Curiosity

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Nakarating kami sa bahay nang nakaayos na ang lahat. May mga handa na sa lamesa, at nakaupo na rito sila Papa, Mama, Ate Jisoo, at Ate Dahyun. 

 

“Andyan na pala kayo!” pag anunsyo ni Papa na may malawak na ngiti. 

 

Hindi na sila nagulat na kasama ko si Karina dahil nag text na rin naman na ako beforehand.

 

“Happy Teacher’s day po,” bati ni Karina kay Mama at nagmano rito. Ganun din ang ginawa niya kay Papa. Nginitian lang naman siya ng mga magulang kong bading.

 

After ni Karina, ako naman ang lumapit. Nagmano ako kay Papa, then syempre, mas special ang bati ko kay Mama. Binigyan ko siya ng isang kiss sa pisngi! Hindi na ako nahiya na nandito si Karina. Araw ‘to ni Mama!

 

“Happy Teacher’s day, ma.”

 

“Salamat, bunso.” pinisil ni Mama ang pisngi ko. “O’ siya, maupo na kayo. Andaming niluto ni Kibum!”

 

“Bihis lang muna ako,” bulong sa akin ni Chaewon bago dumiretso sa taas papunta sa kwarto niya.

 

Hinabol ko lang naman siya ng tingin. Mamaya nalang siguro ako.

 

“Grabe, ang tangkad mo pala talaga Karina, ano?” impressed na sabi ni Ate Dahyun. Nakatingala siya rito ngayon dahil nakaupo siya sa tabi ni Ate Jisoo.

 

“Oh,” nahihiyang tawa ni Karina. Hindi niya ata alam ang sasabihin. “My parents are quite tall as well. I guess I got it from them.”

 

“Sanaol! Kami kasi ni Wintot, walang nakuha sa Lolo naming koryanong matangkad!” pagsingit ni Ate Jisoo.

 

Inalalayan ko si Karina at inusog ang upuan para sa kanya bago siya maupo. She smiled gratefully at me, then I sat right next to her. 

 

“Hindi naman ako pandak, ate.” inikot ko ang mga mata ko. 

 

“Our height difference is cute, though.” sabi ni Karina sa akin.

 

Bahala nga sila d’yan. Nagsimula na akong magsandok ng kanin at sinabay ko na rin ang plato ni Karina. Naalala ko kasi na nagsabi siya kanina na gutom na raw siya habang naglalakad kami pauwi. Ayan. Magpakabusog siya ngayon!

 

“Mag jowa ba kayo?”

 

Muntik ko nang mabitawan ang serving spoon dahil sa gulat. 

 

Si Papa! 

 

Kung ano ano nalang talaga ang lumalabas sa bibig ni bakla! Napakarandom!? 

 

“Pa!” saway ko. Uminit bigla ang pakiramdam ko. Sana pala nagbihis na rin ako kanina! 

 

Agad kong nilingon si Karina para makita ang reaksyon niya sa kaweirduhan ng tatay kong bading, pero wala. As usual, nakangiti lang siya. 

 

Kumibit-balikat lang si Papa. “Bakit? Nagtatanong lang naman…”

 

“Sinong mag jowa?” pasigaw na tanong ni Chaewon mula sa hagdan papalapit sa amin, at umupo sa tabi ng ate niya.

 

“Sila Karina at Winter daw.” sagot ni Ate Jisoo.

 

Jusko! Sasabog na ata ako rito!

 

“We’re not mag jowa po,” Karina chuckled, smiling politely at my family. Grabe lang ang self control niya. Kasi kung ako ang nasa pwesto niya, kanina ko pa tinusok ng tinidor si Ate Jisoo.

 

“Sayang naman,” dagdag pa ni Ate Dahyun, at for the first time, nakita kong namula ang tenga ni Karina.

 

Narinig kong tumawa si Chaewon at umiling. “Tigilan niyo na nga sila, nakakahiya kay Karina, oh.”

 

Hay salamat! Chaewon, the only cousin ever!

 

“No judgement naman kami rito,” hindi pa pala tapos si Mama. Mukhang balak pang mag speech! “we’re just saying, ‘di ba, Kibum?”

 

“Oo naman,” pag sang ayon ni Papa.

 

Ngumiti si Mama sa amin ni Karina bago ituloy ang sasabihin. “Kung lang naman. Kung. If lang, ha. Kung may something nga kayo, gusto lang namin sabihin na wala namang problema sa ganyan.”

 

“Tama!” tinaas pa ni Ate Jisoo ang tinidor niyang may hotdog.

 

“Basta tandaan niyo lang na—”

 

“Maaaa!” I whined at halos ipukpok na ang ulo ka sa lamesa dahil sa hiya.

 

Bakit ganito ang parents ko!? Sa harap pa talaga ni Karina!

 

“Hey, it’s okay.” pinatong ni Karina ang kamay niya sa hita ko. “They’re just teasing us,”

 

“Oo nga,” narinig pala siya ni Ate Dahyun. “Kalma lang, Winter. Napaghahalataan, eh–”

 

Akma ko na sana siyang babatuhin ng pritong manok, pero agad akong sinuway ni Mama kaya nanahimik nalang ako. Siya nga pala ang boss ng pamamahay na ‘to.

 

 

Nairaos namin ni Karina ang dinner nang matiwasay, minus nalang yung walang katapusang pang-aasar ng kapatid ko, dalawang pinsan ko, at mga magulang kong bading. Throughout the entire time, I was always two seconds away from exploding dahil sa mga pinagsasabi nila. Salamat nalang talaga kay Karina na hindi nagsawang pakalmahin ako. 

 

Sino ba naman kasi ang hindi kakalma sa pahimas effect niya? Halos hindi niya na ata tinanggal yung kamay niya sa hita ko buong dinner.

 

“Bunso, sa taas muna kayo ni Karina. Kami na ni ate mo ang magliligpit ng kusina,” sabi ni Papa pagkatapos namin ayusin ang mga pinagkainan. 

 

Nagpapahinga na sa ngayon si Mama sa sala, habang si Chaewon naman ay umakyat na kwarto niya. Ewan ko nalang kung saan na napunta si Ate Dahyun.

 

“It’s okay po. I can help,” sabi ni Karina na may hawak nang plato papunta sa lababo.

 

“Hayaan mo na ‘yan, Karina.” sabat naman ni Ate Jisoo. “Bisita ka! Doon na muna kayo sa kwarto ni Winter. Kami na bahala rito,”

 

Tumingin sa akin si Karina as if she's waiting for my approval. 

 

Agad ko naman itong binigay. 

 

Wala rin naman akong pakialam kung pupunta siya sa kwarto ko dahil wala naman akong tinatago. Besides, ayaw ko rin siyang pag hugasin ng pinggan dito, ‘no!

 

“Are you sure, Ate Jisoo? Kuya Key?”

 

“Oo nga. Magpahinga na muna kayong dalawa,” tawa ni Papa at tuluyan na kaming itinaboy.

 

 

Without much of a choice, dinala ko na si Karina sa kwarto ko. Buti nalang at naglinis ako kaninang umaga bago ako pumasok. Though nag o-observe lang naman si Karina at sigurado akong hindi niya huhusgahan ang decorations (or lack thereof) sa loob nito. 

 

“So this is where the magic happens?” a ni Karina.

 

Tumango lang ako sa kanya. “Upo ka muna, magbibihis lang ako.”

 

“Right here?” nanlaki ang mga mata niya, at ngayon lang nag sink in sa akin ang sinabi ko.

 

Ay.

 

“Sa CR.” I cleared out. “I mean sa CR ako magbibihis, kaya okay lang kung umupo ka na muna d’yan sa kama.”

 

“Oh.” she sighed in relief. 

 

Grabe naman ‘to si Karina!? Tingin niya ba ay isa akong hubadera at maghuhubad sa harap niya!?

 

Dumiretso na ako sa CR pagkakuha ko ng damit. Mabilis lang din akong nagpalit since ayaw kong paghintayin ang bisita ko nang mag-isa. I came back in no time.

 

Pagkabalik ko ay ganun pa rin ang posisyon ni Karina sa kama ko.

 

Hindi talaga siya gumalaw.

 

“Uhm,” awkward na simula ko. “may gusto ka bang gawin?”

 

“Oh, no, no, it’s okay. I won’t be long din naman. I was just waiting for you so I could say goodbye.” sabi niya.

 

“Ah, uuwi ka na?” 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2148 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO