Day 6

Someday We'll Know

Nagising ako and when I checked the time, it was already two in the morning. Madilim sa room kaya kinapa ko ang other side ng bed at naramdaman kong malamig ito. I was about to go out sa veranda to check on her when I heard some sniffles. I slightly opened the door when I saw her talking on the phone.

 

I didn't really mean to eavesdrop on their conversation. I was just really concerned kasi alam kong umiiyak siya. Nagdalawang isip ako kung lalabas ba ako or hahayaan ko na lang muna siya to have her moment.

 

I did the latter and went back to bed. But I just kept tossing and turning. After a few minutes, narinig kong bumukas ang pinto kaya nagkunwari akong tulog. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at yumakap na lang.

 

When we woke up three hours later, kita ko agad ang mugto niyang mata. I wanted to ask what's wrong pero I think she knows na I know naman why.

 

Pagbaba naman ay abalang nagluluto si Ate Linda habang si Kuya Mark naman ay nilalagay ang mga gagamitin namin sa isang basket. Makapal na concealer ang inapply ni Karina para hindi nila mahalata pero fail din dahil nagtanong si ate.

 

"O Karina. Sinong nagpaiyak sa iyo?"

 

"Ah wala po nay. Nahirapan lang po ako makatulog kagabi"

 

"Huwag mong sabihing namamahay ka eh bahay mo naman talaga ito"

 

Nginitian na lang niya ang magasawa at umupo na kami.

 

Nang makakaen na kaming apat at nailagay na din ang lahat ng dadalhin namin sa beach, lumabas na kami ng bahay.

 

"Ay wait lang po. Yung susi ng kotse kukunin ko lang" sabi ni Karina pero bago pa siya makatakbo ay ipinakita ko na ang susi ko.

 

Lumapit ako sa kanya at bumulong na matulog na lang muna siya sa biyahe. Tumango na lang siya in response at sumimple pa nga ng halik.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinasakay bago ako naglakad papunta sa driver's seat. Thankfully nasa google maps naman ang address and after confirming kung tama naman ito, nagstart na akong magdrive.

 

An hour in, nakatulog na nga talaga si Karina at pati na din si Kuya Mark habang si Ate Linda naman ay nakatingin lang sa labas.

 

May mahinang music din akong pinatugtog at baka mahawa ako sa antok kung sobrang tahimik sa loob ng kotse.

 

The map said to just go straight and we should be arriving in thirty minutes. I looked at my passengers at lahat na nga sila ay tulog.

 

Pagkarating namin sa entrance ng beach, nagising na ang magasawa at sinabihan akong sila na lang daw ang bababa muna para kausapin ang staff, nagabot na lang ako ng pambayad sa mga rerentahan.

 

Marahan kong hinawakan ang kamay ni Karina para gisingin ito at agad din naman siyang namulat.

 

"Wow. I really fell asleep" sabi niya.

 

"You needed it jagi" sabi ko sabay pisil sa kamay niya. I think she understood what I just called her dahil napangiti din siya.

 

Hindi rin nagtagal ay bumalik na ang magasawa at sinabing okay na daw ang cottage na gagamitin namin. Isa isa na naming binaba ang gamit at nagsimula ng maglakad papunta sa beach front. Nilabas na din namin lahat ng mga gagamitin nang bigla namang napa.face palm si Ate Linda.

 

"Ay kamote! Hindi tayo nakadaan ng palengke!"

 

"Hindi ko na ho kayo ginising kanina at mukhang masarap ang inyong tulog" sabi ko na lang.

 

Sa kagustuhan pa din nilang makabili ng suggestion ko kagabi, ay dali dali silang naglakad pabalik sa entrance at sumakay ng tricycle. Ginamit ko naman ang opportunity para ayain si Karina na maglakad lakad muna. Safe naman daw magiwan ng gamit and wala pa din naman masyadong tao.

 

"Would you like to walk with me"

 

"Okay"

 

We started walking towards the shoreline and felt the morning breeze on our faces. I felt her shiver kaya naman hinubad ko agad ang suot kong plaid red and black polo at ipinatong sa balikat niya. She said thank you at nagtuloy lang kami sa paglakad.

 

Pabalik balik lang talaga kami hanggang maisipan naming umupo sa sand. Tahimik naming pinanuod ang mga small waves from afar. Low tide din kasi.

 

Sobrang ganda ng view kaya naman I took some pictures na din. I was about to face the camera to her when she blocked her face.

 

"Selfie na lang tayo?" Pagaya ko pero tinanggihan niya din ito. Rason pa niya na namamaga nga daw ang mata nita.

 

"You're still beautiful to me jagi"

 

Pinandigan ko na talaga and hindi naman siya nagrereklamo.

 

Pagbalik namin sa cottage ay nakabalik na din ang magasawa. Dumiretso naman si Karina sa tabi ni Kuya Mark na inaayos na ang mga kailangan hiwain. I offered to help pero sinabihan nila ako na kaya na daw nila iyon at magpicture picture na lang daw muna ako.

 

I did just that at nang wala na akong makitang mapicturan ay umupo na lang ulit ako sa buhangin.

 

Despite how peaceful and beautiful the surrounding is, my mind is going nuts. One more day. One more day then it's time for me to leave. After tomorrow, I don't know if I will ever see her or be with her again. My eyes started to tear up with just the thought of even saying goodbye.

 

I'm hating why I decided to just do this trip for a week. It's not enough.

 

Hindi ko na namalayan na tumulo na nga talaga ang mga luha ko kaya pinunasan ko agad ito.

 

After some time, I told myself na I will make the most of the remaining days I have with her. Kaya tumayo na ako at bumalik na din sa cottage.

 

 

 

 

 

From a distance, I watched how happy they are preparing whatever. Malaki ang ngiti ng magasawa habang kausap nila si Karina. Para nga talaga silang isang pamilya.

 

Napansin na nila ako kaya naman ay tinawag na din nila ako.

 

"Nagugutom ka ba Winter? May mga sandwiches kaming ginawa kanina. Kaen ka muna" pagalok ni Ate Linda.

 

"Ay sige po. Salamat" inabot ko na ang plastic at binuksan na ito.

 

Inaya naman akong magswimming ni Karina after niyang imarinate ang mga iihawin mamaya at agad naman akong sumama. Hindi na rin low tide kaya nakalangoy langoy kami kahit papaano. Napagtripan pa nga at binaon ako sa buhangin, literal na ulo at mga kamay ko lang yung kita. May ten minutes din ata akong sumusubok bumangon eh binasa pa nga yung sand. Akala ko magiging semento na ito. Nagpanic ako at mas lalo pa nung may tumakip sa ulo ko.

 

"Jagiyaaaaa hindi na nakakatuwaaaa!" pagmamakaawa ko pero wala pa din lumalapit. Bigla ko namang naramdaman na may nangigiliti ng palad ko at may mga tumatawa sa paligid.

 

Naiyak na nga talaga ako when finally someone removed the pail on my head at pagtingin ko ay may nakatutok na camera sa mukha ko. Kita ko ang paiyak na itsura ni Karina habang tumatawa at isang batang katabi nito na may hawak ng camera.

 

"You're so funny!" sabi ni Youngeun. Yung totoo?

 

Tinulungan na akong bumangon ni Karina at nang makatayo ako ay nagwalk out ako. Hindi kasi nakakatuwa. Legit na nagpanic talaga ako.

 

Sumunod naman agad siya sa akin.

 

"I'm really sorry Winter. Saglit lang dapat iyon kaso na.cr ako eh medyo malayo pala from the cottage kaya hindi ako nakabalik agad"

 

She was trying to hold me pero lumalayo ako lalo. Nagpapakalma lang din ako dahil grabe pa din yung kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako matampuhin talaga kahit pa madalas din akong pagtripan nila Ryujin. Pero yung takot ko kanina lalo pa't hindi ako makagalaw, iba talaga. Sumenyas ako sa kanya ng wait lang at nagintay naman din siya.

 

Nung medyo kumalma na ako, I faced her again.

 

"Di talaga ako natuwa Karina" sabi ko and I saw how her lips turned upside down and kita naman yung guilt sa mukha niya. "I used to have sleep paralysis pati and it every time that happens"

 

She attempted na hawakan ako and I let her. She just hugged me and kept whispering how sorry she was. We stayed in that position for a bit before we ended the hug.

 

"How can I make it up to you...jagiya?"

 

Instant ngiti naman ako when she called me that. And there was only one thing in mind na naisip ko how she would do it.

 

 

 

 

 

 

Di ko alam kung bakit bigla na lang sumusulpot yung batang iyon. Kabute ata ito nung past life niya. Pagbalik kasi namin kasi namin ni Karina sa cottage ay andun silang pamilya.

 

"Oooh the lovebirds are here!" pagaanunsyo ni Youngeun. Nagkatinginan naman sila Ate Linda at Kuya Mark bago humarap sa aming dalawa ni Karina.

 

"Ano daw?"

 

Narinig ko pang tanong ni Ate Linda.

 

"Labbirds daw. May ibon bang ganun?" Sabi naman ni Kuya Mark.

 

Hindi na kami nakapagpigil at natawa na lang kaming lahat.

 

Nagsimula na ngang magpabaga si Kuya Mark at nagpresenta naman ako na magihaw. Tumulong naman si Yujin sa paghiwa ng mangga at habang si Xiaoting naman ang nagtitimpla ng kilawin. Since wala task si Karina ay hinila ito ni Youngeun para magswimming ulit. Pinagapply ko ulit ng sunblock si Karina bago sila sumugod sa tubig.

 

Nang matapos sa ibang pagkaen sina Ate Linda ay inaya naman ito nila Yujin at Xiaoting kaya naiwan kami ni Kuya Mark na salitan sa pagihaw.

 

Pinapanuod lang din namin ang mga kasama namin na masayang nagtatampisaw o lumalangoy.

 

Bigla naman ako siniko ni Kuya Mark.

 

"Tapatin mo ko Winter. Gusto mo ba ang anak ko?"

 

Nag.lag ng .5 seconds sa akin yung sinabi niya. Wala naman kasi siyang anak...ah she was referring to Karina.

 

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. "Opo kuya"

 

Tumango tango muna siya. "Anong balak mo?"

 

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

 

"Malapit ka na din bumalik ng Maynila. Hindi ko na kailangan tanungin si Karina dahil alam kong gusto ka din niya. Ang sa akin lang ay linawin niyo ang intensyon niyo sa isa't isa, lalo ka na. Sa oras na umalis ka ay malaya ka na sa kung anong mga gusto mong gawin. Panigurado naman at may mga balak ka na pagkatapos nito. Pero si Karina...maiiwan ulit siya. Ayoko lang na makikita ko na malungkot ang anak ko lalo't panandalian lang naman ang pamamalagi mo dito"

 

I let everything Kuya Mark said sink in. I understand where he's coming from naman. She had been through so much and ayaw niyang sa huli ay talo na naman si Karina. Iniwan na siya ng mommy niya, iniwan din siya ng daddy niya at ngayon mukhang ako naman ang mangiiwan sa kanya. It already hurts just even thinking about it pero the fact of the matter is, I would still have to go back to Manila.

 

"Alam kong pinagiisipan mo na din ang gagawin mo Winter. Kung ano man, pagusapan niyo na lang ng maayos ni Karina" dagdag pa ni Kuya Mark.

 

I already have something in mind pero hindi pa finalize ito. I'll wait until later siguro before I act on it.

 

 

 

 

 

Natapos ang lahat ng mga kailangan ihawin kaya tinawag na din namin sila. Pumaikot na kami sa lamesa at kanya kanyang kuha na ng pagkaen. Pinatungan ko ng twalya si Karina nang mapansin kong medyo nanginginig ito, malakas din kasi ang hangin. After nun ay nilagyan ko na ng food ang plate namin pero hindi pa ako makapagsimulang kumaen.

 

"O bakit hindi ka kumakaen Winter?" tanong ni Ate Linda.

 

Nakakahiya mang aminin pero hindi ako marunong kumaen ng walang utensils.

 

"Nay wala po ba tayong dalang plastic spoon and fork?" tanong ni Karina. Nagets na niya ata ang dilemma ko.

 

Napahampas na naman sa lamesa si Kuya Mark. "Ay anak ng! Sabi na may nakalimutan akong ilagay sa basket!"

 

Mabilis namang umalis ng upuan niya si Youngeun at may hinalungkat sa gamit nila. Tapos lumapit sa akin at nagabot ng maliit na container. Pagbukas ko ay spoon and fork na may design na fennec fox. Obvious na obvious na sa kanya iyon kasi kamukha niya.  Natawa na lang ako sa sarili ko dahil mas marunong pang magkamay sa akin yung bata.

 

Matapos naming kumaen ay may lumapit na ibang staff at ibinaba ang isang karaoke machine. Hindi naman ako informed na may pa.ganito dito. Inabot sa akin ang isang song book at in fairness updated ito. Sabay kaming tumingin dito ni Karina habang si Kuya Mark ay nagpipipindot na sa machine.

 

"4 5 2 0 9"

 

Araw-araw na lang ay naghihintay sayo

Nananabik na mahagkan at mayakap ka

Iniwan mong alala ang sya'ng lagi kong kasama

Bakit kapag wala ka sadya bang kulang pa

 

Bakit kaya ganon ang syang nadarama

Sa bawat sandali hanap ng aking mata

Marahil ay ikaw na nga sa aking puso ang ligaya

Dahil sayo ako'y wala ng hahanapin pa

 

Ikaw ang pag ibig ko ang tawag ng damdamin

Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat

Dahil kailangan ko ay laging ikaw

Na sa tuwina'y natatanaw

Sa aking puso'y may tinatangi

Ang nag-iisang ikaw

 

Naglagay na din ng kanta si Yujin at Karina. Hindi ko nakita yung title kasi naglagay na ulit si Kuya Mark. Kumanta ng isang Chinese song si Yujin. Kahit wala kaming naintindihan, ngiting ngiti naman si Xiaoting at Youngeun. At tumugtog na nga ang intro ng nilagay na kanta ni Karina.

 

Hey, there's a look in your eyes

Must be love at first sight

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed

But my love couldn't wait much longer

Just can't forget the picture of your smile

'Cause every time I close my eyes

You come alive

 

The closer I get to touching you

The closer I get to loving you

Give it a time

Just a little more time

We'll be together

 

Every little smile

That special smile

The twinkle in your eye in a little while

Give it a time

Just a little more time

So we can get closer

You and I

 

The moment natapos ang pagkanta niya, I wanted to kiss her pero pinigilan ko ang sarili ko. Mamaya na lang pag kaming dalawa na lang.

 

Habang kumakanta si Kuya Mark ng isa na namang OPM classic, naglinya na din ako ng mga kanta. Sinave ko pa sa phone ko para hindi ko makalimutan. Mga limang kanta lang naman. Concert yern?

 

Halong english at tagalog yung mga una kong nilagay at pang.finale ko na nga iyong paborito kong kanta ni King Taeyeon.

 

Eonjebuteoinji geudaereul bomyeon

Unmyeongirago neukkyeotdeon geolkka

Bamhaneurui byeori binnan geotcheoreom

Oraetdongan nae gyeote isseoyo, hmm

 

Geudaeraneun siga nan tteooreul ttaemada

Oewodugo sipeo geudael gieokal su itge

Seulpeun bami omyeon naega geudaereul jikyeojulge

Nae maeum deullyeoonayo

Itji marayo

 

Kkochi pigo jineun nari wado

Igeot hanaman gieokhaejwoyo

Geudael hyanghan maeumeul

 

Eonjenganeun uri meoreojilji mollado

Naneun geudaeramyeon gidaril su isseul tende

Shigani heulleodo naega igose seo isseulge

geudae mangseoriji marayo

Geuttaega omyeon

 

Pagkatapos kong kumanta ay sinundan ko pa ito ng isang malakas na "Thank you Araneta!" at kahit yung ibang staff at beach goers ay nakipalakpak na din.

 

We stayed for a few more hours bago kami nagpack-up. Pinanuod pa nga namin ni Karina ang sunset. Nagpalitan din kami ng contact information nh mga Shen para if ever magparehong libre ang mga schedule ay pwede kaming magkita kita ulit, taga-Manila din pala kasi sila. Nagpicture taking din kami bago sila humiwalay sa amin.

 

Mabilis ding dumilim sa paligid pero buti na lang at may mga poste ng ilaw along the beach kaya maayos naman kaming nakapaglagay ng mga gamit sa sasakyan. Nagiwan din ako ng malaking tip sa ibang staff na tumulong sa amin.

 

I drove everyone back to the house at pagdating namin ay tulung-tulong din kami naglabas ng mga ginamit namin. Sila Ate Linda na daw ang magliligpit ng lahat kaya pinagpahinga na kami ni Karina.

 

When we got to the room, naulit ang nangyari kagabi. Kahit ba nakakapagod ang magswimming eh ang taas padin ng energy naming dalawa para sa mga sumunod na kaganapan sa kama.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
555 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
711 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 678 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
12 streak #8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
12 streak #9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
12 streak #10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!