Bad Day For Wendy

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatayo si Wendy sa loob ng elevator habang inaantay na mareach niya ang level ng hotel restaurant. Kakagaling lang ni Wendy sa trabaho niya at sinabihan siya ng mama niya na kitain siya sa isang hotel. Napabuntong hininga ang doctor habang hawak ang cellphone niya, umaasa siyang makareceive ng text mula kay Irene pero wala. Napailing nalang si Wendy bago binulsa ang cellphone niya. 

Isa sa mga bagay na iniiwasan ni Wendy ay ang kitain ang mama niya, sigurado siyang isang draining na gabi na naman ito. Nakatayo lang si Wendy sa may tapat ng pintuan ng private room na nirent ng mama niya para sa dinner na ito. "Miss Son, inaantay niya na po kayo." tumango si Wendy sa bodyguard ng mama niya bago siya bumuntong hininga.

Pagkapasok niya, nakita niyang nakaupo ang mama niya habang umiinom ng tea. Tahimik ang paligid kaya napagpasyahan nalang ni Wendy na magbow bago tuluyan na pumasok. "Take your seat." tumango nalang si Wendy bago siya umupo. Nakangiti ang mama niya sa kaniya habang si Wendy nakatingin lang sa kaniya. "You look tired anak." tumango ang doctor bago pinatong ang cellphone niya sa may mesa niya. Dalawang linggo na siyang on call sa hospital, kaya naman ang isa sa mga gustong gawin ni Wendy ngayon ay humilata at magpahinga. 

"Been on call for two weeks ma, so I'll really appreciate na we end this meeting early." natawa ang mama ni Wendy habang tinitignan ang bunso niyang anak. Likas talaga na malayo ang loob ni Wendy sa kaniya. Uminom si Wendy ng tubig bago tumingin sa mata ng mama niya. "Bakit niyo po ako pinatawag ma?" walang kabuhay buhay na sabi ni Wendy, malayong malayo si Wendy ngayon sa Wendy na nakikita ng mga patients niya, malayong malayo ito sa Wendy na masayahin at pala ngiti. 

"I meet up with a potential person na makakadate mo." napalunok si Wendy, alam niya naman na mangyayari ito at alam niya rin na kaya lang naman siya tinatawag ng mama niya ay dahil sa mga gustong iset up sa kaniya nito. "She's an actress anak, here's her number." tinitigan ni Wendy ang calling card sa harap niya bago siya tumingin sa mata ng nanay niya. Nakangiti ito pero hindi magawa ni Wendy na ngumiti pabalik. Tahimik lang ang doctor bago tumingin sa wrist watch niya. 

"I'll take my leave." mahina ang boses ng doctor bago niya kinuha ang coat niya, nagulat si Wendy nung harangin siya ng bodyguard ng mama niya. Napabuntong hininga ang doctor bago tumingin sa lalaki sa harap niya. 

"Kinakausap pa kita Son Seungwan." napapikit nalang ang doctor bago siya humarap sa mama niya. Nakasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. Wala namang nagawa si Wendy kung hindi umupo nalang ulit. Alam niya rin naman na wala na siyang ibang choice kung hindi makinig nalang. "Ano bang gusto mo mangyari sa buhay mo ha?!" nakayuko lang ang doctor habang nakatingin sa hawak niyang calling card, ilang beses na bang naging issue ang kawalan ng interest ni Wendy sa ibang bagay maliban sa trabaho niya. "Ilang beses mo na akong pinapahiya sa mga business partners ko, mapa babae, mapa lalaki nirereject mo na! Hindi mo ba naiisip na nakakahiya yung ginagawa mo ha?" napalunok nalang si Wendy habang nakikinig sa sinasabi ng mama niya. 

Hindi na nakatiis si Wendy, tumayo na siya saka tuminging sa mama niya. "Hindi ko ginusto na iset up mo ako. Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na wag niyo akong pakielamanan." napatayo ang mama ni Wendy sa mga sinabi ng doctor, alam na ni Wendy ang mga susunod na mangyayari. "Noong nagcheat ka ba kay Daddy may sinabi ako? Nung nakita ko kayo nung lalaki mo sa Japan may sinabi ako?" naramdaman nalang ni Wendy ang sampal ng mama niya na nagpatawa sa kaniya. Tumayo ang doctor bago dinampot ang coat niya. "I'll take my leave." agad na lumabas ang doctor, binangga niya pa ang bodyguard ng mama niya na nagtangkang pigilan siya makalabas.

Sa loob ng elevator, nakatingin lang si Wendy sa reflection niya, napalunok nalang siya habang nararamdaman niya ang unti unting pagbigat ng pakiramdam niya. Pagkadating ng sasakyan niya sumakay siya ulit saka pinaandar ito. Nakatingin lang si Wendy sa kalsada, walang lugar na maisip na puntahan. 

Hininto ni Wendy ang sasakyan niya sa tapat ng penthouse ni Irene. Nakasandal lang siya sa may upuan ng sasakyan niya, nakatingin sa may bintana. Lahat ng bigat sa puso ni Wendy ay bumalik, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi niya rin alam kung bakit dito siya unang pumunta. "Out of all the places? Bakit dito pa?" bulong ni Wendy habang nakatingin sa may bintana ng sasakyan niya. Napakagat si Wendy sa ibabang labi niya. Lahat ng mga bagay ngayon ay naooverwhelm siya. Tinignan ni Wendy ang cellphone niya at napabuntong hininga nalang siya ng makitang walang kahit anong message siyang nareceive.

Isang malalim na hininga, nakatingin si Wendy sa may tapat ng pintuan ng building ng penthouse ni Irene. Bakit nga ba siya nandito? Hindi niya rin talaga alam. Habang nakatingin sa may bintana, nakita niya si Irene na may bitbit na box, nagulat siya nung biglang lumitaw si Seulgi, napalunok ang doctor habang pinagmamasdan ang mga pangyayari. Inabot ni Irene ang box na hawak niya. Agad namang hinila ni Irene si Seulgi para yakapin ito. Napangiti nalang ng tipid si Wendy bago agad na humarurot paalis.

At ngayon, isang lugar lang ang naisip ni Wendy na puntahan. Pagkatapos ipark ang sasakyan niya agad rin siyang bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa loob. Kumaway siya kay Sua bago agad na umupo sa isang table. "Ate Wendy? Bakit?" sumenyas lang si Wendy ng isang bote bago ngumiti. Wala namang nagawa ang bartender kundi bigyan si Wendy ng isang baso ng whiskey.

Nakatingin lang si Wendy sa baso na nasa harap niya. Hindi niya rin alam kung bakit siya nakakaramdam ng sakit at bigat sa kaniyang puso. "Wends, anong problema?" umiling ang doctor sa tanong ng kaibigan niya bago agad na iniinom ang isang baso ng whiskey. Humirit pa ng isa ang doctor saka tipid na ngumiti kay Sua.

Sino bang may alam nang mga problema niya? Wala, mas pinili ni Wendy na kimkimin at itago ang lahat. Pilit niyang sinasarili ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa kaniya, walang ibang tao ang nakakaalam nang pangloloko ng mama niya bukod sa kaniya at sa papa niya. Hindi rin alam ng doctor kung paano sabihin ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya sa ibang tao, kaya naman mas pinipili nalang palagi ni Wendy na uminom magisa upang makalimot kahit sandali. Ilang taon niya na bang kinikimkim ang galit niya sa mama niya? Ito rin siguro ang reason kung bakit siya nakaramdam ng care para kay Irene, gusto ni Wendy na pahirapan si Seulgi at gusto niyang pagsisihan nito ang ginawa niya kay Irene.

Uminom ulit si Wendy at ang tanging nagawa niya nalang ay bumuntong hininga. "Ate Wendy hinay hinay lang." umiling lang ang doctor saka tumingin sa bar tender. Ano nga ba ang nararamdaman niya ngayon, tuwing naalala niya ang nakita niya sa labas ng penthouse ni Irene, lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Uminom ulit si Wendy saka tumingin sa mga taong nasa palig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
94 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them