Dugdug

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Sa dami nang iniisip ni Irene hindi niya nalang alam kung ano ba ang dapat niyang unahin sa buhay, dapat bang unahin niya na intindihin ang mga revelation sa relasyon nila ng girl... ay ex girlfriend niya na pala, o dapat bang magpalamon siya sa lupa dahil sa kahihiyan niya. Respetado si Irene lalo na sa business world at hindi niya lubos maisip na magiging ganito siya ka messy sa harap ng isang well known doctor. Oo nag search na kasi si Irene nang patungkol kay Wendy pagkatapos nito lumabas sa room ni Yerim. Napabuntong hininga nalang si Irene saka tumingin kay Yerim na natutulog ngayon, may cast ang kamay at legs niya. "I know dapat sayo muna ifocus ang attention, but can I have some time for myself muna?" mahinang bulong ni Irene, tumayo siya para lumapit sa kapatid niyang natutulog parin. Ngumiti ng bahagya si Irene saka inayos ang unan ng kapatid. "I'll be back nalang tomorrow morning Yerim. Sleep tight." kinuha ni Irene ang handbag niya bago siya dahan dahan na lumabas ng kwarto ng kapatid niya, ngumiti rin siya ng tipid sa nagaalaga kay Yerim dito sa Seoul. "Nay, ikaw na muna bahala ha? Need ko rin kasi ayusin yung sa police report balik ako bukas ng umaga." tumango ang matanda saka tinapik ang braso ni Irene. Nagbow nalang din si Irene bago nagsimulang maglakad palabas ng hospital. 

Wala namang balak si Irene, siguro pag katapos niya sa police station ay matutulog muna siya? Baka bukas may lakas na siyang harapin si Seulgi at tanungin sa kaniya ang lahat. Pero totoo talaga na hindi lahat ay naayon sa iyong kagustuhan, napahinto si Irene nang makita niya si Seulgi na may bitbit na pagkain, nagulat din ito sa nakita niya. "I..Irene?" gustong maiyak ni Irene pero wala siyang energy, wala siyang natitirang lakas para sa araw na ito. "K..kelan ka pa dumating?" tumingin nalang si Irene sa hawak ni Seulgi na pagkain, hindi niya magawang sumagot, nangingibabaw ang sakit at ang galit na nararamdaman niya. "A..Ah I heard kasi kay Nanay na naaksidente si Yerim kaya ayun dadalin ko sana to." natawa si Irene sa isip niya, nagawa pang magsinungaling at nagawa niyang sabihin yun sa harap ni Irene. Ilang kasinungalingan pa ba ang narinig niya na mula sa babaeng nasa harap niya? Hindi rin sigurado si Irene, "Saan ka pupunta? Hatid na kita dalin ko lang to kay Yerim." napapikit si Irene bago siya humugot ng malalim na hininga. Hindi na kaya ni Irene na makipaglokohan. 

"Kelan pa?" napahinto si Seulgi sa sinabi ni Irene, hindi alam ni Irene kung nagaacting lang ba ang babae sa harap niya, napailing nalang si Irene dahil sa pagmamaangmaangan pa ni Seulgi. "Seulgi kelan pa? Sumagot ka." nakayukom ang kamay ng dalaga at mabigat ang paghinga niya kasing bigat ito ng nararamdaman niyang samutsaring emotion. "Kelan mo pa ako niloloko? Kelan niyo pa ako niloloko ng babae mo." hindi nagsasalita si Seulgi nakatingin lang siya kay Irene, bumuntong hininga ang dalaga bago siya tumawa. "Sagutin mo hindi na ako magtatanong ng iba." medyo tumataas na ang boses ni Irene, namumula narin ang kamay niya dahil sa higpit nang pagkakayukom nito sa may bag niya. 

"Isang taon na mahigit." natawa nalang si Irene saka kinuha ang singsing sa bulsa niya, tinitigan niya pa ito bago inabot kay Seulgi para ibalik. "L..Let me explain pagusapan natin to Irene." gusto ni Irene na sampalin ang babae sa harap niya, tanging galit at sakit nalang ang nararamdaman ni Irene at hindi niya lubos maisip kung bakit ito nangyari sa kaniya. 

"Bull, sa tingin mo ba may justification ang ginawa mo?" napahawi sa buhok si Irene at natawa, ang kapal ng mukha ni Seulgi na magpaliwanag, walang justification ang ginawa niya at sigurado si Irene na alam ito ni Seulgi. "Nung pinili mong magloko alam mo nang mali yun, ano sa tingin mo ang dapat mong ipaliwanag pa?" napalunok si Irene, nararamdaman niya ang ragasa ng galit at sakit sa puso niya, parang bumibigat ang mga pasan pasan niya. "Higit isang taon na, sa higit na isang taon na yon apat na beses tayong nagkita dito. Apat na beses mo akong hinarap na walang kahiya hiya kahit alam mo sa sarili mo na niloloko mo ako. Sobrang kapal ng mukha mo." ayaw ni Irene na umiyak sa harap ni Seulgi, ayaw niyang ipakita kahit kanino na sobrang hirap na hirap siya sa mga nangyari. Isang buntong na hininga na naman ang ginawa ng dalaga bago siya tumingin sa mata ni Seulgi. "Let's end this Seulgi. I also heard na yung kabit mo yung naka aksidente kay Yerim. I hope she can apologize personally kay Yerim, kahit sa kapatid ko nalang. See you nalang sa korte." agad na naglakad si Irene, pero nagulat siya nung makita niya si Wendy na nakatayo doon, hindi niya nalang pinansin ang doctor at agad na pumara ng taxi na dumaan. 

Gusto ni Irene magpahinga at mapagisa. 

-

Napatingin si Wendy sa taxi na umalis at ibinalik ang tingin niya sa babaeng kausap ni Irene kanina. Hindi naman ginusto ni Wendy na makinig at sadyang lumalapit ang mga tea sa kaniya. Naglakad pabalik si Wendy sa hospital at sadyang binangga ang babaeng nakatayo nahulog naman ang bitbit nito kaya sinamaan niya ng tingin ang doctor. "Oops?"  medyo aroganteng sabi ni Wendy, tumingin pa ito sa nahulog sa sahig bago tumingin pabalik sa babae. 

"Anong oops?! Bayaran mo yan." natawa nalang si Wendy saka ngumiti nung makita ang isa sa housekeeping worker sa hospital. Agad na lumapit ito sa kaniya at ngumiti naman ulit si Wendy. 

"Doc linisin ko na po ha." ngumiti ang doctor saka umiling, kinuha niya ang mop at siya pa mismo ang naglinis nito. 

"Lilinisin ko lang yung mga kalat at BASURA dito." ngumiti si Wendy sa babae na nasa harap niya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito kaya mas lalo pa siyang natuwa. Iniisip rin ni Wendy kung bakit niya ginagawa ito, pero nung aksidente niyang marinig ang mga sinabi ni Irene ay alam niyang deserve rin nitong babae na nasa harap niya ngayon ang mga ganitong bagay. "Di nako magsosorry ha? Sinadya ko naman." tumawa nalang si Wendy bago nagpasalamat sa kanilang worker at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam niyang dapat wala siyang pakielam at dapat ay labas siya sa nangyayari sa dalawa, pero hindi lubos maisip ni Wendy kung bakit nagawang magcheat nung babae kay Irene. 

Pagkasalampak ni Wendy sa swivel chair niya ay napatingin siya sa cellphone niya na naiwan niya sa ibabaw ng mesa. May isang text ito mula sa kaibigan niyang si Sua. 

Sua: Pssst, pag tapos mo diyan sa hospital daan ka naman dito. Nagditch kasi performer ko last minute. Save my siguro? 

Napangiti nalang si Wendy saka niya hinubad ang long coat niya, tapos niya narin naman ang rounds niya at sa tingin niya tama lang na bumalik sa isang bagay na dati niyang pinagkakaabalahan para matanggal ang stress niya sa med school. Kinuha ni Wendy ang susi ng sasakyan niya at saka nagsimulang maglakad papunta sa parking lot. 

Nagulat si Wendy nang biglang may humablot sa kaniya paglabas niya ng opisina, hindi niya mapigilan na mapangisi nung makita niya ang mukha nung babae kanina. "Sa tingin mo papalampasin ko lang yung ginawa mo kanina?" nanghahamon ang tono nung babae bago inambahan ng suntok si Wendy, mabilis na nailagan ito ni Wendy kaya naman si Wendy ang ngumisi bago tinitigan ang babae. "Hindi mo kilala binabangga mo, abogado tatay ko. Di mo ba kilala si prosecutor Kang?" umiling si Wendy saka tumawa inalis niya ang pagkakayukom ng kamay nung babae sa damit niya saka niya pinagpagan. "Humanda ka, magsisisi ka na binangga mo ang isang Kang Seulgi." tumango tango lang si Wendy saka tinapik ang balikat ni Seulgi, may nakakalokong ngiti sa labi ng doctor. 

"Ay nakakatakot ka naman pala. Pero akalain mo yun kahit nakakatakot ka hindi parin nagbabago yung tingin ko sayo. For me siguro isa ka lang maliit na trashbin na for non biodegrable waste. Wag ka magalala hindi pa nga sapat yung ginawa ko eh. Maliit na bagay lang yon"  ngumiti si Wendy saka kumaway kay Seulgi, tinuro ni Wendy ang opisina niya bago nagsimulang maglakad palayo. "Naalala ko lang! Wag mo kalimutan tanungin sa tatay mo kung kilala niya ba si Wendy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
84 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them