Teacher's Day

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Walang gaanong ganap sa classroom namin since nasa labas ang lahat ng kablockmates ko. Ineenjoy din kasi nila ang mga nakahanda na mga booth and business implementation ngayon sa school grounds. 

 

Ako lang ang mag-isa rito ngayon, nagpapahinga dahil kanina pa ako hindi magkanda-ugaga kakaasikaso sa mga inassign na task sa akin ni Beomgyu. 

 

Kung sasabihin niyo kay Grade 11 Winter na magiging Vice President siya ng Prom Committee at magpapakapagod na mag asikaso ng isang school event, siguro ay tatawanan ka lang niya at hindi ka na kakausapin for the next 10 years kasi hindi ka naman niya ka-close.

 

That's just how I am.

 

That's how I was.

 

I never tried to do more than my own standard of "average" kasi ang unang pumapasok sa utak ko ay bakit? Bakit ko naman gagawin yun? Bakit ko pahihirapan ang sarili ko when I'm already contended where I am and what I've been doing. Pumapasa ako sa mga subjects, may naipapasa akong activities on time, may nasasagot ako sa exams, and I thought those are enough.

 

Those were enough for me. 

 

Kasi in my mind, it's just high school. 

 

It's okay because I was surviving. Na okay lang kasi nakakaraos naman ako. Nalalagpasan ko naman.

 

Until everything changed when the fire nation attacked—emz.

 

I realized na high school is still a huge part of my life. Hindi lang ito isang araw, or isang activity na ginagawa ko lang kasi required. 

 

It's an adventure. 

 

It's an adventure because I gained friends. 

 

May mga kaibigan ako na hindi lang pang isang araw. 

 

May mga natutunan ako na alam kong magagamit ko rin in the future.

 

Hay, grabe lang ang character development ko this year.

 

“There you are,”

 

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Karina. 

 

Bakit siya nandito? Sa pagkakaalam ko, ngayon din ang business implementation ng block nila. Kaya nga hindi ako masyadong ginugulo ni Ningning ngayon ay dahil busy rin siya sa sarili nilang booth. 

 

“I've been looking for you.” saad niya at naglakad papalapit sa akin. “Hinahanap ka nila Ningning kanina. Bakit daw hindi ka bumibili sa booth nila.”

 

“Wala naman, nagpapahinga lang.” sagot ko.

 

Tumaas ang isang kilay niya at nag-aalangan na tinuro ang pinto. “Oh. I can… leave you alone, if you want?”

 

“Okay lang.” mabilis na sabi ko. Though I appreciate na nag offer siya na hayaan akong mapag-isa, “I mean, kung gusto mo ako samahan dito, okay lang. I won't mind.”

 

She gave me a wide smile before walking towards me, tapos umupo siya sa armchair sa tabi ko. 

 

For some reason, hindi na ako masyadong kinakabahan tuwing naiiwan ako mag isa kasama si Karina. Gawa na rin siguro ng mga nangyari sa amin these past few days. 

 

Pakiramdam ko ay mas naging close pa ata kami simula nung nag volunteer siya as consultant ng Prom Committee. Involved na rin kasi talaga siya tuwing nagpapatawag ng meeting si Beomgyu, at kadalasan ay nakakasama ko siya sa pag prepare ng event na ito.

 

“Bakit nga pala andito ka? Di ba may booth din kayo sa labas?” tanong ko.

 

She nodded, “Yeah. Si Gigi yung nagbabantay for now. What about you, guys?”

 

“Next sem pa yung Entrep namin.”

 

“Oh, so sasabay siya sa Capstone and Immersion niyo?” tanong ni Karina. 

 

Ay, oo nga… 

 

“Siguro,” sagot ko. Iniisip ko palang ay sumasakit na ang ulo ko.

 

“Hey,” tinapik ni Karina ang balikat ko, “don't worry about it just yet.”

 

I gave her a light chuckle. Okay, Karina. Sabi mo, eh. 

 

“Do you wanna walk around? Maglibot tayo ng booth, if you want. I noticed na hindi ka pa pala nakakapag-enjoy.” suggest niya nung hindi ako nag rebut sa kanya kanina. “Only if you want to, though. We can totally stay here if wala ka sa mood. I'm just putting the idea out there so—”

 

Tuloy tuloy na naman siya sa pagsasalita. Naalala ko yung sinabi niya. Yung ginagawa niya lang yan tuwing kinakabahan siya.

 

Saan naman? Ako lang naman 'to.

 

“Okay.”

 

“Okay?” huminto siya sa pagsasalita at gulat na tumingin sa akin.

 

“Ayos lang naman. Tara,” aya ko sa kanya at tumayo. 

 

She smiled at me and then enthusiastically led me out of the classroom. 

 

 

 

Yung palengkerang boses agad ni Ningning ang narinig ko pagkababa namin ni Karina ng building. Napakaraming estudyante at teachers, pero nangingibabaw talaga ang boses niya.

 

“Wintot! Wintot! Bespren ko! Wintot! Dito ka! Dali na! Wintot!”

 

Ramdam ko na ang pamumula ng leeg at pisngi ko dahil sa hiya, habang si Karina naman ay natatawa lang sa eksaheradang boses ng blockmate niyang shunga.

 

“I believe she's calling for you,” biro ni Karina. Umungot lang ako, na naging dahilan naman ng pagtawa niya ulit.

 

Masyado na talaga siyang aliw sa akin.

 

 

“Nakakahiya ka!” diretso kong sabi nang makarating kami sa booth nila ni Ningning. 

 

Lalo lang naman tumawa ang magaling kong best friend, “Bili ka na! May discount 'yan, dahil special ka sa'kin!”

 

Bumaling ang tingin ko kay Karina na nakatuon na ang atensyon sa mga tindang turon nila Ningning. Gusto niya ba? 

 

“Hi, Winter!” nagulat ako nang bumungad si Giselle sa harap namin. Mukhang galing pa ata siya sa booth nila ni Karina.

 

“Hello,” nginitian ko siya. 

 

“Hoy, teh! Ba't ka andito? Direct competitor ka kaya namin! Shoo! Dun ka!” saway ni Ningning na ikinatawa naman ng mga kagrupo niya. 

 

Wala akong kilala kahit isa sa kanila. Except siguro kay Yuqi. Minsan kasi ay siya ang naiiwan na kasama ni Ningning pag uwian na.

 

“Rina is literally right there!” depensa ni Giselle at tinuro si Karina na magaan nang nakipagkwentuhan sa isang groupmate ni Ningning.

 

“I'm on a break, Gi.” Karina rolled her eyes, then naglakad na papalapit sa tabi ko. “And I'm with Winter lang naman. I'm not going to buy anything from our direct competitor,”

 

Ngumisi siya kay Ningning nung sinabi niya yung last part. 

 

“Hayaan mo 'yang dalawang yan, bes. Kuha ka lang dito, 15 pesos nalang para sayo!” pag-urge sa akin ni Ning.

 

“15 pesos naman talaga ang presyo,” I pointed out. 

 

Yun naman talaga ang nakalagay na price ng turon nila. Mambubudol talaga 'tong best friend ko!

 

I looked at Karina for a brief second, and nakita ko na busy na siyang makipag-asaran kay Giselle. Nagsasagutan pa rin sila kung bakit daw sumasakabilang booth si Karina.

 

Hindi naman ako gaanong mahilig sa turon.

 

Pero naalala ko na kanina pa tinitignan ni Karina yung tinda nila Ning. 

 

“Sige na kasi, Wintot!”

 

Kailan ba siya titigil d'yan sa Wintot agenda niya? Parang ewan, eh.

 

“Tatlong turon,” ayan, sana masaya ka, Ningning. Binigay k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO