Realizations

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik na nakasakay si Wendy sa motor niya, sinusundan niya ang sasakyan niya kung saan nakasakay si Irene. Kahit na nasaktan ang doctor, gusto niya paring makasigurado na makakauwi ng ligtas si Irene. Ang kaligtasan ni Irene ang isa sa mga priority niya. Bumuntong hininga si Wendy nang makita niyang nakababa na si Irene sa sasakyan niya. "I hope you can sleep tonight." mahinang bulong ni Wendy bago niya pinaharurot ulit ang motor niya paalis pagkakita niyang pumasok na sa elevator si Irene.  Pagkahinto ni Wendy sa isang convenience store nagulat siya ng makita niya si Yerim. 

"Doc? Akala ko magkasama kayo ni Ate?" ngumiting tipid si Wendy habang may hawak na mga lata ng beer. Nakatingin si Yeri sa hawak niya bago ibinalik ang tingin niya rito. "Ohhhhhh something happened?" natawa nalang si Wendy saka nagpunta sa counter para bayaran ang ilang can ng beer na hawak niya. "I can join you doc! Dali bonding lang." tumango nalang si Wendy saka inabutan ng can ng beer si Yeri. Agad namang umupo ang dalawa sa labas ng convenience store. 

"Yeri can you please check sa ate mo before ka magtulog tonight?" tumingin naman si Yerim sa kaniya, nakataas ang kilay nito habang umiinom sa beer na hawak niya. "Nakakatakot ka tumingin, no hindi kami nagaway or what, it's just something happened. Ayaw ko pangunahan ate mo, pero please do check on her. Please do it for me." tumango si Yeri habang pinagmamasdan si Wendy, nakatingin lang ang doctor sa mga sasakyan na patuloy na dumadaan. Pilit na binabasa ni Yeri ang mga bagay na tumatakbo sa isip ng doctor. 

"Nasaktan ka ba Doc?" hindi namalayan ni Wendy na tumango siya bilang kasagutan sa tanong ng kapatid ni Irene. Wala namang karapatan si Wendy na masaktan pero nang marinig niya ang mga salita na yun mula kay Irene ay nasaktan siya. "Pero kahit na nasaktan ka gusto mo parin malaman na okay si ate?" tumango si Wendy saka uminom sa may beer niya, napabuntong hininga si Yeri habang pinagmamasdan ang doctor sa tabi niya. Nakayuko ito habang tahimik na nakatingin sa malayo. "I knew it, hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan ka, I hope makita ni Ate Irene ang sincerity mo."  ngumiti si Yeri saka tinapik ang balikat ng doctor, ngumiti rin si Wendy habang tinitignan si Yeri. "Do you really like Ate Joohyun?" uminom si Yeri ng beer saka sumandal sa upuan, pinagmamasdan niya ang mga mata ni Wendy, pilit na binabasa ang laman ng isip niya. 

"Paano ko ba sasabihin? Attracted ako kay Irene, maganda siya, matalino, isa siya sa mga well known woman sa field niya. Sino ba namang di magkakagusto sa ate mo?" nakita ni Yeri na lumunok si Wendy bago nag sip ulit sa beer na hawak niya. Nakangiti ang doctor habang nakatingin sa langit, tinitignan niya ang mga bituin na kumikinang. "Alam mo kung ano ang mas mahiwaga? Yeri nahulog ako kay Joohyun."  isang malalim na buntong hininga ang narinig mula kay Wendy. Hanggang sa mga oras na ito, namamangha parin si Wendy sa bawat pagkakataon na mas nakikilala niya pa si Irene. "In the span of a month knowing her, narealize ko na super magkaiba si Irene at Joohyun, si Irene composed siya and always professional, pero si Joohyun soft siya and most of the time messy. Si Irene super organized and busy, meanwhile si Joohyun just wants to explore and have fun." binaba ni Wendy ang can ng beer niya saka ngumiti. Sinasabi niya lang naman ang tunay niyang nararamdaman pero sobrang saya na ni Wendy. "How can an intimidating business woman na parang palaging galit at hindi interesado sa mundo ay kasing cute ng ate mo? I didn't realized that I finally found the true meaning of love, at that very moment she said thank you to me for the first time, after saving her for more than four times." naalala pa ni Wendy kung paano tumigil ang mundo niya nung marinig niya ang salitang yun mula kay Irene. Kitang kita ni Wendy kung paano pinilit ni Irene na buksan ang mga mata niya para lang masabi ang tatlong salita na yun kay Wendy. "I used to think na the idea of love is such a bull, lagi kong tinatawanan yung friends ko whenever they are facing love problems. Lagi kong nakikita yung friends ko preparing surprises and such. I used to think those are bull. Pero somehow thinking about falling in love with someone makes me feel a bit of excitement, hopeless romantic nga daw ako eh." nakangiti si Yerim habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Wendy. Hindi niya akalain na ang doctor na parang hindi seryoso na kausap siya ay nandito ngayon nagshashare ng kaniyang thoughts. "Pero ewan parang nagbago ang ihip ng hangin. Gusto ko palaging nakikita si Joohyun, gusto ko after shift sa hospital diretso sa penthouse niyo para lang mag rides kami. Wala naman akong places in mind, pero just the thought na kasama ko siya at times na pagod ako, sa mga times na need ko nang masasandalan, makes me feel better in a snap." ininom ni Wendy ang natitirang beer sa can niya bago bumuntong hininga. "Nakakahiya kasi I'm telling you all of this, kahit alam kong kapatid ka ni Joohyun." parehas nalang natawa si Wendy at Yeri, nramdaman nalang ni Wendy ang tapik ni Yerim sa balikat niya. 

"Sana ikaw nalang unang nakilala ni ate, sana hindi nalang siya." napahinto si Wendy sa pagbubukas niya ng lata ng beer. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Yeri habang nakatingin kay Wendy. "Simula nang mawala sila mama, naghanap si ate ng pagmamahal at kalinga mula sa ibang tao. Hinarap ni ate ang isang challenge na wala siyang idea, kailangan niya mag adjust at doon niya nakilala si Seulgi. Una palang alam ko naman na hindi siya mapagkakatiwalaan. Ilang beses kong narinig na tinatanong ni ate ang sarili niya, naririnig ko ang mga iyak niya tuwing pumupunta ako sa Japan. Naririnig ko ang usapan nila ni manang, bilang kapatid niya nafrufrustrate ako knowing na wala akong ibang magawa." Narinig ni Wendy ang pagbuntong hininga ni Yeri, alam ni Wendy na nasasaktan rin ang nakakabatang kapatid ni Irene. "After knowing what happened to their relationship, ang gusto ko lang gawin is pahirapan sila, gusto ko gumanti, pero alam ko na ayaw ni mama na makita akong magtanim ng galit. Hindi deserve ng ate ko ang panloloko na ginawa sa kaniya." sabay na uminom si Wendy at Yeri sa can ng beer nila bago parehas na bumuntong hininga. Sa mga oras na ito, napagtanto na ni Wendy ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Hindi siya nagkulang, ang dapat niya pang gawin ay mas iparamdam kay Irene ang pagmamahal at alaga niya. "Thank you Doc, for making my ate happy. I never seen her this bright. Alam kong may mga bagay na nag st-stop kay ate, may mga tanong siya na kayong dalawa lang ang makasagot. Pero thank you ate, for seeing my ate Joohyun as someone who's very worth loving." ngumiti si Wendy saka tinaas ang fist niya, nakangiti naman si Yeri saka pinagsangga ang mga fist nila.

"I'm willing to wait until she realizes how sincere I am. Thank you for trusting me Yeri." At pinangako ni Wendy na mula sa araw na yun ay hindi niya sisirain ang tiwalang binigay sa kanya ni Yeri.

-

Nakaupo si Irene sa may kama niya habang pinagmamasdan ang empty luggage niya. Napabuntong hininga nalang siya saka kinuha ang cellphone niya. Napalunok ang business woman bago siya nag start mag type.

Bunny Hyunnie: Seungwan? I'm sorry for what happened tonight. I hope you got uwi safely. Can we make usap before I head back?

Bumuntong hininga ulit si Irene saka nagsimula nang magimpake. Babalik na naman siya sa Japan, at babalik sa dating gawi at cycle niya. Puro trabaho na naman ang kahaharapin ni Irene. Minsan naisip narin ni Irene na ipamanage na ito sa iba para makapag relax narin siya. Tinitigan ni Irene ang phone niya ng hindi ito umilaw. Nasanay narin siya na sa tuwing off-duty na si Wendy sa hospital ay agad agad rin itong magrereply. "Seungwan talk to me..." binato ni Irene ang isang coat niya sa may luggage niya bago dumapa sa kama niya. Hindi alam ni Irene kung bakit sobrang frustrated niya.

Nakarinig ng katok si Irene mula sa pinto niya kaya agad rin siyang napaupo ng maayos. "Papasok na ako ate." di na sumagot si Irene, nakita niyang pumasok si Yeri na may bitbit na paperbag. "Maaga alis mo bukas ate bakit di ka pa nagpapack?" nag shrug lang si Irene, hindi niya talaga habit na ipakita sa kapatid niya kapag nahihirapan siya or naiistress. "Can I stay for awhile?" tumango naman si Irene bago nagsimula ulit na magayos ng gamit niya. Iginala ni Irene ang paningin niya sa kwarto niya bago inilagay ang mga kailangan niya. Napahinto sa pagdampot si Irene nang makita niya ang picture frame na nasa bedside table niya. Picture nila ni Wendy sa may Namsan Tower. Nakita naman ni Yeri ang pagdadalawang isip ng ate niya kaya natawa ito. "Kunin mo na ate, for sure naman mamimiss mo rin si Doc." umirap si Irene bago niya dinampot ang picture frame. Hindi naman naalis ang pamumula ng tenga ni Irene na mas lalo pang nagpatawa kay Yeri. "Ate kinikilig ka no! Crush mo si Doc?" Sinasara ni Irene ang zipper ng bagahe niya nang marinig niya yun mula kay Yeri. Ano bang sasabihin niya sa kapatid niya? "Okay I get it!" napairap nalang si Irene, kilala talaga siya ni Yeri at kahit kailan hindi niya talaga kayang itago ang ibang mga emotion sa kapatid niya. 

"If you make sabi it to Seungwan, I'll cancel your credit card Bae Yerim." tumawa si Yerim habang nakangisi, humiga pa ang nakakabatang kapatid ni Irene sa kama niya kaya naman wala naring nagawa si Irene kung hindi hayaan ito. "You went out with whom?" iginilid na ni Irene ang maleta niya bago siya umupo sa may kama niya, tinititigan niya ang kapatid niya na may nakakalokong ngiti sa labi niya. 

"Uy real name basis na kayo? Di na Wendy and Irene. Grabe!" umirap ulit si Irene saka hinampas ang kapatid niya na agad ding umilag. Umupo si Yeri sak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
88 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them