Special Chapter

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Sa nature ng trabaho ni Wendy alam na ni Irene na maraming bagay na mahihirapan silang gawin bilang isang pamilya. Pero hindi mapigilan ni Irene na mamangha sa angking galing ng asawa niya sa pagpapakita nalang bigla sa mga oras na alam nilang impossible pang makarating ito.

Kasalukuyang nakaupo ang CEO sa may classroom ng pre-school ni Hyunji, pinapanood ni Irene na magperform ang ibang mga bata habang inaantay niya ang turn ni Hyunji. Tumingin ang CEO sa wrist watch niya bago bumuntong hininga. “Aabot ang asawa mo anak, sigurado ako.” napangiti nalang ng tipid si Irene kay manang bago siya pumalakpak nung matapos na ang batang tumugtog gamit ang flute. Hindi mapigilan ni Irene na mamangha sa mga talento na pinapakita ng mga bata.

“Sabi ko naman kasi it’s Hyunji’s talent day ngayon.” dumekwatro ang CEO bago tumingin sa susunod na magpe-perform. Isa nalang at si Hyunji na ang susunod. Umiinom ang CEO sa tea niya bago napatingin nung marinig niyang bumukas ang pinto. Nakasuot si Wendy ng kaniyang business casual na damit.

“Oh diba, sabi ko sayo parang Superwoman yang asawa mo anak.” natawa nalang si Irene bago tinapik ang upuan sa tabi niya nung nagtama ang mga mata nila. Agad na naglakad papunta si Wendy kay Irene pagkatapos magbow ng doctor sa ibang mga magulang pati narin sa mga teachers ni Hyunji. “Si Hyunji ni hindi sumisimangot nung wala ka pa anak, pero etong si Joohyun kala mo pinagsakluban ng langit at lupa kanina.” natawa ang doctor bago ito tumingin sa harap, nakita niyang nakangiti si Hyunji bago ito kumaway sa mama niyang bagong dating.

“Wala ka bang tiwala na I can make it Hyun?” umirap si Irene bago tinuro kay Wendy ang nagpeperform sa harap, saktong sakto ang dating ni Wendy “THAT IS MY BABY HYUNJI!” natawa si Irene dahil sa ginawa ng asawa niya, hinampas niya pa ang braso ng doctor na naka thumbs up pa nung makita niyang nakaupo na si Hyunji sa may piano.

“Thank you for being here, Hyunji looks so happy.” hinalikan ni Wendy ang sindito ng asawa niya bago nagfocus sa panonood habang pliniplay niya ang theme song ng mga magulang niya sa piano niya.

“Always, anything for you and Hyunji.” at alam ni Irene na kahit kailan hindi mapapako lahat ng pangakong binitwan ni Wendy sa kaniya simula nung araw na kinasal sila, at simula nung dumating si Hyunji para baguhin ang buhay nila.

Pagkatapos mag perform ni Hyunji, dali dali siyang tumakbo papunta sa mommy at mama niya, agad din siyang kinarga ni Wendy dahil sinalubong niya ang anak niya. “Mama! Mama! Is Hyunji magaling na? Hyunji really aral that piece and I made tanong kay manang for the chords!” di mapigilan ni Wendy na mapangiti dahil kuhang kuha ng anak niya ang pagiging conyo ng Mommy Joohyun niya na nakatingin sa kanilang dalawa ngayon, nakangiti rin ang CEO habang inaayos ang ribbon na suot ni Hyunji.

“Yes, my baby ang galing galing mo po, right mommy?” agad na tumingin si Hyunji kay Joohyun na nakangiti parin, hinalikan pa ni Joohyun ang pisngi ni Hyunji na agad na nag giggle.

“My baby is so so magaling, mommy is very proud of you.” agad namang nagpabuhat si Hyunji kay Irene kaya dahan dahan siyang pinasa ni Wendy sa asawa niya. “Why is my baby being clingy bigla? Is there anything na gusto mo? Any problema?” kasalukuyan nang naglalakad palabas ng pre-school nila sila Hyunji, buhat buhat parin siya ni Mommy Joohyun niya habang nasa tabi nila ang Doctor na may kausap ngayon sa phone.

“Can Hyunji make laro sa indoor playground today mommy?” napangiti naman si Joohyun bago tumango, hinalikan niya pa ang pisngi ni Hyunji bago ito tumingin kay Seungwan, nakakunot ang noo ng doctor habang hinihimas niyo ang sintido niya. Nakapout na ngayon si Hyunji dahil alam niya na kung ano ang susunod na mangyayari. “You are going, mama?” para namang sinaksak ang puso ni Wendy nung marinig niya ang maliit na boses ni Hyunji, nakatingin ng diretcho sa kaniya ang anak niya at malamlam ang mata nito, katulad ng mata ni Joohyun na sobra niyang minahal.

“Sorry lovey, kailangan si mama sa hospital ngayon. I really need to go.” nakita niyang napalunok si Hyunji bago sumiksik sa leeg ni Joohyun. Napailing nalang si Irene bago tinapik ang likod ni Hyunji. Tumingin si Wendy kay Irene dahil hindi niya alam ang gagawin niya.

“Sige na love, I will make paliwanag nalang. Be safe driving hmm?” tumango naman si Wendy bago humalik sa pisngi ni Joohyun, agad din siyang nagpunta sa likod ni Joohyun at hinalikan ang noo ni Hyunji na umingit lang na nagpabuntong hininga nalang sa doctor. Tumingin pa ito sa wrist watch niya bago nagmadaling tumakbo papunta sa parking lot.

-

Hawak ni Irene ang kamay ng anak niya habang naglalakad sila sa mall, kita niyang may maliit na frown parin sa mukha ni Hyunji kaya huminto sila sa paglalakad. “Baby, what is the problema hmm?” tumingin naman si Hyunji kay Irene bago ito umiling, hindi rin nagpatuloy si Hyunji sa paglakad dahil naalala niya ang turo sa kaniya ni Wendy nung isang beses na nawala siya sa mall dahil tumakbo pa siya para puntahan yung purple na rabbit habang may kausap ang mommy at mama niya na friend. Naalala pa ni Hyunji kung gaano siya umiyak nung makita niyang hindi niya na pala kasama ang mommy at mama niya nung mga oras na yun. “Mommy told you na it’s mahirap to not sabi to me the things that are bothering you, right?” wala namang ibang nagawa si Hyunji kundi mag pout saka tumingin sa mommy Joohyun niya.

“Why can’t Hyunji have fun with mama? Lagi lagi mama will say I’ll be back, I’ll make bawi baby okay? But she will always just make alis.” hindi alam ni Irene kung ano ba ang mararamdaman niya, naalala niya rin ang mga instances lalo na nung bagong kasal palang sila, madalas niya rin na natatarayan or nabibigyan ng ibang kahulugan ang mga biglang emegency ni Wendy sa hospital.

“Baby, it was not mama Seungwan’s intention to make alis and to not spend much time with you. Do you remember what is mama’s job?” tumango si Hyunji bilang sagot, inayos ni Irene ang ribbon ng anak niya. “Mama is a surgeon, she make ligtas the people who are not feeling well, right? Sa nature ng work ni mama Seungwan, it is impossible to avoid sudden emergencies, and we can’t schedule an emergency baby. It will happen anytime.” kinarga ni Irene si Hyunji na nakatingin parin sa kaniya ngayon. “Back then, I used to feel that way too. Tuwing umaalis si mama at naiiwan si mommy magisa sa room namin, or whenever nasa date kami and she will just suddenly need to go because may sudden person sa emergency na need nang surgery.” hindi mapigilan ni Irene na matawa dahil dumating din pala sa point na naging childish siya at hindi siya umuwi sa Penthouse nila noon after niyang maiwan during isang date nila nung mag girlfriends palang sila. Naalala niya pa kung paano siya sinundo ni Wendy sa bahay nila ni manang, bakas ang pagod sa mukha ng doctor pagkatapos ng surgery niya, naalala pa ni Irene na alas otso na nung umaga noon. “But you know that mama is trying her very best right? She even made punta today to support you baby.” tumango si Hyunji bago pinunasan ang luha niya, napangiti naman si Irene bago siya mismo ang nagpunas ng luha ng anak niya.

“Hy..Hyunji loves mama Seungwan.” natawa nalang si Irene dahil parehas na parehas talaga sila ng anak niya. Kung gaano kamahal ni Joohyun si Seungwan, ganun din ang pinapakitang pagmamahal ng anak nila sa kaniya.

“And I’m sure mama Seungwan loves you more and more. Stop crying na, so you can play na.” binaba na ni Joohyun si Hyunji na agad rin siyang hinila papunta sa indoor playground.

Sa mga oras na ganito, wala nang ibang hinihiling si Irene, sobrang kontento na siya sa buhay niya. Simula nung dumating si Hyunji sa buhay nila ni Seungwan, sobrang dami niya nang natutunan, hindi lamang sa pagiging isang ina, pero natutunan din ni Irene na mas makibagay at mas umintindi pa patungkol sa mga tao. “Mommy! Look at me!” napatingin si Irene kay Hyunji na nakatayo sa may zipline, nakangiti pa ito at naisip niya kung paano nakuha ni Hyunji ang pagiging matapang ni Seungwan. “Hyunji is a big girl!” kinuhaan ni Irene ng video si Hyunji habang nasa may zipline, bumitaw pa ang anak niya sa may hawakan para kumaway kaya mas lalong namangha ang CEO sa anak niya.

“My Hyunji baby is so galing galing! Mommy loves you.” natawa si Irene nung mag finger heart ito at kuhang kuha niya ang pagbaril baril ni Wendy na may pakindat pa. “Hay nako Seungwan, manang mana sayo itong anak natin.” napapailing nalang si Irene bago siya umupo ulit.

Hindi lubos akalain ni Irene na magiging mas buo pa ang buhay nila dahil kay Hyunji.

-

Ramdam ni Wendy ang pagod na humahagod sa katawan niya, mula ulo pababa sa balikat, leeg at hangang sa mga hita niya. Walang ibang gustong gawin si Wendy ngayon kundi mag-shower bago humiga at matulog. “Doc, pauwi na po kayo?” napatingin si Wendy sa secretary niya bago siya tumango. Hawak ni Wendy ang keycard ng tesla niya bago siya nagsimulang lumabas ng opisina.

Pagkadating niya sa loob ng sasakyan niya, agad niyang tinawagan si Irene. Pagkatapos ng ilang rings ay dali dali niya rin itong sinagot. “Hello Seungwan, pauwi ka na?” nag hum ang doctor bilang sagot, narinig niyang medyo mahina na ang boses ni Irene kaya naisip ni Wendy na tulog na talaga si Hyunji.

“Is Hyunji sleeping? I actually bought her something.” narinig ni Wendy ang pagsara ng pinto mula sa kabilang linya, nagsimula naring magself drive ang tesla niya kaya napabuntong hininga nalang ang doctor. Buti nalang at halos ten minutes drive lang ang bahay nila mula sa hospital.

“She really enjoyed today love, I’ll make pakita to you her video sa zipline.” napangiti naman si Wendy dahil makita niya lang na nageenjoy si Hyunji ay enough na para mawala ang pagod niya.

“I’m almost home na love, see you hmm? I love you.” sa tuwing sinasambit ni Wendy ang tatlong salitang yun kay Irene, hindi niya mapigilan na balikan ang mga samutsaring alaala bago pa man din silang ikasal.

“I love you too, I’m making hintay na here.” nag hum nalang ang doctor bago niya binaba ang tawag. Makalipas ang ilang minuto, nakapag park narin si Wendy, agad naman siyang sinalubong ni Irene na nagbukas ng pinto ng bahay nila, nakasuot na ng purple na pajamas si Irene. “Very tiring day?” tipid na tumango si Wendy bago niya naramdaman ang yakap ni Irene sa bewang niya.

“You smell so good.” mahinang bulong ni Wendy bago niya sumiksik sa leeg ng CEO, pabirong sinabunutan ni Irene ang doctor kaya naman natawa nalang si Wendy sa ginawa ni Irene.

“Tigilan mo ako, napagod ako today kay Hyunji.” narinig ang halakhak ng doctor sa may parking area nila, pati si Irene ay natawa nalang habang pabirong sinasakal ang asawa niya na tawang tawa. “Hyunji made something for you pala love.” hinawakan ni Irene ang kamay ni Wendy bago sila pumasok sa loob ng bahay nila. Napangiti si Wendy, wala na talang papalit sa pakiramdam na umuuwi siya sa tahanan niya, makikita niya si Irene o paminsan si Hyunji na naglalaro o nakikipagusap kay manang.

Binuksan ni Irene ang nakatakip sa may table, bumungad kay Wendy ang dalawang rice ball at bibimbap. “She helped you tonight?” tumango si Irene bago inabot kay Wendy ang chopsticks at spoon niya. Bakas sa mukha ni Wendy ang saya habang pinipicturan niya ang pagkain na gawa ni Irene at Hyunji.

“She was so excited, triny niya mag stay gising pero she’s miserably failing love.” medyo natatawa si Irene habang inaayos ang buhok ni Wendy, kumuha si Wendy ng isang rice ball bago niya tinikman, nakita ni Irene kung pano kuminang ang mata ng asawa niya. “She’s a very good assistant, siya nagisip ng combination niyan. Masarap diba?” tumango naman si Wendy bago sinubuan si Irene nung rice ball.

“Nakuha ata ni Hyunji magic hands mo love.” napailing nalang si Irene bago niya hinalo ang bibimbap ni Wendy, excited ang doctor habang nakatingin sa bibimbap. Sa mga oras na ito, walang ibang nararamdaman si Wendy kundi contentment at kasiyahan.

“And Hyunji really got your greasiness. That girl is so nakakatawa love.” tumatawa si Irene habang umiinom mula sa baso ni Wendy ng orange juice, binaba ng doctor ang spoon niya bago tumingin sa asawa niya. “She literally winked at me earlier and even use her daliri to make baril baril.” hindi mapiglan ni Wendy na matawa dahil naiimagine niya talaga si Hyunji na ginagawa iyon.

Sigurado si Wendy na nakuha ni Hyunji yun sa tuwing naiinis si Irene sa kaniya dahil madalas na ginagawa ito ni Wendy para mapatawa ang cold na CEO. “Well di ko idedeny, she got that from me.” napailing nalang si Irene bago sumandal sa dining chair nila, nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Wendy at naalala pa ni Irene kung paano siya tuluyang nahulog sa doctor. Ang walking green-flag niyang ex-girlfriend, at asawa na ngayon. “Aminin, that trait of Hyunji makes you love her more and more.” hindi naman idedeny ni Irene, isa rin ang pagiging greasy ni Wendy sa mga traits na minahal niya mula sa doctor, ang pagiging mapagmahal, expressive at caring ni Wendy ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit siya humarap sa altar at sumumpa na mamahalin ang asawa niya hanggang sa huling hininga niya.

“I won’t deny, alam mo how much I love your greasiness.” natawa si Wendy bago pumalumbaba, nakatingin lang siya sa mata ni Joohyun. Halos siyam na taon na silang magkasama ni Joohyun sa buhay, pero alam ni Wendy na maikli palang ito at gusto niya pang gumawa ng marami pang magagandang alaala kasama ang CEO.

“And I love you more CEO Bae-Son.” namula ang pisngi ni Joohyun bihira narin kasi siyang iaddress ni Wendy sa CEO title niya. Sa tuwing pinapaalala ni Wendy na isang CEO si Joohyun hindi niya mapigilan na mapunta sa memory lane.

“I love you more Doc Wendy!” natawa si Wendy bago siya nagnakaw ng halik sa labi ni Irene, nakita niyang napangiti ang CEO at wala nang ibang hiniling si Wendy kundi ang makagawa pa siya ng mas marami pang alaala kasama ang pamilya niya.

-

Excited na tumatakbo si Hyunji sa may parking lot, bitbit niya ang family tree na ginawa niya sa school ngayon, sobrang excited siya na ipakita kay Mommy Joohyun niya ito kaya nagrequest siya sa driver nila na ihatid siya sa opisina ni Joohyun para isurprise niya ang mommy niya. “Young miss!” nagulat si Sakura nung makasalubong niya si Hyunji sa may lobby, may bitbit na lunch box si Sakura at gulat na gulat talaga ito dahil madalas na siya ang sumusundo kay Hyunji.

“Ate Sakura! Do you know nasan si mommy?” inayos ni Sakura ang bag ni Hyunji na sobra ang ngiti. Pinisil ni Sakura ang pisngi ni Hyunji bago hinawakan ang kamay ng bata, iniscan ni Sakura ang ID niya bago sila nakapasok ni Hyunji sa may elevator area.

“Nasa meeting pa si mommy mo, do you want me to bring out your coloring books muna?” masayang tumalon talon si Hyunji bago sila pumasok sa loob ng elevator. Napangiti naman si Sakura dahil sobrang cute talaga ni Hyunji.

Agad din naman silang pumasok sa office ni Irene, pinaupo niya si Hyunji sa may couch bago siya naglabas ng apple juice at cookies. Nilabas niya rin ang coloring books at colors ni Hyunji. “Thank you Ate Sakura, can you make kulay kulay with Hyunji?” sandaling napatigil si Sakura, kailangan niya rin kasing bumalik sa conference room para sunduin si Irene at ibrief siya sa susunod niyang schedule.

“But I need to meet your mom pa po, Young miss.” nakita niyang nagpout si Hyunji na hirap na hirap isuksok ang straw sa apple juice niya. Si Sakura

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
90 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them