Special Chapter

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

 

Mabilis ang paglipas ng panahon, pero para kay Wendy, parang ubod ng bagal ang mga bawat araw. Hindi mapigilan ni Wendy ang excitement niya mula nung malaman niya ang balita mula kay Irene.

Tahimik ang buong bahay nila Wendy, napagtanto ng doctor na mas nauna siyang nakauwi kesa sa asawa niya. Napatingin siya sa may orasan bago siya pumunta sa may kusina, naghugas siya ng kamay at kumuha ng tubig bago umakyat papunta sa kwarto nila ni Irene.

Nagulat si Wendy nang makita niya si Irene na nakahiga sa kama, mahimbing ang tulog ng asawa niya at nakita niya ang napakapayapang mukha nito. “Pagod na pagod ka ba ngayong araw?” mahinang bulong ng doctor bago niya nilapag ang bote ng tubig sa may side table. Dali daling chineck ni Wendy ang temperature ni Irene at napabuntong hininga naman siya nung masigurado niyang walang lagnat ang asawa niya. Agad namang napaingit si Irene at dahan dahan na dumilat, “Sorry love, tinignan ko lang kung may lagnat ka. Are you still sleepy?” umiling naman si Irene bago tinapik ang space sa tabi niya, napailing naman si Wendy kaya nagpout ang CEO.

“Why? Ayaw mo na ba ako katabi? Should I sleep sa guest room?” tumaas ang kilay ni Wendy bago mabilis na umiling, nakita niya ang mga nagbabadyang luha sa mata ng asawa niya kaya dali dali niyang hinalikan ang noo ni Irene.

“Galing ako sa hospital love, let me just change hmm? I’ll cuddle with you.” nakita ni Wendy na napangiti si Irene kaya dali daling nagpunta ito sa walk-in closet nila para maghanap ng isusuot niyang comfortable clothes.

“Matagal ka pa ba diyan?” natatawa naman ang doctor dahil wala pang isang minuto simula nung pumasok siya sa loob, dali daling kinuha ni Wendy ang blue niyang pajama set bago nagbihis. “Why are you so tagal ba? You know naman na I don’t like making hintay just to have my cuddles from you!” bakas sa boses ng CEO ang pagkairita kaya napapaisip si Wendy kung bakit ba ganito ang mood ng asawa niya. Medyo naguguluhan siya sa mga kaganapan kaya kesa maramdaman niya ang bagsik at galit ni Bagyong Conyo ay mas minabuti niya nang magmadali.

“Why is my baby so grumpy hmm?” umirap si Irene nung maramdaman niya na humiga na si Wendy sa tabi niya, dali dali siyang niyakap ng doctor bago hinalikan ang pisngi niya. “Ay umiirap si CEO Bae, bakit kaya siya wala sa mood?” nakita ni Irene kung pano inilagay ni Wendy ang daliri niya sa may baba niya para bang nagiisip ito ng sobrang lalim, nakahilig ang ulo ng doctor ng bahagya. Pilit na pinipigilan ni Irene ang mga ngiti niya dahil sobrang cute ng asawa niya ngayon sa paningin niya. “Gusto ba ni CEO Bae ng kiss?” tinakpan naman ni Irene ang labi niya kaya natawa nang bahagya ang doctor. “Ayaw niya ng kiss, hmmm? Gusto niya bang umalis ako?” nag glare naman ang CEO kaya hindi na napigilan ni Wendy ang pagtawa niya. “Mahal na mahal kita Hyun.” hindi parin maintindihan ni Irene kung paano ang mga salitang mahal kita, at I love you mula kay Wendy ay isa parin sa mga dahilan kung bakit siya nagiging emotional.

Madalas magsabi si Wendy ng mga salitang mahal kita at I love you, pero iba parin ang saya at assurance na dala nito para kay Irene. Ilang taon na ba ang lumipas simula nung una niyang marinig ang mga katagang yan mula sa doctor, taon na ang lumipas pero parehas o mas dapat na sabihin ni Irene ay mas lumalim pa ang kahulugan at halaga ng mga salitang iyon mula sa doctor.

Napapaisip ang ceo, kung paano mababago ang takbo ng buhay nila ni Wendy sa mga darating na buwan, paano magbabago ang buhay nila sa pagdating ng isa sa mga inaasam ni Wendy. Paano magbabago ang buhay nila kapag malaman na ng doctor ang isang buwan nang sinesekreto ni Irene. “Mahal na mahal din kita Wan.” hinalikan ni Wendy ang sintido ni Irene bago siya tumango tango na parang bata. Hindi mapigilan ni Irene na mas lalo pang mapamahal sa taong minamahal niya na nang lubos.

“I heard a funny story kay Byul kanina.” umayos ng higa si Wendy kaya naman inihilig ni Irene ang ulo niya sa may dibdib ni Wendy. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso ng asawa niya na agad na nagpangiti sa kaniya. “Nakita ka daw niya sa hospital a month ago, pero I can’t recall na vinisit mo ko sa work last month.” napalunok si Irene at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya, hindi niya kasi alam kung paano niya sasabihin kay Wendy ang balita. Gusto niyang gawing espesyal ito. Pero paano niya ito ilulusot ngayon? “Nagpacheck up ka ba? I can’t ask my staff naman kasi because of the NDA. Are you feeling sick lately mahal?” dama ni Irene ang pagaalala ng doctor, kaya dali dali siyang umiling saka sumiksik sa leeg ng asawa niya. Pilit niyang pinapakalma sarili niya.

“C..can you get my handbag?” tumango naman si Wendy bago siya dahan dahan na tumayo mula sa kama. Umupo naman ang CEO habang tinitignan si Wendy.

“Yung binigay ko ba love na Hermès?” naghum naman ang CEO habang pilit na pinapakalma ang sarili niya. Hindi kasi sigurado si Irene sa magiging reaction ni Wendy, hindi rin kasi expected na magiging ganito kadali dahil sa doctor na nanggaling na may mga pagkakataon na nagfafail sa unang try lalo na’t stressed si Irene dahil sa nature ng trabaho niya.

Pagkaabot ni Wendy sa handbag ay dali dali siyang umupo sa tabi ni Irene, pinagmamasadan niya ang bawat kilos ng asawa niya na may hinahanap sa may bag niya. Nagulat si Wendy nung maglabas si Irene ng isang brown envelope, nakita rin ni Wendy ang pangalan ni Kim Hyoyeon na OB-Gyn sa hospital nila, siya rin ang OB rin ni Irene. Napalunok naman siya at unti unti niyang napagdidikit ang mga pieces ng puzzle. “I was delayed kasi last month, and madalas na my head is so masakit.” nakita ni Wendy ang kaba sa mga mata ni Irene, napalunok pa ang asawa niya habang dahan dahan na binubukas ang envelope. “I easily get pagod din that is why I made punta dun last month. I made tanong kay Hyoyeon eonnie if it was a good sign.” napakagat si Irene sa ibabang labi niya bago siya napahugot ng malalim na hiniga. Grabe ang tension sa katawan niya, hindi siya makatingin sa mga mata ni Wendy kaya hindi niya mabasa ang laman ng isip ng asawa niya. “Even Hyoyeon eonnie was so gulat kasi she didn’t expect it to be so bilis.” sa unang pagkakataon tumingin si Irene at nakita niyang naluluha ang doctor kaya naramdaman narin ni Irene ang pagtulo ng mga luha niya.

“Joohyun, love. Come here.” dahan dahan na lumapit si Irene sa asawa niya bago siya nito pinaupo sa may lap niya. Pinunasan ni Wendy ang mga luha mula sa mata ng ceo. “Thank you for making me the happiest person in this world.” naramdaman nalang ni Irene ang paghikbi ni Wendy. Humigpit ang yakap ng doctor sa may bewang niya, dama niya ang pagmamahal at pagaalaga ng asawa niya sa mga oras na ito. “I’ll take care and love of you until the end, that’s my promise love.” alam ni Irene na ayaw ni Wendy ng mga pangako pero sa mga oras na ito alam ni Irene na kailan man hindi siya bibitawan ni Wendy, kagaya ng pagtulong niya sa kaniya sa mga oras na nasasaktan siya.

Alam ni Irene na hindi siya iiwan ni Wendy lalo na’t bubuksan nila ang bagong yugto ng mga buhay nila.

-

Napatingin si Wendy sa may orasan pagkalabas niya ng OR, hindi niya akalain na aabutin nang anim na oras ang bypass surgery niya today. Ramdam ni Wendy ang pagod sa leeg niya pati mga hita niya habang naghuhugas ng kamay. “Pagod na pagod bossing?” halos matumba si Wendy sa gulat nung marinig niya ang boses ng pinsan niyang si Moonbyul na natawa nalang rin sa reaction ng kapwa surgeon niya. “Oh, eto pinapabigay ng asawa mo.” nagulat si Wendy nung ilapag ni Moonbyul ang strabucks na americano. “Makulit na nga siya nung di pa buntis pero ngayon mas lalo naging makulit. Paano ka nakakakeep up.” natawa nalang rin si Wendy bago binasa ang nakasulat sa baso.

“See you, future mommy! You did well.”

Hindi mapigilan ni Wendy na mas lalo pang maexcite na makita at mahawakan na ang anak nila ni Irene. “Salamat Byul, balik muna ko sa office ko tra-transfer palang naman patient ko.” tumango naman si Moonbyul, kaya lumabas narin ng OR ang doctor. Nagbow nalang ito sa pamilya ng pasyente niya bago pinindot ang elevator button. Ramdam ni Wendy ang bigat ng balikat niya dahil sa pagod, gusto niya munang maupo at ipikit ang mata niya kahit ng ilang minuto.

Sa loob ng elevator nakasabay niya ang ilang nurses na nakangiti. “Ang cute nung asawa ni Doc Wendy ano? Kanina niya pa kinakausap yung secretary ni Doc sabay pa sila kumakain.” napangiti naman si Wendy habang nakikinig sa usapan ng mga nurse na hindi ata alam na nasa harap siya.

“Sinabi mo pa, ang ganda rin niya eh no. Grabe swerte nila sa isa’t isa. Kala ko pa naman free pa yun si Doc Wendy.” napailing nalang si Wendy nung bumukas ang elevator, nagbigay daan siya sa mga nurses na sobrang gulat na gulat nung makita siya.

Pagkadating ni Wendy sa floor ng opisina niya, nakita niya si Nayeon na may hawak na apple. “Para kay Hyun ba yan?” tumango naman si Nayeon bago ngumiti sa doctor.

“Kanina pa siya naghahanap ng fruits doc, naka kain na pala siya ng mangoes.” ngumiti si Wendy saka kinuha ang dalawang piraso ng apple. Excited siya na makita si Irene pagkatapos nang anim na oras niyang surgery.

Dahan dahan na binuksan ni Wendy ang pinto at nakita niyang nakaupo si Irene habang tinitigan ang mga picture nilang dalawa sa mesa ni Wendy. “I wonder if Wendy still isip na I’m hot and pretty even if I’m gaining weight” napahinto si Wendy nung marinig niya yun mula kay Irene, hindi niya lubos maisip na maiisip iyon ng asawa niya. Alam ni Wendy na sobrang confident ng CEO. “I really look different, I should make tigil na to kain.” napailing naman ang doctor bago lumapit kay Irene na nagulat nung makita siya sa loob ng opisina. “Oh! You are here na pala.” para namang nagsuot ng maskara si Irene para itago ang insecurities niya pero hindi ito pinalampas ni Wendy.

Nilapag ng doctor ang kape niya at ang apples na hawak niya bago tumingin kay Irene. “Why are you so pretty hmm?” hindi mapigilan ni Irene na iwasan ang mata ni Wendy, lalo na’t ngayong kinakain siya ng insecurities niya. Paano nagagawang sabihin ni Wendy na maganda siya kung pakiramdam ni Irene na sobrang lakin a ng mga pinagbago niya.

“Am I pretty?” maliit at mababa ang tono ng boses ng CEO, nakayuko rin ito habang nakapatong ang kamay niya sa may baby bump niya. Umupo naman si Wendy sa may mesa niya habang tinitignan ang asawa niya. “I don’t look like Bae Joohyun anymore, di na ako yung first mo na nakita. The one you fell in love with.” bakas sa tono ng boses ni Joohyun ang takot at insecurities niya, hindi parin niya magawang tumingin sa mga mata ng doctor.

Kinuha ni Wendy ang isang apple bago ito biniyak sa gitna gamit ang dalawang kamay niya. “But you are Bae Joohyun to me.” matipid ang sagot ng doctor pero hindi alam ni Irene kung bakit iba ang atake ng mga salitang yun para sa kaniya. Nakangiti si Wendy na inabot ang apple sa asawa niya. “Ikaw si Bae Joohyun, ikaw yung babaeng mahal na mahal ko.” cinup ni Wendy ang fluffy cheeks ni Irene at hindi niya napigilian inuzzle ang mukha nila sa isa’t isa. “Ang ganda ganda mo mahal, sobra sobra.” nakapout ang ceo habang nakatingin sa asawa niya, hawak parin ni Irene ang apple sa may kamay niya kaya si Wendy na mismo ang nagpakagat sa kaniya gamit ang kalahating parte ng mansanas. “Kanina lang tinawag kang cute nang ilang nurse sa loob ng elevator. Kinabahan tuloy ako ng bahagya, daming fangirls ng misis ko.” simple lang naman ang mga salitang binibitawan ni Wendy pero iba ang atake at pagmamahal na nararamdaman ni Irene dahil sa mga salitang ito. “Sorry for making you wait long, di ko akalain na aabutin ng ganun katagal love. Were you bored?” umiling naman agad si Irene bago niyakap ang bewang ng asawa niya. Napangiti naman si Wendy dahil sobrang mas naging clingy talaga si Irene sa kaniya simula nung dumating ang balita sa kanila.

“No, okay lang, Nayeon was such a good companion. Nakasleep rin ako after eating kanina.” inayos ni Irene ang maikling buhok ng asawa niya bago siya tumingin sa mga mata nito. Bakas sa mukha ni Wendy ang pagod, ilang linggo narin kasing on call si Wendy at sa dami ng mga beses na kinailangan niyang pumunta agad sa hospital alam ni Irene na pagod na pagod ang asawa niya.

Saglit na napaisip si Irene, paano kaya ang magiging buhay nila sa pagdating ng anak nila? Hindi na makapagantay si Irene sa pagdating nito.

-

Ngayon nakaramdam ng pagsisisi si Irene, nakahiga siya sa may kama nila ni Wendy habang pilit na pinapakalma ang sarili niya. “Why did I even make away her.” napabuntong hininga ang CEO habang tinitignan ang pintuan ng kwarto nila, umaasang babalik ang doctor na pinalabas niya kani kanina lang. Dahan dahan na inabot ng CEO ang cellphone niya sa may mesa bago siya bumuntong hininga ulit. “Manang… nandyan po ba si Seungwan sa sala?” kinagat ni Irene ang ibabang labi niya bago siya napapikit, iba na talaga ang nararamdaman niya at sobrang kinakabahan narin siya.

“Oo, bakit? Nandito siya nakaupo tinitignan mga laruan ni Hyunji.” napakapit ng mahigpit si Irene sa cellphone niya nung maramdaman niya ang kakaibang sakit. “Irene anak? Okay ka lang ba?” hindi makasagot si Irene kaya dali dali naring tumakbo pabalik sa taas ang doctor.

Pagkapasok ni Wendy ay agad agad siyang lumuhod sa may kama para icheck si Irene. “Love, look at me. Calm down hmm. Hinga ka lang. I’ll just get the car ready. You’ll be okay.” tumango naman si Irene, tatayo na sana si Wendy pero hinawakan ni Irene ang kamay ng doctor habang humihinga ng malalim.

“Can you just make sabi sa driver, I want you here.” napangiti naman si Wendy bago tumango saka hinalikan ang noo ni Irene. Agad namang sumunod ang driver ni Wendy kaya dahan dahan naring pinaupo ng doctor ang asawa niya. “Is Hyunji okay?” tumango si Wendy habang minamasahe ang kamay ni Irene.

“Kaya mo ba maglakad? Or do you want me to carry you?” agad na umiling si Irene, ayaw niya naman na pahirapan si Wendy kaya dahan dahan siy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
90 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them