Special Chapter

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Surprise! I know ilang buwan na simula nung iclose natin ang book na ito, pero from time to time, I still come back to my drafts so I realized maybe deserve talaga ni Grab Me nang kahit isang special chapter lang. So ayun, here's a 5K+ special chapter for all of you. Take this as a gift from me nalang since it's my birthday tomorrow. HAHAHA. Hoping all of you are safe and enjoying the happenings in LUP 5. Sana maenjoy niyo rin ito kagaya ko while nagsusulat. Thank you and see you again soon. 

-

Kasal, hindi lubos maisip ni Irene na hahantong siya sa pagkakataon na maglalakad siya sa altar habang nagaantay sa dulo ang kaniyang pinakamamahal. Naalala pa ni Irene kung ano ang sinabi niya sa sarili niya matapos niyang makitang may kasamang iba ang babaeng inakalang niyang kaniyang makakasama na sa habang buhay. 

"Hindi kailan man ako magmamahal muli." 

Tumulo ang luha ni Irene habang naglalakad siya papalapit sa doctor. Hindi maisip ni Irene kung ano ba ang ginawa niya sa nakaraang buhay niya para mahalin siya ng isang Son Seungwan. Para mahalin siya ng isang taong walang ibang hinangad kung hindi maging masaya silang dalawa? At isang tao na palaging inuuna ang iba bago ang sarili niya. 

Sobrang swerte niya, alam ni Irene na napakaswerte niya na nandito na siya ngayon. Sa daming tao na dumaan sa buhay niya, sa daming taong nakakasalamuha niya sa araw-araw, sa distansyang namagitan sa kanila ni Wendy. Hindi lubos akalain ni Irene na nandito na siya ngayon. Nakita niya ang ngiti sa mga mata ng doctor, at ang tanging naisip ni Irene na sigurado siya na ang magiging buhay nila ay puno ng saya at ligaya. "In love na in love ata si Doc sayo ate?" natawa ng bahagya si Irene nung marinig niyang mag salita si Yeri na siyang naghatid sa kaniya sa altar. 

Totoo naman iyon, hindi naman magdedeny ang doctor. Alam niya na unang beses palang na nagtama ang mga mata nila sa loob ng sasakyan niya ay may ibang attraction at naramdaman na siya kay Irene. Mas lalo lang itong lumalim nung mas nakilala niya pa ang CEO. "You are tama, she really can't say hindi sa charms ko." natawa nalang rin si Yerim habang patuloy silang naglalakad ni Irene. Malapit na ni Irene marating ang dulo ng altar. Mas kita niya na ang ngiti ni Wendy, pero nakikita niya rin na lumuluha ang girlfriend niya. 

Alam ni Irene na masaya si Wendy, pagkadating niya sa harap ni Wendy ay agad ding hinawakan ni Wendy ang kamay niya pagkatapos nitong yakapin si Yerim. "You are so maganda, Di na ako makawait na makauwi tayo." hinampas naman ng CEO ang balikat ni Wendy na nagpatawa nalang sa doctor. 

Akala ni Irene magsasabi lamang siya ng I do at magkikiss na sila ni Wendy kagaya ng madalas niyang nakikita sa mga pelikula. Hindi lubos akalain ni Irene na kailangan niya pa palang magsabi ng mensahe para sa asawa niyang nakatayo ngayon sa tabi niya. Alam ni Wendy na hindi magaling si Irene na magsabi ng mga nararamdaman niya dahil madalas ay naooverwhelm ito. "Uhhh, Seungwan... first gusto kong mag say ng thank you sayo. Salamat for making me feel na I'm worthy. I can still alala that time that you told me na not just because someone dumped me it makes me less worthy as a person. Those words makes me isip a lot." napalunok si Irene bago siya tumingin sa mga mata ng doctor. Nakikita niyang nakangiti ito habang minamasahe ang kamay ni Irene. "Sorry I'm really not magaling in terms of saying the things na I'm feeling, Seungwan knows that." medyo natawa naman ang mga bisita nila kaya medyo nag loosen up ng bahagya ang CEO. "In the span of dalawang taon, you made me ramdam lots of different emotions. From being masaya, excited, malungkot, and even confused minsan. I know it's like a rollercoaster of events for us. But baby salamat po, salamat for being so matiyaga and being so palaintindi. Thank you because you never fail to make me ramdam all of your love despite the distance na namamagitan saatin." nararamdaman ni Irene ang pagbabadya ng pagbagsak ng mga luha niya. Sa mga oras na ito alam ni Irene na sobrang mahal na mahal niya talaga si Wendy. "Sorry if there are times na hindi ako nandito for you physically, sorry for the oras na we can spend together but I choose to continue working. I know you made sabi na I don't need to apologize for pursuing the things I want, but for the last time baby, I'm sorry. We don't gusto making pangakos talaga, but here I am saying na I'll be here for you until sa dulo ng world. I love you baby, salamat for choosing to be with me." pinunasan ni Irene ang luha niya bago tumawa, nakikita niya rin kasi na umiiyak si Wendy habang nakatingin sa kaniya. Hindi parin binibitawan ng doctor ang kamay niya at hindi naman nagrereklamo si Irene.

"I know Irene loves to listen to the things na I'm making isip, but alam ko rin na she knows na how much she means to me. There are no dull days with this woman and the first time she rode my car made me realize that she's really a fine woman. Naalala ko pa nung I finally realized na I didn't only fell in love for Irene na so composed and very professional, but I fell harder for Joohyun who is very conyo and messy." tumawa si Wendy bago pinisil ang kamay ng babae na nasa harap niya. ngumiti si Wendy kay Irene bago hinalikan ang kamay nito. "My Joohyun, thank you for being here with me, for choosing to spend the rest of your life with me. I'll surely continue to make you the happiest woman ever. I love you Joohyun, and I'll always love you."  alam ni Irene na sa maikling salitang binitawan ni Wendy na handa na siyang harapin ang mga susunod na yugto sa kanilang buhay. Di na bilang si Joohyun Bae, pero bilang si Son Joohyun. 

-

Nakaupo si Irene habang pinagmamasdan si Wendy na nakikipaglaro sa mga games sa reception nila. Hindi mapigilan ni Irene ang pagngiti niya nung makita niyang hiyang hiya na sumasayaw ang doctor. Alam niya na mas gugustuhin pa ni Wendy na kumanta kesa sumayaw. "Grabe ka na Doc Wendy!" narinig ni Irene ang sigaw ni Yeri na agad nagpatawa sa mga bisita, mas lalo namang namula ang asawa niya. Asawa niya, gustong kiligin ni Irene habang iniisip niya yun. 

"Bakit di ka sumali dito Yerim?" natawa nalang rin si Irene nung makita niya ang kapatid niya na agad agad na nagtago kay manang. Linapitan rin ito ng emcee kaya wala nang nagawa ang nakakabatang bae kundi sumunod nalang. "Please welcome the only sister of the bride!" pumalakpak si Irene habang tumatawa, nakita niyang bumuntong hininga si Yerim bago kinuha ang mic sa emcee. 

"Ate Joohyun, allowance ko after neto ha!" nag thumbs up si Irene, si Wendy na tumatawa habang pinapanood si Yerim. Nagulat rin si Irene nung biglang magiba ang kanta kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao. Natatawa nalang si Irene sa sayaw ni Yerim, hinila pa nito ang doctor na wala naring ibang nagawa kundi sumayaw. 

"How about the bride? CEO Bae baka naman!" agad na umiling si Irene pero nagulat siya nung lapitan siya ni Yerim at hinila mula sa pagkakaupo niya. "Let's all welcome the bride! CEO Bae" tumatawa si Wendy habang pinapanood si Irene na pinapasayaw ni Yeri, si Irene naman wala naring ibang nagawa kundi mag loosen up at sumayaw. 

Makalipas ang ilang minuto, nakaupo narin si Wendy at si Irene, magkahawak sila ng kamay sa ilalim ng mesa. "Tired?" narinig niya ang boses ni Wendy na agad na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Tumango si Irene bago sumandal sa balikat ni Wendy, pinagmamasdan ni Irene ang ilan pang natirang bisita nila. 

"I want to feel the bed sa room already." natawa si Wendy saka hinalikan ang sintido ni Irene. Napabuntong hininga ang CEO bago niya pinikit ang mata niya. Sa mga pagkakataon na ito masayang masaya ang puso ni Irene, hindi niya lubos akalain na ikakasal siya sa taong pinakamamahal niya. Dinilat niya ang mga mata niya saka tinignan ang dalawang singsing sa kamay niya. Tanda ito nang sumpaan at pagmamahal ni Wendy sa kaniya.

"Sandali nalang po." tumango nalang si Irene bago tinitigan ang asawa niya, nakatingin si Wendy sa mga batang tumatakbo, may ngiti sa mga labi ng doctor habang patuloy na pinagmamasdan ang mga pamangkin niya. 

"Do you want to have kids too?" nagulat si Wendy sa tanong ni Irene, napatingin ang doctor kay Irene, may ngiti sa mga labi niya habang nakatingin rin ito sa kaniya. Mabilis ang tibok ng puso ni Wendy. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya at bumuo ng pamilya kasama si Irene. 

"Yes, in the near future, I want to build a family kasama ka." ngumiti si Wendy saka hinalikan ang kamay ni Irene. Trinace niya rin ang singsing na suot ni Irene bago siya napabuntong hininga. Talagang kasal na sila ni Irene, hindi parin niya ito maiprocess at maisip. 

"We never made usap sa mga topics like this eh. I guess now we are kasal na, we should, right?" pinisil ni Wendy ang kamay ni Irene bago sila tumayo mula sa kinauupuan nila, napansin rin ni Wendy na halos kamag anak nalang rin naman nila ang tao sa reception area kaya napagpasiyahan niya nalang rin na tumayo. "Saan tayo magpupunta?" litong tanong ni Irene, pero patuloy lang na naglakad si Wendy papunta sa taas kung nasan ang room nila ni Irene. 

Napatili naman si Irene nung bigla siyang buhatin ni Wendy ng bridal style manner pagdating nila sa taas. Hinampas niya pa ang balikat ng doctor na nagpatawa nalang sa kanilang dalawa. "Kanina pa kita gustong buhatin ng ganito." namula naman si Irene bago dali dali na humalik sa labi ni Wendy. Ngumiti naman ang doctor na parang nanalo sa lotto bago sila naglakad papunta sa room nila. Hawak na hawak ni Wendy ang fob sa isang kamay niya bago niya binuksan ng walang kahirap hirap ang pintuan. Dahan dahan na nilapag ni Wendy sa Irene sa kama bago niya hinalikan ang noo nito. "I'll handa your warm bath so you can make pahinga na hmm? Maaga pa tayo tomorrow." umiling si Irene bago niya hinila si Wendy, napahiga naman ang doctor sa tabi ni Irene kaya agad agad siyang niyakap ng CEO. 

"Nooooo I don't like na you make alis here. Dito ka lang." tumatawa si Wendy habang hinahayaan si Irene na nakayakap sa kaniya. Mabilis ang tibok ng puso ng doctor habang nababalot ang silid ng katahimikan. "Seungwan, I love you." bumilis lalo ang tibok ng puso ni Wendy nung marinig niya yun mula kay Irene, nakita niyang nakatingin rin sa kaniya ang CEO kaya pinisil ni Wendy ang pisngi ni Irene. "Salamat for loving me, for not thinking na I'm nakakainis and all. Thank you because you are making intindi of me always. Salamat kasi you are so patient sakin." patuloy na pinagmasdan ni Wendy si Irene, alam niyang hindi expressive si Irene pagdating sa mga salita, nakikita niya rin na naluluha si Irene kaya hinalikan ni Wendy ang noo ng asawa niya. "I can't make sabi this kanina because I'm so kinakabahan." niyakap nalang ni Wendy si Irene na agad na sumiksik sa leeg ng doctor. May isang malalim na buntong hininga mula sa doctor habang hinahaplos niya ang mahabang buhok ng CEO. 

"Why are you suddenly being so emotional?" medyo natatawang tanong ni Wendy, natawa nalang rin ng bahagya si Irene bago hinigpitan ang yakap kay Wendy. Parang takot na bigla nalang itong mawala. "Di naman ako mawawala Hyun, nandito lang ako palagi." nagulat si Irene dahil nababasa ni Wendy ang mga tumatakbo sa isip niya, agad niyang tinignan si Wendy bago niya hinayaan na ang labi niya ang magpahayag kung gaano siya kasaya at kung gaano niya kamahal si Wendy. 

Malalim pa ang gabi at alam rin ni Irene at ni Wendy na mahaba pa ang gabing ito. 

-

Nagising si Irene nung marinig niya ang alarm mula sa cellphone niya, tinignan niya ang babae sa tabi niya na mahimbig parin ang tulog. Dahan dahan na umupo si Irene habang hawak parin ang kumot. Inabot niya rin ang cellphone niya bago pinatay ang alarm. "Seungwan... wake up love." mahinang tawag ni Irene, nanatiling nakayakap ang doctor sa bewang niya kaya hinaplos ni Irene ang maikling buhok nito bago nagtanim ng halik sa labi niya. "We need to make handa to make punta sa airport." narinig niya ang pagingit ni Wendy na nagpangiti nalang sa kaniya. Mahirap talagang gisingin si Wendy sa tuwing natutulog ito. 

"Still so maaga." napabuntong hininga nalang si Irene bago pinagmasdan ang maamong mukha ni Wendy. Mukha itong mabait na tutang natutulog. Hindi mapigilan ni Irene na mas lalo pang mahulog sa babaeng nasa tabi niya ngayon. Akala ni Irene na hindi na siya kailan mang mahuhulog, pero eto siya ngayon patuloy na mas lalo pang nahuhulog kay Wendy sa bawat araw na lumilipas. 

"Maaga? Paano if we become so late for our flight to Switzerland." dahan dahan na dinilat ni Wendy ang mga mata niya, at napangiti nalang siya nung bumungad ang maamong mukha ng asawa niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
88 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them