Thank You?

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Nakangiti na parang nanalo sa lotto si Wendy, nakataas pa ang paa nito sa mesa niya habang komportableng nakaupo sa upuan niya sa loob ng opisina niya. Tinititigan niya ang cellphone number ni Irene na nakasave sa cellphone niya. "Doc, oras na po ng rounds niyo." napatingin si Wendy sa may bumukas na pinto, nakatayo doon ang secretary niya kaya agad namang tumango si Wendy. Tatayo na sana siya nung bigla nakareceive siya ng text. 

Miss Conyong Masungit 

You so makulit, stop texting me non-sense miss bodyguard. 

Napakagat sa ibabang labi si Wendy para pigilan ang tawa niyang lumabas, kahit kelan talaga wala nang ibang ginawa si Irene kung hindi sungitan siya, pero okay lang, masaya naman si Wendy na makatanggap ng kasungitan at kaconyohan mula sa nasabing business woman.

Miss Roleplayer

Ay, ayaw mo ba makatanggap ng text mula saken? Sige call nalang. ;) 

Natawa nalang si Wendy bago niya inilagay ang cellphone niya sa loob ng bulsa niya. Naglakad nalang si Wendy sa floor ng patient niya, nakangiti siya bago binuksan ang kwarto ng kapatid ni Irene. Nakangiti ito sa kaniya kaya agad din siyang ngumiti. "Doc, hindi pa po ba ako pwede umuwi? Naiinip na po kasi ako dito." napatingin si Wendy sa babaeng nakahiga bago ibinalik ang attention niya sa chart, tahimik ang paligid at ang tanging tunog sa pinapanood ni Yeri ang naririnig. 

"Bored ka? Gusto mo nang kausap?" natawa si Yeri bago siya tumango, agad niya ring pinatay ang phone niya saka ibinaling ang attention kay Wendy na nakangiti sa kaniya ngayon. Hindi niya kilala ang doctor, bukod sa nakita niyang nakakatawa at nakakahiyang ginawa ng ate niya ay parang isang estranghero si Wendy sa kaniya. "Oh pwede ba akong makipagusap muna sayo?" tumango ulit si Yerim bago tinuro kay Wendy ang upuan na malapit sa kama niya, ngumiti ang doctor bago ito umupo at dumekwatro. Nakasandal din ito sa upuan habang pinagmamasdan si Yeri. "Likas bang conyo yung ate mo? I mean mataray ba talaga siya?" tumaas ang kilay ni Yeri habang tinitignan ang doctor. Hanggang ngayon hindi niya rin kasi gets kung bakit ganoon ang nangyari sa interaction nila nung unang check ni Wendy sa kaniya. 

"Ano kailangan mo sa ate ko?" napataas ng kamay si Wendy bago tumawa, umiling iling pa ang doctor bago kinuha ang baso ng kape niya na nilapag niya sa may mesa kanina lang. Pagkaupo ng doctor ay ngumiti ito. 

"Wala I just find her so different and weird, well weird in a nice way naman." uminom si Wendy sa kape niya bago tumingin sa kapatid ni Irene, nakataas parin ang kilay nito at nakakatuwa kasi nakikita niya ang katarayan ni Irene sa mga mata ng kapatid niya. Hindi talaga mapagkakailang magkapatid ang dalawa. 

"Kakatapos lang ng ate kong maloko, kung wala kang mabuting intensyon sa ate ko tigil tigilan mo siya." nag acting na naoofend ang doctor bago tumawa, lalo pang tumaas ang kilay ni Yeri habang pinagmamasadan si Wendy. Hindi tuloy alam ni Yeri kung mapagkakatiwalaan ba ang doctor na nasa harap niya ngayon. "Sino ka ba kasi? Bakit ba curious na curious ka kay Ate Joohyun. Sobrang boring nun as an individual sinasabi ko sayo wala kang mapapala dun."  umiling si Wendy saka nilapag ang baso niya sa may mesa, ano nga ba ang gusto niyang ma-achieve, hindi niya rin naman talaga alam kung bakit sobrang attracted siya kay Irene, at bakit gustong gusto niyang inaasar ang nasabing business woman. 

"Paanong boring?" tumawa si Yeri saka umayos ng pagkakahiga, nakatingin lang siya sa doctor na nakapalumbaba pa habang nakatingin sa kaniya. Hindi rin malaman ni Yeri kung bakit willing siya magshare ng mga bagay patungkol sa ate niya kahit hindi niya naman kilala si Wendy in general. 

"Sagutin mo muna tanong ko, sino ka ba?" sabay na natawa si Wendy at Yeri, saglit na nagisip ang doctor bago niya kinuha ang wallet niya. Kumuha ito ng calling card saka agad na binigay Yeri. "Son Seungwan... SON?! So ikaw may ari nitong hospital!?" natawa si Wendy dahil nakita niya kung gaano nanlaki ang mata ng pasyente niya, naiimagine tuloy ni Wendy kung ganoon din ba magreact ang boss niyang si Irene. 

"Oh bawal maingay secret lang." nakatakip pa sa bibig niya si Yeri habang tinitigan si Wendy, paano ang may ari ng hospital kung saan siya naka confine ay nakaupo ngayon at nakikipagkwentuhan sa kaniya. "Oh paanong boring na ate mo dali." nakangiti si Wendy habang nakatingin kay Yeri, inaantay niya ang mga susunod na sasabihin ng nakakabatang kapatid ni Irene. Magsasalita na sana si Yeri nung marinig nila ang tunog ng ng cellphone ni Wendy. 

Miss Conyong Masungit

What are you saying ha? You are so nakakainis talaga! Sana pala I didn't give you my number nalang kulit. 

Natawa si Wendy saka umiling,  ibinalik niya muna ang cellphone niya sa bulsa niya bago ibinalik ang tingin kay Yerim. "Ayun... puro trabaho kasi madalas si Ate. Di nakakausap madalas kasi super busy nga niya as a person. Buti nga nakatagal si Ate Seulgi sa kaniya. Pero kahit na ganun si ate Irene di niya deserve yung ginawa sa kaniya." napayuko si Yerim bago ito bumuntong hininga, nakatingin lang rin si Wendy sa kaniya, di alam nung doctor kung may karapatan ba siya magsalita lalo na't hindi niya naman kilala ng lubusan si Irene, ang tanging alam niya lang ay ang panloloko ni Seulgi pati narin ang mga nasabi ni Irene nung lasing ito. 

"You are right, walang sinuman ang deserve na lokohin. Buti you heard the story na?"  tumango si Yeri bago ngumiti ng tipid kay Wendy. Nakikita ni Wendy sa mata ng dalaga ang galit at inis at naiintindihan niya kung saan nangagaling si Yeri, 

"Heard it from manang, she told me na umiiyak daw si ate at nakita niya rin yung confrontation." bumuntong hininga si Wendy bago tumayo sa upuan niya, nakatingin lang si Yeri sa kaniya. Maglalakad na sana palayo si Wendy nung pigilan siya ni Yerim. "Isang tanong, interesado ka ba sa ate ko?" napahinto si Wendy, nakatitig lang ito kay Yerim na puno nang pagtataka ang mata. 

Ngumiti si Wendy ng tipid bago inalis ang kamay ni Yerim sa may wrist niya. "Secret! Hulaan mo." ang tanging naging sagot ni Wendy bago ito lumabas ng kwarto ni Yerim. 

-

Hindi narin alam ni Irene kung ano ba ang dapat niyang gawin, pagkatapos niya isettle ang bills ng kapatid niya nakatanggap siya ng text mula sa nanay ni Seulgi. Napairap si Irene saka binasa ito. 

Mrs. Kang 

Irene ija, are you free later at 7PM, I just want to talk to you. 

Napaisip si Irene kung bakit siya gustong kausapin ng nanay ng manloloko niyang ex-girlfriend, umupo si Irene sa may coffee shop sa may hospital saka nagreply. 

Irene

Send me the address ma'am. 

Umiling nalang si Irene saka agad na pumila para bumili ng brewed tea, kailangan niya munang magpakalma. Meron pa rin kasi siyang halos apat na oras bago kitain ang ina ng ex niya. Habang nakapila siya nakita niya si Wendy na nagtitingin ng cake sa may gilid. Inilayo ni Irene ang tingin niya dito. Napapaisip si Irene kung bakit palagi niya nalang nakikita si Wendy kung saan man siya nagpupunta. "Wendy!" napatingin si Irene sa tumawag sa doctor, nakita niya ang isang babaeng pumasok sa loob ng cafe. Nakita niyang ngumiti ang doctor bago kumaway sa babae. 

"Eunbi!" agad na tumingin ulit si Irene sa may counter at tahimik na nagdasal na matapos agad ang nasa harap niya para maka order narin siya. Napalunok si Irene nung makita niya ang interaction nung dalawa sa may gilid ng mata niya. Hindi alam ni Irene kung bakit gusto niyang tumingin. 

Parang estatwa si Irene doon na nakikinig sa sasabihin na sunod nung babaeng kausap ni Wendy. "Sorry medyo natraffic kasi ako. So ano dito ba tayo mag coffee?" umiling si Irene habang nagaantay ng turn niya sa pila. Nakita niyang naglalakad palapit sa direction niya yung dalawa. Kaya nagpasalamat si Irene na siya na ang susunod na oorder.

"One venti brewed tea." Inabot ni Irene ang card niya sa attendee. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Ngumiti ang babaeng attendee saka binalik ang card niya.

"We will just call you ma'am Joohyun once your order is ready." tumango nalang si Irene saka nagpasalamat, agad siyang pumunta sa isang vacant table bago niya nilabas ang laptop niya. Naisip niya rin munang magcheck ng emails mula sa secretary niya. Nakasandal si Irene sa upuan habang nagchecheck ng email, nakasuot pa ng earphone ang business woman para mapanood niya ang naging presentation habang wala siya.

Hindi alam ni Irene kung ilang minuto na ang lumipas, nagulat nalang si Irene na may nakatayo na sa harap niya. Nakita niya si Wendy na nakatayo habang hawak ang brewed tea niya. "Venti brewed tea for miss Bae Joohyun?" umirap si Irene saka kinuha ang hawak na tea ni Wendy. Pinipigilan matawa ni Irene kasi may bago na namang natagpuang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
84 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them