Ang Romantic na Hopeless Romantic

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatayo si Wendy sa may tapat ng pinto ni Irene, inaantay niya na lumabas ang dalaga. Masyado pang maaga pero dumaan muna si Wendy sa penthouse ni Irene bago siya dumiretso sa hospital para sa early surgery niya. "Why is your work so maaga? I thought we can like grab breakfast before I head back to Japan tomorrow." nagpout si Irene pagkatapos niya buksan ang pinto, nakita niyang si Wendy na naka usual attire niya, hindi naman mapigilan ni Irene na mapangiti nang makita niya si Wendy na nakangiti habang hawak ang bouquet ng bulaklak. "I might be sanay if you will be this sweet." tumawa si Irene saka inamoy ang bouquet ng purple tulips. 

"I baked some pastries for you, you can share it kay manang and Yeri din." inabot ni Wendy ang plastic ng pastries kay Irene bago niya inalis ang takas ng buhok na nahulog sa mukha ng business woman. Sobrang ganda ni Irene kahit bagong gising, sobrang na gigiddy si Wendy. "You can be sanay naman." umirap nalang ng bahagya si Irene saka tinignan si Wendy, nakangiti ang doctor habang nakatingin lang rin sa kaniya. "Go in na, I'll go narin."  nanghina naman ang mga tuhod ni Wendy nung makita niyang nakapout si Irene, gusto niyang lumuhod nalang para sa dalaga. Ngumiti naman si Wendy at naintindihan agad ang gusto ni Irene. Hinalikan ni Wendy ang noo ni Irene bago siya ngumiti. Nagulat rin si Wendy nang makita niya si Yeri at si Manang na nakangisi habang tinitignan silang dalawa. "I really need to go na, see you later?" tumango naman si Irene bago mabilis na humalik sa pisngi ni Wendy. Agad niya ring sinara ang pinto, pagkasandal ni Irene sa pinto, nakita niya ang mga mata ni Yeri at ni manang. Parehas silang nakangisi habang tinitignan ang business woman. 

Agad na nagpunta si Yeri sa may smart screen, nakita niyang sumusuntok suntok sa hangin si Wendy kaya naman agad siyang natawa. "Manang lakas ng tama ni Doc Wendy kay ate tignan mo." natawa naman ang matanda habang pinapanood si Wendy sa may smart screen. "Ate ano ba ginawa mo kay Doc?" tumingin naman si Irene kay Yeri, ngumiti lang ang business woman saka pumunta sa dining room. 

Pinagmasdan ni Irene ang note na nakasulat sa box ng carrot cake. 

I saw your tweet last night na you can't find any carrot cakes around kaya I made one for you nalang. I hope you can make kain it well. See you later Hyun. 

Hindi mapigilan ni Irene na mapakagat sa ibabang labi niya, hindi niya parin maintindihan kung paano effortlessly na napapatibok ni Wendy ang puso niya. "Ang saya saya naman ng anak ko, masaya akong nakikita kang nakangiti Joohyun." napatingin si Irene kay manang na nakatayo na pala sa harap niya. Bumuntong hininga si Irene habang nakatingin kay manang at agad rin naman itong napick up ng matanda. "May pumipigil at bumabagabag ba sayo anak?" agad na tumango si Irene, alam naman ni Irene na kagagaling niya lang sa isang traumatizing na break up, niloko si Irene at maraming bagay ang pumipigil sa kaniya na tanggapin ang kapalaran niya na talagang nahulog at tinamaan narin siya kay Wendy. 

"Manang... I know naman na Wendy is mapagkakatiwalaan, well I use to sabi dati na hindi, pero as the days passed by I realized that she's very mabait."  napabuntong hininga ulit si Irene bago niya tinikman ang carrot cake na gawa ni Wendy. "But manang, I'm so takot to commit again, I'm so takot na what if Wendy makes loko me din. She's a busy woman living in Seoul and I'm in Japan, the distance will surely make it mahirap for us if ever I try to pursue and continue this growing relationship with her." ngumiti ang matanda saka pinisil ang kamay ni Irene na nakalagay sa ibabaw ng mesa. 

"Anak... Wendy is different, I can see paano siya iba sa mga pinakilala mo saamin. She's different lalo na kay Seulgi." tumingin si Irene sa mga mata ni manang bago siya yumuko. Alam naman ni Irene na hindi siya kayang lokohin ni Wendy, pero hindi niya maisip kung ano ba ang pumipigil sa kaniya. "Di ko nasabi sayo ito, pero nung one time na nagpunta ka to meet your friend Jennie, she was waiting outside your door she was holding a bouquet of tulips. Pero nakita kong nakarecieve siya ng call from someone siguro sa hospital. Nilapag niya lang yung flowers sa tapat ng door mo." napaisip si Irene, napasinghap siya nung maalala niya ang purple tulips na tinapon niya dahil sa note na nakapaloob sa flowers. Naalala niya pa ang initial na letter S at ang message na "You are more than enough"  agad na inassume ni Irene na galing ito sa ex niyang manloloko. 

"Manang I tapon those flowers! I thought it's galing from Seulgi." napabuntong hininga nalang ang matanda saka tinapik ang ulo ni Irene. Ngumiti ito saka sinubuan si Irene nung strawberry mula sa ibabaw ng isa pang cake na ginawa ni Wendy. 

"Trust me anak, nakuha niya na ang tiwala ko." bumuntong hininga si Irene, nakita niya namang nakatayo si Yeri sa may di kalayuan. May ngiti sa labi ng kapatid niya na agad ring nagpangiti kay Irene. "Alam ko may gustong sabihin ang kapatid mo sayo, hayaan ko na muna kayo na magusap." tumayo si manang sa upuan saka kumuha ng cupcakes sa isang box. 

SI Yeri naman agad na umupo sa upuan sa harap ni Irene, may maliit na ngiti parin sa mga labi ni Yeri. "Manang is right ate, what is stopping you ba?" ano nga ba? Hindi rin alam ni Irene kung ano ba? May tiwala naman siya sa doctor, pero hindi siya makapaglakas loob na tanungin or itry na aminin kung ano man ang nararamdaman niya. "I never seen you this happy ate, I never saw you ride a motorbike and tour at night." napalunok si Irene, totoo naman na sa bawat araw na lumipas na nakasama niya si Wendy, maraming lugar na silang napuntahan at kadalasan ay gabi sila lumalabas ni Wendy dahil narin sa nature ng trabaho ng doctor. "Bakit hindi mo itry?" tumingin si Irene sa mga mata ng kapatid niya, nakita niyang ngumiti ito saka tinapik ang balikat niya. "I gave her my blessing, that time she introduced herself to me. I know I can trust her. So please do try and trust her too ate. Kung fresh pa talaga yung sakit for you, then tell her about it." kumagat si Yerim sa cupcake saka ngumiti sa ate niya, agad rin itong tumayo sa upuan saka naglakad na. "Tell her about your fears or doubts, wag mo sayangin ang oras ate. Maraming naghahabol kay doc." tumawa si Yeri bago siya pumasok sa loob ng kwarto niya. Naiwan naman si Irene doon na nakaupo habang nakatingin sa carrot cake na gawa ni Wendy. 

Handa na ba talaga si Irene na sabihin ang lahat?

-

Tahimik na nakaupo si Irene sa may lobby ng hospital, hawak niya ang phone niya habang pinapanood na lumalabas ang mga nurses at ibang mga doctors para umuwi. Hindi naman nagsabi si Irene na nandito siya kay Wendy, gusto niya lang talagang makita si Wendy ngayong gabi. "Oh, you are Irene right?" tumango naman si Irene sa doctor na nakatayo sa harap niya, ngumiti ito saka nilahad ang kamay niya. "My name is Moonbyul, pinsan ako ni Wendy. Ahhh she just got off her surgery kasi I'm sure she'll be out in a few minutes. Paakyat ako dun I'll just let her know na you are waiting." ngumiti naman si Irene saka nakipag shake hands, agad na kumaway si Moonbyul bago agad na sumakay sa elevator. Nakangiti ang pinsan ni Wendy habang inaantay na huminto ang elevator sa designated na floor kung saan magpapalitan sila ni Wendy. Nakita agad ni Moonbyul si Wendy na nagbabasa ng chart ng mga patients. "Bakit di ka pa bumababa?" nakangisi si Moonbyul bago siniko si Wendy, agad namang nilapag ni Wendy ang chart saka tumingin sa wrist watch niya. Alas sais palang ng gabi, masyado pang maaga para pumunta siya kina Irene. Naisip ni Wendy na bumili muna siya ng bulaklak bago niya dalin si Irene sa restaurant ng pinsan niyang si Yuri. "May magandang babaeng nagaantay sayo kanina pa sa lobby." tumaas ang kilay ni Wendy habang tinext niya si Yuri, natawa nalang si Moonbyul habang pinagmamasdan ang pinsan niya. 

"Isa lang maganda sa paningin ko." agad namang napamura si Wendy nung makita niyang pumipikit pikit ang mga mata ni Moonbyul, para bang nagpapaganda ang pinsan niya sa kaniya. "Tangina mo di bagay sayo mag pacute. Tsaka hindi ikaw ang maganda sa paningin ko." tumawa si Moonbyul saka sinapak ang braso ni Wendy, natawa nalang rin ang doctor bago siya kumaway at iniwan si Moonbyul. 

"Wends baka pwede ko maging text mate si Irene." humarap naman si Wendy saka agad na inambahan ang tumatawa na si Moonbyul. Tinaas niya ang kamay niya saka pinakita ang singsing na suot niya. "Tanga loyal ako kay Solar, dalian mo wag mo pag antayin si miss beautiful sa baba." tinulak ni Moonbyul si Wendy na agad naring pumasok sa loob ng elevator. 

"Ulol Byul loyal ka sa sampu." nag dirty finger nalang si Moonbyul na nagpatawa ulit kay Wendy, pagkasara ng elevator hinubad na ni Wendy ang long coat niya saka hinawakan ito. Nadama ni Wendy ang pagod niya para sa araw na ito. Katatapos lang ng rounds niya pagtapos ng surgery niya kaya damang dama ni Wendy ang pagod sa buong katawan niya. Pero kahit na pagod siya, isa lang ang gusto niyang g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
91 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them