In New Yorkkkkkkkkkk

Someday We'll Know

Gaya ng napag-agreehan ng karamihan na pilit na inaayawan nila Winter at Karina, ay sa magkahiwalay na floor at kwarto sila ng hotel naka-book. Kasama ni Winter si Ryujin na kanyang best woman habang si Yeji naman ang maid of honor ni Karina na kasama niya sa room.

Naturingang messengers na din ang dalawa pa nilang kaibigan ay thru them lahat ng communications kung may gusto man ipasabi si Winter at Karina sa isa't isa. And Ryujin and Yeji really took the role to heart.

"Ang kulit ng lahi mo Minjeong ah! Sabing hindi nga pwede!" inis na sabi ni Ryujin na nakaharang sa pintuan nang kulitin ulit siya ni Winter na nagpumilit na puntahan si Karina.

Sumalampak naman sa sahig si Winter with matching pag-stomp pa ng paa.

"Ryujin naman eh! Kahit from a distance lang please? Hindi ako lalapit. Promise!" pagmamakaawa ni Winter habang hinihila ang pantalon ng kaibigan.

Pilit na sineseryoso ni Ryujin ang itsura niya pero deep inside tawang tawa na siya sa kaibigan na ngayon lang nakita na parang batang nagmamaktol sa sahig. Palihim niya din itong kinukuhaan ng video.

Another blackmail material.

"Pag sinabing hindi pwede, hindi pwede. Umayos ka nga. Nakakawala ng angas yang ginagawa mo"

"Hmmp!"

Sinimangutan lang siya ni Winter at nag-cross pa ng arms bago tumayo at dumapa sa kama.

Ngayon gabi kasi ang schedule ng hiwalay na bachelorette party nila ni Karina and aksidente niyang nabasa ang isang part ng convo nila sa group chat nilang magkakaibigan nang maiwan sandali ni Ryujin ang phone niya nung nag-cr siya at ito ay about sa pagaayos na ginawa nila Lia at Giselle sa fiance niya. Isscroll down pa dapat niya ito dahil mat kasunod na photo kaso nahuli na siya ni Ryujin. Kaya naman talagang pinagpilitan niya na makita ito.

"Dalawang araw lang bru. Isipin mo na lang sobrang worth it kapag nakita mo na si Karina walking down the aisle" saad ni Ryujin.

Napaisip si Winter.

Kakayanin ba ng tuhod at puso niya ang itsura ni Karina in her wedding dress? Eh minsan nga na kahit nakapambahay lang si Karina at naka.messy bun ang buhok natutulala na siya. What more kapag dinagdagan mo pa ng make up ang maganda niyang mukha at inayusan ng buhok tapos suot ang wedding dress na alam niyang sobrang huhulma sa katawan niya.

Alam niyang may input ang sarili niyang nanay dun.

"Luh. Nabaliw na nga" sabi ni Ryujin nang makita niyang ngumingiti mag-isa si Winter. Sakto namang may kumatok ng pintuan at isa isang nagsipasukan sina Wendy, Yeri, Jisoo at Lisa.





Two floors up, magkakasama namang nagaayos ang entourage ni Karina. Andito sina Yeji, Ningning, Giselle (na part talaga ng entourage ni Winter), Lia, Yuna, Rosé (na ka-videocall ang anak na kasama ang ibang mga chikiting na binabantayan ng mga adult adults), Irene, Jennie at Sorn.

"Bes, pose ka dito dali. Isesend ko sa gc yung pics mo para naman hindi na magmukmok si Winter. Balita ko sumasakit na ulo ni Ryujin sa pagsaway dun eh" sabi ni Ningning na hila hila si Karina papunta sa balcony ng room.

Sumunod naman si Karina dahil naiimagine na niya ang pag-sulk ng fiancé niya.

"You can really pass as a model, you know. You sure ayaw mong sumide-line sa company namin?" Tanong ni Jennie habang nakikipicture na din.

"I'd have to ask Winter about that" sagot naman ni Karina while doing another pose na tinuturo ni Giselle.

"Just let me know if you change your mind ha. Jisoo and I will help you"

Nang mapagod na sila sa kakakuha ng picture at napagod si Karina sa iba't ibang posing na pinagawa, nag-aya na si Yeji na umalis na sila at masasayang daw ang reservations nila.

Nauna ng lumabas ng kwarto ang ilan at naiwan na lang si Karina na kinuha pa ang bag niya at si Irene na inantay siya.

"You're not getting cold feet are you?" Casual na tanong nito habang naglalakad sila papunta sa may elevator.

Karina knows na hindi negative ang way ng pagtatanong ng pinsan ng fiancé niya and that she means well.

"No ate. I am more than sure that Winter's the one and I cannot wait to say that I'm hers forever"

Napangiti naman si Irene at mabilis na ni-side hug si Karina.





"Status update. Kakaalis lang nila Yeji ng hotel. So we wait ng mga 30 minutes before we leave as well" pag-anunsyo ni Ryujin sa mga kasama.

Wala man lang nag-acknowledge sa mga kasama niya at busy sila sa isang mobile game na tinuro lang ni Jisoo sa kanila kanina.

"Hoy! Farm ng farm amputek wala naman ambag! Baka akala mo farmville to" Inis na sabi ni Jisoo habang ang tinutukoy niyang si Wendy ay parang walang narinig at inubos na nga ang creeps sa isang side ng map at puro minions ang pinapatay.

"Helcurt, mag.ss ka pag tapos ni Pharsa" dagdag nito at sinunod naman ni Yeri. Sabay sabay namang sumugod ang characters nila Jisoo, Lisa at Winter.

"One last push ha. Ate Wendy, umayos ka. Patapos na't lahat farm pa din. Lisa, sama ka sa akin. Winter pag nabasag na ng minions yung turret sugod ka na sa tower. Yeri, suporta ka kay Zilong"

Wala ng nagawa si Ryujin at antayin na lang matapos ang nilalaro nila.

When she heard the word victory ay panigurado na siyang tapos na ang laro nila. Nakipag-apir pa si Jisoo sa mga kasama except kay Wendy na binato niya ng unan.

"O ano, g na ba?" Tanong nito kay Ryujin.

"Kanina pa dapat tayo nakaalis eh. Tara na" inis na sabi ni Ryujin.

Wala ng ibang sinabi ang mga kasama at nagsilabasan na sila ng kwarto.

Mukhang nakatulong naman sa paglibang kay Winter ang ginawa nilang paglalaro dahil yun pa din ang bukambibig nito at nakikisama sa pangaasar kay Wendy.

"You're getting old na talaga Ate Wendy. Bagay nga kayo ni Ate Irene. She's competitive af sa ibang games pwera lang sa mobile or pc games" dagdag na pang-aasar ni Winter habang inaantay na dumating ang elevator.

"Laugh all you want guys. Let's see sinong uuwing gumagapang mamaya" mayabang na sagot nito sa mga kasama. Alam kasi niya sa sarili niyang mas lamang siya sa experience when it comes to alcohol.

"We'll see about that Son" entry naman ni Lisa.






Karina and her entourage arrived at the club they set reservations at. Yeji gave her name to the hostess who led them to the VIP section. Once they were all seated, they were given complimentary drinks right away.

It was jam packed kahit pa weekday and the music was loud with people dancing sa dance floor. Pero being in the VIP section which was a room on the second floor, in a way gave them some privacy and the music toned down. They have a view though of the whole place with the glass windows separating them from every one else.

They also have their own bartender who was already preparing several drinks for them.

"Tonight we will celebrate your last few days as Jimin Katarina Yu so let's drink to our heart's content and enjoy the night!" Sabi ni Yeji habang nakataas ang basong hawak niya. Ginaya naman siya ng mga kasama at nagsimula na nga ang inuman proper.





"Oy bakit ang dilim dito?" Sabi ni Winter nang itulak siya paloob ng pinuntahan nilang lugar. Hindi niya rin kasi naaninag kung anong establishment ito dahil sa likod sila dumaan.

Napatili naman siya nang may umakbay sa kanya na kung sino.

"Are you Winter Kim?" Sabi ng isang hindi pa niya nakikitang nilalang. Medyo malalim ang boses nito at wala siyang magawa kundi tumango. By the feels ng bigat ng pagkaka-akbay nito kay Winter ay alam niyang hindi siya makakatakas.

Nagpadala na lang siya sa kung saan sila pupunta at pwersahang pinaupo sa isang chair. Maya maya lang ay unti unti ng nagkakailaw ang lugar and she was shocked to see na may stage sa harapan niya.

May music na tumugtog at isa isang naglabasan from the side stage ang ilang babae na naka lingerie lang.

Nanlaki ang mga mata ni Winter sa mga nakita. She felt like she already sinned just by looking at the girls dancing in front of her.

The performance took around ten minutes and no matter how Winter tried to close her eyes, hindi niya pa din mapigilan manuod pa din. Apprecite kumbaga.

"Just watch. There's nothing wrong with that. Karina's not gonna kill you if you just watch and do nothing else" sabi niya sa sarili niya. And watch she did.

Nang lumiwanag na ang paligid ay tsaka na lang niya nakita na katabi na niya ang mga kasama niya kanina.

"Good evening ladies and gents! Welcome to the best club in town!" Bati ng host at malakas na palakpakan ang sagot ng audience.





Tinatamaan na si Karina sa dami ng alak na inaabot sa kanya pero hindi rin naman siya makatanggi. Everyone's having a good time din kasi and kahit pa siya ang main event eh ayaw niyang maging kj sa grupo.

Nang mag-aya na silang bumaba sa dance floor ay medyo naging hesitant pa siya dahil ang dami nga naman kasing tao talaga. Pero Yeji assured her na walang makakalapit sa kanila at may tiwala naman siya sa kaibigan.

Pagdating sa dance floor, they made their way sa gitnang part at pinalibutan nila si Karina kahit isa siya sa pinaka matangkad sa grupo.

The music changed to another upbeat song at sumabay sila sa pagsasayaw along with the other club goers.

Moments later, may ilang nagtangkang sumali sa kanila pero the barricade they made out of themselves worked dahil walang naging successful.

Tingin pa lang nila Irene at Jennie ay matatakot ka talaga.

"I see someone about to get married here. Y'all let's give her a big shout of congratulations!" Biglang sabi ng dj at napunta sa kanila ang spotlight.

May mga sumigaw at nag-cheer sa crowd at nakatuon sa kanila ang attention ng lahat.





Winter was expecting that one or some of the girls dancing earlier would approach them and sit with them but no one did. Napansin din ni Wendy na palingap lingap siya sa paligid.

"They're not gonna sit with us if that's what you're worried. This place is different from what you're thinking. They would really just give performances and that's it"

Winter heaved a sigh of relief when she heard that. She wouldn't know what she'd do if any girl would actually sit with them.

Isang tao lang naman kasi ang gusto at papayagan niyang mag- sa kanya.

In the midst of their kasiyahan, may lumapit sa kanila at tumabi kay Wendy. Hindi naman ito naka.lingerie lang kaya nabawasan ang kaba ng mga kasama.

"I didn't know you'd be here Wan. Had I known, I would have reserved the VIP section" sabi nung babae na naka-akbay na ngayon kay Wendy.

"Holy Sooyoung!"





Isa isa silang nagsibalikan sa VIP section na pinangunahan na nga ni Irene na naunang napagod sa kakasayaw at naiwan na lang sa dance floor sina Karina at Yeji.

Medyo nag-mellow din ang music at dahil na din sa pagod at tama ng alcohol na inaabot sa kanila ay ngayon at magkayakap silang sumasayaw.

Hindi naman naging issue sa mga kasama ang itsura nila ngayon despite knowing the fact na mag-ex ang dalawa.

"You're getting married na K" bulong ni Yeji.

"I know!" excited na sabi ni Karina.

"This would have been us if the timing was right" sunod na sinabi ni Yeji.

Malakas pa din ang music pero malinaw sa pandinig niya ang sinabi kaya slight na kumalas si Karina.

"W...what are you saying?"

Bumuntong hininga si Yeji at nagkibit balikat.

"Yej, what do you mean by that?" seryosong tanong ni Karina.

"Nothing. Don't mind me" sabi ni Yeji pero hindi pa din mapakali si Karina.

"Let's talk about this later, okay?" Sabi na lang ni Karina dahil ayaw din niyang masira in a way ang mood at baka makahalata ang iba nilang kasama. Pero napapaisip si Karina kung bakit bigla bigla namang sasabihin ni Yeji yun.

When the song ended, bumalik na din sila sa room and continued drinking until one of them passed out sa kalasingan. *ehem* Si Madam Irene *ehem*

Madaling araw na din kasi kaya they decided na bumalik na ng hotel. Fully paid in advance na din naman ang reservation nila kaya nagpatulong na sila na akayin si Irene palabas ng club. Si Giselle naman ang kumontak sa chaeffeur na naghatid sa kanila kanina.





"Guys, this is Sooyoung pala. Best friend ko nung high school" pakilala ni Wendy kina Winter. Nagtinginan naman ang mga kasama na para bang naguusap na gustong tanungin if there was something more to it.

Nagets naman ni Wendy. "Yep, she's my ex girlfriend as well before I met Irene"

At napangiti na nga sila Jisoo dahil natuwa sila na nabasa ni Wendy ang mga tinginan nila.

"Kilala din ba niya si Ate Seulgi?" tanong ni Winter.

Bago pa makasagot si Wendy, inunahan na siya ni Sooyoung. "Si Architect? Oo naman. As a matter of fact, kababata ko yun. Hence the reason, Wendy met Irene nung college since we all went to the same university"

Na-curious na nga ang mga kasama at pinagkwento pa lalo si Sooyoung.

"So yeah, Wendy and I were best friends since we were in high school. Neighbors kasi kami and me being rebellious then, palagi akong nahuhuli ni Wendy na umaakyat ng window sa room ko kapag late akong umuuwi. Madalas din kasi siyang tumatambay sa window niya with her guitar. Nung one time na nakalimutan kong i-unlock yung window ko, sa room ako ni Wendy umakyat. I still remember that time na she freaked out nung nagising siyang katabi ako. I actually let her think may nangyari sa amin despite us being fully clothed. Ewan ko ba kung bakit naisip niya yun. naman pala kasi. Ilang araw din niya akong iniwasan nun pero I eventually admitted na nakitulog lang talaga ako. Since then, we became best friends"

Naintriga pa sila so they kept asking for more questions.

"Paano naging kayo?" Tanong ni Yeri.

Nagkatinginan sina Wendy at Sooyoung.

"I'm not really sure nor remember how it happened pero parang one day narealize namin na yung pagiging clingy namin sa isa't isa ay isa pa lang indication na pareho kaming nagtataguan ng feelings. And we both acknowledged it nung graduating na kami sa high school. So ayun, naging kami until tumuntong kami ng college and I met my childhood friend Seulgi again. It's funny looking back na emo girl era siya when we met. I think magka-away ata sila ni Irene that time na nakasalubong namin siya. Malandi din kasi yang si Seulgi kaya no wonder, hiniwalayan siya ni Irene. Like hello? You’re already Irene Bae's girlfriend tapos nakuha mo pang lumandi. Tanga talaga"

"So paano naman naging close si Ate Irene at Ate Wendy?" Tanong naman ni Winter. Irene was living away din kasi that time kaya hindi nila nakikita sa subdivision kaya nagulat na lang sila nang umuwi ito with Wendy saying na ikakasal na sila.

"Naging bridge kami ni Wendy kay Seulgi at Irene. Mind you, at that time, back to best friends na lang kami nito. I realized din kasi na lalaki ang hanap ko and Wendy was so understanding about it. So anyway, ako ang nakatokang kumausap kay Seulgi so obvs na si Wendy ang kay Irene" napatigil magkwento si Sooyoung at tumingin kay Wendy na para bang may narealize siya. "Come to think of it noh, kahit ilang beses nagmakaawa si Seulgi eh wala na talagang chance na binigay si Irene. You had something to do about it noh?" Pag-akusa niya kay Wendy.

"For your information, I only confessed to her nung alam kong wala na talagang pag-asang magbalikan yung dalawa. Malay ko bang nagkakagusto na din sa akin si Irene nun" paliwanag naman ni Wendy.

"Anyway, after namin grumaduate, Seulgi left to pursue her career sa Seoul and dun na nga niya na-meet ang wife niya" dagdag ni Sooyoung na sinundan naman ni Wendy.

"Naging close kami ni Irene when we both voluntered sa isang outreach program and had to be room mates dahil overnight yun. There was a part sa program where you say something to your partner/room mate about one thing na gusto mong malaman about the other. And I kid you not, your cousin casually said, and I quote 'I want to know what I should do to get you to bed with me' end quote"

Nabuga ng tatlong pinsan ni Irene ang iniinom nila when they heard what Wendy said. Amused naman nanunuod lang sina Lisa at Sooyoung sa mga kasama.





They got back to the hotel at nagtulong na ngang maiakyat si Irene sa room nila ni Wendy. Sinamahan na lang muna siya nila Jennie at Rosé dahil wala pa din naman ang mga partners nila.

When Karina and Yeji got back to their room, Karina was already sobered up. Hindi na rin kasi siya masyadong uminom pagtapos nilang magsayaw at slight na nandaya na lang sa mga shots niya.

Nag-freshen up muna siya and Yeji did the same once she was done. Tumambay na lang muna sa balcony si Karina while having a smoke.

Tinabihan ni Yeji ang kaibigan nang matapos na din siya and when Karina looked at her, hindi niya mabasa ang iniisip nito.

"I'm sorry about what I said earlier. That was uncalled for and I didn't mean to say it like that" panimula ni Yeji. Hindi rin kasi niya maintindihan kung bakit niya nasabi iyon kay Karina kanina knowing well na okay naman sila when they decided to break up. As a matter of fact, siya mismo ang nagparaya kay Karina dahil alam niya ang sitwasyon niya.

Karina was just looking at Yeji pero ang daming tanong sa utak niya.

"W...why did you even say it? Yej, best friend kita. And the way you said it was like you're against me and Winter getting married. Na para bang after all this time, niloloko mo lang ang sarili mo, ako at si Winter at lalong lalo na si Ryujin. Bakit ganun?"

Hindi nakapagsalita agad si Yeji. And her silence made Karina feel irritated. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit all of a sudden eh magsasabi si Yeji na if the timing was right eh sila dapat ang ikakasal.

"Karina"

"What?"

"I'm sorry"

"For what?"

"For making you think I'm against you getting married to someone not me. Honestly, when I let you go before, I regretted it. Like I could've said no and just pushed for us to be together. Pero I know that would make you even more unhappy. I know you didn't want to break up with me as well pero... pero yun nga, our timing wasn't right. I'm not saying all of these for a chance na mabago ang isip mo cause I know Winter's your soul mate. I guess... I guess kanina a small part of me kind of wished it was me, you know? Pero I want to let you know na hinding hindi ako magiging hadlang kailanman sa inyo and masaya ako kung ano ang meron tayo ngayon K. Masaya akong ikakasal ka sa taong alam kong hinding hindi ka sasaktan at papabayaan. Na mamahalin ka ng buong buo dahil deserve mo iyon after everything you've been through. I'm sorry kung napagisip kita ng kung ano pero wala na iyon, okay? Mahal kita pero mas mahal ko si Ryujin"

Karina just nodded pero at the back of her mind, she suddenly had doubts about Yeji's feelings, towards her and especially towards her girlfriend. She still don't understand kasi bakit napaka-sudden nung sinabi nito sa kanya. Pero ayaw na niya mag-overthink pa kaya hinayaan na lang din niya. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa pakikitungo sa kanya ni Yeji ever since they decided to stay as friends. And how she is when Ryujin is around is something na never niyang nakita nung sila pa.

"I love you too Yej. You were my first of many things and you know you'll always have a special place in my heart. Our timing wasn't right cause we were meant to be with someone else. And who would have thought na sa mag.best friend din noh?"

Ang tensyon na mood kanina ay napalitan na ng masayang aura and Karina slept that morning with the thought na lalong papalapit na ang oras na magiging isa na sila ni Winter.





"I cannot imagine for the life of me, na Ate Irene would actually say that. Parang gawa gawa mo lang ata yun Ate Wendy!" hindi pa din makapaniwalang sabi ni Jisoo while trying to recover sa sinabi.

"You can even ask her but I'm pretty sure she would deny it. Pero I speak only the truth"

"So anong sinagot mo?" Tanong naman ni Lisa na solong iniinom ang isang bote ng Chivas Regal.

"I told her ligawan niya muna ako bago mangyari yun" smug na sagot ni Wendy then took a sip sa baso niya.

Nag-asaran lang sila hanggang nagsimula na ulit ang isa pang set ng performance sa stage at nang makita nilang pole dancing ito. Nag-excuse naman ang isa sa kanila at tinuon na lang nila ang atensyon sa stage.

Sabay sabay nabuga ang mga iniinom at laking gulat nila ng makita ang isang kasama nila na nag-slide down galing sa isang pole sa likod at nagsimula ng sumabay sa mga dancers.

"OH ! I HAVE TO RECORD THIS!" excited na sabi ni Winter na kinapa ang bulsa only to realized na wala nga pala sa kanya ang phone niya. Kaya naman Ryujin handed her phone para ma-videohan ang pinsan ni Karina na gumigiling sa harap nila.

"OH YEAH! SHAKE THAT BODYYYYYY!" sigaw ni Yeri.

Lumakas naman ang hiyawan ng ibang customers nang bigla itong nagsplit sabay nagtwerk sa sahig.

"ISANG KALDAG NAMAN JAN!" sigaw naman ni Ryujin at ginawa nga talaga ni Lisa.

Nang matapos ang performance ay malakas ang palakpakan ng lahat at mas lalo sa table nila nung bumalik si Lisa na parang hiyang hiya naman sa ginawa niya.

"Surprise!" Sabi ni Lisa kay Winter na hindi pa din nakakarecover sa performance na ginawa ng pinsan ni Karina.

Napaisip tuloy siya kung kaya ding gawin ng fiancé niya yun. Kasi kung oo, magpapainstall na siya ng pole sa condo nila.

And just like Wendy predicted, may kinakaladkad nga sila pabalik ng hotel at isa na dun si Winter na naka.piggy back ride na kay Ryujin while murmuring gibberish words.





As expected, late na nagising ang karamihan sa kanila. Gising na ang diwa ni Winter pero dahil sa sakit ng ulo niya ay ayaw pa niyang bumangon. Malakas ding naghihilik sa tabi niya si Ryujin.

May kumatok sa pinto pero since ayaw niya talaga gumalaw ay tinapik tapik na lang niya si Ryujin na wala sa wisyong bumangon at nagtungo para pagbuksan ang kumakatok.

Lumapit ang pinapasok ni Ryujin kay Winter at dahan dahan siyang ginising at pagmulat niya ay nakita niya ang kanyang nanay.

"Wake up baby. We have to go somewhere" mahinahong sabi sa kanya while caressing her hair. "You're coming with us too Ryujin kaya mauna ka ng maligo"

Tumango na lang Ryujin at pumasok na ng bathroom.

Ilang minuto pa bago nakabangon talaga si Winter at inabutan naman siya ng nanay niya ng tubig at paracetamol.

"I heard you had a blast last night ha. Wendy showed me some pictures. Seems like you were clinging to some girl pa nga"

Nagising lalo ang diwa ni Winter when her mom said that at nanlaki ang mata niya.

"W...what??"

"Yeah. Ganun ba kadami ininom ko kagabi for you to forget?"

"W...what?" Pag-ulit ni Winter.

"I didn't know alcohol has that effect where you go deaf. Tsk"

Lumakad na si Taeyeon papunta sa luggage ni Winter and picked out a few clothes. Sakto din namang tapos na maligo si Ryujin kaya inabutan na niya ng towel ang anak.

"Maligo ka na muna" huling sabi nito bago tinulak papasok ng bathroom si Winter.

Pigil tawa naman siya sa ginawa niyang pangtitrip sa anak.

"Nice one tita" sabi na lang ni Ryujin.





Sa kwarto naman nila Karina at Yeji ay sina Bambam at Jackson ang kumatok. Gising na naman sila pareho at nakaligo na din.

"Insan, perfect timing. May pupuntahan tayo nila Lolo Art. Sama ka na dij Yeji" bati nito pagpasok ng kwarto.

"Wala pa akong gift kay Winter" malungkot na sabi ni Karina.

"We’d still have time to pass by the mall later, don't worry" sabi naman ni Jackson.

Paglabas nila ng room ay dumiretso na sila sa elevator kung saan nagiintay sina Nanay Linda.

Sumakay na din sila kaagad pagbukas ng elevator at sinalubong naman sila ng iba kamaganak niya sa main lobby.

Kasama nila ngayon sina Lolo Art, Lisa, Rosé, Cali (ang anak nila), Sorn, Ten, and Tito Junho.

Karina had no idea kung saan sila pupunta pero siyempre wala naman din siyang magagawa kundi sumama sa kanila.

Bago siya fully makapasok sa sasakyan ay nagawi ang tingin niya sa loob ng hotel at parang nakita si Winter kasama ang nanay niya na palabas ng elevator. Hindi na siya nakatingin ulit dahil kumandong na sa kanya si Cali.

"Hi Tita" bati ng pamangkin niya with an Australian accent.

"Hi bubba. Did you have fun playing with the other kids last night?"

"I sure did Tita. Marco and Polo put on a magic show and it was super fun"

"Really? That's cool. Wish I could've seen it"

"You can ask them tita. For sure they would love to do it again"

Magkausap lang sila ng pamangkin until makarating na sila sa destination nila. Cali really took her attention away from their byahe kaya nagtaka siya bakit sila nasa labas ng isang mansion.

Nagsilabasan na din ang mga kasama nila sa kotse kaya sumunod na siya while carrying her niece.

"What are we doing here? I mean, who's house is this?" Tanong ni Karina kay Lisa.

Bago pa nakasagot ang pinsan niya ay may bumati na sa kanila na galing sa loob.

"Good afternoon. My name is Luke and I will be your guide for today"

Everyone followed the guy who just introduced himself at pumasok na sila sa loob. They were led to several rooms and when they finally went out the back part of the manor, lahat sila ay nagulat kung gaano kaganda ito.

An hour and a half later...

"So that completes our tour. Are there any questions?" tanong ni Luke.

Nagtaas ng kamay si Lolo Art. "This place is perfect. Say, how many guests can be accomodated for a wedding?"

"Ah yes. Max would be 300 guests"

"And your packages comes with the catering as well, correct?" Sunod na tanong nito.

"Yes of course. We have an in house restaurant should anyone wants to dine in or check our menu"

May ilan pa silang tinanong kay Luke at sinagot naman niya lahat ito. Pero ang tanong ni Karina kanina ay hindi pa din nabibigyan ng sagot.

Tsaka na lang niya ulit ito natanong when they got back sa car.

"Why did we go there?"

"Back up venue" her cousin Lisa answered.

Nagtaka naman si Karina kasi ang alam niya ay sa same hotel kung saan sila nakabook gagawin ang wedding. Take note na sarili nilang wedding ni Winter pero ngayon lang niya nalaman na may ganun palang plano.





"Saan ba kasi tayo pupunta?" Iritang tanong ni Winter sa mga kasama niya.

"You'll see" simpleng sagot naman ni Irene.

Parang bumabalik naman ang sakit ng ulo ni Winter dahil wala siyang makuhang matinong sagot sa simpleng katanungan niya kaya pumikit na lang ulit siya.

Almost two hours later, the car stopped in front of a beautiful parkway at isa isa ng lumabas ng sasakyan.

They too was greeted by another person who introduced herself as Kelly.

Winter had no idea why they went there. Naisip niyang baka balak lang mag-inquire ng family niya about an upcoming family trip pero naisip din niya na pwede naman hindi siya kasama dun. Mas gusto niya kasing matulog muna kahit pa bukas na ang kasal nila ni Karina.

She dragged herself while they were walking around and when they got to the outside setting, natulala siya sa ganda ng view. Agad naman siyang nagpapicture kay Ryujin na dala naman ang kanyang professional camera.

Her parents then asked a couple of questions to Kelly about the place pero hindi na ito pinakinggan ni Winter dahil fascinated talaga siya sa lugar. Para tuloy gusto niyang dun na lang sana ang venue ng wedding nila.

When they were done, bumalik na sila sa cars and went back sa city.





Later that night, the adult adults gathered sa room ni Lolo Art and discussed the two places they visited. They also instructed the messengers na siguraduhin na hindi pa din magkikita sina Winter at Karina.

"I think the two places are perfect but in all honesty, this one" tinuro ni Lolo Art ang picture na pinuntahan ng mga Kims. "Would be most fitting"

"I agree. I mean, they did meet on a mountain so why not be married surrounded by nature as well" sabi naman ni Taeyeon.

"Both locations are available naman so we just need to confirm which one we'll choose so they can start preparing in the morning" sabi naman ni Baekhyun.

"I asked about their catering services as well and it seems like some of the menu the couple wanted are not available so I talked to the management if we can use another catering company and said yes so my team's ready as well" sabi naman ni Irene.

They continued with their meeting and called the people involved to give their go signal.





"So have you written your vows na ba?" Tanong ni Yeji kay Karina habang nag-aayos sila ng gamit.

May kinuha namang papel si Karina sa ilalim ng pillow niya. "Yep. All done"

"Push ba sa plano?" Tanong naman ni Rosé buhat ang natutulog niyang anak.

Napangiti si Karina and nodded. "Definitely. I think it's gonna be perfect

"Alright then. You there miss get a good night's sleep and we will see you tomorrow" sabi naman ni Irene bago nagtayuan ang ibang kasama.





"Are your vows done?" Tanong ni Ryujin habang nasa balcony sila drinking some whiskey.

"Done and memorized bruh" proud na sagot naman ni Winter before taking a sip from her own glass.

"How about your other plan?" Tanong naman ni Lisa.

"Oh yeah. I'm sure it would knock everyone's feet" proud na sagot naman ni Winter.

"Well alright then. That better be your last glass for the night so you can sleep well. And tomorrow would be one of the best days of your life" sabi naman ni Wendy bago nakipag.fist bump kay Winter. Sumunod naman ding lumabas ng kwarto ang ibang kasama.






























It was the wee hours of the morning and while they're in the city that never sleeps, two people did did just that. They were on the roof top staring at the sky.

 

"I'm breaking up with you"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
555 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
711 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 678 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
12 streak #8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
12 streak #9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
12 streak #10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!