Dream

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Pagmulat ng mata ni Irene, nakita niyang nakasarado ang kurtina at nakabukas rin ang lampshade niya. Sa may bedside table ay nakalagay ang gamot with a note. 

Drink this after eating your breakfast. Wag ka muna pastress masyado madam. Kung gusto mo mag unwind! I can take you somewhere! - Yaya Wendy 

Natawa nalang si Irene habang tinitignan ang mga iniwan ni Wendy sa may table niya. "Hindi ka naman yaya, you are a doctora." bulong ni Irene bago siya umupo sa may kama niya. Napatingin siya sa phone niya na umilaw. 

Miss Roleplayer

Just make init the corn soup ha? You make kain and inom your gamot po. Ang di sumunod panget!

Natawa ulit si Irene bago dinampot yung cellphone niya, nag type siya ng may ngiti sa labi niya.

Miss Conyong Masungit

So you think I'm panget? 

Agad na lumabas si Irene ng kwarto niya, napatingin siya sa maayos niyang kusina. Napangiti nalang siya bago binuksan ang ref niya, nakita niya ang isang container na may note. 

You kain this before drinking your gamot. Wag kang makulit. 

Kinuha agad ni Irene ang lagayan bago inilapag sa kitchen counter, napasandal siya bago bumuntong hininga. Ito ang unang beses na may nagalaga sa kaniyang iba, ito ang unang pagkakataon na may nag care sa kaniya maliban kay manang at kay Yeri. Napailing nalang si Irene bago niya nilagay sa microwave ang container. "What should I even do with her?" mahinang bulong ni Irene bago niya kinuha ang container ng corn soup. Tahimik siyang kumakain at napabuntong hininga nalang siya. 

Simula nung unang beses niyang nakita si Wendy, puro nalang abala ang dala niya sa doctor. Kung hindi sa abala ay puro pang jujudge ang ginawa niya sa doctor. Napailing nalang si Irene habang tinitignan ang corn soup niya. Hindi niya alam kung paano makakabawi kay Wendy. Agad niyang kinuha ang phone niya saka nagsearch. 

Friendly date spots in Seoul South Korea. 

Tahimik na nagscrscroll si Irene nung maramdaman niya ang kamay sa may balikat niya. "Aba'y makikipag date na ang anak ko ha!" halos mabitawan ni Irene ang cellphone niya nung marinig niya ang boses ni manang. Hawak ni Irene ang dibdib niya bago agad na pinatay ang cellphone niya. Umiling siya agad bago pinatong ang cellphone niya sa mesa. 

"Hindi manang! This is just kabag!" narinig niya ang tawa ng matanda bago ito umupo sa tabi niya. Napabuntong hininga nalang si Irene habang nakatingin sa corn soup niya. Hindi rin namna alam ni Irene kung bakit niya gustong bumawi kay Wendy. 

"Sa tingin ko mabait naman siyang bata anak." napatingin si Irene kay manang, ilang dekada narin kasi nilang kasama ang matanda, at isa ito sa mga tumulong at nagaalaga kay Irene at Yeri dahil sobrang busy ng mga magulang nila. "Nakita ko rin na kinausap niya si Yerim nung sinabi niyang nabored siya." napatingin si Irene sa babae bago bumalik ang tingin sa cellphone niya na umilaw. 

Miss Roleplayer

Hindi ka panget, pero kapag di ka sumunod panget ka na.

Napairap nalang si Irene bago nila binaliktad ang cellphone niya. "She did that?" tumango si manang bago binigyan si Irene ng pakwan. Umupo rin ito sa tabi ng dalaga bago ngumiti. Hindi rin talaga magets ni Irene kung bakit sobrang bait ni Wendy. 

"Tuwang tuwa nga si Yerim eh, mukhang naging close sila. Paano mo ba nakilala si Doctora Wendy, anak?" napakagat sa ibabang labi niya si Irene nung maalala niya kung paano ba naging embarassing ang first encounter nila ni Wendy. Nakangiti parin si manang sa kaniya habang inaantay siya na magsalita. 

"Manang it's nakakahiya and very nakakatawa kasi." nilapag ni Irene ang kutsara bago siya bumuntong hininga. Sigurado si Irene na tatawa ng tatawa si manang na para niya nang pangalawang mama. "Remember nung umuwi ako? Sa airport, I actually mistaken her as my grab rider. Like literally manang! Ang bobo ko rin kasi a grab car and Wendy's car is a Rolls Royce manang." napayuko nalang si Irene, sobrang nahihiya kasi talaga siya sa mga nangyari at sa mga naging takbo ng pangyayari. Hanggang ngayon nahihiya siya kay Wendy (hindi lang halata). "I even told her na nakakainis siya and such for not helping me. Di ko kasi siya pinatapos I guess I was so stressed narin pero she drove me to the hospital, eh malay ko ba na sila pala may ari nun!" natatawa ang matanda habang tinitignan ang frustrated na frustrated na si Joohyun. Hindi niya mapigilan na mapangiti kapag nakikita ang pagka frustrtate ng alaga niya. Kilala niya si Joohyun at alam niya na nahihiya ito ng sobra. "Tapos manang, after knowing that Seulgi cheated nga, nakita ko siya sa coffee shop on my way back sa room ni Yerim. Tapos pinagbintangan ko siya of stalking me ganun! Manang I'm so nakakahiya!" tinago ni Irene ang mukha niya gamit ang kamay niya, kaya lalong natawa si Manang. Tinapik niya ang balikat ni Irene kaya agad din itong tumingin sa kaniya. 

"Tama nga ako, mabait siyang bata anak. Akalain mo yun kahit ilang beses mo siyang pinagdudahan or what talagang tinutulungan ka padin niya." napatango naman si Irene bago niya tinitigan ang gamot na nasa tabi ng corn soup na kinakain niya. Agad niya rin itong ininom bago ibinalik ang tingin kay manang.  "Gusto mo bumawi sa kaniya?" hindi alam ni Irene kung ano sasabihin niya, hindi niya rin naman alam kung paano siya makakabawi kay Wendy at sigurado rin siya na mahirap mayaya lumabas ang doctor given na ang nature ng job ni Wendy ay walang specific na time frame. 

"Manang eh she's a doctor I'm sure it's mahirap to set a time." natawa ang matanda saka tumayo para iligpit ang ibang pinagkanan ni Irene, agad namang kumain ng pakwan ang business woman bago bumuntong hininga. Paano nga ba siya makakabawi sa lahat ng inconvenience at paano niya marereedeem ang sarili niya kay Wendy. 

"Edi how about a coffee date doon sa hospital? Tutal last day na ni Yerim bukas before siya madischarge. Yayain mo mag coffee tapos usap kayo doon. I'm sure okay na okay sa kaniya yun." napatingin naman si Irene kay manang habang hawak niya ang slice ng watermelon. Naghuhugas ng plato ang matanda bago nagpatuloy. "For sure yung cute na doctor na yun ay hindi makakahindi sa coffee date." natawa naman si Irene habang pinagmamasdan si manang. 

"You called Wendy cute manang?"  tumawa ang matanda bago tumango tango, nakangiti ito kay Irene kaya agad narin napangiti si Irene. Sa mga pagkakataon na ganito, laging nasasabi ni Irene na maswerte siya kasi kasama niya ang matanda sa bawat hakbang nila sa buhay. 

"Bakit you don't think she's cute?" napahinto si Irene sa pag inom sa tea niya, hindi niya alam kung ano ba isasagot niya. Kaya naman tumingin lang si Irene kay manang bago umalis sa kusina at agad na pumasok sa kwarto niya. "Hay nako Irene anak, kilalang kilala na kita." natatawang sabi ni manang bago bumalik sa paglilinis ng kusina. 

-

Nakatingin si Wendy sa may view mula sa penthouse niya,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
88 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them