Some Getaway - Part 2

Someday We'll Know

 

Nabinyagan na rin ang karaoke machine at full concert mode na ang mag-jowang Lia at Yuna. Si Winter naman ang taga-ihaw at si Karina ang taga-hiwa ng liempo into smaller pieces. Si Ryujin at Chaeyoung ang nagpapaikot ng shots. While si Yeji ang kumukuha ng pictures at video. Si Mina naman ay kakwentuhan si Yujin na binabantayan na mag swimming sa mini pool ang anak na si Youngeun. At ang Lee Sisters ay nakikinig lang sa usapan nila at tumatanggap na lang din ng mga shots.

 

Ilang oras din ang lumipas at nilabas na nila Ningning, Giselle at Xiaoting ang nilutong dinner at kanin. Naka-ayos na din ang mga utensils at kanya kanyang kuha na lang sila. Tinigil na muna nila Lia at Yuna ang pagkanta at nagpatugtog na lang muna.

 

"Maaga tayo bukas ha. Mga 7 AM ang gising para masulit ang island hopping" pag remind ni Winter sa mga kasama.

 

"Ilang islands ba daw kasama dun sa tour?" Tanong ni Yujin.

 

"Currently there are four islands na dinevelop to accommodate tourists but the bangkeros would always ask the guests if they want to go to other islands"

 

Lahat sila ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Jihyo. Dagdag mo pa ang malakas niyang boses na pumangibabaw sa music nila.

 

"Ay anjan po pala kayo. Tara po, kain tayo" pagaya na lang ni Ryujin habang pinupunasan ang kamay dahil natapon niya ang shot na nilalagay niya sa baso.

 

"Thank you pero Katatapos ko lang din kumain. Mga kaibigan ko ang mga nagmamanage ng mga bangka na pwede niyong i-rent. Pwede ko naman kausapin na sulitin ang ibabayad niyo" masayang suggestion ni Jihyo.

 

"Ay talaga ho? Nako. Thank you po!" Sabi naman ni Ningning.

 

Umalis na din si Jihyo after siyang painumin ng ilang shots ni Chaeyoung. At nang matapos nilang magsikaen ng dinner ay naghugas na muna ng pinagkainan sina Yujin at Mina. While the rest ay pumuwesto na para sa inuman proper.

 

 

 

 

 

"Let's play a game naman. Ang corny kung puro inom at karaoke lang tayo" saad ni Giselle na namumula na.

 

"May naisip ba kayo?" Dugtong naman ni Ningning.

 

Nagtinginan silang lahat pero walang nakapagbigay ng ideya. Nagtaas naman bigla ng kamay si Youngeun, tumalsik pa ang ilang butil ng kanin sa mga katabi dahil nagkakamay itong kumain.

 

"Pinoy Genius! My friends and I play that a lot" masayang sabi nito.

 

Medyo slow ang pick up ng mga nakatatanda at hindi naiintindihan ang ibig sabihin.

 

"You guys don't know that? My gosh! It's when you make your game partner guess this word but you can only say yes, no or maybe" proud niyang pageexplain at tsaka na lang nila naintindihan.

 

Bumulong naman si Yuna sa katabing si Lia. "Apaka-arte. Pinoy henyo lang naman" which earned her an elbow nudge from her girlfriend.

 

"Kami na gagawa ni Mina ng mga papahulaan" sabi naman ni Chaeyoung.

 

And so after matapos ng mga naghugas kanina ay nag-groupings na sila. Sa isang group ay may anim na members. Sila sila na magdedecide kung sinong magpapahula at huhula per round. Si Mina, Chaeyoung at Youngeun ang mga judge at timer.

 

Group 1:

Winter

Karina

Giselle

Ningning

Xiaoting

Yujin

 

Group 2:

Ryujin

Yeji

Yuna

Lia

Chaeryeong

Chaeyeon

 

Lumipat sila sa open space sa baba ng balcony at may dalawang chair na magkatapat para sa players. Nakalagay naman sa isang bucket hat na suot kanina ni Chaeyoung ang mga words at hawak na ni Youngeun ang kanyang cellphone na naka-ready na ang 1 minute.

 

Nagbunutan na din per team kung sino mauunang maglalaro at para sa first round then nag bato bato pick naman sina Winter at Ryujin kung sinong team ang unang sasalang. Nanalo si Winter at pinili niyang mauna sina Ryujin.

 

Sa bunutan ng team 2 ay sina Ryujin at Yeji ang mauuna kaya umupo na sila sa nakahandang chairs. Sa side kung nasaan si Mina ang manghuhula kaya naman pinabunot na ni Chaeyoung si Yeji from the bucket hut.

 

"Random categories pala ito guys ha" sabi ni Chaeyoung bago inabot kay Mina ang sketchpad niya kung saan nakasulat na ang ipapahula.

 

Tumingin muna si Mina kay Youngeun para sabay silang magsisimula sa pagshow ng igueguess at ang timer.

 

"Ready in 3...2...1" sabi ni Mina at sabay na binaliktad ang sketchpad para makita ni Yeji.

 

R: Tao?

Y: No

R: Hayop?

Y: No

R: Bagay?

Y: No

R: Lugar?

Y: OO!

R: Pangasinan?

Y: No

R: Sa pinas?

Y: Hindi

R: Within asia?

Y: Oo!

 

"Thirty seconds!" Paganunsyo ni Youngeun.

 

R: Ugh. China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan, Mongolia?

Y: No!

R: ! Anooo. Uhmm. Sri Lanka, Bangladesh, India, Bhutan, Nepal, Pakistan, Iran, Maldives?

Y: NO!

R: Brunei, Cambodia,Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam?

Y: NO!

 

"Fifteen seconds!"

 

R: Georgia, Armenia, Azerbaijan, Turkey, Cyprus, Syria, Lebanon, Israel, Palestine,Jordan, Iraq, Oman, Yemen, Kuwait,Bahrain, Qatar, Saudi Arabia?

Y: NO!

 

"Five seconds!"

 

R: Tajikistan, Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan

 

"And time!" Masayang sigaw ni Youngeun habang pinapakita ang timer.

 

"Sayang naman. Yung last country na sana yung point" sabi ni Mina.

 

"Taray naman ni Ryujin. Alam ang asian countries per region" kanchaw naman ni Lia.

 

".5 sa effort na lang but the word you had to guess was Kyrgyzstan" sabi ni Chaeyoung.

 

Napanganga ang lahat sa nangyari. Yung fact na bigla silang nagkaroon ng Asian Countries lesson or yung nakulangan ng oras si Ryujin para mahulaan ang tamang word.

 

Team 1: 0

Team 2: .5

 

Next na umupo ay sina Giselle at Ningning at bumunot na nga si Ningning ng word at inabot kay Chaeyoung para maisulat.

 

"Ready for the next round?"

 

"YES!" Sabay na sagot ng mag-jowa. May pahabol pang flying kiss si Ningning kay Giselle.

 

Sumenyas na ulit si Mina kay Youngeun at nagsimula na ang time.

 

G: Lugar?

N: Hindi

G: Pagkain?

N: Hindi

G: Tao?

N: Hindi

G: Taong bato?

N: GAGO!

 

"Uy! May bata dito" entry naman ni Chaeryeong. At nag-peace lang si Ningning.

 

G: Hayop?

N: OO!

G: Uhm. Herbivore? Omnivore? Carnivore?

N: No. No. Yes

G: ang dami nun! Ughhh.Lion, tiger, bear, wolf, tiger, dog, otter,badger,cheetah, eagle, hyena, coyote, shark, fox, raccoon

 

"Thirty seconds!"

 

G: Bilis naman! Ano pa ba? Owl, leopard, penguin, panda, snake, vulture, cougar, chimpanzee, black panther, alligator, crocodile, jackal, ferret, seal, spider,walrus

 

"Fifteen seconds!"

 

N: Break na tayo pag di mo talaga nasagot ito"

 

Nanlaki naman ang mata ni Giselle.

 

"Ten seconds!"

 

She was scrambling her brain sa kung ano pa bang carnivorous animals ang hindi pa niya nababanggit and then like a light bulb moment.

 

"5...4...3...2..."

 

G: GECKO!

 

Mabilis na tumayo si Ningning para tumalon papunta kay Giselle.

 

"Buzzer beater es!" Sabi nito sa mga kaibigan sabay halik sa girlfriend.

 

Team 1: 1

Team 2: .5

 

Sunod sunod nang sumalang ang mga players and currently nga ay lamang ang Team 2 with 2.5 na score. Last na maglalaro sina Winter at Karina.

 

Si Winter ang manghuhula kaya bumunot na si Karina at inabot na kaagad kay Chaeyoung. Sinulat naman ni Chaeyoung ang word sa sketchpad bago inabot ulit kay Mina. Sumenyas si Mina kay Youngeun and the 6th round started.

 

W: Bagay?

K: No

W: Hayop?

K: No

W: Lugar?

K: No

W: Tao:

K: Oo

W: Alive?

K: No

 

Napaisip si Winter. Masyadong malawak pa din ang dead people category.

 

W: Artista?

K: No

W: Kilala ko ba ito?

K: Oh yes!

 

At nakita ni Winter ang reaction ng mga friends niya.

 

"Thirty seconds"

 

Judging the way Karina was smiling at her, an idea came to mind.

 

W: Aphrodite

 

"Correct!" Sigaw ni Youngeun.

 

Nakipagapir siya sa bata sabay kindat kay Karina. But everyone else was still astonished sa kung paano nahulaan ni Winter iyon with just a few questions.

 

"And that's how you do it folks!" Pagmamayabang nito.

 

Tumayo si Youngeun sa isang chair. "And the winner for our first game is Tito Pogi and Tita Ganda!"

 

Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan nila.

 

 

 

 

 

Hindi na nasundan ng isa pang game dahil mas pinili nilang maginuman at magkantahan na lang. Nang makaubos sila ng dalawang bote at lalong lumalalim na din ang gabi, nagpaalam na para matulog ang magpamilya at iba nilang kaibigan at naiwan na lang sa table ay sina Winter, Karina, Ryujin, Yeji, at Chaeyoung.

 

"Oy insan. Di mo pa pala sinasabi bakit may jammer sa area niyo" tanong ni Ryujin habang naglalagay ng shot.

 

Nagsindi muna ng yosi si Chaeyoung at ininom ang inabot na shot. "Ah. Ganito kasi iyon, Mina had this dream na we were being hunted by some people whose intention are to hurt us. Game developer kasi si Mina at maraming gustong bumili ng patent niya sa mga games na nagawa niya. To the point na we received some threats. Ayaw naman ibenta ni Mina since baka kung anong gawin nila sa mga iyon. She increased the security ng mga data niya pero may mga hackers na nakapasok pa din and she lost half of her life's work. One day she started researching about how to make high quality jammers so they would not be able to locate us and no one can breach anything na. She has this tendency to kasi na when she dreams of something, more of them than not, nangyayari talaga. Hence the reason why we chose to live far away from people. May incident kasi a few years back na she dreamt of me having an accident on the way to work, she warned me about it pero sinabihan ko lang siya na panaginip lang iyon. And lo and behold, may bumangga sa akin habang nagmomotor ako. Resulting me to have several cuts and bruises. I covered them up with these tattoos. Pero that wasn't enough to convince me na her dreams are some sort of signs. She had another one naman na I grew an appendage and she took advantage of that kaso nawala daw when I woke up. Pero wala naman talagang nangyaring ganun. So hindi ko sineryoso. Na para bang coincidence lang na ganun yung dreams niya. Then she had another dream of someone being in a car accident, final destination style. A few days later, Ryujin posted something about donating blood and I got curious dahil takot sa dugo yan and that's when she told us about Karina's accident. So that finally convinced me and we've been very cautious na ever since"

 

Natahimik sila sa table and Winter held Karina's hand tighter, remembering the accident.

 

"Ay may isa pa pala! Pero I think nasabi na ito ni Mina sa taong involved"

 

Nagantay pa sila kung may karugtong itong sasabihin. Pero nang lumipas ang limang minuto at hindi na nagsalita si Chaeyoung, binatukan siya ni Ryujin. But not before subtly catching Karina's eyes to convey that the message was received.

 

After finishing the third bottle, they all decided to call it a night or rather early morning. 3 AM na din kasi and they all have to be up ng 7 AM.

 

Nagligpit naman sila bago sila pumasok sa kani-kanilang mga rooms.

 

 

 

 

 

Alarm: Kill this love by Blackpink

 

Nayanig ang buong bahay nang marinig ang bonggang bonggang intro ng kanta at napabalikwas sa kama ang mga mas malapit sa side kung nasaan ang karaoke.

 

"LET'S KILL THIS LOVE! YEAH YEAH YEAH!" Sigaw ni Yuna gamit ang mic. At hindi rin nagtagal ay may lumabas na ng kwarto at susugurin ito.

 

Rinig ang feedback at malakas na pagbagsak ng mic as Yuna started running away from Ryujin na masama ang tingin sa kanya.

 

"TANGINA MO YUNA! BUMALIK KA DITO! IKAW PAPATAYIN KO!" galit na sabi ni Ryujin habang hinahabol pa din ang pinsan. Umabot na sila hanggang sa may beachfront kung saan nahuli nito si Yuna at hineadlock pabalik sa bahay at hinulog sa pool.

 

Pag-ahon nito sa pool ay nakita na niya na gising na ang lahat ng kasama.

 

"Effective naman pala ang alarm" sabi ni Yuna sabay high five kay Chaeryeong na maaga din nagising.

 

 

 

 

 

Nakabihis na ang lahat at inaantay na lang si Jihyo na maghahatid sa kanila kung saan sila makakapagrenta ng bangka. Hindi rin naman nagtagal at nagpakita na ito at nagsimula na silang maglakad papunta sa Tourism Office.

 

Si Winter at Karina na lang ang sumama sa loob where they were greeted by a bunny looking girl sitting behind the desk.

 

"Good morning Jihyo. Eto ba ang mga guests mo?" Tanong nito.

 

"Yes bie. Asan ang asawa mo?"

 

"Andun na sa mga bangka. Bale, dalawang bangka sila noh?"

 

"Oo. Kinse kasi sila" sabi ni Jihyo then she faced Winter and Karina to confirm.

 

"Okay. 1800 po ang renta kada bangka. May mga kasama na din naman pong life vests dun. May additional lang pong na 100 para sa miscellaneous which would include the trash management and registration fees" pag-explain ni Nayeon habang pinapakita ang brochure.

 

Naglabas naman ng wallet si Winter at nag abot ng exact amount. Agad namang nagsulat sa resibo si Nayeon at nang matapos ay inabot na kay Winter ang kopya.

 

"Thank you for choosing Twicelight and please do enjoy the tour!" Huling sabi ni Nayeon bago lumabas ng office ang tatlo.

 

May sumalubong naman sa kanilang dalawang babae at tinulungan sila sa mga gamit at pinasunod sila sa mga bangkang gagamitin.

 

Ang naging hatian sa bangka ay same lang sa mga teams kagabi with the addition of Youngeun sa boat 1 and Mina and Chaeyoung sa boat 2.

 

"Ako nga pala si Jeongyeon, asawa ko si Nayeon at katulong ko naman dito si Momo. Sa kabilang bangka naman sina Sana at Tzuyu. Magjowa din yan. May isa pa kaming kasama pero mamaya niyo na siya makikilala" pagpakilala ng bangkero nila sa first boat habang inaabot ang mga life vests. Kumaway naman from the second boat ang dalawa pang nabanggit.

 

They started the tour at kanya kanyang silang labas ng phones para magtake ng mga pictures. Nagkaroon din ng slight racing ang dalawang bangka hanggang makarating sila sa first island.

 

Nang lahat sila ay nakababa na ng bangka, nagpapicture kaagad sila bago sinimulang akyatin ang hagdan para makapunta sila sa isang viewing deck. From there, nagpapicture ulit sila bago naghiwa-hiwalay para makapag-explore.

 

May connecting floating bridge silang dadaanan para makapunta sa Pilgrimage Island kung nasaan ang Big Statue of Jesus pati nadin ang 360 viewing deck.

 

May konting intayan dahil may ibang nag-cr muna at at mga nagpictorial bago nila sinimulan ang pagtawid.

 

"Guys, ingat ha. May parts na walang harang" pag-remind ni Winter sa mga kasama.

 

Nauna na silang maglakad ni Karina kasabay nila Ningning, Giselle, Chaeryeong at Chaeyeon. Careful sa pagmaintain ng balance dahil may mga kasabay din silang ibang tourists.

 

Kasabay naman nila Ryujin sina Yeji, Lia, Yuna, Mina at Chaeyoung. Dahil maloko din ang grupo ay may paminsan minsang pagtalon na ginagawa si Ryujin na dahilan naman para mauga ang bridge.

 

"Ay diyos ko! Mamamatay na ata ako!" Biglang sabi ng matandang kasalubong nila dahil saktong inalog ni Ryujin ang floating bridge. Pigil tawa naman ang mga kasama at huminga na lang ng pasensya.

 

Nahuli sina Xiaoting, Youngeun at Yujin. Masayang tumatakbo pa ang bata habang ang isang nanay niya ay nakatitig sa dinadaanan. Seryosong seryoso sa pagbabalanse ng sarili.

 

Nang makatawid na ang lahat at bumili muna sila ng maiinom sa tindahan.

 

"Ate, pabili nga pong tubig" sabi ni Ningning.

 

"Trenta po isa" sagot naman ng tindera.

 

"Luh. Ang mahal naman" dugtong pa ni Yuna.

 

Siniko na lang ulit siya ni Lia bago nagabot ng pambayad sa tubig nila.

 

Matapos makapagpahinga saglit ay umakyat na sila sa 360 viewing deck kung saan may pictorial na namang naganap.

 

 

 

 

 

Pagdating nila sa pangalawang island, naghiwa hiwalay ulit ang grupo. May ibang nag-cliff diving, may iba piniling magswimming lang at yung iba ay umupo lang sa buhangin.

 

"Kuya, gaano kalalim ito?" Tanong ni Karina.

 

"7ft lang po yan miss ganda" nakangiti sabi ng kuya na nagbabantay. Tumaas naman kaagad ang kilay ni Winter dahil may malagkit na tingin pa ito sa asawa.

 

"Umayos ka kuya ah" bulong nito sa sarili pero narinig pa din ni Ryujin.

 

"Kalma lang bro" saad nito.

 

Pila pila na sila para tumalon at nanguna na nga si Ningning na sinundan ni Giselle tapos sunod sunod na sila Winter, Karina, Yeji at Ryujin.

 

Pagbagsak nilang lahat sa tubig at napagdesisyunang umulit pa. Kaya nagsimula na silang bumalik.

 

"Guys, dahan dahan ah. Madulas yung mga bato" sabi ni Yeji na nanguna na sa paglakad sa tubig.

 

Dahil nainip sa bagal ng lakad ng mga kaibigan ay nilangoy na lang nila Winter at Karina pabalik sa beach front.

 

"Aray!" Matinis na sigaw ni Ningning nang madulas siya sa tinapakan niyang bato at sumadsad sa katabi nitong bato. Nag-panic naman si Giselle at inalalayan ang girlfriend hanggang makarating sa beach. May maliit na sugat lang naman ito. OA lang talaga yung sigaw niya.

 

Hindi na pinayagan ni Giselle umulit sila na mag-cliff diving dahil ayaw na niya madagdagan pa ang sugat ni Ningning kaya nanatili na lang sila kasama ng iba pang kaibigan na nakaupo lang sa sand. May bago namang na-aya sila Winter para mag-cliff diving kaya umakyat na ulit sila kasama sina Mina at Chaeyoung.

 

Sina Lia, Yuna, Chaeryeong at Chaeyeon naman ay nagsiswimming na pero dahil hindi naman sila masyadong lumayo.

 

Ang Shen family naman ay pinapanuod lang ang anak nila na maglaro sa buhangin at gumawa ng kung ano anong sand formation. May isang oras din silang nagtagal sa Marcos Island.

 

 

 

 

 

Bago sila dinala sa last island ay dumaan muna sila sa iba pang smaller ones na pwede nilang babaan. Since wala masyadong activities na pwedeng gawin dun kaya puro pictorial lang ang kanilang ginawa.

 

When they got to the Children's Island, tulong tulong na silang nagbaba ng mga gamit nila since dito na din sila magtatanghalian. Dumiretso na si Winter sa information desk para mag-rent ng cottage.

 

"Magandang umaga! Ako nga pala di Dahyun. Kayo ang mga guests ni Jihyo, tama?" Masayang bati nung maputing babae sa likod ng desk.

 

"Ah opo"

 

"No need to pay na ho dito dahil kasama na siya sa binayaran niyo sa beach house" dugtong pa nito bago inabutan si Winter ng resibo to show the receipt na inclusive na nga talaga ang pagrenta ng cottage. Hindi na niya kasi inisip mga inclusion nung nagbayad siya.

 

Sinamahan naman sila ni Dahyun papunta sa reserved cottage. "Kung may kailangan po kayo, lapit lang po kayo sa information" huli niyang sabi bago nagpaalam sa grupo.

 

Matapos magbaba ng mga gamit ay inayos na nila Karina at Mina ang mga pagkain habang ang iba naman ay nag-reapply ng mga sunblock o kaya nag-pictorial na naman.

 

"Kaen na muna tayo guys" pagtawag ni Karina sa mga kaibigan at kanya kanyang kuha na sila ng mga paper plates at utensils.

 

Naluto na kasi ni Winter kagabi ang adobo, shanghai at pancit na pinainit na lang pagkagising pero dahil kanina pang umaga iyon kaya medyo may lamig na ito.

 

Pero walang malamig na ulam sa taong gutom.

 

Malaki na ang naging improvement ni Winter pagdating sa kamayang kainan. Kaya naman eto siya ngayon at nakataas pa ang isang binti at nakapatong ang isang kamay habang masayang kinakamay ang kanilang ulam.

 

"Very Filipino ha" saad ni Lia pagdaan niya sa likod ni Winter.

 

"You should try it sometimes. Mas sasarap yung kain mo" proud na sagot naman ni Winter.

 

After nilang magsikaen ay nauna ng sumulong sa tubig sina Lia, Yuna, Ning, Giselle, Chaeryeong, Chaeyeon at ang Shen family at naiwan na lang sa cottage sina Winter, Karina, Ryujin, Yeji, Mina at Chaeyoung.

 

"Grabe ang init. Parang ayoko ng magbabad sa tubig" reklamo ni Ryujin habang nagpapaypay.

 

"Para saan pa at nagbeach tayo kung hindi ka lalangoy. Sira ka ba?" Gatong naman ni Chaeyoung na pinapahiran na ulit ni Mina ng sunblock.

 

"Oo nga naman babe. Naka rash guard ka naman so hindi ka rin mangingitim" dagdag pa ni Yeji.

 

Maya maya lang ay nagtanggal na ng shawl si Karina to reveal her swimsuit. May ilang lalaki ang nadapa pa pagdaan sa harap ng cottage nila dahil napalingon sa direksyon nila.

 

"Jagi, baka pwedeng dito na lang pala tayo" sabi ni Winter na inaabot ulit kay Karina ang tinanggal niyang shawl.

 

Natawa lang sa kanya ang kanyang asawa. "They won't do anything and all they can ever do is look, jagi" sagot naman ni Karina sabay halik sa labi nitong nakanguso na.

 

"She's right you know" entry naman ni Mina na nagtanggal na din ng kanyang silk polo revealing her abs.

 

"Hep hep! Sa partner ang mga tingin" asar ni Chaeyoung habang yumayakap kay Mina.

 

 

 

 

 

Nilubos naman talaga nila ang iba't ibang activities na meron sa island. May nag-banana boat, helmet diving, zip line at yung iba ay nagbabad lang talaga sa tubig. Kaya naman pagbalik nila sa bangka ay wala ng energy ang lahat.

 

"Sana po ay na-enjoy nyo ang island hopping experience with Twicelights Tours. Salamat po ulit at sana po ay makabalik pa kayo" masayang sabi ni Jeongyeon nang makababa ang lahat.

 

Sinalubong naman sila ni Jihyo pagbalik nila sa beach house kung saan ay may nakahanda ng meryenda.

 

"Mag-halo halo muna kayo. Tamang tama sa mainit na panahon" masaya nitong sabi.

 

Enough naman para sa kanila ang nakahanda pero nakikipag unahan pa talaga sila Ryujin, Yuna at Chaeyoung para lang makakuha.

 

 

 

 

 

Most of them decided na magpahinga muna pagkatapos ng nakakapagod pero masayang island hopping nila. But for Winter, kahit alam niyang pagod siya, at ilang beses siyang inaya ni Karina na mahiga muna, decided na ayusin na ang plano niya para salubungin ang birthday ng asawa kaya after niyang patulugin si Karina, lumabas na siya ng kwarto.

 

Kinausap na niya si Jihyo about some of her plans dahil dun lang pwede i-set up ito. Palihim naman niyang sinenyasan kanina sila Ryujin, Lia at Giselle para tulungan na siya kaya lumabas na ulit sila ng beach house.

 

"Tama ba ang sizes ng mga nabili niyo?" Tanong ni Winter sa mga kaibigan.

 

"Oo naman. One week ko pang finollow up yung seller para lang madeliver on time" sagot naman ni Ryujin.

 

"Walang KJ mamaya ah" dagdag pa ni Winter.

 

"Good thing that it is said to be cold later tonight cause otherwise, we'd be sweating like crazy" ani naman ni Giselle.

 

While Winter and Giselle were busy in the kitchen sa pagluluto ng mga fusion food na tugma sa tema ng plano, sina Ryujin at Lia naman ang gumagawa ng mga iba pang items na kakailanganin para sa set up.

 

 

 

 

 

Pasimpleng nanggising ng mga kaibigan sina Ryujin, Lia at Giselle. Last kasi dapat si Karina para makapag prepare na rin sila sa party na gaganapin. Naging look out naman sina Mina at Chaeyoung dahil hindi na sila nasabihan about the outfit kaya para hindi masyadong makahalata si Karina ay sila ang naiwan sa bahay.

 

After another half hour, nag message na si Ryujin sa pinsan niya na pwede na niyang gisingin si Karina kaya kumatok na sila pintuan.

 

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na si Karina na nagkukusot pa ng mata.

 

"Karina, magbihis ka na muna. May pupuntahan tayo" seryosong sabi ni Chaeyoung.

 

Wala namang kaide-idea si Karina pero sinunod naman niya ito. Mabilis lang sya nakapagpalit ng damit at paglabas niya ng kwarto ay piniringan na siya ni Mina at dahan dahan nilang inalalayan makalabas ng beach house.

 

Hindi na nga nakapagsuot ng slippers si Karina kaya slight na nagulat pa siya ng buhangin na ang matapakan niya.

 

"Saan niyo ba ako dadalhin?" Kabadong tanong nito.

 

Hindi naman sumagot ang dalawang kasama hanggang tumigil na sila sa paglalakad at dahan dahang tinanggal ang blind fold sa mata and she couldn't help but laugh at the scene in front of her.

 

Nagtransform lang naman ang beach front into a mini Jurassic Park at in character talaga ang mga kaibigan niya nakasuot ng iba't ibang inflatable dinosaur costumes and acting like one.

 

May lumapit na baby pterodactyl at may inabot na nakaplastic na something kaya dinala naman siya nila Mina at Chaeyoung sa isang covered area. When she looked inside the plastic bag, natawa na lang talaga siya dahil isa itong t rex costume.

 

Mabilis lang niya itong nasuot with the help of Mina bago sila lumabas at nagpakita ulit sa mga kaibigan.

 

Isang malakas na roar ang narinig galing sa speakers at nagsimula ng magpatugtog si Yuna na nakasuot ng stegosauraus.

 

Lumapit na si Winter na nakasuot din ng isa pang t rex costume.

 

"Hi jagiya!" Masayang bati nito. "Welcome to your dino party!"

 

 

 

 

 

 

Karina, could not imagine how Winter was able to it off. Pero it was exactly how she imagined it nung one time na binanggit niya kay Winter about this kind of party. Pabiro lang talaga niyang sinabi yun.

 

Tuwang tuwa din siya dahil never niyang naisip na magiging game din ang mga kaibigan niya sa ganitong set up.

 

Nagkaroon sila ng mga games kung saan nagtutumbahan sila habang naguunahan makalapit sa host para maibigay ang item. Hindi rin mawawala ang photo session at siyempre ang bigyan ng cake si Karina nang saktong mag-alas dose na ng April 11.

 

They had to remove the costumes na nang kakain na sila pero sobrang saya lang nilang lahat lalo na ang birthday celebrant.

 

May mellow music na lang na tumutugtog sa mga speakers at nakapalibot na sila sa bonfire while making smores.

 

"This is probably the best birthday I've ever had jagi. Thank you for doing this" naluluhang sabi ni Karina kay Winter.

 

Yumakap naman kaagad si Winter at humalik. "Cause you deserve only the best jagi. I love you so much!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A/N: Some parts of this trip actually happened lalo na nung nag-island hopping ang tropa. Anyway, let me know your thoughts.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!