Day 4

Someday We'll Know

I didn't set an alarm coz I wasn't planning on going out. Also because I can't. But I was woken up by the smell of food. Napabangon talaga agad ako pero careful pa din naman para tuluyan ng gumaling yung ankle ko.

 

After fixing myself, I slowly made my way down and kita ko agad na nagseset ng table si Ate Linda at malawak ang kanyang ngiti.

 

I was about to greet her when another voice was heard na palabas ng kitchen.

 

"Nay, pakuha na lang po ng juice sa ref"

 

Nawala sa view ko si Ate Linda at pumalit ang isang anghel.

 

Good morning to me naman pala.

 

Napansin niya agad ako at mabilis niyang ibinaba ang dala niyang serving plate.

 

"Oh you're up na pala. Good morning Winter" bati ni Karina with matching wide smile pa.

 

Teka. Nanaginip ba ako? Is she really here?

 

Unconsciously, napangiti na lang din talaga ako. Hindi ko naman kasi ineexpect na babalik agad siya sa bahay.

 

Wala na siyang ibang sinabi bago ako nilapitan at inalalayan ulit makaupo sa dining area.

 

In front of me was a breakfast feast. May scrambled eggs, bacon, sausage and fried rice. May coffee, tea at juice din. Airplane lang?

 

Pumasok na din ng bahay si Kuya Mark at umupo na silang magasawa sa harap namin ni Karina.

 

"Panalo naman talaga ang lutong agahan ni Karina" sabi ni Kuya Mark.

 

Paabot na din ako sana nung serving spoon para sa rice pero naunahan ako ni Karina at naglagay na sa plato ko.

 

"Is this enough?" Tanong niya. Nag.lag na naman ako ng slight kasi hindi naman niya kailangan gawin yun.

 

"Ne!"

 

Naweirduhan pa nga sina Ate Linda sa sagot ko pero nagets naman ni Karina at napangiti na lang din siya.

 

Pagkatapos niya maglagay ng kanin ay inabot naman niya yung mga ulam at naglagay na din sa plato ko. Hindi ko na siya napigilan sa ginawa niya.

 

"D'you want coffee, tea or juice?"

 

Di ba dapat coffee, tea or me?

 

Natawa na naman siya. Did I say that out loud? Hala naman talaga.

 

"Coffee na lang" bigla kong bawi.

 

After pouring me some coffee, kumuha na din siya ng food niya. And so we started eating.

 

Unang subo ko pa lang nanlaki agad yung mata ko. Ang perfect kasi sa panlasa ko. Gusto ko kasi yung sumisipa yung lasa ng garlic at butter sa fried rice. And then the scrambled eggs had lots of cheese in it tapos yung luto nung bacon sobrang crispy, just the way I like it.

 

"Alam mo bang ang aga dumating niyang si Karina? Aba'y wala pa atang araw eh tumatawag na sa akin para pagbuksan siya ng gate" sabi ni Ate Linda.

 

I looked at her and parang nahiya pa siya bigla.

 

"Ikaw nagluto ng lahat ng ito?" tanong ko naman sa kanya.

 

"Ne"

 

Nagkatinginan kami and we both smiled at each other.

 

! Kinikilig ako.

 

"Ano ba yang ne ne na iyan?" biglang entry ni Kuya Mark kaya naudlot ang aming staring contest.

 

"Yes po in korean" sabay pa naming sagot.

 

When we finished eating, nagpaalam na ulit silang magasawa at may tatapusin pa daw silang trabaho kaya naiwan kaming dalawa sa dining table.

 

"Karina, ikaw na muna bahala kay Winter ha. Dalhin mo siya dun sa mga tourist attractions para naman hindi sayang ang punta niya dito"

 

"Nako huwag na po. Baka makaabala pa po ako sa kanya" polite kong pagtanggi.

 

"Eh ikaw nga sinadya niyan dito" huling salita ni Ate Linda bago siya lumabas ng bahay.

 

Wait, what?

 

 

 

 

We're on our way somewhere. I didn't ask na din kasi pero I trust Karina naman na hindi niya ako dadalhin somewhere dangerous. We came to an agreement na siya bahala sa lugar na pupuntahan at ako na bahala sa kung ano mang gastos.

 

I already planned ahead kung anong isusuot ko everyday sa trip na ito and supposedly I was going to wear shorts today pero when Karina saw what I was wearing, sinabihan niya akong mag.pants or leggings na lang so no choice at nagpalit ako. Hirap na nga ako isuot yung shorts eh di mas lalo akong nahirapan magpants.

 

"How's your ankle pala?" Bigla niyang tinanong. Napansin niya kasing iniikot ikot ko.

 

"Much better. Though I don't think I'd be able to go on long walks for now"

 

"I know that naman. I'd like to ask though, is this your first time in Zambales?"

 

"Not really. I've been to Subic many times and I went out with my friends a couple of years ago sa Camara Island"

 

"Ah yes. Maganda nga dun"

 

Nakapagkwentuhan kami habang nasa byahe. Wala pa din kasi akong idea kung saan kami pupunta and she's fun to talk with. Wala ng bahid ng awkwardness lalo na when we started talking about our likes and dislikes.

 

It was easy to talk to Karina. Para bang catching up with an old friend na matagal mong hindi nakita. We even talked about how we met, when she offered her help to take my picture.

 

"Oh gosh. Hiyang hiya ako magpapicture that time. I don't usually ask for help from strangers kasi, like you know to take pictures and such"

 

"But the photos turned out great di ba?"

 

"Yeah. Dami nga nagcomments online nung pinost ko yun eh. Speaking of, can I add niyo on any social media platforms?"

 

"Unfortunately I deactivated all of those"

 

"Oh ganun ba? I'll tag you pa naman san to take credit of your photos"

 

"A simple thank you is enough Winter"

 

Something with the way she says my name makes me feel things. I can't explain why but I get butterflies. And I have not felt this way for a while.

 

 

 

 

 

We finally reached our destination and I was awed cause this is my first time seeing it in person. The lake looks majestic with its blue green waters. I've only seen it in pictures but witnessing this wonder by my own eyes was really something.

 

"Beautiful" manghang sabi ko while taking in the view.

 

"So are you"

 

I don't know if she meant to say that out loud but when I looked at her she was looking at the view din.

 

I am confident to say that I am indeed beautiful but for me, she's more beautiful lalo na pag nakangiti siya. Like next level talaga.

 

I took some pictures and she offered to take some of mine as well. And I slightly had to force her to take a picture together. Hindi pa nga kami makapagdecide kung anong pose ang gagawin namin.

 

"Ang kyot niyo namang magjowa te. Gusto niyo kunan ko na lang kayo?" biglang offer nung isang batang babae na kasama namin na nagsisight seeing din.

 

"Ay hindi kami magjowa" sabay naming sagot.

 

"Weh? Sinong niloko niyo? #denypamore" sagot pa nito with matching taas ng kilay tapos sabay umalis.

 

Both women were too stunned to speak.

 

Lokong bata. Ginawan pa nga ng issue.

 

Hindi na kami nagpicture after nun at medyo nagka-ilangan sa sinabi nung bata. Pero while I was checking all the photos, I realized, tama nga naman siya. We do look like a couple. And not just a couple of friends.

 

We stayed for a few more minutes bago kami bumalik sa biyahe. Walang nagsasalita at tanging ang music lang na nagpeplay sa background ang naririnig. Paminsan minsan din kaming sumasabay sa pagkanta and through that nawala na din yung medyo na.off na magandang mood. She has a nice voice pati, ang soothing lang pakinggan. Patulong din kaya ako para sa recital ko?

 

I kept glancing at her direction and grabe din yung side profile niya. And I would admit, ang hot niyang tignan habang nagdadrive.

 

Shocks. Why am I having these thoughts and feeling this way towards her? Am I... no it's too early to say that.

 

Inabot na kami ng gutom sa daan kaya naman I asked her kung saan kami pwedeng kumaen.

 

"May gusto ka bang kainin? Marami kasing restaurant along the way"

 

Wala naman din talaga akong preference and hindi rin ako picky eater. Food is life kaya.

 

"Surprise me?"

 

Natawa na lang siya sa sagot ko. She took me to this art cafe na ikinatuwa ko kasi ang cozy niyang tignan at ang ganda nung decorations. Hindi rin naman pricey yung food kaya we asked na din ano mga best seller nila at iyon ang inorder namin.

 

Mabilis lang din dumating ang order namin kahit maraming customers. I took some pictures muna then nagpapicture na din kami sa waitress bago kami kumaen.

 

While eating, I can see the notifications on my phone popping up. Nagpost kasi ako ng story. Hindi ko na muna chineck since busy pa ako sa kinakaen ko.

 

Nagulat na lang ako nung bigla niyang inextend ang kamay niya at pinunasan ang chin ko.

 

"Sorry. May sauce kasi eh"

 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. So para hindi masyadong halata, I told her it was fine. Which really is. Kalma lang self.

 

I guess we really were hungry cause we really finished everything we ordered. Not even a single grain or rice on our plates. We ordered dessert na din before kami nag.bill out.

 

"How long are you staying pala?" Tanong niya.

 

"One week lang. I need to prepare for my recital pa kasi eh"

 

"Oh"

 

Subtle lang pero I saw how her expression changed.

 

I wish I could stay longer though.

 

 

 

 

We went back on the road and dinala naman niya ako sa isang wildlife farm. I have not been to a zoo in a while and the last time was in high school pa kaya naexcite din ako. Despite my love of animals, never akong pinayagan ng parents ko na magkaron ng pet.

 

Tirik na ang araw since hapon na kami dumating pero buti na lang I remembered packing an umbrella. At dahil mas matangkad siya and dahil may hawak na akong crutch, she held the umbrella for both of us.

 

Para siyang tour guide sa pagbigay ng information about the place. Family run daw yung zoo and habitat din for a wide range of exotic animals and plants.

 

"Are you still good? We can go back naman ulit"

 

"Kaya pa naman. Sayang kasi din if we go back pa and andito na rin naman tayo"

 

Tumango na lang siya at nagtuloy na kami sa paglalakad.

 

We took a break sa isang bench under a tree para daw hindi mabugbog yung ankle ko. She apologized pa nga kasi nawala sa isip niyang injured ako when she drove us here. I told her naman it's alright and even joked na she'll catch me naman if I fall.

 

"I won't let anything else bad happen to you Winter" seryoso niyang sagot.

 

When she said that, nagkatitigan ulit kami. And no joke, para talagang tumigil yung paligid. Nawala lahat ng ingay ng mga tao at mga animals. I thought this thing only happens on tv but just got real.

 

Nahila kami back to reality nung may tumabi sa amin sa bench, kaya umusog na lang kami ng konti. Bata ata sa hulma nung shadow kasi natatakpan siya ni Karina.

 

Hindi ko alam kung ako ba or siya or maybe sabay naming naisip pero our hands linked the moment na nasiksik kami nung bata. It seems naman na she didn't mind. And I think her hands fit perfectly with mine.

 

 

 

 

"Hindi talaga kayo magjowa niyan te?"

 

Sabay kaming tumingin sa nagsalita at yung batang babae na naman na kasabay namin sa Mt. Pinatubo.

 

"Ikaw na naman? Alam mo ikaw, ang bata bata mo pa, ang issue mo" sabi ko sa kanya.

 

"Luh. Hindi naman issue yun. It is just my mere observation from the way you two act together"

 

Sasagot pa sana ako nang pigilan ako ni Karina at may binulong naman sa bata. I saw how her face lit up bago siya tumayo at tumakbo papunta sa direksyon ng dalawang babae sa other side. We just watched how the taller woman carried her on one arm while she held out her other hand to the other woman before kissing them both.

 

We watched them hanggang mawala sila sa view namin. I think nakita ko pang kumaway yung bata.

 

"What did you tell her?" I curiously asked.

 

She answered me with a smile then said, "That's for me to know and you to find out" bago siya tumayo at nilahad ulit ang kamay.

 

Hindi ko tinanggap ang offer niya at tumayo on my own. Lumakad na din ako ahead of her and I heard how she sighed heavily. Since mabagal lang ako maglakad, she easily caught up with me. Umbrella on one hand as she held me with her other.

 

"Wag ka na po magtampo baby Winter. I'll let you know naman. Just...not right now"

 

Ngl. Kinilig ako sa pagsuyo niya. Haaay. Is it too fast to say na I'm attracted to Karina? Kasi I think she feels the same din.

 

Nakabalik na kami sa car at tinulungan niya ulit akong makasakay bago siya pumunta sa kabilang side. She also made sure na maayos ang pagkakasuot ko ng seatbelt before she revved the engine. Agad ko naman nilaksan yung AC kasi mainit sa labas at nagpalamig na muna kami.

 

Maya maya lang ay may kumatok sa bintana and we were surprised to see the kid again pero this time kasama yung dalawang babae.

 

"Hi. I'm Yujin Shen. So sorry to bother you but our kid Youngeun would like to take a picture with the two of you" sabi nung mas maliit na babae.

 

"Ehhh?" Sabay naming reaction.

 

Bumaba naman sa level nung car yung matangkad na babae na karga pa din yung batang nagngangalan pa lang na Youngeun.

 

"Xiaoting Shen po pala. Pasensya na at naistorbo pa po namin kayo. She told us kasi na she wants a remembrance from her new friends"

 

Ang kulit nitong batang ito ah. Pero pinagbigyan naman namin kasi mukhang paiyak na siya nung hindi pa kami lumalabas ng car.

 

Karina helped me out again at pumwesto kami sa labas nung farm na may name nung place. Nasa gitna namin si Youngeun na hawak ang parehong kamay namin ni Karina. Matapos ang ilang pictures ay kiniss niya ang mga kamay naming hawak niya tapos hinila niya ang kamay ko kaya napayuko naman ako bago siya lumapit sa ears ko.

 

"Please don't leave if she asks you to stay"

 

Humalik pa ito sa cheeks ko bago tumakbo papunta sa mga mommies niya. We bid the family goodbye before hopping back in the car. Padilim na din so we decided to go home na.

 

I guess napansin niyang tahimik lang ako sa biyahe pero wala na din siyang sinabi. Nabother kasi ako sa sinabi ni Youngeun sa akin. Parang pakiusap pa nga and to be honest, I felt bad. Kasi I know my stay is limited here. I got three more days to be exact.

 

I also didn't want to admit to myself about being attracted to Karina kasi I know, the moment I do, it'll be hard, not just to me but both of us.

 

 

 

Masaya kaming sinalubong ng magasawa at tinulungan na kaming ibaba ang mga binili naming pagkaen para hindi na rin sila magluto. I slowly made my way up the stairs habang busy si Karina at pagdating ko sa room ay ni-lock ko ito.

 

Kumuha agad ako ng pampalit at dumiretso na din sa cr para magwash.

 

Simple lang naman ang goal ko sa trip na ito: makakuha ng inspiration para sa gagawin kong recital. I remembered the notes I made during my hikes and it all points out to one thing. Love.

 

 

 

When I finished washing up, I went out the veranda to check my phone. Hindi pa naman ako tinatawag sa baba.

 

I sent a message to my parents first saying I just got home and went to certain places. I checked my messages and saw a lot from my friends.

 

#squadgoals

 

Ryujin: bro! ganda ng mga kuha mo. parang pro lang

Giselle: oo nga win. we have to go there na talaga.

Lia: next mo naman yung mga falls. *insert attachment*

Ryujin: bro? @Winter are you even seeing our messages?

Giselle: baka there's no signal there.

Lia: possible.

Ryujin: kaya naman pala hindi nagrereply may kasamang girl.

Ryujin: bekenemen

Giselle: OMG @Ryujin !!

Lia: she looks familiar though

Lia: i think i saw her last time na naghike kami

Ryujin: @Giselle, walang basagan ng trip. may gf ka na. @Lia did you get her name?

Lia: no eh. she was assisting one of the guides pero we didn't get a chance to talk to her

Giselle: hey @Winter uso magreply

 

You missed a call.

 

You missed a call.

 

Winter: sorry not sorry for not responding to your messages.

Ryujin: you're alive!

Giselle: ka @Winter. nagreach out sila tita sa amin kasi you're not making paramdam daw

Lia: yeah dude

Winter: kahit nagmemessage ako sa kanila?

Ryujin: teka teka.

 

Incoming video call...

 

Bumungad sa akin ang tatlo kong kaibigan. Si Ryujin na nakaharap sa pc niya at mukhang naglalaro ng something by the sound of gunshots sa background, si Giselle na nagaapply ng skin care niya at si Lia na nilalaro ang aso niya.

 

"So who's the girl bro?" tanong agad ni Ryujin kahit hindi nakatingin sa call.

 

"You won't even ask me first kung kamusta ako? Some friends you are" pabiro kong sinabi with matching hawak sa dibdib.

 

"That won't work on us you know?" Sabi naman ni Giselle.

 

"We know you're okay but yeah who's the girl na kasama mo sa mga stories mo?" Tanong naman ni Lia.

 

"She's... a new friend I met here" I don't know why I hesitated a little. Yun naman talaga kami ni Karina. New friends.

 

"Does she have other friends?" tanong galing kay Ryujin.

 

"Is that really all you care about Ryujin?" sabi ni Giselle.

 

"I don't know. Maybe? But I haven't met them" sagot ko.

 

"You met her on one of your hikes noh?" Tanong ni Lia

 

Between the four of us, Lia tends to travel a lot hence the reason why she took Tourism as well. And she has more experience when it comes to hiking. Naakyat na ata niya if not all, most ng bundok sa Pinas.

 

"Yeah. I did" I simply answered.

 

Nagcatch up pa kami sandali bago ko marinig ang katok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad ang nakangiting si Karina.

 

"Let's eat na?" Tanong nito.

 

Sasagot na sana ako ng marinig kong may iba pang nagsasalita.

 

"Bro sino yun?"

 

"Magkasama pa rin kayo?"

 

"Pakausap naman baka naaalala niya pa ako"

 

Sabay sabay na nagsalita sina Ryujin, Giselle at Lia. Hindi ko pala na.mute yung end ko.

 

I signaled na wait lang kay Karina and she just nodded.

 

"Later es!" Pagpaalam ko sa kanila bago ko mabilis inend yung call at sunod sunod na nga ang messages sa group chat namin.

 

"Sorry about that"

 

"No worries. Tara?"

 

We went down to the dining area kung saan nagaantay sina Ate Linda at Kuya Mark.

 

Nakwento namin kung saan kami nagpunta today at tinanong nila ako kung gusto ko ba daw pumunta ng beach bago ako umalis. Medyo umookay na naman din yung ankle ko kaya sabi ko, sila na magplano.

 

After namin kumaen nagayang maginuman si Kuya Mark at ayun na nga at nagset up na kami sa veranda habang bumibili siya ng alak. Nilabas ko na din ang gitara ko at nagsalitan kami ni Kuya Mark sa pagtugtog.

 

Nakakailang ikot na din kami ng shot at turn na ni Kuya Mark tumugtog.

 

Itanong mo sa akin

Kung sino'ng aking mahal?

Itanong mo sa akin

Sagot ko'y 'di magtatagal

 

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

 

Ang nais ko sana'y inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)

At kahit sa'n pa man

Ang laging isisigaw

Ikaw ang aking mahal

Ikaw ang aking mahal

 

Nakatingin lang si Kuya Mark kay Ate Linda habang kumakanta ito at nakakatuwa silang panuorin kasi kita mo kung gaano nila ka mahal na mahal nila ang isa't isa.

 

"Ang sweet naman pala ni Kuya Mark" sabi ko pagkatapos namin silang palakpakan.

 

Uminom muna siya ng shot bago siya sumagot. "Napakaswerte kong si Linda ang aking napangasawa. Kahit pa nga na magkalayo ang mga bahay namin noon ay hindi ito naging hadlang sa aming pagmamahalan"

 

"Paano po ba kayo nagkakilala?" Muli kong tanong.

 

"Taga maynila talaga si Linda. Nagkakilala lang kami nung minsan ay umakyat sila ng bundok ng mga kaibigan niya at ako ang naging guide nila. Ang tatay ko talaga ang madalas gumagawa nun kaso nagkasakit naman siya nung araw na iyon kaya ako ang ipinasama sa kanila. Hindi pa maayos ang mga daan nun paakyat ng bundok kaya naman hindi naging madali sa kanila. Kamuntik pa ngang mahulog sa bangin si Linda nung biniro siya nung isa niyang kaibigan. Wala pa kasi talagang mga harang dati. Bale kung hindi ako nakasunod sa kanila nun ay malamang wala kami dito sa harap ninyo"

 

"Simula nung sagipin ako nitong si Mark ay dun na nga nagsimula ang aming pagiibigan. Para bang love at first sight. Nung hinawakan niya kasi ako parang nawala lahat nung kaba ko. Simula nung araw na iyon ay hindi na nawala ang aming komunikasyon" pagpatuloy naman ni Ate Linda.

 

Tinuloy lang nila ang pagkkwento ng kanilang love story hanggang sa maubos na namin ang unang bote. Agad din namang nagbukas ng panibago si Kuya Mark at mukhang mapapasabak kami sa alak.

 

"O ikaw naman ang kumanta Winter"

 

Sakto naman na may bago akong inaral na kanta kaya nilagay ko na ang capo at nagsimulang tumugtog.

 

Sa unang tingin, agad na nahumaling

Sa nagniningning mong mga mata

Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

 

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi

Sadya namang nakakabighani

'Di maipaliwanag ang nararamdaman 

 

Namumukadkad ang aking ligaya

Sa tuwing ika'y papalapit na

Hawakan mo ang aking kamay

 

Oh, Paraluman

Ika'y akin nang dadalhin sa

'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng Kundiman

'Di magsasawa, 'di ka pababayaan

Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan

 

Oh, Paraluman

Ika'y akin nang dadalhin sa

'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng Kundiman

'Di magsasawa, 'di ka pababayaan

Isasayaw kita, mamahalin kita

Hanggang sa walang hanggan

 

"Aba'y mukhang may tatalo na sa akin sa panghaharana ah" sabi ni Kuya Mark pagkalapag niya ng shot glass sa harap ko.

 

I can see through my peripheral vision na nakatitig lang sa akin si Karina. Yung titig na para bang puno ng admiration.

 

Napansin ni kuya na wala ng yelo para sa chaser namin at kailangan naman ni ate na mag.cr kaya sabay silang bumaba at naiwan nga kaming dalawa.

 

"Are you okay?" Tanong ko kay Karina sabay patong naman ng kamay ko sa hita niya to get her back to her senses. Hindi pa din kasi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

 

Agad naman niyang kinuha ang kamay ko and close the gap between our fingers.

 

"Yes I am more than okay" sagot niya.

 

I don't know how long we were staring at each other but I definitely didn't mind.

 

Pagbalik ng magasawa ay nagtuloy lang kaming maginuman while secretly holding hands under the table. Kung ano ano na ang mga napagkwentuhan namin hanggang sa napasok na nga ang topic about Karina's family.

 

I guess she felt me tensing up so she held my hand tighter, as if telling me she's fine talking about it.

 

"Nakakausap mo pa ba ang daddy mo Karina?" Tanong ni Ate Linda.

 

"Once a month lang po. Kinoconfirm kung natatanggap ko ba daw yung pinapadala niyang pera"

 

"Abay mabuti naman at kahit papaano eh may pakialam pa pala siya sa iyo. Hindi ka man lang kinausap ng maayos nung huling araw nila dito" inis na sabi ni Kuya Mark.

 

"Hayaan na lang natin siya tay. Ganun talaga eh"

 

"Pero eto Karina ha, kung okay lang naman tanungin, ano bang nangyari nung araw na iyon?" Si Ate Linda naman ang nagsalita.

 

Huminga ng malalim si Karina bago siya sumagot.

 

"Narinig ko po kasi si Karen na may kausap sa phone. Naka loud speaker kasi at boses ng lalaki yung nasa kabilang linya. Para silang nagaaway kasi medyo tumataas yung boses niya" simula niya ng kwento.

 

I can't help but jump into conclusions kahit hindi ko pa naririnig ang buong storya.

 

"She said something about a baby and yung the way na nagreact yung kausap niya ay para bang hindi rin makapaniwala. Hindi ko naman kasi talaga intensyon na marinig sila kaso kasi sa labas ng door ko papunta sa veranda siya nakapwesto. So ayun, sabi niya dun sa lalaki na kahit sa kanya daw iyon ay hindi niya ipapakilala at si daddy ang sasabihin niyang ama nito. Hindi na ako nakapagtimpi at binuksan ko ang pinto and threatened her na sasabihin ko kay daddy yung narinig ko. Galit na galit siya at nasampal pa nga niya ako"

 

Kita ko yung panlalaki ng mata nung magasawa.

 

"I walked out on her after nun tapos sumunod siya hanggang sa makababa kami. Nakita niya sigurong papasok si daddy ng bahay kaya bigla siyang umupo sa floor tapos umacting as if tinulak ko siya. Gustung gusto kong sabihin yung totoo kaso ayaw naman akong pakinggan ni daddy kasi sumasabay din magsalita si Karen with matching iyak pa na keso ayaw ko daw talaga sa kanya bilang nanay ko. Eh hindi naman kasi talaga. And she never acted like one as well. Kaya hindi na din ako lumaban. Hindi rin yun yung unang beses na nasaktan niya ako physically and every attempt I made para kausapin si daddy, lagi siyang pumapasok sa eksena"

 

Walang nakapagsalita sa amin after nun. Hindi rin napigilan ni Ate Linda na maluha sa nalaman niya kaya tumayo ito at niyakap si Karina na naging sanhi ng pagbitaw niya sa kamay ko. Kita ko din ang lungkot sa mukha ni Kuya Mark kaya naglagay na lang siya ng mga tagay at inabot na lang sa akin ang isa.

 

"Sobrang thankful naman po ako kasi for a while, naramdaman ko ang magkaron ng maayos na magulang. Pero gusto ko na din pala humingi ng tawad sainyong dalawa, nay, tay. Alam ko naman pong ginawa niyo ang lahat ng makakaya niyo para hindi ko maisip kung bakit kailangan mangyare sa akin lahat ng iyon at kayo na lang nga ang kasama ko nung umalis sila pero ako na din mismo ang lumayo sa inyo. Nalunod lang po siguro ako sa kung ano anong mga masasamang bagay na naisip ko kaya naisip ko na I had to leave and be far away from this place"

 

"Naiintindihan naman namin ni Linda ang naging desisyon mo nak. Pero siyempre hindi rin namin mapipigilang hindi malungkot kasi tinuring ka na namin na sarili naming anak"

 

"Saan ka na ba tumutuloy ngayon?" dagdag na tanong ni Ate Linda.

 

Hindi nakasagot agad si Karina.

 

"Palipat lipat po. Minsan nakikitulog po ako sa mga kaibigan ko pero madalas sa mga inn po ako nagsestay" pagamin nito.

 

Napapalo naman sa lamesa si Kuya Mark at nagulat kaming tatlo. "Umuwi ka na lang ulit dito nak. Bukas na bukas din puntahan natin ang tinutuluyan mo para kunin na mga gamit mo"

 

"Oo nga nak. Mas makakampante kami ni Mark kapag alam namin kung nasaan ka" dugtong ni Ate Linda.

 

She looked at me this time. "Kung okay lang po kay Winter since siya po nagrerent ng bahay ngayon"

 

Agad ko naman siyang sinagot, "This is your home Karina. Ikaw ang dapat andito"

 

At ayun na nga at tuluyan ng bumalik ang magandang mood.

 

Nang makalahati na namin ang pangalawang bote ay naisip naman na magluto ng bagong pulutan ang magasawa. Nagoffer pa kaming tumulong pero sabi ay hindi na daw kailangan at mabilis lang naman daw iyon kaya bumaba na ulit sila. Nakaramdam naman ako ng need para mag cr kaya tumayo na din ako. Saglit lang ako at bumalik na din sa tabi ni Karina na nagsindi na ng yosi.

 

"I feel like I lost a lot of weight on my shoulders. It took me years of questioning why those things happened to me to the point na I wanted to end my life kasi hindi ko pa din nahanap ang mga sagot. I dropped out of school and there would be days na I would forget to eat and basically lost the will to live. I just wanted to forget everything that happened kasi sa tuwing naaalala ko yung ginawa sa akin, gusto kong magwala. Gusto ko na lang mawala. Kaya madalas din akong umaakyat kasi ilang beses akong nagattempt na tapusin na lang lahat"

 

Naubos ang yosi niya at tinapon niya ito sa ashtray.

 

"Until someone changed my mind" sabi niya sabay tingin sa akin ng malalim.

 

Lalong uminit ang pakiramdam ko na hindi na galing sa alak lang.

 

Don't know much about your life

Don't know much about your world, but

Don't wanna be alone tonight

On this planet they call Earth

 

You don't know about my past, and

I don't have a future figured out

And maybe this is going too fast

And maybe it's not meant to last

 

But what do you say to taking chances?

What do you say to jumping off the edge?

Never knowing if there's solid ground below

Or a hand to hold, or hell to pay

What do you say?

What do you say?

 

Hindi ako makapagreact agad. I was still stunned nung bigla siyang kumanta.

 

"I don't know much about you Winter. But I definitely want to know more. And maybe it's too early, no, not maybe because it is too early to say that I like you from the very first time I saw you. And maybe it's just me thinking you feel the same but you're leaving soon and I don't know what's going to happen next. But...can we stay together, like this, until then?"

 

My heart started beating so fast I thought it was going to come out of my chest. I've had people confessed to me before but definitely not like this. Youngeun's words popped in my head, "Please don't leave when she asks you to stay". Yes, I admit now that I like her and the fear of leaving her behind . But then I thought of the song she just sang and the line which struck me the most.

 

I looked at her and said, "I would want nothing more than to take chances with you Karina"

 

Our faces got closer, our lips inches away. One more push from each other and the gap closed.

 

 

 

 

a/n: hi guys, let me know your thoughts okay? it would definitely help. thank you.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!