Baby

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Sabado na naman. 

 

Pansin ko lang, parang bumibilis talaga ang takbo ng oras tuwing may fixed routine ka na araw araw. Gumising sa umaga, mag-almusal, maligo, pumasok sa school, umuwi, maligo ulit, matulog, then repeat. Tapos manghihinayang ka pa kasi parang nag sasayang ka ng araw – at kasalanan mo pa na ang mundane ng buhay mo.

 

But nothing is mundane sa pamilya ko. 

 

Everyday ata ay may ganap sa buhay namin, and madalas pa nilang idamay ang mga kapitbahay. 

 

Sa ngayon, walang tao sa loob ng bahay namin dahil nasa labas kaming lahat. 

 

Wala namang special occasion, pero ganito kasi madalas ang scene nila every weekends. 

 

Imagine yung mga ‘Marites’ sa mga kalye, but make it with poise. 

 

Nakapalibot sila Mama, Ate Tiffany, at Aling Yuri sa Hotdog Stand na binabantayan naman ngayon nila Ate Jisoo at Ate Dahyun. 

 

They're not talking about anything specific pero tuloy tuloy pa rin ang flow ng conversation nila. Basically, nag chichismisan lang sila tungkol sa mga kaganapan sa buong Subdivision na na-missed ni Mama dahil naging busy siya sa trabaho. 

 

Ako naman, tahimik na nasa tabi lang ni Ate Jisoo habang nagluluto siya ng hotdog. 'Di ko rin alam kung bakit ako nandito. 

 

Masyado kasing boring kung sa loob lang ako ng bahay. Wala naman si Papa doon dahil… wait, drumroll–

 

He's searching for a job!

 

Last month niya pa daw talaga napag-isipan 'yan. When we asked kung bakit niya biglang gusto na mag trabaho, sinabi niya lang na nabuburyong siya sa bahay mag-isa. Madalas kasi siyang naiiwan mag-isa dito dahil sabay sabay ang schedule namin nila Mama at Chaewon, habang sila Ate Dahyun at Ate Jisoo naman ay nagiging busy rin sa business at school stuff nilang dalawa.

 

Kaya ayun. 

 

Mamaya pa siguro siya uuwi.

 

Wala rin si Ningning dahil nasa school siya para bumoto sa Student Council. Yung mga Homeroom Officers lang kasi ang usually na bumuboto sa mga ganun sa school namin.

 

Kagabi ko nga lang nalaman na si Ningning pala ang Treasurer sa block nila. 

 

Tapos, wala rin si Chaewon for obvious reasons. 

 

Feel ko talaga mananalo ulit siya just like last year.

 

For sure, pauwi na rin ang dalawang yun. Mabilis lang naman ata sila bumoto.

 

“Jisoo,” pagtawag ni Ate Tiffany. 

 

Pareho kaming napalingon ni Ate Jisoo.

 

“Bakit, Aling Tiffany?”

 

“Yung ref namin, sira na naman. Pwede pakiayos? Kahit mamaya na lang, pag 'di na kayo busy,” 

 

Ate Jisoo nodded. Sanay na siya dito eh.

 

“Sige po!”

 

Narinig ko namang tumawa si Aling Yuri. 

 

“Bakit kasi hindi ka nalang bumili ng bagong ref?” 

 

“Tama,” pag sang-ayon ni Mama. Kumakain siya ng hotdog. “Every week ata tumatawag ka dito sa panganay ko,”

 

Umiling lang si Ate Tiffany. “May sentimental value kasi sa'kin yun,”

 

“Regalo ko pa sa'yo yun nung Christmas Party eh,” sabi ni Mama habang natatawa. “Four years old pa lang ata si Minjeong ko nun, grabe!”

 

Pinabayaan ko na silang tatlo mag-usap tungkol sa origin ng ref ni Ate Tiffany at bumalik na sa ginagawa ko, which is ang titigan ang mga hotdog na niluluto nila Ate Dahyun at Ate Jisoo. Somewhere along the way nga, umabot na sa usapang Encantadia ang chikahan nila Mama. I have no idea kung anong koneksyon niyan sa ref, but I just let them be. 

 

Weird nila masyado.

 

Concentrated akong nakikipag staring contest sa cheesedog nang biglang sumigaw si Aling Yuri out of nowhere.

 

“Boodle fight tayo!”

 

“Uy, oo nga po!” Singit ni Ate Dahyun, at tinaas ang tong. “Tara!”

 

“Ha? Ngayon?” Tanong ni Mama tapos lumingon siya kay Ate Tiffany.

 

“It's not a bad idea,” Ate Tiffany shrugged. 

 

“Dali!” Excited na sabi ni Aling Yuri at agad na tumayo. “Ano?”

 

Tumango si Mama at binaling ang atensyon sa amin ni Ate. “Jisoo, Bunso?” 

 

Pinatay ni Ate Jisoo ang kalan na pinaglulutuan niya ng hotdog. “Tayo tayo lang, Tammy?”

 

“Hindi!” si Aling Yuri ang sumagot. “Mag prepare na tayo ngayon para pagdating ng iba, naka-ayos na ang lahat. Bale kakain na lang sila.”

 

“Gisingin ko rin si Rina mamaya,” dagdag ni Ate Tiffany.

 

“Okay, sige. Game!” Ang saya lang bigla ni Ate Jisoo. “Kami nalang ni bunso ang pupunta sa palengke para bumili ng kailangan.”

 

“Ba't ako?” tanong ko. 

 

“Alangan naman si Karina?” pilosopong sagot ni Ate Jisoo, at natawa naman yung mga Maritéses with Finesse. “Wag kang tamad, Wintot. Mag lakad lakad ka!”

 

“Naglalakad naman ako. Para kang si Mama,” 

 

“Sumama ka na, bunso.” Utos ni Mama, which means wala na akong magagawa kahit tinatamad pa ako. “Gusto ka lang makabonding ng ate mo.”

 

As usual, just like the last time, wala na naman akong nagawa.

 

 

 

“Ano pa ba kulang natin?” Ate Jisoo asked as she looked at me. “May bangus na tayo eh,“

 

Hindi ako nakasagot dahil bigla niya na lang na kinuha ang mga plastic bag na hawak ko para tignan ang laman. Hinabol ko lang ng tingin ang ginagawa niya dahil parang lutang na rin ako at wala na ring energy na magsalita.

 

Ilang oras na rin ata kaming nandito sa palengke at feel ko parang numb na ang utak ko. 

 

'Di naman na bago sa akin 'to. Everytime kasi na sinasama nila ako lumabas, specifically sa mga maiingay na lugar gaya nitong palengke, automatic na nawawala ang focus ko sa surroundings ko at napupunta sa ibang bagay – which often results in my own idleness towards everything around me at talagang mapapatahimik nalang ako.

 

I figured na maybe it's just my way of coping sa mga ganitong lugar. Kapag kasi nag-iisip ako or I let myself get lost in my own thoughts, feel ko na mas mabilis ang oras, and the next thing I'll know, nasa bahay na ulit ako. 

 

But that's not the case right now. 

 

Kinakausap kasi ako ni Ate Jisoo.

 

“Kumpleto na pala lahat. Sa tindahan na lang nila Aling Sunny na lang tayo bumili ng toyo. Mas mura dun. Katamad na pumunta sa Puregold.”

 

“Ah,” I nodded at kinuha na ulit ang plastic bags. 

 

“Musta na nga pala kayo ni Karina?”

Muntik ko na ata mabali ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko kay Ate. Ang random naman kasi ng tanong niya!

 

“Ha? Bakit?”

 

“Wala lang,” Pag kibit-balikat niya. Naglalakad na kami palabas ng palengke. “Pansin ko lang kasi, sobrang close kayo nung bata kayo, tas ngayon parang 'di ko man lang kayo nakitang mag pansinan.”

 

“Nag-uusap naman kami,” at totoo naman. 

 

Technically.

 

Over the past few days, tuwing nagkikita kami ni Karina sa school at tuwing ako ang nagbabantay ng hotdog stand, lagi siyang ngumingiti sa akin at minsan pa nga ay binibigyan niya rin ako ng makahulugang tingin kung nasaktuhan niyang kasama ko si Ningning. Nang-aasar pa. Most of our interactions are just subtle and nonchalant, pero alam ko naman na I can talk to her whenever.

 

“Asus, ikaw pa! Mahiyain ka kaya.” Biro pa ni Ate. “Alam mo ba dati, masyado kang madamot diyan pagdating kay Karina,”

 

“Imbento ka na naman, ate.” 

 

Never kaya ako naging madamot!

 

“Totoo kaya!” Lumapit siya sa personal space ko. Bakit ba trip akong akbayan ng mga tao sa paligid ko? “Ayaw na ayaw mo kaya na kinakalaro siya nila Mark dati. Kung papayag ka naman, gusto mo kasali ka para mabantayan mo sila.”

 

'Di ako naniniwala sa mga pinagsasabi ni Ate Jisoo.

 

“Tas pag nag babahay-bahayan kayo, gusto mo kayong apat nila Ningning, Ryujin, at Karina ang nakatira sa iisang bahay kasi ayaw mo silang ishare. Especially si Karina. Napaka possessive mo kaya!”

 

Tahimik na lang ako the entire way home habang hindi pa rin ako tapos i-congratulate ni Ate Jisoo dahil nawala na kahit papaano ang trait ko na may pagkamadamot at possessive. I kept telling her na hindi naman talaga ako madamot at kwentong barbero lang ang mga pinagsasabi niya.

 

She said na kahit tanungin ko pa si Karina.

 

 

 

Pinipigilan ko ang sarili kong tawa habang kumakain at pinagmamasdan ang babae sa harap ko. Hirap na hirap kasi siyang balatan ang hipon at sobrang concentrated pa talaga dito. 

 

“Karina, kaya ba today?” kantsaw ni Ningning na nasa tabi ko. Palibhasa, expert na expert na siya mag kamay. 

 

Nawala ang kunot sa noo ni Karina as she looked up at Ningning, then sa akin. She just chuckled.

 

“Ang sarap ng hipon!” Pag-puri ni Aling Yuri.

 

Nakapalibot na kasi kami sa long table nila Ate Tiffany na may nakalatag na mga iba't ibang uri ng ulam sa ibabaw ng dahon ng saging.

 

“Syempre, ako nagluto eh.” Ngumisi si Papa. Pagkauwi na pagkauwi niya kasi ay agad siyang nag volunteer na magluto nung nalaman niya ang plano nila Aling Yuri. “Minho, nagustuhan mo ba?”

 

Gulat na inangat ni Kuya Minho ang tingin sa amin.

 

Kanina lang siya tinawag ni Aling Yuri na sumali sa Boodle Fight namin at wala namang nag reklamo. 

 

Mukhang mabait naman kasi siya.

 

Well, I can't be sure, pero feel ko lang naman. Sa mga kapitbahay kasi namin, si Kuya Minho lang ata ang hindi mahilig lumabas mula sa bahay niya. Siya ang naninirahan sa tabi ng bahay namin at mag-isa lang siya dito – alam ko kasi ay mga nasa thirteen years old pa lang ako ay nandiyan na siya nakatira. 

 

“Masarap naman,” ngumiti si Kuya Minho.

 

“Ang pogi,” bulong ni Ningning sa akin. 

 

Sinimangutan ko siya dahil naamoy ko pa talaga ang bangus mula sa hininga niya. 

 

“Eh yung toyo, Kuya Minho?” Nakangiti na tanong ni Ate Dahyun. “Ako gumawa niyan,”

 

“Kaya pala ang alat.” Chaewon murmured. Nasa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato 27 streak #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato 27 streak #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2140 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO