Ang Guguluhin

Ayos Lang!
Please Subscribe to read the full chapter

May plano ako.

 

Well, technically, wala pa – pero may plano ako na gumawa ng plano. 

 

Progress. 

 

This year is all about progress. 

 

Ngayon, ang gagawan ko ng progress ay ang boring academic life ko.

 

Hmm. Saan ba ang pagkukulang ko last school year? 

 

Marami.

 

Shet.

 

Okay, sorry for the word, pero alam ko naman na hindi ako bee ow bee ow. Feel ko naman ay medyo matalino ako – kasali pa nga ako sa with honors each semesters eh. 

 

Pero hindi naman 'yan ang problema ko. 

 

Ang problema ko ay ang pagiging mahiyain ko. Minsan nga, iniisip ko kung paano ba ako nakasali sa mga with honors kung bihira lang naman ako mag recite dahil kadalasan ay mas nangingibabaw pa 'yung hiya ko. Yung tipong mangihinayang ka na lang talaga kasi tama naman pala ang sagot mo pero naagaw pa ng iba kasi kabadong kabado ka na mag taas ng kamay. Tapos, takot na nga mag recite, syempre takot rin mag volunteer as reporter for extra credits. 

 

Bakit ko naman kasi pahihirapan ang sarili ko na manginig at tumayo sa harap ng mga kaklase ko kung kaya ko naman na isarili ang thoughts ko. Bahala sila diyan.

 

Salamat na lang talaga siguro na written works exists.

 

Anyway, balik na tayo sa Plano ko with capital P. 

 

I want to get out of my shell.

 

Paano ko gagawin 'yan? Aba ewan ko rin. Bukas ko na iisipin.

 

 

“Winter! Baba na raw!”

 

Napamulat ako sa pasigaw na boses ni Ate Jisoo mula sa baba. Anong oras na ba?

 

Lumingon ako para tignan ang orasan sa nightstand. 

 

8:47 AM. Maaga pa naman at Sabado pa.

 

Umupo ako para mag-inat ng katawan habang kinukusot ang mata. 

 

Haayyy, another day, another drama. 

 

Charot. Wala palang drama sa buhay ko dahil boring ako. Thank you na lang sa lyrics mo Taylor Swift.

 

 

Dumiretso na ako sa banyo para mag hilamos at ayusin ang sarili bago bumaba para mag-almusal. 

 

 

“Good morning, bunso! Mwa!” Masiglang bati ni Papa sa akin sabay kiss sa pisngi. 

 

“Morning, pa.” 

 

“Ano ba 'yan, Kuya Key. Ang laki laki na niyan ni Winter binebaby mo pa rin!” Tawa ni Ate Jisoo habang inaayos ang hapag kainan.

 

Ngumiti naman si mama at nilapag ang hawak na cellphone sa mesa. “Asus, Jisoo. Mas malala ka pa nga diyan kay Key.”

 

Umiling na lang ako at lumapit para bigyan ng kiss si mama sa cheeks. Para naman fair sila ni papa.

 

“Syempre, abunjing bunjing ko kaya yan si Winter, Tammy.” Nag wiggle pa ng kilay si Ate.

 

Tammy ang tawag niya kay mama, meaning, Tita Mommy. 

 

Literal na Tita Mommy.

 

Gulo 'di ba?

 

Eto, ipapaliwanag ko.

 

 

Cue: The Mess That Is The Kim Family 

 

My parents are not in a relationship pero live-in sila. 

 

Ano, mas lalo ba gumulo? Ayos yan. 

 

Eto na talaga.

 

They're not in a relationship kasi hindi sila talo.

 

Gets na ba?

 

See, 17 years ago, nagkakilala si Mama Taeyeon at Papa Key sa isang club. Nandun si Mama para mag celebrate ng birthday niya at mag walwal na rin dahil iniwan siya ng ex niya na si [redacted], habang si Papa naman, may boys' night with his very heteroual friends. Hindi pa siya out no'n kaya lalaking lalake talaga ang kilos ni bakla. 

 

Long story short, the woman who had a broken heart and the man who had something to prove to his friends, met. Ayon, pareho silang lasing at – hindi na ko mag e-elaborate. Basta ang conclusion, nabuo ako.

 

The next morning, syempre, diring diri silang dalawa sa itsura nila kaya just like what normal people would do in that situation, nag decide sila na maging mag best friends slash platonic soulmates.

 

Kaya nung nalaman nila na buntis si Mama, imbis na mag worry at matakot, tumawa na lang sila sa mga nagkaleche lecheng ganap sa buhay nila at hinarap ang mga ito nang magkasama.

 

Single pa rin tuloy silang dalawa hanggang ngayon. Ayaw ba naman kasing maghiwalay, kesyo mas gusto daw nila na kumpleto ang pamilya ko – ewan, hindi ko sila magets. 

 

Alam ko na medyo weird, pero I got used to it. Nasanay na 'ko. Wala naman kasi silang ginagawang masama and that's what matters.

 

Saan naman papasok si Ate Jisoo at ang Tammy agenda niya?

 

Eto. 

 

Namatay ang mama niya na kapatid ni Mama Taeyeon nung 3 years old siya. Since wala na silang ibang pamilya na malapit sa kanila, nagdecide si Mama na ampunin legally na lang si ate. 

 

Although medyo nahirapan sila dahil may inaalagan na nga na 3 years old na bata at isang iyakin na 2 months old na baby, they still managed to give us the best life. Nakakapag provide naman sila sa mga pangangailangan namin ni ate dahil may maayos at stable na trabaho si Mama sa SM Preparatory School as a teacher.

 

Hanggang ngayon, wala pang trabaho si Papa. Chef kasi siya pero nag resign nung inampon nila si Ate Jisoo. Siya ang nagbantay at nag-alaga sa aming dalawa.

 

Househusband ang ganap niya ngayon.

 

Wala namang problema dito dahil kung tutuusin, mas gusto ko pa atang nandito lang siya dahil mas masarap siya magluto kesa kay Mama (sorry ma!).

 

 

“Sa Monday na pasukan niyo, bunso. Excited ka ba?” Mapang-asar na tanong ni Papa.

 

Nilagyan ni Mama ng kanin yung plato ko at inabot sa'kin. 

 

“Hala, sa Monday na ba agad pasukan niyo? So sasabay ka na ba sa'min ni Dubs papasok?” Nanlaki ang mga mata ni Ate Jisoo.

 

3rd year college na si Ate Jisoo sa SM University, habang ako naman, Grade 12 sa SM Preparatory School. Eto kasi ang mga pinakamalapit na school sa Subdivision namin.

 

“Mahihirapan ka niyan, Jisoo. Sa'kin 'yan sasabay. Sila ni Chaewon,” a ni Mama. Teacher siya sa school kung saan ako nag-aaral, pero 12 ABM ang hawak na advisory class niya. Nasa STEM naman kami ng pinsan ko na si Chaewon.

 

Dito rin sila nakatira sa bahay, kasama ng ate niya na si Ate Dahyun.

 

Ano, mas magulo na ba?

 

Pinsan ko sila sa side naman ni Papa. Dito sila naninirahan dahil gusto mag aral ni Ate Dahyun sa SM University kaya napasama na lang si Chaewon. Sa probinsya pa kasi nakatira ang mga magulang nila.

 

“Speaking of, asan na 'yun? Tsaka si Dahyun?” tanong ni Papa. “Mas masarap ang hotdog kapag mainit.”

 

“Talaga ba, Kibum,” Ngumisi si Mama.

 

“Hay, miss ko na tuloy tumikim ng h–”

 

“Tammy, Kuya Key! ang baboy! Ew!”

 

Tumawa nang malakas si Mama at Papa habang si Ate ay kitang kita ang pagkailang sa mukha. 

 

“Anong baboy?” tanong ko. Hindi ko sila gets.

 

“'Wag mo na isipin, bunso.” Sabi ni Papa sabay pat sa ulo ko.

 

Natapos na tumawa si Mama at umiling sa'kin, “Kain ka na lang, ‘nak. 'Wag mo pansinin 'yang tatay mong bading.”

 

Nag gasp pa si Papa. “Hoy, Taeyeon. Bading ka rin!”

 

“Bading naman tayong lahat dito,” Dagdag pa ni Ate Jisoo.

 

Tumingin tuloy sa'kin pareho sila Mama at Papa.

 

Luh. 

 

Tinaasan ko sila ng kilay. “Bakit po?”

 

“B–bading ka rin?” Takang tanong ni Mama.

 

“Ha?” Napatigil ako sa pagnguya ng kanin.

 

“Speaking of bading!” Singit ni Ate Jisoo. Ang lakas ng boses! “Winter, sama ka sa'kin mamaya. Sira na naman 'yung ref nila Aling Tiffany, pinapaayos sa'kin.”

 

“Ang ganda ganda ni Tiffany, tapos Aling lang ang tawag mo?” Sabi ni Mama sabay inom ng tubig.

 

“Bading rin si Tiffany?” si Papa.

 

Nagkibit balikat lang si Ate Jisoo at lumingon sa'kin, naghihintay ng sagot ko.

 

“Good morning Kims! Magandang umaga sa inyong lahaaat!”

 

Nagulat kaming apat sa boses galing kay Ate Dahyun. Kakagising lang niya at sobrang sigla agad. 

 

Nawala na ang focus ni Papa sa kabadingan ni Aling Tiffany. “O, gising ka na pala. Sumabay ka na sa 'min mag almusal. Asan si Chae?” 

 

Tumango si Ate Dahyun pataas sa second floor. “Tulog pa, 'To. Napuyat ata kakaselpon. Anong ulam?”

 

“Hotdog,” sagot ko. 

 

Hindi na nagreklamo si Ate Dahyun kahit sawa na siya sa hotdog. May sideline kasi sila ni Ate Jisoo diyan sa may labas – hotdog stand. 

 

Nang makaupo na siya, agad rin naman na bumalik ang flow ng chikahan ng pamilya ko.

 

Kahit na mas nakafocus ako kumain, naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

 

Si Karina. 'Yung inaanak na naging anak-anakan na ni Aling Tiffany na nakatira dati sa bahay niya, bumalik na daw from States. 

 

Sabi pa nga nila Mama, close raw kami dati nun at pareho pa nga kaming kumakain ng lupa habang naglalaro.

 

Wala akong maalala na may kainan ng lupa, pero natatandaan ko na isa nga siguro siya sa mga naging kal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Skyblue1111 #1
Chapter 18: Hahay!! Nakakakilig naman kahit wala pa talagang actions😊☺️
flexxxx #2
Chapter 18: Galit muna bago request hahahahaha noh karina?
Psykotato #3
Chapter 18: Deny pa more pero halata na kayo ng lahat
Psykotato #4
Chapter 17: Bilisan mo naman konti marealize feelings mo beh
franzii
12 streak #5
Chapter 18: Hi! Not sure if i left a comment before but i just wanna say I've been enjoying the fic! I love this community you've created, the neighbours and everyone related to it. It all feels so real, warm, and sweet. Never ko naexperience na maging close sa kapitbahay, so this was fascinating to me. Thank you for this! Love the pacing too. Just take your time, Win and Rina. You both will figure out everything and everyone else will just be like "about time!" when the right moment arrives. Looking forward to the next update :]
KkabYulSicaChu
#6
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHA THE BEST MASTERMIND TALAGA SI MASTER GIGI
joyie4ever 11 streak #7
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAH BET
Savortg #8
Chapter 17: They're so cute :3
Young_DP
#9
Chapter 17: Yiee HAHAGAwinter may crush
gomtokkim
2152 streak #10
Chapter 17: KINIKILIG AKOOOO