The Prom Committee

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

“Hoy, ano yun?”

 

"Akala ko sa Music Club ka sasali?”

 

“Prom Committee?”

 

“In fairness, medyo cute si Beom–”

 

Ginulo ni Ryujin ang buhok ni Lia. “Lia, ang straight mo!”

 

“Yung buhok ko, Ryujin!”

 

“Win, sa Prom Committee ka talaga?” sinabayan ako maglakad ni Chaewon.

 

We're on our way sa building nila Ningning para sunduin siya at sabay na kaming mag lunch sa labas. 

 

Tumango ako sa pinsan ko. “Oo, sure na. Bakit? Akala ko ba gusto mo ako sumali sa club ni Beomgyu?”

 

“Totoo naman, nagulat lang ako.” Umakbay siya sa balikat ko. Nauuna kaming maglakad kesa kila Yeji, Ryujin, at Lia sa likod namin.

 

Ang babagal nilang maglakad kasi nag aasaran pa yung dalawa – habang si Yeji naman yung designated arbitrator nila. Madalas naman na ganyan ang scenario namin tuwing magkasama yang tatlo, mas worse nga lang siguro pag kasali si Ningning kasi mahilig pa mang gatong yun.

 

“Akala ko talaga sa Music Club ka na since mga ka vibe mo yung mga members dun.” Mahinang pagtawa ni Chaewon. “But nevertheless, I'm really glad na you're getting out of your shell,”

 

Ngumiti ako nung tinapik ni Chaewon ang balikat ko, as if telling me na I did a good job. 

 

For some reason, hindi ako kinakabahan sa mga future events na pwedeng mangyari ngayong member na ako ng isang club. Bago kasi ako sumali, I expected na kakabahan ako nang sobra dahil mahilig akong mag overthink if I'd do well sa mga certain stuff. 

 

What if kailangan kong gawin 'yan? What if hindi ko kayang tapusin 'to? What if hindi ko maabot ang expectations nila?

 

Ganyan ang mga bagay na pumapasok sa utak ko kaya madalas rin akong mag dalawang isip. 

 

But right now, with the Prom Committee, parang at ease lang ako. Chill. Siguro dahil deep down, gusto ko rin naman kasi ang gagawin ko. Confident ako na magagawa ko naman ang trabaho ko – na I will do well, pero kung hindi, I'll still try. 

 

That's what matters. 

 

 

 

“Ang unfair! Bakit amoy Chanel number 5 yung building nila?! Yung sa 'tin amoy clorox!” 

 

Yan ang bungad ni Ryujin nung makarating kami sa room nila Ningning. Kaming dalawa nalang kasi ang pumasok dito at nagpaiwan na sila Yeji, Chaewon, at Lia sa labas dahil tinatamad na raw sila umakyat sa second floor. 

 

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang si Ryujin na dumungaw dun sa bintana ng room. 'Di niya rin naman agad makikita si Ningning dahil sa pinakasulok pa nakaupo 'yun. 

 

I sighed tiredly at humarap ako sa railings ng corridor. I leaned my weight against it para naman mabawasan ang ngalay ng mga binti ko. Mga 5 minutes pa bago ang out nila kaya I decided to amuse myself sa mga estudyanteng ligaw sa baba.

 

“Ma'am, may tao po!” 

 

Tumalikod ako at agad na tumingin kay Ryujin. Nandun na siya nakatayo sa pinto mismo! 

 

“Ryujin?” rinig kong sabi ng teacher nila Ningning.

 

Kung sinuswerte ka nga naman. 

 

Kilalang kilala ko ang boses na yan.

 

“Hello po, Ms. Taeyeon!”

 

Wala talaga atang nararamdaman na hiya si Ryujin!

 

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya para hatakin siya pabalik sa corridor, pero turns out na wrong move pala yun. 

 

Nakita ako ni Mama.

“Winter?”

 

Parang nanigas tuloy ang buong katawan ko. Nakatingin na sa akin lahat ng kaklase ni Ningning, including Karina. Nasa harap kasi siya nakaupo, katabi ni Giselle – yung kaibigan ni Yeji na yayamanin at conyo.

 

Hala.

 

“H–hi po, Ms. Taeyeon.” I bowed awkwardly then hinawakan ko ang braso ni Ryujin. 

 

Binaba ni Mama ang hawak niyang whiteboard marker sa desk niya. “May kailangan ba kayo?”

 

Nasabi ko na ba na nakakatakot si Mama tuwing on Teacher mode siya?

 

“Hinihintay lang po namin si Ningning, overtime na p–”

 

Tinakpan ko ang bibig ni Ryujin then lumingon ako kay Mama apologetically. 

 

Dahil sa ginawa ko, narinig kong tumawa yung iba sa mga students ni Mama at nangingibabaw pa nga yung kay Ningning. Si Karina naman ay nakatingin lang sa akin at halatang nagpipigil ng tawa. 

 

“Wala po, Ms. Taeyeon! Um, sa labas nalang kami mag hihintay. Thank you po!”

 

We didn't get the chance to leave right away dahil biglang narinig ulit namin na nagsalita si Ma– Ms. Taeyeon. 

 

“No, 'wag na. Dyan nalang kayo sa may pinto mag-antay, matatapos na rin naman na kami.” Bilin ni Mama. 

 

“Masusunod po. Salamat po, Ma'am!” sabi ni Ryujin.

 

Akala ko naman, makakahinga na ako ng maayos, pero bigla nalang na tinuro ni Mama yung uniform ko at syempre, nakuha naman nito ang atensyon ng buong klase. 

 

“Bunso, yung kwelyo mo! Ayusin mo, para ka talagang bata–” 

 

Nagulat din si Mama sa nasabi niya kaya she immediately cleared at humarap sa klase niya. 

 

Para tuloy may dumaan na anghel sa room niya dahil sa katahimikan na bumalot dito.

 

“Ehem, anyway, as I was saying, Fractions can be converted to decimal by simply dividing numerator by its denominator–”

 

I looked down sa kwelyo ko, at tama nga si Mama. Medyo lukot to. Siguro dahil na rin sa ginawang pag akbay sa 'kin nila Chaewon at Ryujin kanina.

 

“Wintot, ayusin mo daw yung collar mo,” pag-ulit ni Ryujin sa binilin ni Mama. 

 

I did as I was told, then hinatak ko na si Ryujin papalayo sa pinto. 

 

Nakakahiya!

 

“Ang cute niyo talaga ng mama mo, 'no?” 

 

“Para kang baliw kanina!” pag sermon ko kay Ryujin. “Basta basta ka nalang dumudungaw, eh 'di pa nga sila tapos magklase.”

 

Nag pout si Ryujin sa harap ko as she clasped her hands together. “Sorry, hehe. Nacurious lang ako sa mga kaklase ni Ningning!”

 

“Kahit na, ang disrespectful kaya nun sa teacher.” 

 

“Sorry na nga, eh.” Ayan, nag simula na siyang magpacute. Pinulupot niya pa ang kamay niya sa braso ko. “Carried away lang! Promise, hindi ko na uulitin!”

 

“Oo na,” Umirap ako sa kanya at pumiglas papalayo. “Ang panget mo magpacute.”

 

Ryujin gasped dramatically – akala mo offended talaga siya. “Palibhasa kasi, nasa lahi niyo na ang aegyonaviliticism!”

 

“Agyo– ano?”

 

“Aegyonaviliticism.”

 

“Ha?”

 

“Ganto,” tinaas ni Ryujin ang mga kamay niya sa harap mismo ng mukha ko at pinagdikit ang index fingers. “Uwu! Ottoke! Uw–”

 

“Wow! Ang cute naman mag suyuan ng mag jowa na yan!”

 

Napapikit ako at huminga ng malalim. Dinismiss na pala sila ni Mama a few seconds ago kaya naaubutan pa ni Ningning at ng iba sa mga classmates niya ang kahihiyan na pinaggagawa ni Ryujin. 

 

“Kilabutan ka, Ningning. Kilabutan ka.” 

 

Humagikhik si Ningning at agad na naglakad papalapit sa amin ni Ryujin. Dala niya na ang bag niya – balak na sigurong umuwi kahit may klase pa sila mamaya. 

 

“Wintooot!” Sinalubong niya ako ng yakap. 

 

Dahil medyo pagod rin ako, hinayaan ko lang siya sa trip niya kaya hindi na rin ako pumiglas. 

 

Pagkatapos, inikot ko ang mga mata ko nung nakita ko si Karina palabas ng room kasama si Giselle. May mapang-asar pa kasing ngiti sa mga labi niya as if pinapaalala ang napag-usapan namin nung lumabas kami for ice cream.

 

Nag-drawing pa nga siya ng heart sa hangin tapos kumindat bago tuluyang umalis.

 

I just sighed as I pulled away from Ningning. 

 

“Ano ba yan, sasali pa nga lang ako sa yakapan niyo!” reklamo ni Ryujin. 

 

“Next time nalang.” biro ko, “Tara na, baka awayin na tayo ni Lia.”

 

Kay Ryujin naman kumapit si Ningning nung nagsimula kaming maglakad. Syempre, nag paalam muna kami kay Mama bago umalis. Naiwan kasi siya sa room na nagliligpit ng gamit niya. 

 

 

 

“Burger steak akin,” turo ni Lia sa menu board ng Jollibee. 

 

May sari sariling pwesto na kami dito. Sa dulong part ako umupo at si Yeji naman ang nasa tabi ko dahil ayaw kong mapag gitnaan ng mga maiingay habang kumakain, then si Chaewon ang nasa harap ko. Sa tabi niya naman ay si Ningning na kaharap si Ryujin, while Lia is sitting next to the latter – at kaharap ang seat na kinalalagyan ng bag ni Ningning. 

 

Yeji squinted at halos mawala nalang talaga ang mata niya. “I want a 1-pc Chickenjoy, not spicy.”

 

“Sino ba mag oorder?” tanong ni Chaewon.

 

“Ako,” pag-volunteer ni Ryujin. “Ano sayo Chae?”

 

“Jolly spaghetti with cheesy yumburger.”

 

“Drinks?”

 

“Coke.”

 

“Eh kila Wintot?”

 

“1-pc Chickenjoy rin tapos upgrade yung drink to coke float.” Sabi ko, then I smirked at Lia. “Spicy yung chicken.”

 

“'daya!”

 

Tuwing kumakain kasi kami ng chicken, lagi niyang kinukuha yung balat nung akin. Ayan, subukan niyang kunin. Mahina pa naman siya sa mga maaanghang. 

 

Tumingin si Ningning kay Chaewon tapos kay Ryujin. “Gusto ko yung kagaya kay Chae,” 

 

“Okay, yun lang?”

 

“Yep! Thanks, Ryu!” sabi ni Yeji.

 

Nagsimula na silang mag chikahan pagkaalis ni Ryujin, habang ako naman ay tumatango lang occasionally at minsan ay nakikisali rin pag may napapansin akong plot holes sa mga pinagsasabi nila na kinapipikunan naman ni Ningning. 

 

In the midst of all the chaos (wow, wOrd! pwedeng pwede sa journalism club!), may napansin pa ako sa may gilid ng bintana. 

 

Si Chaeryeong Lee. From HUMSS. Ang alam ko nag top yan sa overall nung Grade 10 kami eh. 

 

Tahimik, pero matalino.

 

Mag-isa lang siyang nakaupo doon, her gaze glued to the window. Lutang, spaced out. 

 

Biglang may idea na pumasok sa utak ko. Yung parang light bulb moment.

 

What if…

 

“Guys, wait lang. May gagawin lang ako,” paalam ko sa mga kaibigan ko.

 

Pumayag naman sila dahil masyado silang engrossed dun sa kwento ni Ningning about sa kaklase niyang anak daw ng mafia. Allegedly.

 

Dumiretso ako papalapit kay Chaeryeong at walang paalam na umupo sa harap niya. This isn't you, Winter, pero bahala na. Kesa naman walang mangyari sa club na sinalihan ko!

 

Grabe, kakasali ko palang sa club kanina.

 

“Hi.”

 

Nagulat si Chaeryeong. “Ha?”

 

“'Di ba ikaw si Chaeryeong Lee?” Kinain ko na ang hiya ko. 

 

“Opo?”

 

“Okay. Sali ka sa club namin.” Feel ko eto na ang Beomgyufication ko. 

 

Naiintindihan ko na kung bakit ganto ang pag approach sa akin ni Beomgyu. 

 

Mas madali pala kung straightforward ka nalang para mabilis rin ang usapan, easier to get it over with. 

 

“C–club?”

 

“Oo. Prom Committee.”

 

“Bakit po?”

 

“Ayaw mo?”

 

Natakot pa ata siya sa tunog ng boses ko kaya agad siyang umiling. “H–hindi naman! Nagulat lang ako– bakit po ako?”

 

“Wala pa kaming members, sali ka na.” 

 

Hindi talaga ako marunong mang persuade ng tao. 

 

When she didn't say anything, ngumiti ako at tumayo na. “

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato 27 streak #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato 27 streak #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2134 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO