Contact

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Iritang irita si Irene habang naglalakad palabas ng building ng penthouse ni Wendy, naiirita siya sa sarili niya dahil wala na siyang ibang ginawa kung hindi ipahiya ang sarili niya sa harap ni Wendy. Hindi naman siya messy as a person, respected pa nga siya sa field niya, pero bakit ito siya ngayon kay Wendy. "Talaga Irene? Ano bang ginagawa mo?" iritang irita si Irene habang nakatayo at nagaantay ng grab, nakatingin lang siya sa mga dumadaan na sasakyan. Ilang minuto lang ay nagulat siya nung may busina sa harap niya. 

"Di ako grab driver pero pwede naman kita isabay." napairap si Irene habang tinitigan si Wendy, may nakakalokong ngiti sa labi nito habang nakatingin din sa kaniya. "Sinukahan mo kasi isang car ko kahapon, you are so grabe talaga Irene, you are so so lasing na." napabuntong hininga si Irene, talagang puro kahihiyan nalang ang nararamdaman niya. Pwede bang bumukas nalang ang lupa ang kainin nalang siya. "You make me gula...." di natapos ni Wendy ang sasabihin niya nung biglang naglakad palayo si Irene. Tumawa nalang si Wendy bago bumaba ng sasakyan niya para habulin si Irene. "You are so pikon talaga Irene." humarap si Irene sa kaniya, nanlilisik ang mga mata niya at para siyang amazona na handa nang wakasan ang buhay ng doctor sa harap niya. Pero si Wendy ayun nakangiti parin ng nakakaloko sa kaniya. 

"Bakit mo ba ako finofollow? Don't you know na you are nakakairita talaga." natawa na naman si Wendy saka sinundan padin si Irene, sinenyasan lang ng doctor ang guard bago tumalon talon para mas mairita pa si Irene. "Are you a bata? Nakakainis ka na." Ngumisi si Wendy bago umiling nakikita niya ang galit na mata ni Irene na mas lalong nagpakulit kay Wendy.

"Sakay ka na! I'm going to punta..." hindi natapos ni Wendy ang sasabihin niya nung bigla siyang hawakan ni Irene sa balikat niya. Nakikita niya ang panggigigil sa mata ni Irene kaya mas lalo pang nangasar ang doctor. "Oh no Irene that's masakit na you should tigil...." napahagikgik si Wendy nung makita niyang pumikit si Irene, likas talagang mapangasar ang doctor at talaga namang sobrang asarin ng pikon na si Irene. 

"DIBA I SAID NA TO MAKE TIGIL!!! WHY ARE YOU SO NAKAKAIRITA WENDY!" humahagikgik ang doctor habang nakatingin lang kay Irene, galit na galit si Irene na nagmumukha nang konehong galit. "ANO BA GUSTO MO?!" umiling iling si Wendy saka umatras palayo kay Irene natatawa padin ang doctor bago niya pinasok ang kamay niya sa loob ng bulsa niya. Tinititigan niya parin si Irene, hindi niya lubusang maisip na yung isa sa mga respected sa business world ay mapipikon at magdadabog ng ganito sa harap niya ngayon. Super cute ni Irene na nakasalubong ang kilay habang tinitigan si Wendy na sigurado ay pinapatay niya na ng ilang beses sa loob looban niya. 

"I just want to make sure na you'll be home safe." this time si Irene ang napahinto, hindi niya alam kung bakit siya napahinto. Pinagmasdan niya ang mukha ni Wendy, wala na ang nakakalokong ngiti ng doctor at napalitan ito ng concern. "So sakay ka na, it's not safe for you to make sakay sa cabs." umirap si Irene at natawa naman si Wendy, wala narin namang naging choice si Irene kung hindi sumunod kay Wendy. 

Nagulat si Irene nung buksan ni Wendy ang pinto ng sasakyan niya, sinenyasan siya ng doctor na sumakay sa may shotgun seat. Wala naman na siyang ibang choice kung hindi sumakay nalang. Nilibot niya ang paningin niya sa sasakyan ng doctor. "I guess she's a gentlewoman." bulong ni Irene habang tinitignan si Wendy na sumenyas sa guard, nakita niyang sumaludo ito sa kaniya kaya napatingin ulit si Irene kay Wendy na kasasakay lang sa sasakyan niya. Ngumiti ito sa kaniya bago inistart ang ignition ng sasakyan niya. 

"Where to?"  natulala si Irene nung makita niyang ayusin ni Wendy ang maikli niyang buhok, napailing nalang si Wendy saka busy na nagpindot sa may GPS niya. "Can I make tanong kung saan po kayo naglilive?" natauhan naman si Irene bago niya kinurot ang sarili niya. Tumingin si Irene kay Wendy bago tipid na sumagot. 

"Trimage towers." tumango naman si Wendy saka sinuot ang seatbelt niya, sinenyasan niya naman si Irene pero hindi ito nagets ng business woman. Napasinghap si Irene nung ilapit ni Wendy ang mukha niya sa kaniya para abutin ang seatbelt. 

"Oh you make kalma! Ako lang ito." natawa si Wendy saka umayos ng upo, tinitigan niya muna ang gps bago nagsimula magdrive. Gusto tanungin ni Wendy kung kamusta si Irene, pero feeling niya magoover step naman siya. "Buti nalang no walang major injuries kapatid mo, she just need some therapy for her leg." tumango si Irene habang nakatingin sa bintana ng sasakyan ni Wendy, natahimik na naman sila at tanging tunog lang mula sa radio ni Wendy ang naririnig. 

Imagine a house
Way up on a hill
Dog in the yard
The trees in the fields
It's next to the water

Napatingin si Wendy kay Irene, mahina ang boses niya habang kinakanta ang kanta ng HONNE, may maliit na ngiti sa labi ng dalaga habang patuloy siyang kumakanta. Ang kalmado at magandang boses ni Irene ay naririnig sa loob ng sasakyan. Hindi mapigilan ni Wendy na mapangiti habang nakikinig sa boses ni Irene, hindi niya lubos maisip na yung babaeng umiiyak lang kahapon ay ito ngayon kumakanta habang nakangiti. Maraming tanong si Wendy, maraming siyang gustong malaman pero mas pinili niya nalang na ituon ang attention niya sa kalsada at sa pakikinig sa boses ni Irene.  "Do you like HONNE?" nakita ni Wendy na naging bright ang mata ni Irene bago ito tumango bilang kasagutan sa tanong ng doctor. Ito ata ang first time na nagusap sila na sober si Irene at hindi siya nito tinatarayan. 

"Yes I really love them! Sayang nga they went in a concert in Japan kaso I'm so busy that time di ako nakapunta." napangiti si Wendy habang tumatango sa sinabi ni Irene, nakangiti parin ang business woman habang nakatingin sa bintana. For the first time since nung unang sakay ni Irene sa sasakyan niya ito ata ang unang beses na nakita niya na nakangiti ito.

"Malay mo naman may next time pa and you are free." nagpout ang dalaga at mukhang nagmamaktol. Napangiti ulit si Wendy bago niya ibinalik ang tingin sa kalsada. Natawa si Wendy at agad na itinatak sa isip niya ang isa sa mga hilig ni Irene. 

"I wish I can watch them live talaga, it will surely be so amazing." hininto ni Wendy ang sasakyan sa tapat ng building ng penthouse ni Irene, nakat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
88 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them