First Date?

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Walang ibang nararamadaman si Irene ngayon kung hindi galit, inis, at selos. "How dare that panget hit on my Seungwanie." bulong ni Irene habang patuloy siya na naglalakad papunta kay Wendy. Nakita niyang nagmamadaling umalis si Joy kaya mas lalo niyang binilisan ang paglakad niya. Lalampasan na sana ni Irene si Wendy, pero agad siyang pinigilan ng doctor. Nakangiti si Wendy habang nakahawak sa may bewang niya. "Let me go. I want to sabunot that panget for flirting with you!" tumawa naman si Wendy bago pinisil ang pisngi ni Irene, nakita niya ang baso ng whiskey sa may bar table kaya agad niya itong ininom. 

"Hey slow down, bakit mo naman drinink in one shot?" umirap si Irene bago niya tinitigan si Wendy. Parang tumigil ang mundo ni Irene habang nakatingin siya sa maamong mukha ng doctor. Nakita niya ang ngiti ni Wendy habang nakatingin rin sa kaniya. "You are cute whenever you are drunk and super conyo mo rin. Do you remember what happened that time na you were so wasted?" agad na umiling si Irene bago umupo sa lap ni Wendy, pumalumbaba ang CEO habang nakatingin kay Wendy. Nakita niya na napalunok ang doctor na nagpangisi sa kaniya. "You are so gorgeous, it." natawa si Irene saka pinisil ang namumulang mga pisngi ni Wendy. Sobrang cute talaga ni Wendy sa paningin ni Irene ngayon. 

"I thought you are making kwento Seungwanie?" lumunok si Wendy bago agad na nagrequest ng isa pang glass sa bartender. Iniwas rin ng doctor ang tingin niya kay Irene, masyadong maliit ang distansya ng mukha nila sa isa't isa, baka hindi makapagpigil si Wendy at gumawa ng isang impulsive na desisyon. "Drinking a black label in one shot? My baby is a good drinker?" nilapag ni Wendy ang baso saka tumingin sa may bartender, natatawa rin ito pero halatang pinipigilan niya dahil kilala niya si Irene. 

"Tinawag mo akong baby?" medyo natatawa si Wendy habang nakatingin parin sa baso ng black label na ininom niya kani-kanina lang.  Napangiti naman si Irene, parang baby naman kasi talaga si Wendy at sobrang cute pa nito. Inayos ni Irene ang buhok ni Wendy bago siya tumango. Wala narin namang pake si Irene sa mga tao sa paligid nila, basta masaya siya ngayon na kasama niya si Wendy. 

"Yes, ayaw mo ba?" nakataas ang kilay ni Irene habang si Wendy naman ay nagstrustruggle na tumingin kay Irene. Tinaas ni Wendy ang kamay niya para senyasan ang bartender, pero agad naman siyang pinigilan ni Irene. "Why are you making inom so much?" hindi rin naman alam ni Wendy kung bakit, umiling naman ang doctor bago tinapik ang kamay ni Irene, sinesenyasan niya na umalis na ito sa pagkakaupo sa may hita niya. Agad namang umiling si Irene saka niyakap si Wendy. "Nooooo let's stay like this, until you make kwento." napalunok nalang ulit si Wendy saka nirest ang kamay niya sa may balakang ni Irene. Nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng puso niya. 

"Naalala ko lang, you were so lasing, you said na you don't want to be friends with a roleplayer like me." natawa si Wendy habang umiiling, tinatapik tapik ni Wendy ang likod ni Irene habang pinapakiramdaman ang paghinga ng business woman. "Sabi mo pa, you want us to roleplay kasi doon ako magaling." nanlaki ang mata ni Irene nung marinig niya ang sinabi ni Wendy, nakataas ang kilay ng business woman at para bang nanghahamon ito. "Act like my girlfriend for a night. Someone said that." namula si Irene bago siya lumunok, hindi niya lubos maisip na sinabi niya yun kay Wendy. "I was planning to say yes, but I realized that I don't want to be your girlfriend for one night. I want to be your forever and your last."  mabilis ang tibok ng puso ni Irene, hindi niya lubusang maisip na maririnig niya yun mula sa doctor ngayon. 

"Wendy, what are you doing to me?" ngumiti si Wendy saka inilagay ang takas ng buhok ni Irene sa may tenga niya. Napailing si Irene saka tahimik na tumayo, kinuha niya ang kamay ni Wendy bago sila naglakad papunta sa parking lot. "Let's go somewhere else, my stockholders is so nakakainis, they keep on tingin and tingin eh. I just want to have fun with my Wannie."  natawa nalang si Wendy habang hinahayaan si Irene na hilain siya palabas, napatingin si Wendy sa may glass door at nakita niyang nakatingin si Seulgi sa kanilang dalawa. Agad namang hinila ni Wendy si Irene para mayakap niya ang business woman. Nakatayo silasa may gitna ng lobby. "All of  a sudden?" ngumisi si Wendy habang nakatingin kay Seulgi, hinalikan niya pa ang sintido ni Irene. Hinigpitan ni Wendy ang yakap niya kay Irene habang nakatingin parin kay Seulgi. Pilit niyang ipinapamukha sa babae kung sino ang pinakawalan niya. 

"I love you Joohyun." bulong ni Wendy bago siya kumalas sa pagkakayakap niya sa business woman. Narinig naman ni Irene at Wendy ang tawa mula sa gilid, nakita nila si Yerim na nakangisi habang nakatingin sa kanila. 

"Ang lalandi talaga! Di pa ba tayo uuwi ha?" medyo natatawa pa si Yeri bago tumingin sa may glassdoor. Nakita niya si Seulgi na mas lalong nagpatawa sa kaniya. "Ate I thought may oras ang pagtatapon ng basura sa inyo here? May naiwan ata." nakita ni Irene ang tinuturo ni Yeri kaya naman tumaas ang kilay niya. Tumatawa pa rin si Yerim bago siya lumapit kay Seulgi. Nagulat naman si Irene, pero si Wendy sumunod nalang din kay Yeri habang hawak si Irene sa likod niya. "Ano pong satin miss ma'am?" tumatawa si Yeri habang nakatingin kay Seulgi, hindi naman makaimik ang babae habang nakatingin lang kay Wendy at Yeri. "Sagot!" nagulat si Wendy sa sigaw ni Yeri kaya naman agad niya ring tinapik ang nakakabatang kapatid ni Irene. "Sige just like ate, let me just ask you some questions, si ate isa lang eh! Ako dalawa."  namamangha ang doctor sa energy ni Yeri, hawak niya parin ang kamay ni Irene habang nasa likod niya ito. Sa mga oras na ito, gusto lang ni Wendy na protektahan ang dalawang Bae, dahil alam niya na ito rin ang gagawin ng mga magulang ni Irene at Yeri kapag nandito parin sila. "First, ano ang gusto mong ma achieve sa ginagawa mo ngayon? Di ka ba aware na nagmumukha ka lang tanga at mas lalo mong pinapakita kung gaano ka ka guilty sa ginawa mo ate ko?" natawa si Wendy kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Yeri, agad ring umiling ang doctor kaya bumalik ang tingin ni Yeri kay Seulgi. "Last question, saan kayo humuhugot ng lakas ng loob na gawin parin to? Pagkatapos niyong ilagay sa alanganin buhay ko? Pagkatapos mong saktan ate ko? Pagkatapos mong manloko, kayo pa itong may ganang mag ganito ganyan." hindi alam ni Wendy kung bakit siya napapangiti, sa mga oras na ito, alam niya na nilalabas ni Yeri lahat ng galit niya at hindi niya mapigilan na mamangha sa ginagawa ng nakakabatang kapatid ni Irene. "If you think may pagasa pang makuha mo si ate, ako na nagsasabi sayo itigil mo na. Hindi mo ba kilala kung sino to?" nagulat si Wendy nung hilain siya palapit ni Yeri kay Seulgi. Tumawa pa ito habang nakaakbay kay Wendy. "The owner of Son Medical Hospital, the youngest daughter of Edward Son, boss ng father mo. Ilang beses na kasi niyang sinabi na alamin mo kung sino siya, but I guess you are too pre-occupied with your cheating kaya di mo magawa." napalunok si Seulgi, ngayon kilala niya na kung sino ang pinili niyang banggain, alam niyang mayayari siya sa papa niya pag malalaman niya ito. "She's courting my ate pala by the way, and I'm sure they have mutual feelings. She's so better than you, she's a gentlewoman with manners unlike you." tumingin si Seulgi sa mga mata ng doctor, mapaglaro ang mga mata nito at gusto niyang sapakin ito. 

"Kang Seulgi, you are working as a photographer sa isang malaking company sa Seoul South Korea, if I'm not mistaken it's from Allure right?" napalunok ang photographer habang nakatingin lang sa doctor, nakita niyang nakatingin si Irene sa kaniya, pero walang emotion ang mga mata nito. Ibang iba sa Irene na nakilala at niloko niya. "Tapos an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
89 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them