Yellow

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako sa maingay na tunog ng mga gamit sa baba. Yung parang squeaking sound na halos mangilo na lang ang ngipin mo? Ang sakit lang sa tenga.

 

Ano ba ginagawa nila sa baba? 

 

Huminga ako ng malalim bago bumangon at mag hilamos. Pagkatapos, bumaba na ako sa hagdan para tignan kung anong kumosyon ang nangyayari na naman sa pamamahay na 'to. 

 

 

“O, yung bunso mo gising na,” boses ni Mama Taeyeon ang bumungad sa akin.

 

“Ano pong meron?” I asked.

 

Ang gulo kasi ang bahay. Yung mga furnitures, sa kung saan saan na lang nakalagay – gaya ng couch na dating nasa living room, nakita kong nasa kusina na habang yung TV naman ay nakapatong sa kitchen counter. 

 

Tumayo mula sa pagkakayuko si Ate Dahyun. Nandun pala siya sa ilalim ng coffee table. Madungis rin ang itsura niya at halos pawis na pawis gaya nila Mama at Papa. Hawak niya na rin yung paboritong feather duster ni Papa, while si Mama naman ay dala ang walis tambo at tingting.

 

Si Papa? Well, buhat buhat niya ang cupboard na mas malaki pa ata sa katawan niya. 

 

“General cleaning!” sigaw ni Ate Dahyun then umubo. Nakasinghot pa siguro ng alikabok.

 

Ang dumi niya, grabe. Alam ko may pasok pa sila ni Ate Jisoo mamayang hapon eh.

 

“Ngayong Miyerkules?” 

 

Wala kaming pasok ngayon dahil Foundation Day ng school – I know na usually, may mga events dapat pag mga ganto, pero wala kasing naihahanda yung mga clubs sa school namin t'wing sumasapit ang araw na 'to dahil kakaumpisa pa nga lang ng school year. Masyadong magagahol. Cinoconsider naman na nila na ibahin na lang daw ang araw ng Foundation Day kahit na hindi na ito akma sa totoong araw pero hanggang ngayon, wala pa rin silang napagdesisyunan. 

 

“Natatandaan mo yung dilaw na container ng papa mo na nawawala nung Monday?” sabi ni Mama habang nag wawalis gamit ang walis tambo. “Ayun, kanina niya lang naalala na naiwan niya pala kila Tiffany.”

 

“Ikaw ang nakaiwan no'n, Taeyeon! Titig kasi nang titig kay Tiffany, ayan, pati ang container naiiw–”

 

Hindi natuloy ni Papa ang sasabihin niya dahil hinagisan siya ni Mama ng walis tingting.

 

“Kumain ka na, 'nak.” utos ni Mama sa akin at ngumuso doon sa dining table. Ito lang ang spot na malinis ngayon. “May ulam dun, nagluto si Papa mo ng tapsilog.”

 

“Kaya lang taplog na lang ang natira dahil inubos na ni Jisoo at Dahyun yung sinangag. Mag kanin ka nalang,” dagdag ni Papa.

 

“Sorry, Win!” Ngumiti si Ate Dahyun at bahagyang tumawa. “Libre na lang kita ng hotdog mamaya.”

 

“Hoy, wag kayo puro hotdog. Masama 'yan sa katawan.” sermon ni Mama.

 

“Eh yun lang ang kaya kong ibigay sa bunso mo, tita!”

 

Nilapag ni Papa ang cupboard sa tabi ng dining table, “Winter, 'wag ka muna mag hotdog.”

 

Hindi na ako nagsalita. Umupo na lang ako sa upuan at nagsimulang kumain ng almusal habang nagtatalo sila Mama at Ate Dahyun tungkol sa nutrients na nabibigay ng hotdog.

 

 

“Bunso, punta ka pala kila Tiffany mamaya.” Biglang sabi ni Papa.

 

Nagkukuskos na siya ng lababo ngayon.

 

“Bakit po?”

 

He smirked at binigyan ng makahulugang tingin kung nasaan si Mama. “Kunin mo yung container ko. Mas maganda kasi kung ikaw na lang. Pag si Taeyeon kasi, baka bukas pa yan makauwi–”

 

“Tigilan mo 'ko, Kibum!” Sumigaw si Mama mula sa CR. Kasama niya si Ate Dahyun sa loob dahil ito naman ang nililinis nila ngayon.

 

 

 

After ko kumain, lumabas na ako ng bahay para sundin ang inutos ni Papa. 

 

Parang ang ganda ng araw ngayon. Hindi makulimlim at hindi rin masyadong mainit.

 

As usual, may mga tao sa labas ng bahay namin. Bukas na kasi ang hotdog stand nila Ate, at sa ngayon, si Chaewon at Ate Jisoo ang nagbabantay. 

 

Kinamusta ko sila saglit at inalok pa ako ng hotdog, pero tumanggi na ako. It's either mamamatay ako dahil sa overhotdog o sa sermon ni Mama. Better to be safe than sorry.

 

“Ate Tiffany?” Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto nila.

 

No response.

 

Kumatok ulit ako.

 

…wala pa rin.

 

Last na katok na. “Ate Tiffany?”

 

Mga ilang segundo pa ay nagbukas na ang pinto – tapos muntik pa ako tumakbo pabalik sa bahay dahil sa bumungad sa akin.

 

“Winter?”

 

Si Karina ang nagbukas ng pinto, kaya as usual, hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Halata ang pagtataka sa mukha niya.

 

“Hi… Karina. Hi.” I cleared my throat, parang mapipiyok kasi ako at any moment. 

 

“Hey, do you need anything? Umalis si Ninang earlier, eh.” She smiled, then sandaling lumingon sa likuran niya. 

 

“Y–yelo,” 

 

Hoy anong yelo! 

 

Nadistract ata ako sa outfit niya ngayon. Wala namang mali sa suot niya, in fact, naka pambahay nga lang siya. 

 

Shorts at light yellow na muscle tee. Her hair is tied up in a bun too.

 

Wala akong clue kung bakit ba ganito ako around her. Ibang level naman kasi ng hiya 'to, eh si Karina lang naman 'yan! Sabi niya pa nga, childhood friends daw kami dati, so anong pinoproblema ko ngayon? 

 

'Di ba dapat medyo komportable ako sa kanya?

 

“Yelo? Like, ice?” tinanong ni Karina, “I don't think we have one… I can check though?”

 

“Ay, hindi!” Muntik pa ako mapiyok sa biglaang sigaw ko. Nagulat rin si Karina sa boses ko. “I mean, y–yellow. Yellow na container. Naiwan daw kasi dito ni Mama, p–pinapakuha niya.”

 

“Oh, that. I don't know where Ninang put it, so it'll probably take time looking for it. Do you wanna come in first?”

 

Syempre, ayaw ko namang mag mukhang guard na nakatayo lang dito sa labas ng bahay nila Aling Tiffany kaya pumayag na ako sa offer ni Karina.

 

“You can sit there muna,” tinuro niya ang sofa nila. “Do you want something to drink? Like water or juice?”

 

“Ah, 'wag na.” I looked at her at ngumiti. “Tulungan nalang kita hanapin yung container.”

 

So hinanap namin 'to together.

 

 

 

“You know, for someone who has a family like yours, you're pretty quiet.” Karina suddenly spoke habang kinakalikot namin yung bawat sulok kusina nila.

 

Tinignan ko lang siya, waiting for her to continue.

 

“It's not a bad thing, by the way.” 

 

Tumawa siya, then ngumiti ulit sa kin. Pansin ko lang na masyado siyang smiley.

 

“I'm just saying, Kuya Key is a loud man, and Ms. Taeyeon is like, his female version when she's not at work.” Nagsimula siyang dumaldal. “And your older sister, Ate Jisoo, she's like the younger version of Ms. Taeyeon too. Then there goes Ate Dahyun who's probably louder than all of them combined.”

 

Ano naman gagawin ko sa information na 'yan? 

 

“I guess I just find it funny how you're just… there. With them. And somehow, you still fit.” She kept talking. Madaldal nga siguro talaga siya. “I mean, I've known you for like, half of my childhood, and yet I've probably only hea

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
#5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2147 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO