Move Marathon (Hindi Date!)

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Ever since nung nag "volunteer" si Karina para maging consultant ng Prom Committee, parang hindi na siya nawala sa paligid ko—both physically and mentally.

 

Tuwing nasaan ako, nandun din siya. 

 

Wala rin naman akong problema. Malamang? Si Karina na 'yan eh. Sino ba naman ako para magreklamo, 'di ba? Bonus nalang talaga yung ang sarap niyang tignan minsan.

 

“Hassle pa kasi kung mini concert ang gusto niyo,” sabi ko. 

 

Nakahalukipkip lang naman si Karina sa tabi ko. Gaya nga kasi ng sinabi ko kanina, kung nasaan ako ay nandoon din siya. Tulad nalang ngayon.

 

Nasa cafeteria kami ng school para mag discuss ng meeting. Malapit na rin kasi ang celebration ng Teacher's Day at kami na nga talaga ang mag o-organize rito. 

 

Wala na kaming nagawa dahil nagdesisyon na nga nang mag isa ang magaling naming President. Kakausapin ko talaga siya about this sa susunod. Hindi pwedeng siya lang ang nagdedesisyon sa club namin.

 

“Pero 'di ba mas gusto naman 'yun ng mga students?” a ni Yuna. Wala ngayon si Chaeryeong dahil may ginagawa pa ata sa room nila. 

 

“True,” pagsali ni Yeonjun. Ganyan lang talaga ang mga ambag niya. At least hindi siya literal na display.

 

“Oo nga, pero ang sinabi niyo nga kasi kanina, gusto niyo 'yung sikat na artist ngayon. Hindi ba parang 'di naman makatotohanan 'yun?” sabat ko. “Sa Thursday na 'yung event, guys.”

 

Lumingon sakin si Beomgyu at bumuntong hininga. “Edi ano nalang ang gagawin natin?”

 

Nagtinginan kaming lahat sa babae sa tabi ko.

 

“May suggestion ka ba, Karina?” tanong ni Beomgyu.

 

Tinaas ni Karina ang kilay niya at mabilis na tumingin sa akin bago bumaling ulit sa buong committee. 

 

“Well, I think Winter has a point. You can't book the famous artists you guys want,”

 

Napangiti ako. 

 

Edi ang laki na naman ng ulo ko nito.

 

“But,” she smiled, “I think a concert is actually a nice idea. Just not with a famous artist.”

 

I looked at her curiously. Wait, parang gets ko na. “So 'yung Music Club?”

 

Karina smiled even wider as if proud siya sa sinabi ko. Oo na, Karina. Ako na ang magaling. “Exactly. The Music Club. May band sila, right?”

 

“Ay, oo nga!” pag sang-ayon ni Beomgyu.

 

Lumiwanag din ang mga mukha nila Yuna at Yeonjun. 

 

“The school's Music Club can play sa event, and what did you say nga pala about sa mga booth, Winter?”

 

Inisip ko yung sinuggest ko sa kanila kanina. “Na gawin nalang same day 'yung Business Fair ng mga Grade 12 tsaka 'yung Teacher's Day?”

 

“Yes,” tumango si Karina at hinarap ang mga ka-group members ko. Grabe, parang sanay na sanay na talaga si Karina pag dating sa mga ganto. Gawa na rin siguro ng pagiging former SSC President niya nung nasa States pa sila. “So it's a win-win situation. May mga booth and food stalls kayo, and also a mini-concert.”

 

“Edi imbes na Thursday 'yung celebration ng Teacher's Day, imomove natin sa Wednesday?” pag clear out ni Yuna.

 

Karina nodded again. 

 

 

Hindi na kami nahirapan na kumbinsihin si Beomgyu about sa suggestions ni Karina kanina. 

 

Mabilis na rin siyang pumayag dahil siya mismo ay walang maisip na plano para sa event na siya mismo ang may sala kung bakit nas-stress kami about it ngayon. 

 

Hay, buti nalang talaga andyan si Karina.

 

Speaking of…

 

“Winter, may gagawin ka pa ba later?”

 

Nung nagmamadali akong lumabas ng cafeteria kanina dahil gusto ko na talagang umuwi at magpahinga, tumakbo lang naman si Karina para sabayan akong maglakad. Kaya andito siya ngayon, hinihingal at hirap habulin ang hininga niya sa hallway kasama ko.

 

“Wala naman na. Bakit?” agad kong sagot. Wala nga ba? Mamaya ko nalang iisipin pag natataranta na ako.

 

Nang mahabol niya na nga ang hininga niya, Karina just smiled, “Do you wanna come over sa bahay?”

 

“Bahay?” litong tanong ko. 

 

Tumango siya.

 

Ha…

 

“Bahay natin?” sabi ko bago ko marealize kung ano ang lumabas sa bibig ko. “I mean! I— I mean, yung– yung vacant house sa may tapat? Yung tambayan natin?”

 

Tumawa lang siya. Pansin niya rin siguro ang slight panic ko doon. 

 

“No. Although that would be really nice, I was actually talking about our house.”

 

Our… Yun nga ang sinabi ko? Hindi ba? Sabi ko bahay namin. Our house. Our—

 

“Where Ninang Tiff and I live.”

 

Ah.

 

Yun naman pala. Okay. Hindi naman ako affected. “Sa inyo? Para saan naman?”

 

Hindi naman na bago sa akin na pumunta sa bahay nila Aling Tiffany. Palagi naman kasi akong sinasama ni Ate Jisoo tuwing pumupunta siya rito para ayusin ang napakatibay na ref niya, so medyo sanay na rin ako sa atmosphere at ambiance ng bahay niya.

 

“Nothing.” kibit-balikat ni Karina. “I– I guess I just wanna hang out with you in my room?

 

Yun lang.

 

Sanay ako sa bahay ni Aling Tiffany, pero hello!? Hindi ako sanay sa kwarto ni Karina! First time ko 'to if ever!

 

Ngayon palang ay nag o-overthink na ako kung ano ang kashungahan na magagawa ko sa room niya. What if masuka ako sa higaan niya? What if matapakan ko yung TV niya? What if sumabit sa akin yung extension cord ng lamp niya? What if—

 

“Sure, ayos lang.” lutang na sagot ko.

 

Bago pa ako makapagreact at magpanic with the idea na papasok ako sa kwarto ni Karina, nawala agad ito sa utak ko nang ngumiti siya nang maluwang at umakbay sakin.

 

“Perfect! Let's go na!” she exclaimed excitedly.

 

At ayun na nga. Hinatak niya na ako. Ako namang si kaladkarin, wala nang nagawa kung hindi magpahatak.

 

 

 

Mas mabilis pa ata sa pangungurakot ng gobyerno ang tibok ng puso ko ngayon pagkarating namin sa kwarto ni Karina. I already anticipated this, pero hindi ko naman ineexpect na ganito siya!

 

Kwarto talaga siya! As in!

 

Ni Karina!

 

Malamang, Minjeong! Ano ba ang ineexpect mo? Classroom? Pagalit ko sa sarili ko.

 

Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagpapanic. Di naman big deal 'to, 'di ba? Besides, hindi naman ako ganito mag react tuwing pumapasok ako sa kwarto ni Ningning! 

 

So ano ba ang nangyayari sa akin ngayon? 

 

“I'm sorry if medyo makalat,” Karina rushed to get some of her stuff off her bed and the floor and threw it somewhere. “I

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2147 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO