Competitive Mode

Someday We'll Know

Nagsimula na talaga ako maging serious para sa recital ko. Pagkagising namin ni Karina sa umaga, salitan pa din kami magluto ng breakfast tapos maliligo na ako to prepare para pumunta ng university para sa rehearsals. Isang buwan na lang kasi bago ang target date ko. Hapon na ako nakakauwi cause I also don't want na masyado kong matagal naiiwan magisa si Karina. Paminsan minsan din naman siyang sumasama sa akin and during those times, whenever we have a long break ay iniikot ko siya sa school. I convinced her na tapusin na din ang degree niya and maganda rin naman ang curriculum ng Business course dito. She said na she wants na makagraduate muna ako before she goes back to studying. And I'm okay with that.

 

Every night, like what we normally do, we talk about a lot of things. Our plans for the future, like kung kelan kami magstart magplano for the wedding, kung anong motif or theme, ilan ang invited at sino sino, saan namin gagawin, anong food ang gusto naming ihahanda for the reception at kung saan maganda mag-honeymoon.

 

There was also a time when we touched on the topic of having kids. Dalawa daw gusto niya and she would want na we both carry each.. Fair naman yun pero sa totoo lang, I don't see myself pregnant. Pero sabi niya, I would look as beautiful as I am carrying our child. Siyempre kinilig ako dun pero mas excited akong makita siyang ganun.

 

Since Karina and I started officially living together, mas lalo naming nakikilala ang bawat isa. I learned na she has the tendency na ayusin ang mga damit namin by purpose and by color, ilinya ang mga books sa shelf by category, at iba pa.

 

She learned naman how messy I can be with my stuff lalo on days na marami akong iniisip, how I just forget to put my clothes in a hamper after I take a bath or forget to close the cap on the toothpaste or press it in the middle when I get some.

 

Hindi naman siya talaga naging issue but we did talk about it. Nasanay lang siguro ako na may gumagawa ng mga ibang bagay for me like yung sa laundry. She even joked na ako yung asawa na kumakayod para sa amin and she be the housewife. I get more excited sa thought na yun. Like minsan I wish na bumilis ang oras para matapos ko na ang recital ko tapos yung graduation naming dalawa para kasal na lang iisipin namin.

 

Paguwi ko ng bahay laging may nakahanda ng dinner for us and even yung pampalit ko ng damit nakaayos na din. Maliligo at kakaen na lang talaga ako. Tama nga talaga yung sinabi ni Ate Linda na maalaga si Karina at ramdam na ramdam ko yun. Minsan pa nga she offers to massage my body which normally leads to... special services.

 

As my recital approaches, mas naging busy ako kasi may mga days na we would just rehearse non stop. But she never complained. Alam naman kasi niya how much I wanted everything to be perfect when it comes to that and she's excited na din for me. Hindi ko naman pinagsisisihan na late na ako nagstart with the rehearsals cause I stayed out of town for two months instead of the initial plan of one week. Sobrang worth it naman kasi ang pagstay ko.

 

So ngayong weekend, I planned for us to have a date night. It's been a while na din kasi since we last did that. So I put on a reservation at my cousin's restaurant na normally mahirap makakuha ng spot. Siyempre cousin privilege kaya mabilis ko lang nagawa.

 

I haven't really found the time to introduce her to my family except kina mommy and daddy. And Ate Irene said na she'd be at the restaurant with Ate Wendy so that's a start. My family knows about our engagement and they can't wait na makilala nila si Karina. I've a feeling na they'd be telling a hell lot of embarrassing stories about me. I just have to prepare myself with all the teasing they would do especially from Ate Yeri. Bully yun eh. Minsan tandem pa sila ni Ate Jisoo.

 

"Jagi? Should I wear this? Or this?" tanong sa akin ni Karina while showing me two options ng dress.

 

Lumingon ako sa kanya kasi tumitingin din ako ng isusuot ko."Either jagiya. Kahit ano pang isuot mo, you'll always be beautiful" sabi ko with matching kindat.

 

Nagpurse na naman siya ng lips. Akala niya ata binobola ko lang siya. Eh totoo naman na kahit pa naka.pambahay lang siya at nakatali in a messy bun yung hair niya masisilaw ka pa din sa ganda niya.

 

Sometimes I still can't believe she's my fiancé. I mean, out of all the people in the universe, she chose me.

 

Mukhang nagiintay pa din siya ng matinong sagot. "Wear the red one jagi. I'll match it with my black dress suit"

 

She nodded and proceeded to undress in front of me and I just gulped. I'll never get tired of seeing her well proportioned body that I get to worship every night.

 

Nilabas ko na ang suit ko at nagbihis na din but I'm having a hard time with my necktie. Napansin niya din siguro na nafrufrustrate na ako kaya nilapitan niya agad ako. Mabilis lang niya ito inayos tapos bumalik na siya sa pagapply niya ng make up. Kahit hindi na naman niya talaga kailangan.

 

When we were all set, we went out of our condo at sumakay na sa elevator para bumaba sa basement. Mabilis lang yung ride at paglabas namin ay dumiretso na kami sa kotse. We'll be using Cruise today. Ang first baby ko. I helped her up since medyo mataas din ito and she's wearing heels pa. Nanliit talaga ako lalo. Once she's seated, I went to the other side na din.

 

The restaurant was about half an hour away from the condo and with the traffic pa, kaya nakarating na kami almost an hour later. I parked the car and mabilis lang din akong tumalon pababa para makapunta sa side niya.

 

"You know that you don't really need to do that right?" natatawang sabi ni Karina.

 

"I know. But I want to" sagot ko naman sa kanya.

 

After locking the car, I held her hand na and started walking towards the restaurant. There was a long line outside but since we have reservations, lumapit na ako dun sa staff sa labas.

 

"Ma'am Winter! Good evening po" bati nito.

 

"Good evening din J" bati ko pabalik.

 

He didn't need to confirm kung may reservation kami kaya pinasunod na niya kami sa table namin. Nagabot siya ng menu at nagbukas ng champagne na agad niyang nilagay sa mga glasses namin. May isa pang waitress na lumapit at nagpakilala at sinabihan kami na tawagan na lang daw siya kapag ready na kaming umorder.

 

"What do you recommend jagi?" tanong no Karina while looking at the menu.

 

I scanned it quickly. It's been a while since I last ate here.

 

"We can start off with the Kani Salad then for the main course... My go to orders are the Roadhouse Prime Rib and Mushroom Parmesan Shrimp Risotto. But honestly, they don't really have a bad dish on the menu. Not being biased or anything"

 

"Hmm. I think the Prime Rib is too heavy for me so I'll order the Risotto" sabi ni Karina at nagokay sign lang ako.

 

Tinawag ko yung waitress kanina and gave our orders.

 

 

 

 

 

We were having desserts na nung may bumulong sa tenga ko.

 

"Will you be paying or doing the dishes?"

 

Pagtingin ko sila Ate Irene at Ate Wendy pala.

 

"Holy ! Ate naman. Bakit nanggugulat?" sabi ko.

 

"I told you we'd be here di ba?" sabi ni Ate Irene.

 

Nagpunas muna ako ng bibig bago ko formally ipinakilala si Karina.

 

"This is Karina, my beautiful fiancé" proud kong sabi. "And jagi, this is my cousin Ate Irene and her wife Ate Wendy"

 

Natulala saglit si Karina habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ke-liit na mga tao pero ang powerful ng presence.

 

"Sorry po. Hi Karina Yu po" pagpakilala niya.

 

May dumating na waiter at naglapit ng dalawa upuan at umupo na yung magasawa. Umusog naman ako sa tabi ni Karina.

 

"It's great to finally meet you, Karina. I've only ever seen you in pictures because this kid never even made kwento" sabi ni Ate Irene.

 

"And the pictures doesn't justify the real beauty of the person" sabi naman ni Ate Wendy. Natawa na lang din si Karina.

 

"Really? Ate Wendy? In front of your wife?" sabi ko. Harap harapan talaga siyang nagsasabi ng ganyan?

 

"I mean no harm Winter. I just know how to appreciate a beautiful face" depensa naman niya. Mukhang may idadagdag pa sana siya pero nung tinignan na siya ni Ate Irene, tumahimik na lang ulit siya. Under ampotek.

 

"So Karina, are you working already or still studying?" tanong ng pinsan ko. Napaka.seryoso pa ng itsura.

 

"I took a Business course but stopped studying in my 4th year. Some... things happened but I'll be finishing my degree after Winter graduates" sagot naman ni Karina.

 

"I see. And what do you intend to do after that?"

 

Bakit parang ang seryoso naman ng tanungan ng pinsan ko? Sila mommy nga walang ganyan.

 

"I want to start my own company someday but my dad... uhm... well my dad's offer to work for his company is still in place so I'll probably start from there"

 

I sensed the slight change in Karina's voice when she mentioned her dad. I know it's only been a month since he passed away and I'm sure the pain is still there. Napansin din siguro nila kaya dinivert na ni Ate Wendy ang usapan. Si Irene kasi eh.

 

"So anong nagustuhan mo jan kay Winter?" pabirong tanong ni Ate Wendy. Pinandilatan ko talaga siya ng mata sa tanong niya.

 

Natawa naman si Karina. "Hindi ko nga din po sure eh. Ano nga ba?" Sagot niya habang nakatingin sa akin.

 

"Grabe jagiya, ganyan ka na ngayon ah"

 

"But seriously, Winter's is great at many things. The first thing I noticed about her is how independent she is"

 

At ayun na nga, napakwento na si Karina kung paano kami nagkakilala. Kasama na din yung nainjure ako.

 

"Did tita knew about that?" tanong ni Ate Irene.

 

"Yep. Pero nalaman na lang niya nung pagbalik namin ng Manila. May isa kasi jang nadulas din eh" sabi ko habang nakatingin kay Karina at nagmamake face na kunwaring inis ako.

 

"Oh . Hindi naman siya nagalit?"

 

"There was no point in doing so. Pero you know mom, exaggerated pa din yung reactions niya"

 

We had a blast exchanging stories with Ate Irene and Ate Wendy. They even said na nakikita nila silang dalawa sa amin ni Karina. Napaisip ako na may point nga sila. Pareho kasi sina Ate Irene and Karina na may resting face kaya madalas hindi maganda ang first impression ng tao, mahiyain din sila pareho, tapos mahilig pang magorganize ng mga gamit. Nako, gustung gusto ng pinsan ko ang maglaundry. Kulang na lang lahat ng damit namin eh labhan na niya. Kami naman ni Ate Wendy yung madaldal at madaling kumausap sa other people, tapos we're both clumsy and messy at times. Para bang we balance each other talaga. Soul mates nga kasi.

 

Sa sobrang sarap ng kwentuham namin, hindi na din ako pinagbayad ng pinsan ko. Ayos talaga.

 

Nagplano pa kami na i-meet na din ang iba ko pang kamaganak so sabi ko we'll check na din with the others kung kelan sila available.

 

 

 

 

 

"Jagiya"

 

"Hmm?"

 

"Nag-aaya sila Ryujin kung gusto ba daw natin magkita kita ulit"

 

"Pwede naman. Pero baka next weekend na kasi di ba pinapapunta tayo ng parents mo sa bahay niyo?"

 

Ay oo nga pala. Nagconfirm ang mga relatives ko na available daw sila this coming weekend kaya nagset na sila mommy ng date for the gathering. Ako yung mas kinakabahan sa aming dalawa ni Karina eh. Kasi nga dahil bunso ako sa magpipinsan, palagi nila akong inuuto na gawin yung kung ano ano. Ako naman si tanga na ginagawa naman. Pero siyempre nung medyo nagkaedad na ako, hindi na ako nagpapauto sa kanila... ng madalas.

 

"Sige I'll let them know na lang. Maybe we can just invite them here noh? What do you think?"

 

"I think that's a better idea, jagi. Kasi most probably they'd go for some drinks at least dito, they can drink as much as they want. May spare room naman tayo. Bahala na nga lang sila sa pwestuhan"

 

I sent a message to the new group chat we created and yes, nagactivate na po ulit ng social media si Karina kaso tamad namang magtingin ng phone.

 

 

 

 

 

Weekend came and we need to go to my parents house na nga. Nakailang palit ng damit si Karina kasi gusto niya maging maganda ang first impression sa kanya ng ibang relatives ko.

 

"Please lang wag ka ng bumanat jagi" sabi ni Karina. May sasabihin na kasi sana ako kaso mukhang nabasa niya yung utak ko.

 

"Luh. Wala naman akong sasabihin eh" pagdepensa ko.

 

"Yeah right" natatawang sagot naman niya.

 

We finally decided na mag-matchy na lang ng suot. A plain white fitted shirt and black skinny jeans. Sinuot din namin yung shoes na binili namin pareho.

 

My mom sent me a message asking what time kami darating so I told her na paalis na din kami ng condo in a few.

 

After checking ourselves at kung may nakakalimutan kami one more time, lumabas na kami. Was hoping na mabilis lang ang magiging byahe namin pero dahil sabado ngayon ay expect mong maraming lalabas. So ayun, nastuck kami sa traffic sa edsa. Well, wala namang bago dun.

 

Nakarating kami ng QC bandang 5 PM na and another fifteen more minutes bago kami makarating sa bahay. Pagpark ko ng car, nakita kong papalabas na din ng bahay sila Ate Irene at Ate Wendy.

 

"They're here!" sigaw ni Ate Irene sa direksyon ng bahay namin at lumabas naman agad yung mga pinsan ko at sinalubong kami.

 

Hindi pa nga kami nakakalabas ng sasakyan pero nakaabang na sila Ate Yeri at Ate Jisoo na kasama din ang girlfriend niyang si Ate Jennie.

 

Una na akong lumabas at pagbubuksan ko na nga ng pinto si Karina.

 

"What's up shorties?" bati ko kina Ate Yeri.

 

"What did you just say?" pasugod na sagot nito.

 

Kakabukas ko lang ng pinto sa side ni Karina at lumabas na din siya para tabihan ako. Nakita ko kung paano sundan ng tingin pataas ng mga pinsan ko si Karina at napalunok na lang.

 

"Hi po. You must be Ate Yeri... Ate Jisoo and Ate Jennie?" sabi ni Karina na side glancing me kung tama ang sinabi niya. I nodded naman.

 

They shook hands at wala na muna silang sinabi ulit before kami pumasok ng bahay.

 

Natawa na lang ako. May naalala kasi akong video sa tiktok.

 

I held Karina's hand at mas lumapit na sa mga pinsan ko.

 

"Hindi ba kayo makapagantay sa loob?" asar kong tanong sa mga pinsan ko.

 

"Ewan ko sayo Minjeong. Hi Karina. Tara na sa loob" sabi naman ni Ate Jisoo.

 

Pagpasok namin ng bahay, bumungad ang iba ko pang mga kamaganak. Nasa couch sila mommy at daddy na kausap sila Tito Aiden at Tita Roxy. Sa may bintana naman sa sala ay andun yung mga pinsan kong sina Kuya Sehun na kausap sina Kuya Kai at Kuya D.O. Then makikita mo sa may dining table sina Tito Casey, Tito Jerome at Tita Megan na nagsisimula na atang uminom, may bago na naman sigurong pinapatikim na alak si Tito Jerome. Then sa other side naman ng table ay yung iba ko pang pinsan na si Ate Nayeon, yung girlfriend niyang si Ate Jeongyeon, Kuya JB at yung 'best friend' niyang si Kuya Yugee na naglalaro ng something sa mga phones nila. Hindi pa yan kumpleto dahil nasa abroad na yung iba ko pang kamaganak at yung present ay yung mga dito pa din sa subdivision nakatira.

 

Mommy saw us at tumayo na agad para bumati sa aming dalawa ni Karina.

 

"Oh anak you're here na pala. Hello Karina. It's good to see you again" sabi ni Mommy tapos bumeso na sa aming dalawa.

 

I led us to the couch para umupo at naglapitan na din ang iba naming kamaganak.

 

"Everyone, I want you all to meet my future wife, Karina Yu" proud kong sabi sa lahat with a big smile. Tumayo naman ulit si Karina at nag-bow to everyone.

 

"Hello po" nahihiyang sabi niya.

 

At ayun na nga nagsimula na silang magtanong ng kung ano ano.

 

"Since you're living together, for sure nakita mo na kung gaano kaburara yang si Winter noh?" tanong ni Ate Yeri.

 

Natawa naman si Karina. "Yes po. Pero we talked about it already and mas naging masinop na po siya"

 

"Pinagluluto ka naman ba niyan?" tanong naman ni Ate Irene.

 

"She does po. She learned from one of the best daw po eh"

 

Nag.nod of approval ang pinsan ko. "Dapat lang"

 

Sumunod naman nagsalita si Ate Nayeon. "Magaling mambwiset yang si Winter. Pero asar talo yan sa amin. So kung mainis ka din sa kanya sabihan mo agad kami ah. Kami gaganti for you"

 

"Luh. Grabe siya o. Buti natitiis ka ni Ate Jeong. Eh bwiset ka din eh" ganti ko naman.

 

"Karina, may mga pinsan ka bang single?" singit na tanong naman ni Kuya Kai.

 

"Uhm. Not sure po at the moment pero si Ate Krystal po ata actively looking" sagot ni Karina. Ibubugaw pa ata ang sariling pinsan. Nakita ko naman nag-high five sina Kuya Kai at Sehun.

 

Parang nga ewan lang yung tanungan mg mga pinsan ko pero medyo nagseryoso na nung magtanong nadin ang mga tito at tita ko.

 

"So Karina, I heard na magaaral ka ulit. I hope you don't mind me asking, why did you stop in the first place?" tanong ni Tita Roxy.

 

Agad akong tumingin kay Karina. Parang masyadong personal naman kasi yun. But she held my hand tighter as if saying it's okay.

 

"I don't mind po. Nung time po kasi na iyon, my family and I weren't on good terms. They migrated to the US leaving me here. I was okay with it po. I did what I could to move on. Got busy with school and the organizations I joined. I thought it would get better with time but it didn't. I hated my dad for choosing to leave me here and every time he contacted me, bumabalik sa akin lahat ng hindi magandang nangyari sa akin and her wife, my step mom. So it came to a point that I drowned in my own thoughts and wanted an easy exit with life. So I stopped studying po"

 

Panandaliang natahimik ang mga kamag anak ko. In our family kasi, priority ang makatapos ng pagaaral kaya they push us din na we do well in everything. Hindi rin pwedeng may mababang grade at lahat kami ay may hidden takot at hiya sa lolo't lola namin na parehong suma laude.

 

"Are all your remaining units available ba sa university ni Winter? Usually kasi di ba you have to take a new one lalo pag iba yung curriculum na ginamit niyo?" galing talaga bumasa ng room ni Tito Casey.

 

"Ah yes po. Kaya next semester po I can enroll na"

 

They asked a few more questions bago kami tawagin for dinner. Siyempre si Ate Irene ang nagluto ng lahat ng food namin.

 

 

 

 

 

Naging light ang atmosphere from dinner and after that. Naglabas na kasi ng mga alak yung pinsan ko. Sa backyard kami lahat pumwesto since may long tables na din dito. Hati ang inuman. Nasa other side ng pool ang mga adults at nasa kabilang side naman kaming mga young adults. Inasar pa namin sina Ate Irene na dun sila sumama sa kabilang table. Siya kasi ang pinakamatanda sa magpipinsan.

 

Hindi rin naman mawawala ang karaoke at nilabas na din ni Ate Wendy ang mga equipment niya. Isa kasi siyang international music producer.

 

"I'll go first ha" sabi nito at niready na ang kanta.

 

Seems like everybody's got a price

I wonder how they sleep at night

When the sale comes first and the truth comes second

Just stop for a minute and smile

 

Buti na lang hindi ito yung karaoke na may scoring kasi malamang 100 yung makukuha ni Ate Wendy. Grabe naman kasi yung boses. Inofferan nga siya dati ng isang big company sa South Korea when she worked with a few of their artists there kaso ayaw naman niyang malayo kay Ate Irene kaya sabi niya she prefers working in the background daw.

 

Sumunod namang nagpakitang gilas si Ate Jisoo at Ate Jennie. Naglagay na din ng song nila.

 

Even when the sky comes falling

Even when the sun don't shine

I got faith in you and I

So put your pretty little hands in mine

Even when we're down to the wire babe

Even when it's do or die

We can do it baby simple and plain

Cause this love is a sure thing

 

Ay wow lang. Iba din magrap yung girlfriend ng pinsan ko. Si Ate Jisoo naman ang galing mag-harmonize. Perfect naman talaga silang dalawa.

 

Hindi rin nagpatalo sina Kuya Kai, Kuya Sehun at Kuya D.O at naglapag na din ng kanta. Dahil isa lang yung nilabas na mic eh nilaksan na lang nila yung boses. At hindi pa nakontento at nagsayaw pa nga yung tatlo.

 

Kkaego buditchyeoya hae

Uril bol su itdorok

Keuge sorichyeoya hae

Meolli beonjyeogadorok

Yeorin bitdeuri beonjyeoga

Gin eodumeul da moranaen sungan

Dasi kkaeeonaya hae

Saerowojin achime

 

I never knew na sumasayaw pala itong mga pinsan ko. Alam ko kasi mahilig silang kumanta or magrap tapos minsan eh nag.d.dj dun sa mga bars ni Tito Jerome.

 

Next namang naghanap ng kanta si Ate Yeri. Duet naman daw sila ni Ate Irene. Pagkalagay ng kanta, ayun akala mo concert na. Grabe makasigaw sa mic si Ate Yeri.

 

Nobody gonna love me better

I'ma stickwitu forever

Nobody gonna take me higher

I'ma stickwitu

 

You know how to appreciate me

I'ma stickwitu, my baby

Nobody ever made me feel this way

I'ma stickwitu

 

And of course hindi kami pinalagpas ni Karina pero sabi ko magc.cr lang muna ako bago kami kumanta kaya pinagisip ko muna siya ng gusto niya at sabi ko sasabayan ko na lang siya.

 

I made my way to the bathroom sa baba ng bahay, kasunod nito ang kitchen. Although may partition naman, maririnig mo pa din kung may maguusap.

 

I heard one of my tita's voice and nacurious ako sa pinaguusapan nila.

 

"Taeng, she looks a lot like Fany. Nakakaloka"

 

"I know. It was the first thing I noticed nung pinakilala siya sa amin ni Winter"

 

"I'm not gonna lie. Nashock talaga ako. I thought I was seeing a ghost kanina"

 

Narinig kong humikbi si mommy.

 

"I still miss her Rox. Bakit ganun?"

 

"Do you really want me to answer that?"

 

Hindi ko pa nagets kung sino yung pinaguusapan nila and walang nagsalita after nun kaya naglakad na ulit ako papunta sa bathroom hanggang napatigil ulit ako at parang umurong yung ihi ko.

 

"She wasn't just my best friend kasi. I loved her Rox. I really did. Hindi ko lang talaga kayang ipaglaban kina mommy yung relationship namin"

 

 

 

Waittttt ano daw??

 

 

 

 

 

"Ano na Winter? Hindi lang number one ginawa mo noh?" asar sa akin ni Ate Yeri pagbalik ko sa table namin. Tumingin muna ako sa kabilang table at nakita kong niyakap ni daddy si mommy. Hindi ako mapakali sa totoo lang.

 

Hinawakan naman ni Karina ang kamay ko. "Are you okay jagi?"

 

I nodded na lang then asked kung anong napiling niyang song. Pagkasabi niya, hinanap ko na then we started singing.

 

Every time I see you baby I get lost

If I'm dreaming, baby, please don't wake me up

Every night I'm with you I fall more in love

Now I'm laying by your side

Everything feels right since you came along

I'm thinking baby

 

You, yeah, are bringing out a different kind of me

There's no safety net that's underneath, I'm free

Falling all in

You fell for men who weren't how they appear (Ooh)

Trapped up on a tightrope now we're here, we're free

Falling all in

 

 

 

 

 

We spent the night at the house since marami din kaming nainom. Paguwi ng mga pinsan ko sa kani-kanilang mga bahay, we stayed in the living room while we had coffee with my parents. Naglabas naman ng mga photo albums si mommy then showed it to Karina.

 

Hiyang hiya ako sa mga pinapakita ni mommy. Pati ba naman yung naliligo ako? Pero oh well, nothing Karina haven't seen.

 

While I watch the scene in front me, with mom giggling along with Karina as she showed her my pictures, my thoughts went back dun sa narinig kong conversation ni mommy at ni Tita Roxy.

 

Kaya ba ang bilis nung pagtanggap ni mommy kay Karina kaso she reminds her of her mom? I mean, I haven't really seen any photos of Karina's mom pero they kept saying na kamukha niya ito. Since hawig ko din naman si mommy tapos kapag magkatabi kami eh she sees her younger self with Tita Miyoung? Bigla kong naalala yung minsang magkwento si Karina about her mom. She went with a different name daw when she was on stage and it was Tiffany, then tita mentioned Fany kanina. So... they were really referring to the same person then?

 

Nagulat sila mommy nung bigla akong napasinghal sa realization ko.

 

"Yes anak?" tanong ni mommy.

 

Umiling na lang ako. "Wala my. Tuloy mo lang ang pagpapahiya sa akin sa fiancé ko"

 

Hinampas ako ng slight ni Karina. "Ang cute mo kaya jagi. Tita, can I keep this photo?"

 

Tumango naman si mommy at tinanggal na nga sa album yung picture at ibinigay kay Karina.

 

 

 

 

 

The following weekend came at magkikita kita na ulit kami ng mga friends namin. Naggrocery kami ni Karina that morning at dinamihan na din namin dahil for sure maghahanap ng makakaen yung mga yun. Gabi pa naman ang usapan na pagpunta sa condo kaya after namin maayos ang mga binili namin, naglinis na din kami ng condo. Well wala na naman talaga masyadong lilinisin cause Karina does it na everyday kapag nasa rehearsals ako. We bought foldable mattresses pa nga para may matulugan yung mga kaibigan namin.

 

Paglabas ko sa laundry room, nabitawan ko ang hawak kong hamper na may laman ng mga bagong labang damit namin nung nakita kong lumabas ng room namin si Karina na naka.bra at lang. Nginitian niya lang ako at dumiretso na sa may kitchen at binuksan yung ref. Hindi ko alam kung nananadya siya nung bigla siya tumuwad at may hinahanap na something sa ref. Saglit lang naman tapos tumayo na siya at sinarado na ito. Juice box pala yung kinuha niya. Kumuha na din siya ng baso at naglagay ng laman. Half lang tapos binalik na ulit sa loob. Natuod lang ako sa kinatatayuan ko habang pinanuod ko din siyang inumin yung kinuha niya. Nung naubos niya ito, she even her upper lip sabay sabi ng 'Aaaahh!' Then rinsed the glass na din agad.

 

She looked at me one more time then tilted her head to the side as if inviting me to go with her. Naglakad naman ako pero napatid ako nung hamper na nahulog at nadapa pa ako pero nginitian niya lang ako at pumasok na sa loob ng room.

 

Agad kong nirub yung tuhod ko at dali daling pumasok ng kwarto kung saan ko siyang nakitang nakapwesto na sa gitna ng kama at wala na yung suot niya kanina.

 

"Why do you still have your clothes on jagi?" she asked in a very seductive way and I've never undressed so fast and once the last piece of clothing was off, I jumped on her.

 

 

 

 

 

Kanina pa may nagriring ng bell pero ayaw ko pang bumangon. Tinignan ko ang katabi ko at tulog na tulog pa din siya. Babangon na sana ako kasi hindi pa din tumitigil yung pagbell pero hindi ako makatayo. I looked at my arms and they were tied to the bed.

 

How the hell did that happen??

 

Nagising na din si Karina. Nainis siguro sa ingay nung bell kaya bumangon na siya at nagsuot ng damit bago lumabas ng room. Ilang sandali lang at narinig ko na ang boses ng mga kaibigan namin.

 

"Grabe ah. Kanina pa kami nasa labas. Akala nga namin aakyatin na kami nung guard sa baba kasi may ilang residents ng sumilip" rinig kong reklamo ni Ningning.

 

Sinilip ko yung wall clock at nakitang 7 PM na pala.

 

"Sorry naman. Nakatulog kasi kami kanina" rinig kong sagot naman ni Karina.

 

"Asan pala si Winter?" boses ni Ryujin yun.

 

"She's... tied up on something pa" sagot naman ni Karina. "Tawagin ko lang siya ha" dagdag pa niya bago pumasok ulit sa loob.

 

Lumapit siya sa akin at bumulong, "Masakit ba yung wrist mo?"

 

Hindi ako makareact. Nagproprocess pa kasi sa utak ko kung paanong hindi ko maalalang umabot kami sa point na natali niya ako kanina. Yung huli ko lang natatandaan eh yung pumatong ako sa kanya.

 

Biglang bumukas ang pinto at kita kong pinasok ni Ryujin ang ulo niya.

 

"Guys san pala yung..."

 

Kita ko yung mabilis niyang pagpikit at pagsara ng pinto. Natawa na lang si Karina.

 

Dahan dahan niyang inalis yung nakapulupot sa wrists ko and checked kung may sugat ba or something. Namumula lang naman ng sobra.

 

Binangon na niya ako at inalalayan papunta sa cr para makapagfreshen up. Tapos binihisan na din ako ng hoodies para matakpan yung wirsts ko bago kami lumabas ng kwarto.

 

"Hi guys" bati ko sa mga friends namin. Nginitian naman ako nung iba pero si Ryujin hindi makatingin sa akin.

 

 

 

 

 

Sa floor na kami lahat pumwesto. Pumaikot kami sa coffee table kung saan nakalagay ang mga pagkaen na binili nila. Sabi ko kasi na sila na bahala sa dinner namin. May mga nagpeplay ding videos sa tv. Tamang stream lang ng mga music videos ng gusto naming kpop group. Katatapos lang ng latest song ng Itzy na Loco at sumunod na ngang nagplay ang Savage ng Aespa.

 

"Oh my gosh! Don't you know I'm a... savage?" pagsabay ko pa.

 

I'm a Killa neoreul kkael ae

Ajikdo garigo hwangageul pyeolchin neo

Paella We Holler

Duryeopji ana neo neo Hit you harder

 

Tamang kanta naman ni Karina tapos sumunod si Giselle then ako at si Ningning.

 

"Ayos ah. Di naman kami informed na may paperformance na magaganap. Teka tatawagin ko nga yung friend kong si Chaeryeong para kumpleto naman kaming Midzy. Malapit lang nakatira dito yun eh" sabi naman ni Lia at naglabas na nga ng phone.

 

"Are we gonna bet on it?" entry naman ni Giselle.

 

"Game ako jan. Pero kailangan ng judge. Sabihan mo si Chaer na isama niya yung ate niya" sabi ni Yuna.

 

Umalma naman si Karina. "Lugi kami. Bias siyempre sa inyo yun. Dapat galing sa ibang company"

 

Napaisip naman ako. May narinig kasi akong nagpapatugtog ng kpop songs nung isang araw.

 

"Wait sige. Check ko sa kapitbahay namin"

 

Tumayo na ako at lumabas ng unit at kinatok ang kabilang unit. Saglit lang at may nagbukas ng pintuan. Nagulat pa ako kasi nakashades si ate kahit gabi na.

 

"Hi. Pasensya na po sa istorbo. Winter po pala, neighbor niyo. Uhm... Ano kasi... Kung hindi naman po masyadong nakakaabala. My friends and I were planning to have a small competition in a few. Naghahanap lang po kami ng pwedeng magjudge?" nahihiya kong sabi. Tinanggal niya ang shades niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Natakot ako sa totoo lang.

 

"D'you guys have alcohol there?" tanong niya.

 

"Ah y…yes po. We're actually just finishing dinner then we'll start drinking na din po" mabilis kong sagot.

 

Sumignal siya ng wait at lumingon sa likuran niya. "Some kids wanna make us judges for some competition. They have devil's juice. Are you guys up for it?"

 

" yeah!" rinig kong sabi nung mga nasa loob.

 

Humarap na ulit siya sa akin. "Aight. We'll be there later" sabi niya tapos sinara na agad yung pinto.

 

Natulala pa ako ng slight bago bumalik sa unit.

 

"Ano may nahanap ka?" tanong ni Yeji.

 

"Oo? Sabi na lang nila na punta daw sila dito mamaya"

 

"Ayos! Chaer just confirmed na magpreprep na din daw sila ng ate niya"

 

 

 

 

 

True enough, thirty minutes later pinagbubuksan na ng pintuan ni Lia yung magkapatid na Chaeryeong at Chaeyeon. Inayos na din namin ang living room para mas malaki ang space. Kanya kanya na lang kaming beer since may gagawin kami. Hassle pag may magaabot pa ng shot eh.

 

Maya maya naman ay may nagring na ulit ng bell kaya tumayo na ako para pagbuksan. Bumungad sa amin ang apat na babaeng grabe ang sense of fashion. Dire-direcho lang silang pumasok ng unit at umupo sa dining area kung nasaan yung mga alak.

 

"I like your taste in liquor ah" sabi nung nakausap kong babae kanina. Binuksan na niya yung bigay sa amin ni Tito Jerome na Balvenie Scotch Whisky.

 

"I'm CL by the way and these are my friends Dara, Minzy and Bom" dagdag niya sabay turo as she introduced her friends.

 

Isa isa naman kaming nagpakilala. Inexplain ko na din ng maayos ang mangyayare. Dahil lamang ang songs ng Itzy sa Aespa eh ang usapan ay pipili na lang ng songs from girl groups ng same companies. Nagbato bato pick din kung sino mauuna. Nanalo si Ryujin against sa akin kaya namili na sila ng sasayawin nila.

 

"That's it? You're just gonna dance and that's what we're going to judge?" tanong nung Minzy.

 

"Opo" sagot ko.

 

"That's no fun at all. Let's raise the stakes here" sabi nung Dara tapos naglabas ng isang bundle ng 1000 pesos from her bag. "Sing and dance. Whoever wins, will get this"

 

Nagpaka.competitive mode ang lahat. Dala na din ng gulat sa kashualang labas ng pera nung friend ng kapitbahay namin na ngayon lang namin nameet. They gave us ten minutes para pagisipan ang mga kantang ipeperform namin.

 

Dahil nanalo si Ryujin, nilagay na nila ang una nilang kanta at pumuwesto na sila sa harap naming lahat.

 

Weapon, weapon, weapon

Oh-oh-oh

 

Never question it, got no doubts

Jeoldae huhoehaji anke it's my time-ime

Da ssodanae, shout it out

Bomb, bomb, teotteuryeo 'bout to turn it up

Moksorireul nopyeo, get louder now, jjilleo jjilleo

I'm 'bout to show this stage wie killer, killer

I always stay strong so bring it all down

Jom deo nopeun goseul wonhae, I desire-sire

 

They went hard kaagad sa unang lapag. Siyempre hindi kami pwedeng magpatalo. Naisip namin na maglagay agad ng classic.

 

Saranghae neol ineukkim idaero

Geuryeowassdeon hemaeimui kkeut

Isesang sokeseo banbokdoeneun

Seulpeum ijen annyeong

Sumanheun al su eobsneun gilsoke

Huimihan bicheul nan jjochaga

Eonjekkajina neo

Hamkke haneungeoya

Dashi mannan naui segye

 

Hingal at hilo kaming lahat pagkatapos ng mga pinaggagawa namin. In between kasi ng mga performances eh nagabot ng mga shot yung isang judge na si Bom kasi ang corny daw ng iniinom naming beer. Hindi ko alam bakit hindi kami makatanggi. Para lang kaming nasa bar eh. Buti na lang sound proof din yung unit namin.

 

Nagkakatuwaan na lang din ang lahat, nagpakitang gilas na din yung ate ni Chaeryeong na si Ate Chaeyeon at nagperform na din.

 

Swan uahage

Like Swan Swan Swan

Like Swan Swan Swan (MAMA)

 

I've only heard about it pero never ko pa nakitang magperform si Ate Chaeyeon kaya grabe din yung pagchecheer namin sa kanya. Pang.doseng tao yung pinerform niya tapos isa lang siya and actually nailed it.

 

Bigla namang gumitna yung apat pang judges at naglagay na din ng lapag nila. We didn't expect na all out din sila to think na kanina pa sila umiinom.

 

Naega jeil jal naga

Naega jeil jal naga

Naega jeil jal naga

Naega jeil jal naga

Je je jeil jal naga

Beat!

 

Bam Ratatata Tatatatata

Beat!

Bam Ratatata Tatatatata

Beat!

Bam Ratatata Tatatatata

Beat!

Bam Ratatata Tatatatata

Oh my God

 

In the end, walang nanalo dahil tie ang mga score nila so hati-hati kami dun sa cash prize.

 

 

 

 

 

Nung magmadaling araw na, ilan na lang kaming naiwan na nagiinom. Gumive up na sila Lia, Yuna, Chaeryeong, Ate Chaeyeon at Ningning dahil gusto pa daw nilang makita ang araw. Ilang beses na din kasing may sumuka ng mga ininom namin. Hilo na din talaga ako sa totoo lang pero ang saya kasi kakwentuhan nung mga bago naming kakilala eh. Siksikan kami sa balcony nila Karina, Ryujin, Yeji, CL at Bom habang nagyoyosi or nagvavape.

 

"We should do this again some time. We thought graduate na kami sa mga ganyang pagpeperform eh. Pero I definitely miss the feeling" sabi ni CL.

 

Nakwento nga nila na nung high school and college sila a few years back, palagi silang salang sa mga school events and they even compete outside the country pa. Kaya ganun na lang din ang dynamics nilang apat kasi never sila naghiwahiwalay kahit nung grumaduate sila.

 

Ganun din kami nila Ryujin, Lia and Giselle. And I hope hanggang magkapamilya kami eh ganun padin kami ka-tight.

 

 

 

 

 

 

a/n:

may nakaisip ba nung history ni Mommy Kim at Mommy Hwang? Probably.

i felt bad not including Chaeryeong when they had the vacation so moving forward kumpleto na ang Itzy.

as always, your thoughts, suggestion are welcome. :)

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 12 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
577 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
733 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 701 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
33 streak #8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
33 streak #9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
33 streak #10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!