Welcome To Our World

Someday We'll Know

"Bro saan ko ilalagay itong mga box na ito?" Tanong ni Ryujin kay Winter habang binabalance ang mga dala niya.

 

"Jan na lang sa tabi ng pintuan. Bilisan mo bro, marami pa tayong kukunin sa baba" sagot naman ni Winter.

 

Tagaktak naman ang pawis ni Ryujin dahil kanina pa sila nagbubuhat. Random na naman kasing naisip ni Winter na bumili ng mga diapers, wipes at kung ano ano pang baby items. Pagkababa ni Ryujin ng mga dala niyang kahon ay inikot niya ang paningin sa loob ng kwarto at napailing na lang siya sa nakita. Halos maging stockroom na kasi ang supposedly baby room dahil sa dami ng gamit dito. Mga three years worth ng supply. When she checked even further, naka.arrange na ang iba dito per diaper size, per color ng damit, miski ang mga baby bottles and pacifiers ay matching din. Hindi rin nakaiwas sa tingin niya ang mga baby toys sa isang corner. 

 

"Bro. Baka mukhang kailangan niyo na magpagawa ng isa pang room or lumipat ng matitirhan. Hindi na kakasya ang mga gamit dito" hulas na sabi ni Ryujin paglabas niya ng kwarto.

 

"I know. Patapos na din naman yung pinapagawa kong bahay sa Forbes Park. Hindi alam yun ni Karina kaya huwag ka maingay" casual nitong sagot at napanganga na lang ang kaibigan.

 

 

 

 

 

Magkakasama naman sina Karina, Yeji, Ningning, Giselle, Lia at Yuna sa bagong pagawang coffee shop ng isa pa nilang kaibigan na si Chaeryeong. 

 

"Kelan pala ang soft opening niyo Chaer?" Tanong ni Yuna sa kaibigan nilang nasa likod ng counter.

 

"Gusto sana ni ate na next week na kaso baka hindi kayo makapunta kasi di ba due na ni Karina yun?" Sagot ni Chaeryeong habang nagpopour ng milk na may design.

 

"Ay hala oo nga pala!" Sagot naman ni Lia.

 

"Malapit na pala talaga natin makita si jellybean" sabi naman ni Ningning.

 

"Jellybean has a name na di ba?" Saad naman ni Giselle.

 

"Napakahaba naman kasi ng pangalan. Papahirapan pa nga magsulat" sabi naman ni Yeji.

 

"Kung gaano kaikli yung mga surname, ganun naman kahaba ng pangalan" dugtong naman ni Lia.

 

"Hey! Winter and I spent a lot of time thinking of those names" sabi naman ni Karina.

 

"Nako. Hindi sana mainis yung anak niyo sa inyo. Kasi kung ako yun, magtatantrums talaga ako sa tuwing isusulat ko ang pangalan ko" dagdag naman ni Ningning.

 

Nagtawanan lang ang magkakaibigan hanggang sa nadulas si Chaeryeong paglapit niya sa table, nagtawanan ang mga kaibigan at natahimik bigla si Karina.

 

"Ang clumsy mo talaga Chaer!" Asar pa ni Yuna na tinulungan naman tumayo ang kaibigan.

 

"!" Sabi ni Karina at napatingin ang lahat sa itsura nito. "I... I think my water just broke"

 

Agad agad namang kinuha ni Yeji ang cellphone niya sa lamesa at dinial ang number ni Winter.

 

 

 

 

 

Katatapos lang maiakyat nila Winter at Ryujin ang huling mga kahon na kanyang binili nang makatanggap siya ng tawag mula kay Yeji. Nabitawan pa niya ang hawak na baso at nabasag sa sink bago siya tumakbo sa kanilang kwarto. At paglabas ay nakapagpalit na siya ng damit at may bitbit ng bags. Na-gets naman kaagad ni Ryujin ang nangyari kaya tumayo na din kaagad siya at sumunod sa kaibigan lumabas na ng condo.

 

Aligaga pang pumasok ng sasakyan si Winter at nang makasakay na din si Ryujin sa sariling kotse ay agad na din silang umalis.

 

Malapit lang naman ng cafe mula sa condo kaya mga sampung minuto lang ay nakarating na sila. Nakaabang na naman sina Yeji at Giselle sa labas at inalalayan makasakay ng kotse si Karina. Si Ningning na ang tumabi kay Karina habang sa front seat naman umupo si Giselle at ang iba pang mga kaibigan nila ay kina Ryujin na sumakay.

 

"Jagi, are you alright there? May masakit ba? JB wait lang ha. Wag ka muna lalabas" sabi ni Winter as she looked at Karina thru the rear view mirror.

 

Natawa na lang si Karina sa pag-panic ni Winter kaya nahawa na din sina Ningning at Giselle.

 

"Calm down, jagi. JB and I are fine. Just focus on the road please" pagpapakalma nito.

 

And Winter did just that. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa hospital kung saan may nagaabang na din sa kanilang nurse na may dala ng wheelchair. Bumaba na kaagad si Winter at binuhat na si Karina at iniwan na niya kay Giselle at Ningning para i-park ang kotse. Dahan dahang pinaupo ni Winter si Karina sa wheelchair at tinulak na ng nurse ito tsaka sumunod si Winter.

 

Dinala na sa delivery room si Karina at pinagpalit ng damit at ganun din si Winter. Pagpasok ng doktor ay binati niya ang mag-asawa.

 

"Mukhang excited na kayong makita ni JB ha" sabi nito. Nakabuka na si Karina at may nakatakip na cloth sa lower part niya. Hawak naman ni Winter ang kamay ni Karina.

 

"Everything looks good Karina so all I need you to do is start pushing"

 

Karina starting pushing at humigpit lalo ang pagkapit niya kay Winter.

 

"Sige lang Karina, push!"

 

 

 

 

 

Nasa waiting area naman ang kanilang mga kaibigan. Natawagan na din ni Ryujin ang parents ni Winter to let them know that Karina is now in labor. 

 

"Gaano kaya katagal manganganak si Karina?" Tanong ni Lia.

 

"That really depends especially this is her first" sagot naman ni Giselle.

 

"May trauma na ata ako sa ospital. Yung huling beses na sumugod tayo sa ospital eh yung naaksidente pa si Karina" sabi naman ni Ryujin na hindi mapakali.

 

"Maganda naman ang kapalit na memory ngayon." Sabi naman ni Ningning.

 

"That's true. Soon makikita na natin si Jellybean" excited na sabi naman ni Yeji.

 

 

 

 

 

Hindi na maramdaman ni Winter ang kamay niya sa higpit ng kapit ni Karina sa kanya. Halos magtatalong oras na din kasi itong umiiri.

 

"You can do this jagi! I love you and JB so much!" Pagbigay suporta naman ni Winter.

 

"AAAAAAHHHHH!" Sagot naman ni Karina na pagod na pagod na.

 

"One big push, mommy. I can already see the head" sabi naman ng doktor.

 

Huminga ng malalim si Karina at umayos ng hawak kay Winter before she started pushing again. At hindi rin nagtagal ay umalingawngaw na sa loob ng delivery room ang isang iyak. Napasandal naman si Karina at nakahinga na din ng maluwag. 

 

Inasikaso naman kaagad ng mga nurse ang paglinis sa bagong sanggol at nang maiharap na nga sa kanila ay nahimatay naman si Winter.

 

"Jagiya!" Gulat na sabi ni Karina.

 

 

 

 

 

May sampong minuto din nawalan ng malay si Winter at nang magising na siya ay tinatawanan na lang siya ng asawa..

 

"Ang epic nun jagi!" Natatawang bati ni Karina.

 

Wala pa sa wisyo itong lumapit sa kama at lumaki ang ngiti ni Winter nang makita na niya ang batang nakadapa sa dibdib ni Karina.

 

"Is that..is that j...jellybean?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Winter.

 

Nilahad naman ni Karina ang isa niyang kamay na agad hinawakan ni Winter at hinila ito papalapit lalo sa kanya.

 

"Yes jagi. This is our son" sagot ni Karina ng nakangita ngunit naluluha na din.

 

Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Winter as their son smiled when she touched his tiny hand.

 

"Congratulations po ulit sa inyo. Baby Yu-Kim is very healthy, weighing at 4.5kg. We are just preparing the room then pwede na po kayo lumipat dun" sabi ng doktor bago nagpaalam sa magasawang hindi naman na talaga siya pinapansin at nakatuktok na sa kanilang anak. 

 

"D'you want to hold him, jagi?"

 

Mabilis naman tumango si Winter at tinulungan na nga ni Karina mailipat sa kanya ang anak. Ingat na ingat si Winter sa pagkarga sa kanilang anak pero hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

 

"Hi Declan Matthew Nicholas Stefan Yu-Kim. Welcome to our world. I'm your dada Winter. I love you so much!" Sabi ni Winter habang naluluha na ang mga mata. Pinanuod lang ni Karina ang first interaction ng kanyang asawa at anak at siya din ay hindi na napigilan ang maluha. She knows how strongly Winter wants to have her own child na siya din ang magdadala but unfortunately, something happened at hindi ito natuloy. 

 

Karina just watched Winter and their son interact and it melts her heart seeing how Winter's eyes twinkle by looking at their baby. 

 

 

 

 

 

Kakarating lang din ng parents ni Winter at sinalubong naman sila ng mga kaibigan ng dalawa sa labas ng lilipatang room ni Karina.

 

"Wala pa ba sila? Ang tagal naman. Gusto ko ng makita ang apo ko" dire.diretso sabi ni Taeyeon. 

 

Sakto namang tumunog ang elevator at lumabas ang mag-asawa. Tulak tulak ni Winter sa ang wheelchair na kinauupuan ni Karina. 

 

"Asan na ang apo ko?" Salubong na tanong ng nanay ni Winter.

 

"My, chill ka lang. Isusunod din si Declan sa room" sagot naman ni Winter. Pumasok na sila sa room at tinulungan munang makahiga sa kama ang asawa.

 

Lumapit na kaagad si Taeyeon at niyakap si Karina. "I'm so proud of you Karina. Thank you for being strong for you and my apo" halos naiiyak na sabi nito.

 

Hindi rin nagtagal at may kumatok sa pinto at binuksan naman ito ni Ryujin na pinakamalapit. Pumasok na ang nurse na tulak tulak ang bassinet at itinabi na sa kama. Dahan dahan niyang binuhat ang bata at inilagay sa kamay ni Karina.

 

"Congratulations po ulit Mrs. Yu-Kim!" nakangiting sabi ni nurse bago siya nagpaalam sa new parents at lumabas na din ng room. Inayos naman ni Winter ang pagkakasandal ni Karina sa kama at hinalikan ito sa noo kasunod ng noo ng kanilang anak. She then gave way para makita ito ng kanilang pamilya at nga kaibigan.

 

 

 

 

 

Muntik ng mag-away ang ilan sa mga kaibigan nila dahil ang usapan ay tig-five minutes lang ang pagbuhat sa unang inaanak nila kaso si Ryujin at Yeji, dahil daw best friends sila eh pwedeng mag-extend kaya naman nagtaray na sila Ningning at Giselle. Kakaalis lang kasi ng parents ni Winter kaya sila sila na lang magkakaibigan ang naiwan sa room.

 

"Best friend din ako ni Karina baka nakakalimutan mo Yeji" sabi ni Ningning sabay taas ng isang kilay.

 

"May sinabi ba akong hindi?" Sagot naman ni Yeji.

 

"Ang ayos ng usapan na five minutes lang ah" sabi naman ni Giselle.

 

"It's only been seven minutes, Gi. Wag kang OA!" Sagot naman ni Ryujin. At nagpatuloy lang silang apat.

 

Napamasahe na lang sa kanyang sentido si Winter at talagang ngayon pa naisipan ng mga kaibigan nila mag-away. Umiyak na din kasi si Baby Declan dahil nagulat sa mga ingay. Nagkatinginan sila ni Karina at nagkaintindihan ng gustong mangyare kaya naman ay tinakpan ni Karina ang isang tenga ng kanilang anak habang pinapa-feed niya ito.

 

"Isa pang reklamo hindi na namin kayo gagawin mga ninang" malakas at seryosong sabi ni Winter at natahimik naman agad ang apat na kaibigan. Pilit din naman pinipigilan nila Lia, Yuna, at Chaeryeong ang tawa nila sa itsura nila Ningning, Giselle, Ryujin at Yeji. Para kasi sila biglang mga batang pinapagalitan ng magulang at lahat nakayuko.

 

"Pwede naman kayo magusap ng hindi nagtataas ng boses. Pinaiyak niyo pa yung anak namin. Ganyang memory ba gusto niyong maalala niya?" At tuloy tuloy lang nag-salita si Winter.

 

Sanay na si Winter sa ganitong scenario na magbabangayan ang mga kaibigan pero hindi lang talaga niya nagustuhan na gagawin nila ito sa harap ng anak nila.

 

Nagbukas ng bibig si Ryujin at akmang may sasabihin.

 

"Wag ka ng magsalita, Joanne" huling sabi ni Winter bago ito nag-walk out. Karina just sighed sa nangyari. Alam niyang sumama talaga ang loob ng asawa. Kahit gusto niya pa itong sundan, hindi naman siya makakaalis ng kwarto at mas kailangan siya ng anak nila na nakatulog na din matapos mabusog ng gatas.

 

"Hayaan niyo na muna si Winter. Just let her cool her head. Babalik din yun agad" sabi ni Karina nang maglakad na papunta sa pintuan ang apat para sumunod kay Winter. 

 

Natakot din talaga si Ryujin dahil second time pa lang siyang matawag ni Winter sa second name niya. At yung unang beses nga ay grabe talaga ang sama ng loob ni Winter sa nangyari. Kaya alam niyang hindi basta basta ang inis nito sa kanila.

 

Hindi na lang muna aaminin ni Karina pero nalungkot siya sa turn of events. Kakapanganak lang niya at yung dapat happy and light mood ay napalitan ng ganito. Hindi na din katulad noon na kapag nag-bangayan yung apat eh they'll just wait kung sino unang tatawa kasi petty lang naman talaga yung reason. Usually din hindi nangingialam si Winter at sasabihin lang niyang 'malaki na yang mga yan' then just laugh it off. She knows her wife would not walk out like that kung hindi talaga sumama ang loob nito sa mga kaibigan.

 

 

 

 

 

Nakasalubong naman ni Winter sa hallway ang pinsan niyang si Irene na kasama ang kanilang anak na si Sage na nakapatong sa balikat ni Wendy.

 

"O san ka pupunta Minjeong?" Bati ni Irene. Hindi nakalagpas sa kanya ang salubong nitong kilay.

 

"May kukunin lang ako sa sasakyan" tipid na sagot nito sabay patuloy na naglakad.

 

Binaba na ni Wendy ang anak niya at inabot kay Irene bago humalik sa mag-ina niya at pinagbuksan ng pinto, kumaway saglit kay Karina at sinundan na si Winter. 

 

Naabutan niya itong nasa parking lot at nakasandal sa hood ng kotse. May hawak na itong yosi na hindi pa nakasindi.

 

"Bawal yan dito ah"

 

Napatingin naman kaagad si Winter kay Wendy.

 

"What happened?" 

 

Wintet just shrugged. 

 

"Your wife just gave birth, Minjeong. You should be there with her"

 

Huminga ng malalim si Winter bago binalik ang stick ng yosi sa box at humarap kay Wendy.

 

"My friends pissed me off, ate. Nag-away dahil lang sumobra sa pinagusapang oras sa pag-karga kay Declan sina Ryujin at Yeji kaya nabwiset si Ning at Gi. Parang tanga. Umiyak pa yung anak namin dahil ang ingay nila" 

 

Pinakinggan lang ni Wendy ang mga sinasabi ni Winter. At nang matapos ito ay bigla na lang siyang naiyak kaya kaagad din niyang niyakap at pinat ang likod.

 

Nang kumalma na si Winter ay inabutan niya ito ng panyo. "Okay ka na?" Simpleng tanong nito.

 

Huminga muna ulit ng malalim si Winter bago siya tumango. "Sumama lang po talaga loob ko kanina. This should be a happy day. We should be celebrating"

 

"I know naman and I perfectly understand where you're coming from. If any of Irene and I's friends did that, nako, kilala mo pinsan mo. F.O na talaga yun. Pero gets ko kung bakit ganyan nararamdaman mo. Alam kong marami kang iniisip pero...mas kailangan mong isipin na inaantay ka na ng asawa't anak mo. Kaya tara na"

 

It just now dawned on Winter na she did not just walk out of the room because of her friends, she left her wife and newborn there as well kaya naman tumakbo na siya pabalik ng ospital.

 

Pagpasok niya ng room ay nakahiga na sa bassinet si Declan at kinakausap ng pinsan nitong si Sage na buhat ng Irene. Kumakaen na kasi ng mga prutas si Karina. Lumapit kaagad ito sa asawa ay humalik at bumulong ng 'sorry'. Napangiti naman si Karina at sabay nilang pinanuod ang mag-pinsan.

 

 

 

 

 

Naalimpungatan si Karina ng bumukas ang pintuan ng room at pumasok ang isang hospital staff na may dala ng breakfast niya. Slight siyang nag-panic nang hindi nakita ang anak sa bassinet kung saan niya ito nilagay nang makatulog a few hours ago. Mabilis naman niya itong nakita na nakapatong sa chest ni Winter na parehas na mahimbing na natutulog sa katabi nitong upuan. Karina's heart melted at the sight kaya mabilis niyang kinuhaan ito ng ilang pictures. 

 

One of the things that she is scared of is the fact that she doesn't have any experience when it comes to taking care of a child. She may have younger cousins pero malaki na din ito when she met them. Even Winter, dahil siya ang bunso sa kanilang magpipinsan. May mga seminars naman silang inattendan where they were taught how to lalo at first time parents sila. Pero iba pa din talaga kapag totoong bata na ang aalagaan. She has a lot of worries kahit pa nung pinagbubuntis pa lang niya ang kanilang anak. Pero Winter never fails to reassure her na kakayanin nilang dalawa ang mga ito.

 

Mukhang hindi pa magigising any time soon ang anak niya dahil ang comfy ng pagkakapatong nito sa kanyang Dada Winter kaya naman pinilit na bumalik sa tulog muna si Karina.

 

 

 

 

 

When she woke up later, may araw na at ang bumungad naman sa kanya ay ang asawa't anak na nakadungaw sa bintana. She thought it was Winter's way na 'paarawan' ang anak nila which she thought was funny dahil hindi naman talaga ito naaarawan. Sadyang maliwanag lang sa labas at maganda ang weather. Dahan dahan siyang bumangon at kahit gusto man niyang lapitan ang dalawa ay masakit pa talaga ang katawan niya. Her slight movement made Winter look at her at hindi nakalagpas sa asawa ang itsura ni Karina.

 

"Jagi, magpahinga ka lang po muna jan. Are you hungry na po ba?" Winter asked as she walked back close to the bed.

 

"Medyo po" sagot ni Karina na umayos na nga ng pagkakasandal dahil nagising na din ang anak at for sure gutom na din ito. Dahan dahan naman inilipat ni Winter sa arms ng asawa si Baby Declan at parang automatic naman ang pag-latch ng labi nito nang maramdaman ang ng mommy niya.

 

Napangiwi ng kaunti si Karina dahil hindi pa din sanay sa pag-feed pero tiniis niya lang.

 

"Nag-message na ako kay Ate Irene kanina na 7AM ipadala ang breakfast natin. Wait na lang po natin ha"

 

Tumango naman si Karina. Tumabi naman si Winter sa kama dahil medyo malaki ito compared sa regular hospital beds at pinanuod lang nila ang kanilang anak.

 

"I can't figure out if he looks like me or you, jagi" sabi ni Winter.

 

"It's too early to say pero I hope he looks like both of us" sagot ni Karina.

 

"Pero I think he got your malagong buhok. I remember that one baby picture of yours na umiiyak sa isang seesaw nga ba yun?" Natatawang sabi ni Winter.

 

Naalala din naman ni Karina ito. "Pinagtripan kasi ata ako nun nila ate at kuya"

 

They were just watching as their baby sleep nang may kumatok sa pinto at pumasok si Irene at Wendy na buhat ang natutulog na anak. 

 

"Ang aga niyo naman ate" bati ni Winter na bumaba ng kama para tulungan ang pinsan sa mga dalang pagkaen.

 

"We stayed at your condo, di ba? Kaya ako na kumuha sa restau ng breakfast. Di pa din kami kumakaen kaya sasabay na kami"

 

Kinuha naman ni Winter ang anak at nilagay sa bassinet bago ayusin ang mga bento box. Nilapit na din niya ang rolling table sa bed at binuksan muna iti bago iabot sa asawa ang utensils. Pinahiga naman muna ni Wendy ang anak sa spare bed at kumuha na din ng food.

 

"Kelan ba uwi niyo?" Tanong ni Wendy.

 

"In three days pa ate. Hindi pa din kasi totally finished ang baby room sa condo" sagot ni Karina.

 

Nagtaka naman ang itsura nila Irene at Wendy. "Ha? Di ba may bago-" natigilan si Irene sa pagtuloy ng sasabihin nang makita ang pinsan na pasimpleng sumenyas sa kanya.

 

"Ano yun?" Takang tanong naman ni Karina kay Winter.

 

"Ah wala. Bagong baby crib. Bumili kasi ako kasama si Ryujin"

 

Irene and Wendy understood what she meant kaya hindi na sila nagsalita pa. The couple stayed until after lunch dahil ayaw pa umuwi ng anak nila na 'kinakausap' pa ang pinsan kahit hindi naman ito sumasagot. Pinatawag din kasi si Winter sa admissions para pirmahan ang birth certificate. 

 

 

 

 

 

-Secret Garden-

tataynaako: ready na ba lahat?

ninongnaako: all good bro. kayo na lang inaantay

prettyningnang: im soooo excitedddddd

oldmoneynang: what time ba kayo aalis ng hospital?

tataynaako: just waiting for the doctor then we can go na

ninangnaako: complete attendance na kami dito

richninang: *thumbs up*

tataynaako: see you guys

 

Nilagay na ni Winter ang phone niya sa pocket bago siya lumabas ng cr at kita niya ang mag-ina niyang nakadungaw sa bintana. Mabilis itong lumapit at yumakap from the back.

 

"Are you ready to go home jagi? Are you excited to meet the rest of the family jellybean?" Magkasunod na tanong ni Winter. 

 

Humarap naman si Karina kay Winter at napag-gitnaan nga ang anak nila na mulat na mulat. Marahang binigyan ni Winter ng halik si Baby Declan.

 

"We are dada" sagot ni Karina while using her baby voice.

 

Winter kissed her wife's lips after she said that. "I am so proud of you, jagi. For carrying our son all those months and for safely delivering him. It still saddens me that we never got to meet our Peanut but I am so thankful we have our Jellybean now. Declan, I love you as much as I love your Mama Karina. And I will do anything and everything to keep you both safe and happy all the time"

 

"And we love you more Dada"

 

While waiting for the doctor, the family took photos na lang muna. Malaki na ang nasakop sa memory ng phone storage ni Winter of pictures of their son and it's just been five days since he was born. 

 

 

 

 

 

Pinaupo na niya ng maayos ang mag-ina sa backseat bago siya pumunta sa driver's seat. She also sent a quick message sa secret group chat nila na paalis na sila ng ospital. 

 

Their condo was just really close from the hospital, probably 15-20 mins drive lang kaya naman takang taka si Karina kung bakit nilagpasan nila ito. Akala na lang ni Karina ay sa bahay nila Winter sa Quezon City sila pupunta pero nang pumasok na sila sa exclusive subdivision at kumaway lang ang security kay Winter kaya lalong nadagdagan ang pagtataka niya.

 

Winter stopped in front of a big purple gate at pagpatay nga ng makina ng kotse ay lumabas na din ito para buksan ang back seat. She helped Karina out bago niya kunin ang baby carrier kung saan mahimbing na natutulog ang anak nila. Pagka-lock ng sasakyan ay hinawakan naman ni Winter ang isang kamay ni Karina pero ilang steps lang ay natigil sa paglakad si Karina with a questioning look on her face.

 

"Jagi. Bakit tayo nandito? Kaninong bahay ito?" Seryosong tanong ng asawa.

 

Napangiti na lang si Winter. "Dito tayo pinadiretso eh" simple niyang sagot kaya nagtuloy na silang pumasok.

 

Malawak ang harapan ng bahay. May paikot itong driveway at may maliit na pabilog na fountain sa gitna. The front yard naman ay buhay na buhay with lots of plants near the wall at ang grass ay well maintained. May naaninag din siyang parang pool sa gilid. The columns in front of the house ay may pagka-griyego ang istilo at ang main door ay halatang gawa sa Oak wood. Hindi na sigurado si Karina paano niya pa idedescribe ang ibang parts ng nakita niya to think na hindi pa sila pumapasok ng bahay. Pero one thing she could say is, pinagisipan ng mabuti ang disenyo nito. Naalala niya tuloy yung mga designs ng bahay na nakita niya online. Way before pa sila ikasal ni Winter. In which she even jokingly said na ganun ang gusto niyang itsura ng bahay nila. Who would have thought na she would actually see a house like that in person.

 

And then Karina was hit with a sudden realization. Bago pa siya nakapagsalita ay bumukas na ang malaking pintuan and she was welcomed by their friends and family. Nagulat pa siya sa dami ng tao sa loob pero as she did a quick scan, kita niya na kahit pa marami ang bisita eh malaki pa din ang space sa living room.

 

Taeyeon asked everyone to give them space at para namang nag-ala-Moses ito at naging Red Sea ang mga tao nang mahati sa gitna ang crowd. The new parents then walked in the middle until they reached the main part of the living room. Binaba ni Winter sa malaking console table at kinuha ang anak sa loob. Inayos naman ni Karina ang damit ng anak bago sila humarap sa mga bisita. Para bang instant celebrity talaga si Baby Declan sa dami ng phones at cameras na nakatutok sa kanila. 

 

Matapos ang 'photo session' ay may mga pinamigay na kandila sa lahat ng guests at lumapit na ang pari kina Winter at Karina at nagbigay ng ilang salita bago sila nagsimula ang house blessing.

 

Karina didn't say anything yet pero gets na niya ang nangyayari. 

 

 

 

 

 

Matapos maikot ang two story house ay tinawag na sila sa dining area at after nila magdasal ng prayer before meals ay kanya kanya na ng atake sa pagkaen ang mga bisita kaya kinuha na ni Karina ang chance na iyon para kausapin si Winter. Nagpaiwan kasi sila sa master's bedroom at kinuha na muna ng lola niya si Baby Declan.

 

"Jagi. Why didn't you tell me?" Medyo teary eyed na tanong ni Karina.

 

"Then it wouldn't be a surprise anymore" nakangiting sagot ni Winter.

 

"But still... I ... I... I love you so much!" Yun na lang ang nasabi ni Karina.

 

Yumakap ng mahigpit si Karina kay Winter. Okay naman na talaga siya sa condo. Kaya nga din sinimulang i-renovate ang second room doon para yun ang magiging room ng anak nila. Ngayon lang din narealize ni Karina na kaya naman pala hindi ito matapos tapos dahil wala talagang balak tapusin ito ni Winter dahil may bahay na itong pinatayo. 

 

"When you started showing me those house designs a few years ago, I knew na I need to make it a reality. I wanted to make it real. Gusto ko din na may sarili tayong bahay. Mas malayang makakapaglaro si Declan sa garden. Maybe na-trauma lang din ako ng slight nung nasira yung elevator sa condo and you had a panic attack. This time, we wouldn't have to go through that and we can expand our family more"

 

Naiyak na lalo si Karina. Hindi niya inakalang tototohanin ni Winter ang pagpagawa ng bahay na kahit sinikreto niya ang ito ay lahat naman ng style na gusto niya ang nasunod. 

 

They stayed in each others embrace until someone knocked on the door.

 

"Are you guys decent?" Kilala na nila ang boses ng nagsalita kaya binuksan na ni Winter ang pinto at binatukan si Ryujin.

 

"Decent pa. Panira ka ng moment eh" sagot naman ni Winter. 

 

Hinihimas pa ni Ryujin ang ulo niya dahil medyo napalakas ang pagbatok sa kanya.."Pina-iyak ni... este... umiiyak na kasi si Declan kaya pinatawag na kayo ni tita"

 

Lumabas naman kaagad si Karina at dali daling bumaba ng hagdan.

 

Sumandal naman sa railings sa second floor ang mag-best friend at tumingin lang sa mga bisita sa baba. May ibang kumakaen pa, yung iba naman ay may mga sariling kwentuhan pero most of them ay nakapalibot kay Karina na nagbrebreastfeed sa anak na natatakpan ng isang cloth.

 

"How does it feel bro? May baby ka na ngayon" tanong ni Ryujin.

 

Huminga ng malalim si Winter. "I am ecstatic, bro. I mean, if you'd ask me ten years ago where I see myself in the future, I would definitely say being a well known music producer. I never even thought I'd find my person, you know? Meeting Karina was already one of the best things that happened to me. I never thought that seeing my son's face for the first time would surpass that"

 

Umakbay si Ryujin kay Winter. "Both of you would be great parents, bro. Hindi lang naman kayo ang magpapalaki sa kanya. Marami kaming susuporta at tutulong sa inyo"

 

 

 

 

 

Winter's mom stayed with them for the rest of the week. Masayang ginagampanan ni Taeyeon ang pagiging lola niya kaya naman lahat ng alam niyang paraan sa pag-alaga ng baby ay sinasabi niya kina Winter at Karina. 

 

"Dapat every two to three hours niyo pinapalitan ang diaper kasi pag tumagal baka magka-rashes. Ang puti puti pa naman ng apo ko. Hindi pwede yun!" Natatawang sabi ng nanay ni Winter habang pinapakita niya kung paano magpalit ng diaper ng maayos. Sa tuwing si Winter or Karina kasi ang gagawa eh umiiyak ang anak nila. Pero nung ang lola na ang gumawa ay tahimik lang ito at minsan pang ngumingiti. Nang matapos mapalitan ay binuhat na niya ang apo at hinele at sabay tulog.

 

"Babies would usually cry dahil gutom or may discomfort silang nararamdaman. They can't say it yet kaya you need to identify why. Mabilis lang din magutom ang newborns dahil easily digested lang ang milk kaya Karina, you need to intake more protein rich foods"

 

Puro tango na lang ang nagawa ng mag-asawa as they mentally take notes sa lahat ng sinasabi ni Taeyeon. Hindi naman nila itatanggi na nangangapa pa sila sa mga gagawin. Kaya laking pasalamat nila na kasama nila ang nanay ni Winter. 

 

"Best time ang 7-9 in the morning para paarawan ang bata. Hindi pa masakit ang sikat ng araw by that time. Sa gabi naman, sanayin niyo din na may kaunting ilaw siyang nakikita sa kwarto" dagdag pa nito. 

 

 

 

 

 

Dalawang linggo ang dumaan, unang gabi nila Winter at Karina na sila lang sa bahay. Taeyeon needed to go back to work na din kasi kaya naman pinagusapan na nila kung paano ang gagawin nila. Winter even made a schedule at pinakita ito kay Karina. While she was reviewing it, pinapa-burp naman ni Winter ang kanilang anak.

 

"Jagi? Bakit parang halos ikaw naman gagawa ng mga ito? Parang tatlong beses mo lang nalagay yung name ko dito" takang tanong ni Karina.

 

Declan made a cute burping sound kaya naman inayos na ni Winter ang pagkakakarga niya. "You've done so much na by carrying him all those months, jagiya. Ako naman ang kikilos ngayon"

 

"As parents, shared responsibility tayo when it comes to our son. I may have carried him but you also have been with us throughout the pregnancy, jagi"

 

"Mas mahirap pa din ang ginawa mo"

 

"Still. Basta hati tayo dito" Wala ng nasabi si Winter at hinayaan na iupdate ni Karina ang ginawa niyang schedule.

 

 

 

 

 

Nagising si Winter sa alarm ng phone niya sa bed side table. Inaantok pa talaga siya at halos dalawang oras pa lang ang tulog dahil nang umiyak si Declan kanina ay siya na ang nagpahele. She looked at her son who was also looking at her with a smile at hindi niya mapigilan na halikan ng marahan ang anak. Hinila niya ang baby mattress malapit sa kanya at una niyang chineck kung puno na ang diaper nito. When it was, kumuha na siya ng baby wipes at bagong diaper. 

 

She was making funny faces when she was changing her son's diaper kaya naman hindi ito umiiyak. A trick that her mother taught them. Nang mapalitan na niya ito ay binuhat na niya ang anak at lumapit sa side ng bed ni Karina at hinalikan ang noo ng asawa. 

 

"Papaaraw lang kami, jagi. Tulog ka lang muna jan. We love you" bulong nito bago lumabas ng kwarto at bumaba na para pumunta sa garden. 

 

May mga stone bench din kasi sa garden at sakto ang tutok ng araw dito kaya umupo na silang dalawa.

 

"This is going to be one of our bonding sessions ha, DM. Hayaan lang muna natin si mama na matulog kasi ang lakas mo mag-milk. You'll be doing this everyday with dada, okay?" Pagkausap ni Winter sa anak na akala mo eh makakasagot naman talaga. Well he did give his response with a bigger smile kaya naman kahit gusto siyang panggigilan ni Winter ay hindi nito magawa kasi sobrang liit pa niya.

 

When they had enough sun for the day ay bumalik na sila sa loob ng bahay. Hiniga niya sa baby rocker ang anak and made sure he is well strapped bago nita ito kinarga papunta sa kitchen para makapagtimpla siya ng coffee. Nag-play din siya ng music para maaliw ang anak. 

 

While waiting for the coffee to drip, kinakausap niya ulit ang anak.

 

"Who's the cutest baby? Who's the cutest baby? Of course, it's you DM. Who's the best mama? It's mama Karina. Who's the best dada? It's dada Winter" aliw niyang sabi sa anak na nginingitian lang siya at may unting pag-wave ng mga kamay. Nakatulong din kasi na talagang nagpapa-cute si Winter sa anak.

 

When her coffee was ready, she got her cup and sat in front of her son. "So where do you want to go today? Do you want to go to the park? Hmm. How about the museum? No?" Walang naging reaction ang anak niya sa mga pinagsasasabi niya. "Let's see. How about we go to mama's house in Zambales?" At biglang napangiti ulit ang anak niya katulad ng reaksyon nito kanina. "Alright. We'll just wait for mama to wake up, okay? This is going to be our first road trip as a family"

 

 

 

 

 

Some notes:

Almost a year before I was able to update but I am back. I'll be alternating updates for my stories so I'm not sure when the next chapter for this is. Chapters have been plotted but still far from done.

 

Declan Matthew Nicholas Stephan Yu-Kim, both Winter and Karina gave the first two names then added Nicholas to honor Karina's father, Nickhun and Stephan to honor Karina's mother, Stephan from Stephanie/Tiffany.

 

Moving forward, I'll be using Taeyeon instead of Erika since it's easier to envision Winter's mother with that name. 

 

Also, DM was born on the 27th of October. If you follow/read my other stories, you'll notice that I use that date often cause it's my birthday, so why not. 

 

And lastly, I would really love to see your comments.

 

Thank you to all the subscribers.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!