Roleplayer no more.

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

 Isang buntong na hininga, napapikit ang doctor habang hawak niya ang susi ng sasakyan niya. Tahimik niyang tinatahak ang lugar kung saan niya hinanda ang little surprise niya para sa CEO. Tinatap ni Wendy ang steering wheel niya habang nakatingin sa may bintana. "Bakit ba ako sobrang kinakabahan." bulong ni Wendy habang inaantay na mag green ang stoplight. Naririnig niya ang tunog mula sa radio ng sasakyan niya. "First, I need to pick up manang." napatingin si Wendy sa may gps niya, napangiti naman siya nang makita niya ang isa sa unang destination niya bago direktang pumunta sa lugar kung saan niya hinanda ang isang special date para sa CEO. 

After ilang minuto, huminto ang sasakyan ni Wendy sa tapat ng isang bilihan ng bulaklak, agad rin siyang bumusina at binaba ang bintana ng sasakyan niya. Nakita niya na nakanagiti si manang habang may hawak na dalawang bulaklak. "Pasensya na ha at dito pa ako nagpasundo, ito kasi ang mga paborito nilang bulaklak kaya naman sinadya ko pa dito." umiling naman ang doctor saka ngumiti, tinuro rin ni Wendy ang seatbelt kaya agad na inabot ito ng matanda. "Ay sigurado ako magugulat si Joohyun sa dami nang mangyayari ngayong araw na ito. Sobrang salamat doc ha?" tumingin si Wendy kay manang bago binalik ang tingin sa daan. Hindi alam ni Wendy kung bakit siya pinapasalamatan ni Yeri pati narin ni manang. 

"Hindi po manang, ako po ang dapat magpasalamat sa inyo." nakita ni Wendy ang mga masasayang mata ng matanda na nakatingin sa kaniya kaya naman nagpatuloy ito. "Alam ko po na mahirap magtiwala ulit pagkatapos nang nangyari kay Joohyun, dahil kayo narin naman po ang tumatayong magulang niya sobrang nagpapasalamat po ako na binigay niyo ang tiwala niyo sakin. Hindi po ako mahilig sa mga pangako, pero kaya ko pong sabihin sa inyo ng buong loob, walang duda mamahalin ko po si Joohyun, hindi lang po si Joohyun, pati narin po si Yerim." naramdaman ni Wendy ang kamay ni manang sa mga kamay niya, sa mga oras na ito sobrang nagpapasalamat si Wendy sa pagtanggap ng pamilya ni Irene sa kaniya. Hindi niya lubos maisip na mahahanap niya ang mga sagot sa tanong niya, hindi niya lubos maisip na mahahanap niya ang isa sa mga pangarap niya sa loob ng halos limang buwan. 

"Ngayon napagtanto ko na kung bakit nagustuhan ka ni Joohyun, napaka swerte ng anak ko na matagpuan niya ang isang tao na katulad mo. Hindi ko lubos maisip na makita ko si Joohyun na nakangiti sa kwarto niya habang hawak ang cellphone niya, madalas kasi ay palagi lang itong nagbabasa ng kung ano ano bang mga graph graph ayun anak." natawa naman ng bahagya si Wendy habang tinitignan si manang na nageexplain sa hobby ng CEO. "Di ko lubos maisip na maririnig ko siyang sumisigaw nang mananggggggggggggg Wendy is so cute!! Alam ko naman na malinis ang intensyon mo sa anak ko, alam kong masaya rin si Joohyun na kasama ka." naramdaman ni Wendy ang isang mahinang tapik sa balikat niya, at sam ga oras na ito, alam ni Wendy na hindi kailan man niya magagawang saktan si Irene at sirain ang tiwala nila. 

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na sila Wendy sa una nilang destinasyon, nakatayo lang siya sa likod ni manang na agad nagbow sa dalawang urns sa harap niya. "Aigoo, medyo matagal na rin simula nung huling bisita namen ano? Birthday pa nung dalawang bata last year ang huli." pinanood ni Wendy na inaayos ng matanda ang family picture nila Irene sa may loob ng niche. "Ang bata pa ni Joohyun at ni Yerim dito ano? Di ko lubos maisip na maaga silang mangungulila sa inyong dalawa. Siya nga pala may kasama ako, alam mo ba ang anak mo aba'y parang ikaw din Eugene, nakahanap ng taong kasing bait ni Hyunbin." agad na nag full body bow si Wendy bilang pag galang sa mga magulang ni Joohyun. Ngumiti naman si manang saka tumayo sa likod ni Wendy. 

Napalunok ang doctor saka siya ngumiti nung makita ang family picture nila Irene, sobrang cute ni Irene na nakatayo sa harap ng papa niya at si Yerim na may hawak na ice cream. "It's my pleasure to finally meet you and show my respect po." nagbow ulit ang doctor saka inayos ang candle na sinindihan niya. Bumuntong hininga ito saka nagpatuloy. "My name is Son Seungwan po, I'm a surgeon po. I'm here to show my respect and to ask for your blessing, alam ko po na pinagkatiwala niyo na sila Joohyun kay manang pero kayo parin po ang magulang ni Joohyun and I know this is the right thing to do." hindi mapigilan ni Wendy ang pagsibol ng mga ngiti niya habang pinagmamasadan ang picture sa harap niya. "So Joohyun really got her expressive eyes from you po ma'am. Your daughter is probably one of the most beautiful girl that I ever laid my eyes on." narinig ni Wendy ang mahinang tawa ni manang kaya agad siyang namula habang nakatingin lang sa urn ng parents ni Irene. "I'm here to politely ask for your blessing, I'm planning to ask your princess to be my girlfriend today ma'am." alam ni manang na kung nandidito ang magulang ni Irene, siguradong sigurado siya na bibigyan nila ng basbas si Wendy at panigurado ay buo rin ang tiwala ng mga ito sa doctor. 

"Sigurado ako na bibigyan ka ni Eugene ng basbas, at panigurado ako na pagkakatiwalaan ka rin niya Wendy. Alam kong hindi mo sasaktan si Irene at malinis ang intention mo. Sobrang natutuwa ako na nandito ka ngayon at nakikita ko ang respeto mo hindi lamang kay Irene, pati narin saakin at kay Yeri. Higit sa lahat nakikita ko kung gaano mo nirerespeto ang mga magulang ni Irene." naramdaman nalang ni Wendy na niyakap siya ni manang kaya naman niyakap niya nalang ito pabalik saka siya ngumiti. "Ni hindi ito ginawa ni Seulgi, kaya alam ko na ibang iba ka talaga sakaniya. Wendy anak, salamat, salamat sa pagmamahal mo kay Irene." at sigurado si Wendy, hindi niya kailan man magagawang saktan si Irene. 

-

Napabuntong hininga si Irene habang nakatingin sa cellphone niya, mabilis ang tibok ng puso ni Irene at hindi rin siya mapakali. Sa mga oras na ito, isa lang naman ang gusto niya, gusto niya na makita si Wendy pagkatapos ng isang draining business trip niya gusto niya lang matulog sa tabi ni Wendy. "We didn't even make kita for a week and yet she's making so tagal." mahinang bulong ni Irene, narinig niya ang pagtawa ng kapatid niyang si Yerim na pumasok sa kwarto ni Wendy. 

"Ang arte arte mo ate! Tara na." napairap nalang si Irene saka siya tumayo para samaan ng tingin si Yerim. Tumatawa ito habang nakataas ang kamay at para bang sumusuko ito sa ate niyang ubod ng nakakatakot ngayon. "Ate grabe yung allowance ko good for ilang weeks yun?" pumalatak si Irene bago sila nagsimulang lumabas ni Yeri ng penthouse ni Wendy. Nakahawak ang CEO sa clutch bag niya habang nakatayo sila sa loob ng elevator. 

"One year kung hindi ka titino." siniko ni Yeri ang CEO kaya agad siyang tinaasan ng kilay neto. Palihim na umirap si Yerim habang hawak hawak ang cellphone niya. 

"Tawagan ko kaya si Doc ngayon tapos sabihin ko di pa late para mag back out, sigurado na ba siyang ikaw gusto niya." Para namang wish nalang ni Yerim na biglang mabutas ang elevator at lamunin nalang siya nito pababa, ramdam niya ang lalim ng titig ng ate niya at damang dama niya ang nakasalubong na kilay nito na handa nang wakasan ang buhay niya. Awkward na tumawa ang nakakabatang Bae bago siya lumabas ng elevator nung makarating ito sa parking. "Grabe ang ganda mabuhay sa mundong ibabaw." agad na pinindot ni Yeri ang susi ng sasakyan niya bago siya tumawa ng awkward. Narinig niya nalang na sumara ang pinto ng sasakyan niya at nakita niyang nakaupo ang ate niya sa likod. 

"Mas gaganda at sasaya buhay mo kapag tumino tino ka Bae Yerim." tumawa ng awkward ang nakakabatang Bae, pumalakpak pa ito pero hindi parin nagbabago ang talim ng tingin ng ate niya. Si CEO Bae ata ang nasa harap ni Yerim ngayon at parang paglalamayan na siya bago matapos ang araw na ito. 

"Uy nagtext si Doc!" tinignan ni Yerim ang reaction ni Irene, nakita niyang naging soft ang expression ng mukha ng CEO kaya pilit na pinigilan ni Yerim ang pagsibol ng ngiti niya. "Di ko na alam gagawin ko sayo." mahinang bulong ni Yerim bago siya nagsimulang mag drive papunta sa destination nila. Masaya si Yerim ngayon, sobrang saya niya na makita ang ate niya na masaya, sobrang saya niya na makita ang ate niya na nagmamahal muli at sobrang saya ni Yerim dahil nakatagpo si Irene ng taong tanggap siya ng buo at taong tunay na nagmamahal sa kaniya. "Are you happy ate?" mahina ang boses ni Yerim, pero nakita niyang tumingin ang ate niya sa kaniya dahil sa rear view mirror. 

"She makes me the happiest woman in this world. Maraming bagay akong gustong ipagpasalamat Yerim at isa sa mga pasasalamat ko ay yung fact na I was given the chance to fall in love with someone as genuine as Seungwan." nakita ni Yerim ang kinang sa mga mata ng ate niya, ibang iba ito sa matang nakita niya matapos niyang magising sa hospital. Sa mga oras na ito, masayang masaya si Yerim, masaya siyang makita ang kinang sa mga mata ng ate niya. "You were right, she's really different, I won't even waste this opportunity. The opportunity to show her how much I love her too. I want to spend my life with her." ngumiti si Yerim at ngumiti rin ang ate niya sa kaniya. 

"I'm so happy to see you being happily in love ate. You deserve it, deserve ka ni Doc and you deserve the love that she's giving you too." siguradong sigurado si Yerim na hindi niya kailan man makikita ang ate niya na masasaktan sa piling ni Seungwan. Sa piling ng taong mahal na mahal siya. Makalipas ang ilang minuto pinark ni Yerim ang sasak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
96 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them