Day 2

Someday We'll Know

-Day 2-

 

I woke up to the sound of my alarm at madilim pa sa paligid. Nasabi sa akin na may trail na malapit sa house kaya naman after ko magbreakfast lumabas na ako ng bahay. Mineet ko muna yung isang caretaker para humingi ng directions and after I cleared everything, lumakad na ako.

 

I wore my favorite beanie, sunglasses, a black dri-fit shirt, black leggings and hiking shoes. Siyempre may dala din akong essentials like water, some light snacks and a first aid kit. I also brought my power bank, some pen and paper and of course my phone.

 

After walking for thirty minutes nakita ko na ang sign ng start ng trail. May ibang mga tao din na kausap yung parang tour guide. I could join them like my mom insisted na gawin ko pero anong point ng gusto kong mapagisa kung sasama ako sa grupo. Eh di sana sinama ko na lang ang mga friends ko.

 

May mga signage along the way naman at for beginners lang talaga ang trail na ito. I was also told na may resting area in between naman and may viewing point sa mga gustong magpicture.picture.

 

I saw the first resting area pero since hindi pa naman ako talaga pagod nagtuloy lang ako. Nagsisimula nang pumataas ang nilalakaran ko and I felt na maling hindi ako nagstretching before ako gumora. Nakita ko ang next resting area kaya naman umupo na muna ako to take a little break.

 

From where I am sitting, I can already see the viewing point and siyempre naexcite ako na mareach ko iyon. May suot din pala akong gopro na nakasabit sa backpack ko. Vlog lang?

 

Nagstretching na din ako kahit late na para naman makababa pa ako ng bundok later.

 

I started around 6 AM at ngayon nga ay 730. Wala din akong idea kung gaano pa kahaba ang trail pero I didn't really mind. Wala naman akong hinahabol na oras.

 

Two and a half hours in, nakarating na din ako sa viewing point and nakakawala ng pagod ang view.

 

Of course I took some pictures and some videos na din. Mahirap nga lang magselfie and of course I forgot to bring a selfie stick! Very good ka talaga Winter.

 

Napansin siguro nung isang babae na kanina pa din nakadungaw na nahihirapan akong magselfie kaya lumapit na siya to offer her help.

 

"Need some help?"

 

Nahihiya man ako pero tumango na lang ako. Medyo awkward mag.pose kasi siyempre hindi ko naman kilala yung taong kumukuha nung picture ko kaya mga ilang shots lang at nag.thank you na ako sa pagtulong niya.

 

After checking all the photos I took including the ones na kinuhaan ni ateng stranger na in fairness, ang ganda ng pagkakuha, I continued my hike na. Bumalik lang sa pagdungaw si ate, baka nagmumuni muni siya.

 

Tumaas na din talaga ang araw at ramdam ko na ang pagod at pagnginig ng legs ko kaya naman nagstart na akong bumalik.

 

According sa mga signage ay may ilang kilometers pa until the end of the trail. I'll just try again in the next few days.

 

Pagdaan ko ulit sa viewing point ay nakita kong andun padin si ate. Mukhang malalim ang iniisip niya at kanina pa siya bumubuntong hininga.

 

Lapitan ko ba? Baka kailangan niya ng kausap eh.

 

Lumapit ako sa kung saan siya pumwesto at uminom ng tubig. Naglabas din ako ng ilang biscuits habang pasimpleng tumitingin sa direksyon niya. May shade naman sa pwesto namin kaya hindi masakit sa skin. I waited for a few minutes bago ko siya inofferan.

 

"D'you want some?" Tanong ko with matching na malaking ngiti. Tumingin lang siya sa akin ng ilang seconds tapos bumalik na ulit sa pagtingin sa malayo.

 

Taray naman ni ate.

 

I contemplated kung ittry ko ba ulit na kausapin siya kaso baka mainis at itulak ako sa ledge. Huwag naman po sana. Gusto ko pa pong grumaduate.

 

Paubos na din yung kinakaen ko at ang water ko kaya I decided na tumuloy na. Maybe next time, kung makita ko pa siya.

 

 

 

And finally, nakalabas na din ako sa trail. Ramdam na ramdam ko yung pagnginig ng legs ko kaya I did my best na maglakad na pauwi. Buti pala na nagmessage ako sa caretaker kung pwede silang magluto ng lunch kaya pagdating ko ng bahay eh grabe din yung kaen ko.

 

Pinasabay ko na din sila and thankfully hindi naman sila tumanggi.

 

"Kamusta naman ang pagakyat mo? Hindi ka naman ba nahirapan?" Tanong ni Ate Linda.

 

"Ayos naman po. Pero siguro pala dapat nag.stretching muna po ako bago sumabak" natatawa kong sagot.

 

Nakipagkwentuhan ako sa kanila habang kumakaen kami at nalaman kong nag.abroad na ang may-ari ng bahay at may ilan taon nading pinaparenta na lang ito. Malakas ang renta tuwing summer since marami nga ang gustong mag hike. Pero pag hindi naman peak season, malakas na ang twice or thrice a month ang may nagrerent, minsan daw kasi wala. Yung nakukuha nilang bayad ay para sa maintenance ng mismong bahay at ang matitira ay mapupunta sa kanila. Matagal na din daw silang magasawa na nagtatrabaho para sa pamilya ng may ari. Mabait naman daw at palagi silang binibigyan ng bonus.

 

May nalaman din akong chika dahil nagbukas na nga ng beer si Kuya Mark at inabutan na din ako. Instant inuman.

 

May dalawang anak ang kanilang amo. Technically tatlo pero anak sa labas yung bunso. Hindi daw maganda ang naging relasyon nito sa step mom niya pero hinayaan na lang na tumira padin with them. Nung huling araw daw ng pamilya dito ay nagkaron ng alitan yung step mom at yung third child. Hindi na nila maalala kung anong pinagmulan pero it came to a point na physically itong nagkasakitan at nang umuwi ang tatay ay pinamukha daw ni step mom na si third child ang nagsimula. Hindi din naman daw kasi dumipensa yung bata kaya siyempre siya ang kinitang mali. Kasama dapat siyang mag.migrate nun pero dahil sa nangyari ay pinaiwan na lang siya dito at kina Ate Linda na nga lang daw pinaubaya. Mabait na bata daw si third child kaya sobrang naawa sila nung iniwan siya dito. They treated her as their own child na bilang hindi na rin sila nagkaanak. Matalino din ito kaya nakakuha ng scholarship sa college at sa tuwing umuuwi daw siya ng Zambales ay palagi niyang binibigyan ng pasalubong from Manila ang mag asawa. Hanggang sa nalaman nilang tumigil ito sa pagaaral nung 4th year na siya, umuwi at nagsabing hindi na niya kayang tumira pa sa bahay. Bumibisita pa din naman daw ito kahit papaano pero as much as possible daw ay ayaw na niyang makita ang bahay na kinalakihan niya.

 

"Nasaan po ang real mom niya?" Curious kong tanong.

 

"Sa kasamaang palad, namatay din ito dahil nagka.cancer ata" sagot naman ni Ate Linda.

 

Nawala nga ang pagod ko pero sobra naman akong nalungkot sa nangyari. I can't imagine what she went through and I don't think kakayanin ko yung naexperience niya. Kung nasaan man siya ngayon, I hope she's just doing fine.

 

 

 

Nagising ulit ako ng madilim ang paligid. When I checked my phone, it was already 8 in the evening at sumabog na nga ang mga notifications, as expected.

 

25 missed calls

50 unread messages

 

Nagising ang buong diwa ko. Medyo OA kasi yung dami. Me time nga kasi guys.

 

Inisa isa kong replayan ang mga messages which mostly came from my mom. At pagkasend ko nga lang eh bigla na itong tumawag.

 

"My god Winter! I thought something happened na! Umuwi ka na nga!" exasperated na sabi ng aking butihing ina. Hindi pa nakuntento at binaba ang call at nagvideo call na nga with dad.

 

Hinayaan ko munang mag.rant si mommy at pareho lang kami ni daddy ng expression. It was so funny I had to capture it. May mga three minutes din sigurong nagrarap si mommy at nang makakuha na ako ng tiyempo, nagsalita na din ako.

 

"My, chill ka lang. Nakatulog lang ako after kong makipagkwentuhan dun sa mga caretaker. I went on a hike kasi this morning then got back around lunch time so sabay sabay na kaming kumaen"

 

"And you didn't even think of updating us?"

 

Napabuntong hininga na lang ako. "I'm sorry my. I will do my best to update you po as often as I can. But please know that the signal may not always be as strong all the time"

 

That seem to calm my mom. After we talked, I went down the kitchen and saw that the caretakers cooked dinner for me, which they didn't really have to do. I mentally took note na I need to give them something for their kindness and thoughtfulness. After I ate, I freshened up then stayed muna sa veranda.

 

I really like the peace and quiet of the surroundings. Kahit ba nakatira kami sa exclusive subdivision, never naging ganito katahimik ang paligid. Sa left side kasi namin nakatira sina Ate Yeri na gabi gabi na lang ata ay nagvivideoke, sa right side naman sina Ate Irene na nakapangasawa ng musician na si Ate Wendy so maya't maya din ay may tumutugtog na instrumento, sa tapat naman namin ay sina Kuya Sehun na parang palaging may party porket madalas wala ang parents nila.

 

Habang nakatingin ako sa kawalan, bumalik yung thoughts ko dun sa kiniwento nila Ate Linda at Kuya Mark. I wanted to ask her name baka sakaling makita sa any social media platforms and I don't know, befriend her. I mean for sure she has friends pero ewan ko ba pero invested na ako sa nangyari. Nakaubos na naman ako ng ilang cans bago ko naisipang pumasok at pinagppyestahan na din ako ng mga lamok. Ubos na pala yung katol.

 

I prepared my things for another hike and hopefully this time makakuha na ako ng hinahanap kong inspiration.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!