin kaya wala na rin akong nagawa kundi hayaan sila papakin ang mga tinda ni Ate Dahyun nang libre. Wala rin namang problema 'to sa kanya kasi gustong gusto niya rin kabonding 'tong mga kaibigan ko.

 

Ayan, nauto tuloy siya.

 

“Bakit ba kasi ganyan mga mukha niyo? Parang nangalakal pa kayo bago p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato 27 streak #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato 27 streak #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2140 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO