Wakas

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Sa loob ng dalawang taon, sobrang dami nang pinagdaanan ni Seungwan at ni Joohyun, hindi narin mabilang ng doctor kung ilang beses sila nagkaroon ng bangayan ni Joohyun. Pero sa loob ng dalawang taon na lumipas, napagtanto ni Wendy kung gaano kaganda, at gaano kaworth it ang business woman. Sabi nga nila, ang mundo ay puno ng duda pero para kay Seungwan, si Joohyun ang nagiisang tiyak sa isang milyon na duda. 

Tahimik na nakaupo ang doctor sa loob ng opisina niya, kakatapos lang ng surgery niya at inutusan niya ang nurse niya na bilihan siya ng kape. Isang buong linggo na naman na nasa hospital si Wendy, kaya damang dama niya ang pagod niya para sa linggong ito. Pinikit ni Wendy ang mga mata niya, gusto niyang makita si Irene pero malabo ito dahil nasa Thailand ang girlfriend niya para umattend ng five days business convention. "Sunod kaya ako doon?" mahinang bulong ni Wendy habang nakapikit parin ang mata niya. "Tapos I'll surprise her tomorrow morning?" impulsive talaga si Wendy pag dating kay Irene, tuwing tumatawag si Irene at wala naman siya sa surgery madalas na iniiwan ni Wendy ang trabaho niya o kaya naman dadalin niya nalang ang mga ito para masamahan lang ang girlfriend niya. 

Bumukas ang pinto at nakita niya naman na pumasok ang secretary niya na may bitbit na venti sized americano. "Here's your coffee po doc." tumango naman si Wendy saka ngumiti sa secretary niya. Pagkalapag ng kape niya tinitigan niya ito kaya tumingin rin sa kaniya ang secretary niya. 

"Can you book me the last flight tonight to Thailand. Thank you. Tapos pasend nalang saken yung  light itinerary" agad na tumango ang secretary niya, si Wendy naman ngumiti nalang bago rin tumayo para maghanda umuwi sa bahay niya (bahay narin ni Irene). "Thank you for today." nagbow ang secretary ni Wendy bago niya pinanood ang boss niya na lumabas ng office niya. 

Bitbit ang kape niya napatingin si Wendy sa may lobby ng hospital, halos tatlong taon narin nung nakita niya si Irene na nakatayo dito, nagmamakaawa at humihingi ng sagot. Naalala pa ni Wendy kung paano niya unang binangga si Seulgi sa lugar na ito. "Lalim ng iniisip ha?" nagulat si Wendy sa boses ng pinsan niya kaya tumawa na naman ito. "Uwi ka na?" tumango si Wendy habang inaantay ang sasakyan niya mula sa valet attendee. 

"Bilis ng panahon eh no? Naalala mo pa ba nung una mo rin nakita si Irene?" natawa si Moonbyul habang tumatango. Naalala pa ni Wendy kung gaano siya tinarayan ng girlfriend niya noon. "Sabi mo pa na wag gago lugi ka dun kakatapos lang sa ex niya." tumango si Moonbyul habang nakatingin sa pinsan niya, kitang kita niya sa mga mata ni Wendy ang saya kaya naman masaya si Moonbyul para sa pinsan niya. 

"May balak ka na ba?" tumingin si Wendy sa pinsan niya bago ngumiting tipid, gusto na ni Wendy pero alam niyang marami pang gustong gawin si Irene, hindi lang sa personal niyang buhay pero para narin sa business niya. "Yang mga mata mo na yan, same lang yan sa two years ago ha?" napailing si Wendy saka ngumiti, kinuha niya ang susi sa attendee bago binalik ang tingin sa pinsan niya. 

"Malaking commitment to Byul, tsaka sigurado ako na marami pang gustong gawin si Irene." kumaway si Wendy kay Moonbyul bago pinaharurot ang sasakyan niya. Tahimik na nakatingin si Wendy sa may daan nung nag ring ang cellphone niya. Sinuot ng doctor ang earpiece niya bago sinagot ang tawag. 

"Hello baby... are you making uwi na?" narinig niya ang pag sniff ni Irene sa kabilang linya kaya agad na tumaas ang kilay niya. Mainit naman sa Thailand kaya impossible na bigla nalang sipunin ang girlfriend niya. 

"Irene, anong nangyari?" narinig niya ang saglit na katahimikan sa kabilang linya kaya mas lalong kinabahan ang doctor. Tinapakan ni Wendy ang break ng sasakyan niya bago siya bumuntong hininga. "Baby... talk to me... I'm here to listen." narinig niya ang pag hikbi ni Irene sa kabilang linya kaya napabuntong hininga siya ulit. "I love you Joohyun, please sabihin mo kung anong problem, so I can help you."  pinaandar ulit ni Wendy ang sasakyan niya, nagpapasalamat siya na malapit lang ang penthouse niya sa hospital. Inabot niya ulit ang susi ng sasakyan niya sa guard. "Can you please just drop my keys upstairs? I just have a call to attend to?" agad na ngumiti ang guard kaya naman pumasok si Wendy sa loob. 

"I'm scared... there are many tao na nag didisrespect nang personal space ko" humihikbi parin si Irene sa kabilang linya, para namang sinasaksak ang puso ni Wendy sa bawat paghikbi ni Irene. 

"Do you have kasama there right now?" binuksan ni Wendy ang pinto ng penthouse niya bago siya dumiretso sa loob ng walk in closet nila ni Irene. Kinuha niya agad ang blue niyang maleta bago kumuha ng mga damit. 

"Sakura is actually sleeping sa kabilang villa with the other staff." bumuntong hininga si Wendy saka kinuha ang passport niya sa may drawer sa tabi ng kama niya. Umupo siya saglit bago nagisip. 

"Let me put you saglit on hold hmm?" nag hum si Irene kaya naman agad na dinial ni Wendy ang number ng secretary ng girlfriend niya. Saglit siyang nagantay bago may sumagot. 

"Doctor Son, nagpapahinga na po ata si Miss Bae." tahimik ang kabilang linya kaya naman bumuntong hininga si Wendy. 

"Can you please stay with Irene for tonight? By 5AM naman nandiyan na ako sa Thailand. Don't let her know about it okay? I'm sure kasi na magagalit siya. But please do stay with her tonight." nag hum naman si Sakura at narinig niya na tumayo ang secretary. "Thank you Sakura." binaba niya narin ang tawag bago binalikan si Irene. "Sakura will be staying with you tonight. I asked her a favor. Magsleep ka na po ha?" nag hum si Irene sa kabilang linya. 

"She's here, thank you baby. I'll see you soon?" napangiti si Wendy saka tumayo para itulak ang maleta niya papunta sa labas ng kwarto nila ni Irene. 

"Yes baby, I love you sleep well." binaba narin ni Irene ang tawag kaya naman umupo muna si Wendy sa sala niya habang inaantay ang flight details niya. 

Excited na si Wendy pumunta ng Thailand. 

-

Nagising si Irene nang marinig niya ang boses ng secretary niya. Hindi rin alam ni Irene na nakatulog na rin siya nung dumating si Sakura sa kwarto niya at sinamahan siyang matulog nito. "Miss Bae, oras na po ng breakfast." tinakpan ni Irene ang ulo niya gamit ang unan kaya naman nagpanic ang secretary. Kinuha niya ang cellphone niya saka nag type. 

Doctor Son  (Miss Bae's girlfriend)

Doc good morning po, ayaw pong bumangon ni Miss Bae nasa may restaurant na po ba kayo ng hotel?

Napabuntong hininga nalang si Irene saka dahan dahan na umupo, tumingin siya sa may labas ng kwarto at nakita niyang sumikat na ang araw. Lumunok naman si Sakura nung tumingin sa kaniya si Irene. "You know I don't eat breakfast diba?" tumango si Sakura saka nag bow. Tumayo nalang si Irene saka dumiretso sa banyo para mag hilamos. 

Ilang minuto ang lumipas bago lumabas narin si Irene, nakatali ang buhok niya kaya naman binuksan na ni Sakura ang pinto. "Nag text po kasi si Doc saakin na pakainin ko po kayo ng breakfast sorry po miss Bae." tumango nalang si Irene, wala talaga siya sa mood makipagusap lalo na at nasira ang tulog niya. Napatingin si Irene sa orasan at nakita niyang seven palang ng umaga. 

Pagkapasok nila sa restaurant tinitigan ni Irene ang mga pagkain na nakahanda. Binuksan niya ang isang lagayan at nakakita siya ng mga tinapay. Kumuha ng plato ang CEO bago naglagay ng wheat bread. Iritang irita si Irene na kumukuha ng pagkain bago siya umupo sa may outer part ng restaurant. Tinitigan ni Irene ang dagat habang hawak sa kamay niya ang tasa ng tsaa. "Miss do you want some omelette?" umiling si Irene bilang sagot sa nagtanong, hindi parin tinitigan ni Irene ang nagsasalita habang pinagmamasdan ang dagat. Si Sakura naman natatawa habang nakatayo sa may likod ng boss niya. Tumingin naman si Irene kay Sakura bago tumingin sa nagsalita. "Hindi po healthy na wheat bread lang kakainin mo for breakfast, it is the most important meal of the day po miss Bae Joohyun." nanlaki ang mata ni Irene nung makita niya si Wendy na nakatayo, hinubad ng doctor ang mask niya bago siya ngumiti kay Irene. 

"YA!" napataas naman ng kamay ang doctor habang nakatingin kay Irene, tumayo ang CEO bago agad na niyakap si Wendy. Natawa nalang rin si Wendy bago hinalikan ang ulo ni Irene. Bumuntong hininga si Irene bago tumingin kay Wendy. 

"Nagrereklamo ka pa na ginising ka para kumain. Skipping breakfast is a no miss CEO-nim." umirap si Irene bago tinuro ang noo niya, napangiti naman si Wendy bago hinalikan ang noo ng girlfriend niya. Si Sakura naman nakangiti lang habang nakatingin sa pagiging soft ng boss niya. Ibang iba ito sa CEO Bae Joohyun na nakikita ng karamihan. "How are you? Feeling better?" tumango si Irene saka hinigpitan ang yakap sa girlfriend niya, napabuntong hininga nalang rin si Wendy. 

"Much better, kasi nandito ka. I feel much safer na." nakita ni Wendy ang mga takot sa mata ng girlfriend niya kaya pinisil niya nalang ang pisngi nito bago mabilis na humalik sa labi ni Irene. Namula naman agad si Irene at hindi niya parin alam kung bakit ganoon parin ang epekto ni Wendy sa kaniya. 

"Come on let's make kuha more foods, I don't approve you eating a piece of bread." napailing nalang ang CEO saka sumunod kay Wendy, magkahawak kamay sila habang naghahanap ng pagkain. "I'll make you a salad with a bit of meat hmm? Ayaw mo ba mag eat ng rice baby?" umiling si Irene habang nakaangkla kay Wendy, pinagmamasdan niya kung paano kumilos ang doctor. Sa loob ng dalawang taon nilang magkasintahan sinisigurado talaga ni Wendy na naaalagaan ni Irene ang health niya kahit napaka busy niyang tao. 

"You make kain din po." tumango si Wendy bago ngumiti kay Irene, pagkatapos niya makakuha ng salad para sa CEO nagsimula narin kumuha ng fruits at mga kakainin niya si Wendy. Pagkabalik nila sa upuan inayos ni Wendy ang lahat bago niya sinenyasan si Irene. Kumain agad si Irene nung salad bago ngumiti kay Wendy. Bigla agad natawa si Sakura kaya naman tinitigan siya ni Irene. 

"Ay bakit mo naman tinatakot si Sakura?" natatawa si Wendy habang kinakain ang bacon. Tumawa nalang din si Sakura habang kumakain sa kabilang table. Hindi alam ni Irene kung bakit para siya ang nahihiya, kahit alam naman ni Sakura kung gaano siya ka whipped sa girlfriend niya. 

"I'm not making takot her! What are you saying?" nag shrug nalang si Wendy bago uminom sa kape niya. Umirap ang CEO bago inubos ang salad sa harap niya. Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila sa loob ng villa ni Irene. Inilagay narin ni Irene ang maleta ni Wendy sa tabi ng kaniya. "You want to make tulog muna?" umiling si Wendy bago agad na niyakap si Irene mula sa likod niya. Sumiksik ang doctor sa crook ng leeg ni Irene bago bumuntong hininga. "What's wrong baby?" umiling si Wendy, ayaw niyang iparamdam kay Irene ang mga bagay na napagusapan nila ni Moonbyul kagabi. 

"Namiss lang kita, I can be clingy naman right?" natawa si Irene bago tumango, pinapakiramdaman ng CEO ang paghinga ni Wendy. Malalim ito at naramdaman niya nalang na mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "Are you seeing me in your future?" tumaas ang kilay ni Irene, hindi naman gusto ni Wendy na sabihin yun, ayun lang ang tumatakbo sa isip niya at bigla niya lang din ito nasabi. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga ni Irene kaya naman pakiramdam ng doctor ay katapusan na nang buhay niya. Hindi naman nila natotouch ni Irene ang topic na pag settle down. Kahit isang beses ay hindi pa nila ito naisip or napagusapan, kaya naman pakiramdam ni Wendy ay nasira niya ang mood sa biglang pag bring up nito. 

Kumalas si Wendy sa pagkakayakap kay Irene bago siya nag busy busyhan kunyare, kinuha ng doctor ang cellphone niya pati narin ang laptop niya sa loob ng luggage niya. Napalunok si Wendy dahil dama niya ang bigat ng titig ng girlfriend niya sa kaniya ngayon. Ano ba ang dapat sabihin ni Wendy sa mga pagkakataon na ganito? Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at gusto ni Wendy na sampalin ang sarili niya dahil nasabi niya ang mga bagay na dapat sinasarili niya lang. Palabas na sana si Wendy para magtrabaho sa may pool area nung marinig niyang magsalita si Irene. "I'm dating you for two years, tapos you will make tanong if I can see you in my future?" hawak ni Wendy ang sliding door handle, napahinto siya sa pagbubukas nito, bakas sa boses ni Irene na nasaktan siya sa narinig niya mula sa girlfriend niya. Hindi niya lubos maisip na may mga pagdududa parin si Wendy kahit na halos tatlong taon na silang magkakilala. "What do you think? Sasayangin ko ba ang oras ko with you just to make iwan you afterwards? Out of all the things na you can make tanong, why that? That hurts me so much." napabuntong hininga si Wendy bago siya tumingin kay Irene, nakita niya ang mga namumulang mata ng CEO. Ayaw na ayaw ni Wendy na umiiyak si Irene, nasasaktan siya at parang nadudurog ang puso niya. Pero ngayon, siya ang rason sa mga luha ni Irene. Pakiramdam ni Wendy na napaka wala niyang kwentang tao. Naglakad si Irene papunta sa may pinto, inalis niya ang kamay ng doctor bago siya agad agad na lumabas. 

"Joohyun..." pinigilan ni Wendy ang CEO pero agad itong lumabas habang pinupunasan ang luha niya. Napabuntong hininga si Wendy bago niya nilapag ang mga gamit niya. Agad din niyang hinabol si Irene. "Joohyun!" tumakbo ang doctor, advantage siguro niya na madalas siyang mag work out sa may hospital gym nila. Agad agad niyang nahabol si Irene, naalala niya yung first time na nangyari din ito. Isang taon na ang nakakaraan. 

Tahimik na nakaupo si Wendy sa may opisina niya, kakatapos lang ng surgery niya at inaantay niya lang na madeliver ang kape niya pati narin ang chart ng patient niya. Tahimik na nakatingin si Wendy sa may wallpaper ng lapto

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
94 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them