Christmas Special

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Pasko, malapit na ang araw ng pasko, malamig narin ang Seoul at alam ni Wendy na ito ang pinaka ayaw na panahon ng asawa niya. Napatingin ang doctor sa may desk calendar niya, tatlong linggo nalang at pasko na. Hindi parin naman nila napaguusapan ni Irene kung ano ang plano nila sa araw na iyon. 

Hindi naman ito ang unang pasko nila na magkasama, napaisip si Wendy kung paano nila sinalubong ang unang pasko nila noong mag jowa palang sila. Napangiti si Wendy nung maalala niya na nasa Universal Studio sila hanggang magsara ito, bago sila bumalik sa hotel at nag dinner. Simple lang ang naging unang pasko nila pero sobrang espesyal iyon para sa doctor. "Doc Wendy? Next surgery niyo po ay nakaschedule for 3, ano pong gusto niyong pagkain?" napatingin si Wendy sa secretary niya na nakatayo sa may pinto niya, kinuha naman ni Wendy ang cellphone niya, alas dose palang may halos tatlong oras pa siya pwede niya pang yayain si Irene na kumain ng sabay bago siya bumalik sa hospital. 

"Sa labas ako kakain today, thank you." nag bow naman ang secretary niya at sinara ang pinto. Dali daling kinuha ni Wendy ang cellphone niya saka tinawagan si Irene. Ilang seguno ang lumipas bago ito sinagot ng CEO. 

"I'm sorry love, I'm making basa kasi the bagong report na galing sa design team. Why is there a problema?" napangiti si Wendy nang marinig niya ang boses ni Irene sa kabilang linya. Hindi lubos maisip ni Wendy na hindi niya na kailangan malayo sa piling ng asawa niya dahil nakabase na ito ngayon sa Seoul at hindi na sa Japan. 

"Should we make kain together?" narinig ni Wendy na nilapag ni Irene ang pen niya bago ito bumuntong hininga. Kabisado na ni Wendy ang asawa niya, sigurado ito na napatingin si Irene sa orasan at hindi niya na namalayan ang paglipas ng oras. 

"Are you going to make bili some food and dala it here?" tumayo si Wendy mula sa upuan niya bago niya kinuha ang coat niya na nakahang sa may upuan niya. Napakalamig na talaga ng panahon ngayon at parang gusto nalang ni Wendy na manatili sa yakap ni Irene. 

"Opo, can you tell me what you want to eat?" sandaling natahimik ang kabilang linya, nakatayo na si Wendy ngayon sa loob ng elevator niya at papunta na sa parking lot. 

"Hmmm I'm craving stew and dumplings, can we make kain those love?"  nag hum naman ang dcotor bago siya sumakay sa loob ng sasakyan niya. Nagpapasalamat si Wendy na hindi malayo ang opisina ni Irene sa hospital nila kaya madali lang na nakakapunta ito sa tuwing gusto nilang kumain ng sabay. 

"I'll be there love, see you." binaba ng doctor ang tawag bago tinahak ang daan papunta sa opisina ni Irene. 

Ilang minuto ang lumipas bago nakarating si Wendy sa company ng asawa niya, pinark niya ang sasakyan niya sa reserved para sa kaniya. Katabi ito ng sasakyan ng CEO. Bumaba narin ang doctor bitbit ang mga pagkain na pinabili ni Irene. Pagpasok niya sa loob ng building nila Irene ay agad agad rin siyang binati ng guard. "Magandang tanghali po doc." ngumiti si Wendy saka tinapik ang balikat ng guard. 

"Grabe si CEO Bae no? Napaiyak niya yung mga presenter kanina." narinig ni Wendy na naguusap ang dalawang babae sa loob ng elevator. Napangisi nalang si Wendy habang patuloy na nakikinig sa usapan ng dalawang babaeng nakatayo sa harap niya. "Dahil sa color yun no? Grabe iyak nung babae. Pwede niya naman kausapin ng maayos." hinilig ni Wendy ang ulo niya sa may left side bago siya tumawa ng bahagya. 

Tumingin naman ang babae sa kaniya bago ito napalunok."Yare tayo, asawa yan ni miss Bae." dali dali na lumabas ang dalawang employee at naiwan nalang ang doctor sa loob, binigyan niya ng tipid na ngiti ang dalawa bago pinindot ang elevator button para magsara ito.

Pagkadating ni Wendy sa floor ng office ni Wendy, sinalubong siya agad ni Sakura bago siya pinagbuksan ng pinto. Nakita niyang busy si Irene na nakafocus lang sa may laptop niya. Hindi namalayan ng business woman na nandito na pala si Wendy, nagulat na lamang si Irene nung halikan ni Wendy ang pisngi niya. "Oh, you are here na pala." tumango si Wendy habang nakangiti kay Irene, agad na sinara ni Irene ang laptop niya bago tumayo. Si Wendy naman ay agad na niyakap si Irene na napangiti nalang rin. "We meet each other naman earlier love." nag pout ang doctor bago hinigpitan pa ang yakap sa bewang ng business woman.

"I know, pero namiss parin kita." natawa nalang si Irene bago pinisil ang pisngi ng asawa niya, dali dali naring hinila ni Irene si Wendy para makaupo na sila sa may sofa. "Stressful day for you?" umiling si Irene habang nilalabas ang mga pagkain na binili ng doctor, sa halos anim na buwan nilang kasal, nasanay na si Irene na mas nauuna siyang umuuwi sa bahay kaya nagkakaroon pa siya ng pagkakataon na maghanda at pagsilbihan si Wendy.

Maalaga rin si Wendy, sobra pa nga, sa mga oras na nahihirapan si Irene palagi siyang nandiyan para tulungan at alagaan siya. "It's pasko na love, where should we make salubong?" sinubuan ni Irene si Wendy na busy na nagbubukas ng bottle ng lemon juice. Napangiti naman ang CEO nung makitang ngumunguya si Wendy. 

"Hmm, it's our unang pasko sa bahay natin, I think we should stay there. Then visit your parents the day after?" patuloy na kumain si Irene bago tumango sa suggestion ni Wendy, nagsimula narin kumain ang doctor, nakasandal ito sa sofa habang hawak ang bibimbap niya. "May ibang suggestion ka pa ba?" inipit ni Wendy ang buhok ni Irene sa may tenga niya bago siya nagpatuloy ulit sa pagkain. 

Sumandal rin si Irene sa sofa habang umiinom ng lemon juice. "I just made isip if we can make punta rin sa Bali?  Super on call karin kasi lately love, I want to spend more oras with you." pinisil ni Irene ang pisngi ni Wendy. Totoo naman ang sinasabi ni Irene, madalas ay nauuna nang natutulog si Irene at mararamdaman niya nalang na humihiga sa tabi niya si Wendy ng mga bandang madaling araw. Naiintindihan naman niya ang nature ng trabaho ng doctor, may mga oras talaga na hindi nila pwedeng gawin ang mga bagay na gusto nila, at may mga pagkakataon na hindi masusunod ang mga gusto nilang gawin. 

Alam rin ni Irene na hindi hawak ni Wendy ang oras niya, hindi siya kagaya ng mga ibang nagtratrabaho na may fix schedule, may mga oras na kinakailangan ni Wendy na manatili sa ospital sa loob ng mahabang oras, at minsa'y puwede pa itong abutin ng araw. "Maldives ayaw mo?" sumandal si Irene sa balikat ni Wendy habang kumakain pa ang doctor. Hindi naman maarte si Irene sa mga bansang pinupuntahan nila, basta kasama niya si Wendy sigurado siya na magiging masaya ito. 

"Anywhere, I only gusto na we are magkasama." nilapag ni Wendy ang bowl ng bibimbap niya bago hinawakan ang kamay ni Irene. Natawa ng bahagya ang doctor habang nilalaro ang daliri ng asawa niya. "What's funny?" tanong ni Irene habang nakatingin sa wedding ring nila ni Wendy, hindi niya parin mapigilan na mapangiti sa tuwing nakikita niya ang tanda ng pagmamahalan at sumpaan nila ni Wendy. 

"Ang cute mo, what if sabihin ko samahan mo ako sa mission ko sa Tuvalu?" nag hum si Irene bago tumingin kay Wendy, nakangiti ang doctor habang hawak parin ang kamay ng asawa niya. Agad agad na tumango si Irene. 

"I can go anywhere, basta nandoon ka mahal."  alam ni Irene na iyon ang totoo, basta nandoon si Wendy palaging handang sumama si Irene. 

-

Nilapag ni Irene ang pagkain sa harap nang kapatid niyang si Yerim, galing ito mula sa school at Saturday class niya. Buti nalang at pumunta ang nakakabatang Bae sa bahay nila dahil magisa ngayon si Irene, nag ka emergency sa hospital si Wendy. Nakasimangot ang business woman dahil ang kanilang scheduled grocery date ay na postpone. "Simangot na simangot ka naman ate, hindi ka ba masaya na binisita ka ng pinaka maganda at mabait mong kapatid?" umirap si Irene at padabog na nilapag ang cellphone niya sa may mesa, natawa nalang si Yerim habang pinapanood ang ate niya na naglalabas rin ng dessert mula sa ref nila. 

"Tigilan mo ako Bae Yerim! Ikaw lang kapatid ko wala akong ibang choice!" humiga nalang si Irene sa couch nila ni Wendy habang pinapanood si Yerim na kumakain, imbes na magkasama sila ni Wendy ngayon, maagang umalis ito, alas kwatro palang ay naiwan nang magisa si Irene sa kwarto nila nung nagmadaling umalis ang doctor. 

"Lugmok na lugmok sa kahirapan naman ito, di ka ba kiniss bago umalis ha?" natatawa si Yerim habang kumakain ng pancakes, nakita niyang hinagis ng ate niya ang unan papunta sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. "Di ka ba nadidiligan ni Doc ha?!" nagulat si Yeri nung agad agad na tumayo si Irene, dali dali ring tumawa ang nakakabatang Bae bago ito tumakbo palayo sa ate niya na mukhang galit na galit na kuneho ngayon. Nakasalubong ang mga kilay ni Irene habang nanlilisik ang mga mata. "Easy easy! Kalma lang baka naman sa Pas..." di natapos ni Yerim ang sasabihin niya nung maabutan siya ng ate niya, dali daling piningot ni Irene ang tenga ni Yerim bago ito hinila papunta sa sala. "A..Ate aray!! Susumbong kita kay manang!" pilit na inaalis ni Yerim ang kamay ng ate niya sa tenga niya pero hindi nagpapatinag si Irene. Medyo natatawa ang nakakabatang Bae dahil ramdam niya ang pagkairita at inis ng business woman. Sandali ring napaisip si Yerim, gusto niya rin kasi kumitang pangkabuhayan ngayon kaya siya nagpunta dito. 

Dapat talaga dalawa ang bubudulin niya, hindi lang si Irene pati narin si Wendy pero mukhang isa lang ang maisasakatuparan niya ngayong araw. "Edi you go make sumbong kay manang! You want I can make sama pa eh!" tawang tawa si Yerim nung umupo sila ng ate niya sa may couch, nakasimangot parin ito habang nakasalampak. 

"Kawawa ka naman ate, sobrang busy ba ni doc kaya ka nagkakaganyan." napairap nalang si Irene, ito kasi ang unang beses na hindi natuloy ang nakasanayan nilang gawin ni Wendy. Alam naman ni Irene na dahil ito sa isang medical emergency pero hindi niya mapigilan na di magtampo at mayamot. Araw nila ni Wendy ito, araw ng day off nila parehas pero eto siya ngayon bwinibwisit ng bubwit niyang kapatid. "Ano plan niyo this Christmas? May gift ka na ba kay Doc?" mas lalong sumimangot ang CEO, simula nung tinanong kasi siya ni Wendy kung ano ba ang gagawin nila sa Pasko ay talagang hindi siya makaisip ng ano mang pwede niyang ibigay sa asawa niya. 

"I can't make isip nga what to give to Seungwan! I'm so stressed na about it!" para namang nanalo sa lotto si Yerim nung marinig niya iyon mula sa ate niya. Kuminang ang mga mata ni Yeri bago siya napatayo mula sa sofa. 

"Gusto mo tanong ko siya ano gusto niya?" nakangisi si Yerim habang pinagmamasdan ang ate niyang lugmok na lugmok ngayon, nakasimangot si Irene habang nakatingin din sa kapatid niya na akala mo ay sugo nang nasa ibaba. "Pero syempre, di naman ako gumagawa ng mga transaction for..." di natapos ni Yerim ang sasabihin niya nung sinenyasan siya nang ate niya na iabot ang bag niya na nasa kwarto nila ni Wendy. Masayang kinuha ni Yerim ang bag ng CEO bago inabot ito. 

"You make sigurado na you will know what she wants ha!" nilabas ni Irene ang checkbook niya habang pinagmamasdan si Yerim na mabilis na tumatango. Nakafocus ang tingin nito sa checkbook ng ate niya kaya napailing nalang rin ang business woman. "Ano ba gagawin mo sa pera Bae Yerim ha?" inabot ni Irene ang sinulatan niyang cheke bago ngumisi nung makitang nanlaki ang mata ni Yerim. "Pamasko mo narin yan magtipid ka naman Yerim." napailing nalang si Irene nung yakapin siya ni Yeri, unti unti niya pang tinutulak ang kapatid niya habang tumatawa. 

"Ate, promise aalamin ko kung ano gusto ni Doc! Thank you ate!" agad agad na nilagay ni Yerim ang checke sa bag niya. "Easy fifty from Ate Joohyun!" tumawa nalang ulit si Irene bago tumayo mula sa couch. Ibinalik niya ang bag niya sa loob ng kwarto nila ni Wendy. 

Yayayain na sana ni Irene si Yerim na umalis nung marinig niyang bumukas ang pinto ng bahay nila. Nakita niya si Wendy na pumasok habang hawak ang long coat sa may kamay niya. "Hyun, I'm home." dali daling nagpunta si Irene sa may pinto nila bago sinalubong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
90 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them