Protect

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Maraming places na gustong puntahan si Wendy, pero sa mga oras na ito, isa lang ang lugar na gustong puntahan ni Wendy. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Wendy habang nakikita niyang nakaupo si Irene sa may passenger seat ng sasakyan niya. Paano nga ba na ang isang taong napagkamalan lang siyang isang grab driver ay nandito na ngayon. 

"Joohyun... gusto ko lang ulit mag thank you." nakita ni Wendy na tumingin sa kaniya si Irene, ngumiti ang dalaga bago inabot ang kamay ni Wendy na nakahawak sa manibela. Pinisil pisil ni Irene ito bago siya bumalik sa pagtingin sa bintana. Mabilis ang tibok ng puso ni Wendy habang hawak ni Irene ang kamay niya. 

"It's nothing, I'm always here... oh not always, but I'm one call away." inapakan ni Wendy ang brake ng sasakyan niya saka niya binaling ang tingin niya kay Irene. Nakatingin ang babae sa kaniya habang pinaglalaruan ang mga daliri ni Wendy. "I need to go back to Japan in a few days... Yerim is doing okay naman na rin. I'll just go back once the court hearing starts. Masyado narin akong maraming na miss na meetings abroad eh." nakaramdam ng lungkot si Wendy habang nakatingin kay Irene, may maliit na ngiti sa mukha ng businesswoman habang pinagmamasdan nito si Wendy. "You look sad... ayokong makita kang sad Seungwanie." umiling si Wendy saka siya sumandal sa upuan ng sasakyan niya, tinitigan niya si Irene at pilit na binabasa ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya. 

"You'll be living alone again, can I give you vitamins that you can drink before ka umalis?" bumuntong hininga si Wendy bago niya inalis ang seatbelt niya. Alam ni Wendy na hindi pa okay si Irene, at sigurado siyang may mga bagay parin na bumabagabag sa dalaga na hindi niya masabi. Nakikita niya sa mga mata ni Irene ang mga tanong at pangamba niya. Alam ni Wendy na wala naman siyang ibang pwedeng gawin kung hindi maging nandiyan lang para kay Irene. 

"You don't need to do it naman Wendy. I'm okay." umiling ang doctor saka siya ngumiti, tinuro ni Wendy ang carnival sa may di kalayuan. Ngumiti ito saka agad na bumaba ng sasakyan. Dinampot niya rin sa backseat ang mga coat nila ni Irene bago niya binuksan ang pinto para sa kaibigan niya. 

"I insist, that's the only thing that I can do, para to make sure na you are malusog." hinampas ni Irene ang balikat ni Wendy bago siya tumawa. Namangha naman si Irene sa mga ilaw sa may lugar, nakita niya rin ang iba't ibang pagkain pati mga rides. Parang bumalik sa pagkabata si Irene, naalala niya yung mga moments na sinasamahan sila ng daddy niya ni Yerim para lang maglaro kahit pagod ito from work. "Come on! Let's laro and sakay some rides!" Tumawa ang doctor bago niya ulit hinawakan ang kamay ni Irene pagkatapos niya isuot ang coat nito sa kaniya.

"Why are you being conyo narin?" Napailing iling lang si Wendy habang nakatingin sa gumagawa ng cotton candy sa di kalayuan.

"Kasi I'm getting used na kasama ka." Hindi alam ni Irene kung bakit siya napalunok, mag iisang buwan niya naring nakakasama at nakakausap ang doctor sa texts at even sa mga calls. "Siguro that's bakit na adopt ko narin yung pagiging conyo mo." ngumiti si Wendy saka lumapit sa gumagawa ng cotton candy. Pagkakita niya palang sa purple na cotton candy, at makita niya rin na nagfoform ng animals agad niyang gustong bilan si Irene. "Hi miss, can I get a purple bunny cotton candy?" ngumiti naman ang gumagawa kaya napangiti nalang rin si Wendy.

"You don't isip na my conyo is nakakainis?" mabilis na umiling si Wendy habang pinapanood na ginagawa ang bunny na cotton candy ni Irene, sobrang namamangha si Irene kung paano magisip si Wendy. Halos lahat ng taong nakakasalamuha niya at kahit si Seulgi ay naiinis sa pagsasalita niya. Ito ang unang pagkakataon na may ibang taong tumanggap sa pagsasalita niya.

"It's cute, and that's you. I don't want you to change yourself. Just be you Joohyun." bumilis ang tibok ng puso ni Irene, sa mga oras na ito hindi alam ni Irene kung ano ba ang sasabihin niya. Hindi niya rin alam kung ano ang emotion na nararamdaman niya. Bakit mabilis ang tibok ng puso niya? "Don't ever change yourself kasi sabi nila ganito ganiyan. Joohyun, you're beautiful just the way you are." inabot ni Wendy ang cotton candy na nakangiti sa dalaga. Hindi alam ni Irene kung bakit siya nagiging emotional sa mga sinabi ni Wendy.  Ito ang unang beses na nakarinig siya ng mga salitang ganito mula sa ibang tao. 

"Seungwan?" napahinto si Wendy sa paglalakad niya para tumingin kay Irene, nakikita niya ang ibang kinang sa mga mata ng dalaga. Mabilis ang tibok ng puso ni Wendy at parang huminto ang oras, bilang isang doctor alam ni Wendy na hindi possible ang concept na pagtigil ng oras at ng mundo, pero ito ang nararamdaman niya ngayon. "Bakit... uhm never mind." ngumiti si Irene saka nagsimulang maglakad, bumuntong hininga nalang siya habang pinagmamasdan ang ibat ibang mga rides sa carnival. Hindi mapigilan ni Irene na maalala ang pagkabata niya, pero higit sa lahat, napaisip si Irene. Sa halos dalawang taon nila ni Seulgi, hindi siya nakaramdam ng ganitong saya at kapayapaan sa puso at isip niya.  Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Wendy na nagpipicture ng langit, hindi alam ni Irene kung ano ba ang nararamdaman niya. 

Nagtama ang mga mata nila ni Wendy, nakita niya ang pagsibol ng ngiti mula sa labi ng doctor kaya di niya narin napigilan ang sarili niya na mapangiti. Alam ni Irene na mamimiss niya ang presensya ng doctor pagkabalik niya sa Japan. Sigurado siyang mamimiss niya ang mga oras na makikita niya nalang si Wendy sa may smart screen niya na hawak ang susi ng motor niya. Ilang beses narin kasi silang nag rides ni Wendy at palagi lang siyang pinapakinggan ng doctor. Sobrang nagpapasalamat si Irene sa presensya ni Wendy sa buhay niya ngayon. "Hyun! Sakay ka dito oh. Mayroong purple na horse." natawa naman si Irene nung makita niya ang tinuturo ni Wendy na merry-go-round. Wala namang nagawa si Irene nung hilain siya ni Wendy sa may pila. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang mga batang nakasakay sa ride. "It's my first time na makapunta sa ganito Hyun." tinitigan ni Irene si Wendy, nakita niya ang excitement sa mga mata ng doctor habang inaantay na matapos ang ride. 

"Sakay ka din! Magkatabi yung blue and purple! Tara naaaaaa." hinila ni Irene si Wendy kaya naman natawa nalang ang doctor saka tinulungan muna si Irene na makasakay. Napangiti naman si Irene habang pinagmamasdan si Wendy na nakaupo sa may isang horse, hawak niya ang phone niya habang pinipicturan si Irene. "Wannie stop snapping photos of me!" tumatawa si Irene nung bigla na umandar ang ride. Nakita ni Irene na tinitignan ni Wendy ang mga pictures na kinuhaan ng doctor. 

"I want to keep memories, you are making uwi na to Japan. I'll be malungkot na."  bakas sa boses ni Wendy ang lungkot, pero mas pinili ng doctor na ngumiti saka pinagmasdan ang side profile ni Irene, nakatingin lang siya kay Irene na nakasakay sa chubibo. "Can I visit you there?" napahinto si Irene sa pagmumunimuni niya bago siya tumingin kay Wendy, nakita niya ang samutsaring emotions sa mga mata ng doctor kaya dahan dahan na inabot ni Irene ang kamay ni Wendy. 

"Oo naman! We can make kain foods there! I'll be your driver sa Japan." nakaramdam naman ng saya si Wendy, hindi niya lubos isipin na ang babaeng nagkamali lang ng sakay sa sasak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
90 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them