Ride

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Naka-upo kami ni Chaewon sa sahig ng sala ngayon habang tinatapos ang mga homeworks namin. Thankfully, hindi naman masyadong masakit sa likod since gamit rin naman namin yung center table para patungan ng mga notebooks and papers. Kaya nga lang, tuwing makikita kami ni Papa, paulit ulit niya kaming sesermunan na malamig daw yung sahig at sa kwarto na lang namin tapusin yung ginagawa namin.

 

At dahil nga matigas ang ulo naming mag pinsan, wala rin naman siyang nagawa kaya bumalik na lang siya sa kusina para magluto ng dinner. 

 

Rinig na rinig pa talaga namin yung usapan nila ni Mama. About 'to dun sa pinag apply-an ni Papa na work, kung tinawagan na daw ba siya.

 

“Chae. Tubig, please,” biglang nag salita si Ate Dahyun mula sa kinauupuan niya. 

 

Gaya kasi namin ng kapatid niya, nasa sala rin siya at nanonood ng TV. Kumakain pa nga ng popcorn, akala mo naman kung ano ang pinapanood, 24 Oras lang naman.

 

“Busy ako, ikaw na, ate!” pag tanggi ni Chaewon at sumimangot. Ayaw kasi niyang may nang didistract sa kanya pag gumagawa siya ng school works. Mabilis uminit ang ulo.

 

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Ate Dahyun dahil nakafocus din ako sa ginagawa ko, pero narinig ko na tinawag niya na lang si Ate Jisoo.

 

Syempre, hindi rin siya sinunod ni Ate Jisoo dahil busy siyang mag yoga sa may gilid ng living room. Kung ano ano nalang talaga ang trip niya sa buhay, at gagawin kung ano ang naisipan. 

 

In the end, si Ate Dahyun nalang mismo ang kumuha ng tubig niya nung nag commercial yung 24 Oras. 

 

Pagkabalik niya, naramdaman ko na tinapik niya ang balikat ko at tinuro yung kusina. 

 

“Ano?”

 

Nilapag niya ang baso niya sa may tabi ng notebooks ko. “Mag wowork na talaga si Tito? Paano yun? Edi wala na tayong almusal every morning? Tapos hindi na rin tayo mag didinner? Tsaka–”

 

Bago pa siya matapos, nag salita na si Ate Jisoo habang nakapikit. “Hoy, Dahyun. Tigilan mo nga yang mga yan! Kita mong nag sasagot ng assignments eh.”

 

“Nag tatanong lang naman!” binato ni Ate Dahyun ng unan si Ate Jisoo. 

 

Literal na throw pillow.

 

Hinayaan ko nalang ulit silang dalawa na mag bangayan. Bahala sila dyan.

 

“Win, may yellow ka?” pagkuha ni Chaewon sa atensyon ko. May hawak siyang pink na highlighter. 

 

“Sa taas ata, meron. Kunin ko–”

 

“Ay wag na, pahiram nalang ng green mo.” she said tapos inabot yung green highlighter sa tabi ng papel ko.

 

Pagkatapos, bumalik na ang focus naming dalawa sa ginagawa namin. We're doing a really good job blocking Ate Jisoo and Ate Dahyun. Ang ingay kasi nilang dalawa.

 

But hindi rin naman 'to nag tagal.

 

Bigla bigla nalang kasing nag-ingay sila Mama at Papa pagbalik nila dito sa sala.

 

Tapos na ata sila mag luto. 

 

“Ilan pa pinag apply-an mo?” tanong ni Mama kay Papa.

 

“Dalawa, tapos wala pang tumatawag sa 'kin.” sagot ni Papa bago umupo sa sofa sa may likuran ko. Tinapik niya pa ang balikat ko.

 

“Go na talaga 'yan, Tito?” curious na tanong ni Ate Dahyun.

 

“Oo nga,” tumawa si Papa.

 

“Ang ingay niyo! Nadidistract yung mga abunjing bunjing ko!” reklamo ulit ni Ate Jisoo.

 

Feel ko talaga, sinasabi niya lang yan for her own sake too. Ayaw niya lang na may maingay habang nag yoyoga siya, ginamit niya pa kami.

 

“Ewan ko sayo, Ate!” si Chaewon na ang sumigaw. Napipikon kasi siya pag tinatawag siyang abunjing bunjing ng mga ate namin.

 

“Malamig nga kasi dyan sa sahig! Doon na kayo sa taas para tahimik at komportable kayo.” Ayan, napansin na naman tuloy kami ni Papa.

 

Kunwari nalang, hindi ko siya narinig at patagong ngumiti kay Chaewon. 

 

“Try mo rin kaya mag apply kay Minho,” sabi ni Mama. Parang nag perked up pa yung mga tenga ko sa narinig. “'Di ba may catering services yun? Apply ka as chef. Pwede naman ata,”

 

“Oo nga pala! Sige, subukan ko rin doon.”

 

Naramdaman ko na may nag nudge sa gilid ko. Si Chaewon.

 

“Oh?” bulong ko, careful not to interrupt the conversation. Bigla kasi akong nacurious sa sinabing catering services ni Mama.

 

“Violet, pahiram.”

 

Inabot ko sa kanya yung blue.

 

Kung sakali kasi, pwedeng makatulong yung catering services ni Kuya Minho sa pag plano namin ng events ng Prom Committee. 'Di na rin kami kasi mahihirapan maghanap.

 

“Ma,” tinaas ko pa ang kamay ko. “Anong catering services?”

 

“Yung kay Minho nga,” sabi ni Mama. “'Di ba sila yung nag cater ng debut ni Ate Jisoo mo.”

 

Suminghal si Papa. “Hay nako, oo! Yung Mechado nila lasang Menudo! Gustong gusto naman ng panganay mo!”

 

“Lahat naman gusto ni Jisoo, eh.” si Ate Dahyun.

 

“Ano na naman! Bakit naririnig ko ang pangalan ko!” sigaw ni Ate Jisoo mula sa gilid. Nakapikit pa rin siya at hindi pa tapos mag yoga. Ewan ko nalang talaga.

 

“Wag ka na! Mag sirkol sirkol ka na lang dyan!” asar ni Ate Dahyun.

 

At ayun. Nag-asaran na naman ang dalawa kong ate, pareho namang pikon.

 

 

 

Mabilis akong tumayo pagkatapos ko kumain ng gabihan. Tutal, si Ate Dahyun naman ang nakatoka sa pag hugas ng mga pinggan ngayon kaya hindi ko na kailangan silang hintayin matapos lahat.

 

Hay, salamat. Pwede na akong umakyat sa kwarto ko para matulog at tapos ko na rin naman na yung mga school works ko.

 

“Ayan, tapos na pala si bunso!” 

 

Hala OMG. 

 

Wrong move ata ang ginawa kong pagtayo agad!

 

Alam na alam ko yung ganyang tono ng boses ni Mama eh! For sure, mag uutos yan.

 

“'Nak, ikaw na magtapon ng basura. Nakalimutan palang ilabas kanina,”

 

O 'di ba?

 

Humagikhik pa si Ate Jisoo habang umiinom ng tubig. Duty niya kasi ang pagtatapon ng basura tuwing alas tres ng hapon, and since naging busy rin siya sa kung anuman ang ginagawa niya, nakaligtaan niya na rin 'to.

 

“Kakakain lang, eh.” Sabi ni Papa.

 

Tumawa si Ate Jisoo, “Kanina pa 'yan tapos, Kuya Key.” 

 

“Akala ko ba abunjing bunjing mo 'yang si Winter, ha!” nakisali pa si Ate Dahyun na nasa tabi ng tahimik na Chaewon. Pareho silang mabagal kumain. “Samahan mo kaya!”

 

“Kumakain pa 'ko, oh! Kita mo to?”

 

“Dito pa talaga kayo nag bangayan,” Inirapan sila ni Chaewon.

 

“'Wag na, magkakanin pa ulit yan si Jisoo, eh. Matatagalan. Ikaw nalang, bunso. Dadaan na yung truck mamayang 8:30, jusko–” 

 

Wow, gusto talaga akong palayasin ni Mama!

 

“Ako na, patapos na rin ako–” pagsingit ni Papa.

 

“Ako na po, Pa.” Actually, wala naman talaga akong problema na magtapon ng basura. Tinatamad lang ako ng slight, hehe. “Kaya ko naman,”

 

“Oh, ayun!” ngumiti si Mama. Ayaw na ayaw niya kasing may naiiwan na basura sa trash can namin.

 

“Sigurado ka? Magdala ka ng flashlight, gusto mo?” worried na tanong ni Papa. Akala naman sasabak ako sa gyera! 

 

“May flashlight doon sa may cabinet ng patungan ng TV, halungkatin mo nalang.” utos ni Mama.

 

 

And dahil tinamad na akong mag halungkat, lumabas ako ng bahay na walang dalang flashlight at may buhat na isang malaking bin bag.

 

May mga streetlights naman kasi dito, kaya hindi masyadong madilim. OA lang talaga yung mga bading na magulang ko. 

 

Besides, hindi naman ako pupunta sa malayo!

 

Iiwan ko lang talaga dapat yung mga basura sa labas ng gate at bahala na yung mga nag babasura na i-pick up 'to mamaya.

 

 

 

Pagtapos ko gawin ang utos ni Mama, tumalikod na ako para sana pumasok na pabalik sa bahay, but something else caught my attention.

 

Yung isang bakanteng bahay sa kabilang tabi ng bahay nila Aling Tiffany.

 

Bukas ang pinto nito.

 

Which is unusual kasi si Aling Tiffany at Aling Sunny mula sa kabilang street lang naman ang may hawak ng susi nito na kakilala ko. Sigurado naman ako na walang naiiwan na gamit diyan si Aling Sunny dahil wala naman siyang pake sa bahay na yan, while si Aling Tiffany naman ay masyadong matatakutin para pumasok mag-isa sa loob nun dahil wala rin itong kuryente at tubig.

 

Sila lang talaga ang napag-utusan na mag hawak ng susi dahil may tiwala sa kanila ang presidente ng buong Subdivision.

 

Lapitan ko kaya?

 

Alam ko sa mga ganito namamatay ang mga bobong characters sa horror movies, but wala naman kasi ako sa isang movie. 

 

Hindi rin ako naniniwala sa mga multo.

Ichecheck ko lang naman kung anong meron sa loob ng bahay, at wala namang mawawala sa akin.

 

Siguro.

 

RIP in peace Winter Kim na lang kung may something nga sa loob.

 

I walked towards the house. 

 

Once na makarating ako, dahan dahan akong pumasok sa loob, wary of the unknown entity inside. 

 

 

Madilim sa loob at yung ilaw lang na galing sa streetlight sa labas ang tanging nagbigay ng liwanag dito. Nag rereflect kasi siya sa bintana. 

 

Tumingin tingin ako sa paligid, first sa living room na walang furnitures (malamang), sa hagdan paakyat sa taas, and lastly, sa kusina.

 

Sa kusina kung saan ko siya nakita na tahimik lang na nakaupo sa counter while facing the window. Mukhang malalim ang iniisip.

 

Anong ginagawa niya dito? Of all the people na inexpect ko, hindi siya ang naisipan ko. 

 

 

“Karina?”

 

Nagulat siya dahil sa boses ko, at agad na tumingin sa akin. 

 

“Oh, my God! Minjeong! You scared me! What are you doing here?”

 

“What are you doing here? Gabi na ah,” tapos ang dilim dilim pa, hindi ba siya natatakot?

 

She shook her head, “Nothing… just thinking about something.”

 

I sauntered closer to where she is, then tinuro ko yung counter kung saan siya nakaupo. Malinis ba 'to? 

 

“Do you mind if I…”

 

“No,” she smiled.

 

“Okay.” sagot ko tapos umupo sa empty spot next to her. 

 

Shet, ang lamig sa pwet! Nakalimutan ko na gawa pala sa tiles 'to! 

 

“So what brings you here?” she asked as soon as makasettle ako sa tabi niya.

 

May space pa naman sa pagitan namin.

 

Mga dalawang dangkal, ganun.

 

“Ikaw.”

 

“Me?” parang gulat pa siya sa sinabi ko.

 

“Oo. Bukas kasi yung pinto, kaya nacurious ako.”

 

“You know, that's how dumb characters die in horror movies?” she chuckled.

 

“Wala naman tayo sa horror movie.” I said then I moved my eyes around our surroundings bago makahulugang ngumiti sa kanya. “Unless…”

 

Hinampas niya ang balikat ko and I acted as if it really hurt me. Hindi naman. “Shut up!”

 

“Joke lang,” I cleared up, pero tumingin tingin pa rin ako sa buong lugar. Ang saya niya lang kasi takutin. “Baka lang kasi–”

 

She exhaled loudly, showing me na napipikon na siya. “Come here nga,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato 27 streak #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato 27 streak #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2141 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO