Mag Jowa?

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Gusto kong umiyak.

 

Actually, charot lang. Hindi naman ako ganun kababaw. Nakakainis lang talaga kasi. 

 

Sobrang himbing na ng tulog ko tapos bigla lang ako nagising ngayong alas tres ng madaling araw dahil sa ingay na naririnig ko na naman mula sa baba. Sinubukan ko ulit matulog, but it was too late. Naramdaman ko na ang kinakatakot ko every time na magigising ako sa kalagitnaan ng madaling araw.

 

Naiihi ako, pero tinatamad na akong bumagon para mag CR. Sabado pa naman, and ang sarap na kasi ng tulog ko.

 

Leche. 

 

Wala na naman akong choice.

 

Dumaing ako habang inaalis ang pagkabalot sa 'kin ng kumot, at bagot na naglakad palabas ng kwarto ko. 

 

Didiretso na sana ako sa CR namin pero napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Papa na mabilis na naglalakad papunta sa labas at may dalang tongs at iba pang mga gamit sa pang-ihaw. 

 

Nandun din si Mama. May buhat siyang dalawang malalaking bags na para bang maglalayas na siya.

 

 

Ano na naman bang trip ng pamilya ko?

 

 

“Kibum, yung mga paper plates pa! Asan ba si– ay, wait–”

 

“Andito na yung mga paper plates! Gisingin mo na yung anak mo!” sabi ni Papa then he practically ran out of the house.

 

Tinignan ko ang itsura ni Mama at mas lalo pa akong naconfused. Naka attire siya na para bang pupunta siya sa Boracay. 

 

“Ma…” pagtawag ko kay Mama. Medyo inaantok pa kasi ako. 

 

Lumapit ako sa kanya habang kinukusot ang mata. 

 

“Ayan, gising na pala. Maligo ka na, bunso, para alis na tayo ng alas kwatro.” utos ni Mama.

 

“Huh?” parang nawala tuloy sa isip ko na mag c-CR pa dapat ako.

 

“Nag-aya si Tiffany na mag swimming daw tayo ngayon sa resort ng dati niyang ka-batchmate.”

 

“Ngayon na po…?”

 

Ginulo ni Mama ang buhok ko, “Oo. Andun na sa sasakyan sila Ningning at yung mga ate mo. Ligo na,”

 

Ah… sigurado isa na naman 'to sa mga spontaneous trip nila. Madalas nila 'tong gawin kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit parang biglaan na naman. Buti nga ngayon, parang hindi lang Piattos ang dala nila.

 

Bakit hindi man lang nila ako sinabihan kagabi para naman nakapag-ayos ako?

 

“Ma… yung gamit ko pa,”

 

“Ako na nag pack nun! Maligo ka na lang, dalian mo.”

 

At tinulak na ako ni Mama papalayo sa kanya para makapag-ayos na ako ng sarili.

 

Sinunod ko na lang ang utos ni Mama at naligo na kahit medyo lutang pa rin ang utak ko. This isn't the first time that something like this has happened anyway. Maraming beses na rin na ginising ako nila Mama ng madaling araw para sabihin na maligo na ako dahil paalis na ang sasakyan. 

 

Wala rin akong clue kung bakit never silang natuto magplano days ahead before the trip. 

 

Siguro kasi naniniwala sila na hindi matutuloy yung trip nila pag nagpaplano at masyado silang excited tungkol dito.

 

Ewan ko sa mga kapitbahay ko.

 

 

 

Pagtapos ko maligo at nagising na rin ang diwa ko, tinawag na ako ni Papa palabas.

 

“Dito ka sa 'kin, bunso. Nandun si Taeyeon at si Ate Jisoo mo kay Minho,” sabi ni Papa at pumasok na sa Innova niya.

 

Syempre, 'di na ako sumagot. Binuksan ko ang pinto sa may middle seat since nasa harap na si Chaewon dahil gusto niya lang, at nagulat talaga ako nang makita ko si Ate Sana, yung best friend ng pinsan ko, na nakangiti na sa akin. Katabi niya si Ate Dahyun na natutulog at nakapatong pa ang ulo sa balikat niya. Sa tabi naman ni Ate Dahyun ay si Ningning na natutulog rin at nakanganga pa. I wasn't surprised na kasama rin siya.

 

“Winter!” bati ni Ate Sana.

 

Buti pa siya, parang alam niya kung anong kaganapan sa Subdivision namin kahit sa medyo malayo pa siya nakatira, samantala ako, mukhang 'di pa ata ako makakasama ngayon kung hindi ako naihi.

 

Anyway, wala akong problema na sinama siya ni Ate Dahyun. Tutal, mga ilang buwan ko na rin naman na huli siyang nakita, at namiss ko rin siya. Madalas siyang bumisita dati sa 'min nung bakasyon pa ni Ate Dahyun kaya close na rin siya kila Mama at Papa.

 

“Hi, Ate Sana. Kasama ka pala,”

 

Bumaba si Ate Sana para iadjust yung seat niya para makapasok ako sa likod.

 

“Yeah, sinundo ako ni Dubs last night. Hinanap nga kita kagabi, but sabi ni Tita, tulog ka na raw.”

 

“Sa 'min ka po natulog?” tanong ko bago pumasok nang tuluyan sa loob.

 

Tumango si Ate Sana at masiglang bumalik sa upuan niya nung makapasok na ako. Bale ang pwesto namin ngayon ay nasa harap sila Papa at Chaewon, while napapagitnaan naman si Ate Dahyun nila Ningning at Ate Sana sa may middle seat. Kaming tatlo nila Papa, ate Sana, at ako lang ang gising.

 

Ako lang rin ang mag-isa dito sa likod.

 

“Morning,”

 

Muntik na akong mapatalon sa gulat.

 

Agad akong lumingon sa tabi ko at nanlaki ang mga mata nang makita ko si Karina.

 

Jusko.

 

“Karina?”

 

Mukhang mapungay pa ang mata niya at halatang inaantok pa. She's also wearing a jacket at may neck pillow pa.

 

Bakit siya nandito? Di ba dapat doon siya sa kabilang sasakyan kung nasaan yung ninang niya?

 

“Hey, Minjeong…” kinilabutan pa ako sa tono ng boses niya. Shems, bakit naman ganun? 

 

Ngayon ko lang napagtanto na kakagising niya pa nga lang. Bukod sa natawag niya ako na ‘Minjeong’ instead of Winter– grabe lang yung morning voice niya.

 

“Uy…” I tried acting cool. “Good morning, ba't nandito ka?”

 

“Hm?” papikit na yung mata niya. Inaantok pa talaga. “I was supposed to… ride with Ninang… but full na daw yung car ni Kuya Minho,” lutang na sabi niya, then humikab siya. “is it okay if I sleep muna?”

 

“Uh– sige lang,” sagot ko tapos sumandal na rin sa sandalan.

 

Hindi na kami nag-usap after that since pareho rin kaming kulang sa tulog. 

 

I stared at her for a few minutes (di ko rin alam kung bakit. Don't ask me) bago tuluyang makatulog na rin.

 

 

 

Nagising ako nang maramdaman ko na huminto ang sasakyan at nagsasalita na sila sa harap. 

 

Una kong tinignan si Karina na nasa tabi ko, at nginitian ko lang siya nung narealize ko na she's also looking at me, wearing the same expression as well.

 

“Ano ba gusto mo?” napalingon ako kila Ate Sana at Ate Dahyun na nag-uusap sa harap namin.

 

Umusog ako ng konti para makasilip sa bintana, then dun ko lang nalaman na nasa harap kami ng 7/11.

 

“Yung Hershey's Dark Chocolate,” rinig kong sagot ni Ate Dahyun. “kahit yung 12 oz lang,”

 

Pwede pala lumabas muna.

 

Dumungaw ako sa seat ni Ate Dahyun para makita kung nasaan si Papa. Wala rin siya sa seat niya, and si Chaewon naman ay nagseselpon lang.

 

Tulog pa rin si Ningning.

 

Labas nga rin muna ako.

 

“Karina,” pagtawag ko sa tabi ko, “lalabas ako. May gusto ka?”

 

Karina looked as if she had been caught doing something bad with the way she jumped slightly dahil sa pagtawag ko.

 

“Oh… um, yeah, sure.”

 

Hinintay ko siyang sabihin kung anong gusto niya pero hindi siya nag continue para magsalita.

 

“Anong gusto mo?” pag-ulit ko, then I smiled at her cuteness.

 

Parang lutang pa rin kasi siya.

 

“Coffee? Yung Mochaccino. Just 8 oz.”

 

“Okay,” I nodded, tapos inadjust ko na yung seat ni Ate Sana pagkababa niya.

 

Paglabas ko, sinundan ko kung saan papunta si Ate Sana since narinig ko nga yung usapan nila ni Ate Dahyun.

 

 

 

Anong oras na kaya? Medyo madilim pa eh. 

 

“Ate Sana,” I called for her. Nasa City Blends na kami ng 7/11 and pinauna ko muna siya sa coffee ni Ate Dahyun. “Anong oras na?”

 

Ate Sana chuckled before looking at her wrist watch. “5:47 pa lang,”

 

“Ah.”

 

Tapos tahimik ulit kami.

 

Minutes later, nagsalita ulit si Ate Sana.

 

“So… girlfriend mo?”

 

Tumingin ako sa likod ko tapos nagtaas ng kilay sa kanya. “Ha?”

 

“Yung ‘Karina’ na katabi mo sa car. Girlfriend mo 'yun? In fairness, she's really pretty, ha. You sure do know how to pick them,” Ate Sana smirked.

 

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. “Hindi ah!”

 

“Hindi siya maganda?”

 

“No, maganda siya! Sobra– pero hindi ko siya girlfriend, Ate!” buti nalang talaga at wala gaanong tao ngayon sa loob. Hindi ko kasi nakontrol ang lakas ng boses ko.

 

“Right, okay.” tumawa si Ate Sana at kinuha na ang cup niya. “Your turn,”

 

I sighed bago lumapit sa machine at kumuha ng cup. 

 

“Akala ko hindi ka mahilig sa coffee?” tanong ni Ate Sana habang sige lang ako sa pag pindot.

 

“Hindi naman po 'to para sa 'kin,”

 

“Ah, so para kay Karina ba?” 

 

I frowned dahil sa malokong ngiti ni Ate Sana.

 

Bahala siya diyan.

 

 

 

When Ate Sana and I got back to the car, nandun na rin sa loob si Papa na parang ready nang umalis, at gising na gising na rin si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO